Se connecterAiden POV
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nina Ciara at napakunot ang noo ko dahil sa nadatnan.
Anong nangyari?
Mabilis akong bumaba at nagtanong sa isang pulis na nandoon. At sinabi niya sa akin ang nangyaring sunog. Agad akong nakaramdam ng kaba para kay Ciara lalo na noong sinasabi sa akin na dinala ito sa hospital.
Wala akong sinayang na oras at nagdrive papunta doon para malaman kung ano ang kalagayan niya. Nang makarating ako doon ay mabilis kung tinanong nurse at sinabi naman nito sa akin ang room number kung nasaan ito at mabilis akong tumakbo papunta doon.
Dahan dahan kung binuksan ang pinto sa pag aakalang tulog ito at ayaw ko naman ma istorbo pero napatigil ako ng makita kung nagyayakapan sila ni Dane, kaya hindi na lang ako tumuloy sa pagpasok.
Nakaramdam ako ng konting kirot dahil sa nakita ko. Kapag si Dane ang kasama niya komportable siya pero kapag ako ay lagi itong nakasinghal.
Life is so unfair, Ciara is unfair.
Halos tatlong araw din ang itinagal ni Ciara sa hospital, isang beses lang ako bumisita sa kanya noong wala si Dane dahil naiirita ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama.
At ngayon ay ang araw kung kailan madidischarge si Ciara. Gusto ko sana na ako na lang ang maghatid sa tutuluyan niya pero naunahan na naman ako ni Dane kaya wala akong nagawa kung hindi sundan na lang sila.
Naghintay na muna ako ng ilang minuto bago ko nakita si Dane na lumabas ng unit ni Ciara. Alam kung aalis agad ito dahil may pupuntahan sila ni Hunter kaya hindi siya pwedeng magtagal.
Nang tuluyan ng nawala sa paningin ko ang lalaking 'yon ay agad akong naglakad papunta sa unit ni Ciara at kumatok. Bakas ang gulat sa mukha nito ng makita ako.
"Ikaw pala Aiden, pasok ka." wika niya.
Sumunod naman ako at isinira ko ang pinto at sinundan siya sa sala.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ko.
Umiling naman ito. "Maayos naman na ako, medyo mahapdi lang itong mga natamo kung sugat."
"Good to hear that. Mabuti naman at hindi malala ang nangyari sa'yo." Saad ko pero napansin ko na parang wala ito sa kanyang sarili kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. "May problema ba? Tell me." Tanong ko.
"H-hindi kasi ako nag iingat. Kaya ang daming nadamay sa mga bahay sa pagiging pabaya ko." Pansin ko ang pagpiyok nito.
"Aksidente ang nangyari at walang may gusto no'n." Anas ko.
"Pero kasalanan ko pa din ang nangyari Aiden. Ang dami kung napinsala. Paano. . . Paano kung idemanda nila ako kapag hindi ko agad sila nabayaran? A-ayoko makulong."
"Stop saying that. Walang makukulong. Okay? Huwag mong istressin ang sarili mo. Kalalabas mo lang ng hospital."
"Paanong wala? Ang laki ng pera na kailangan ko. Kailangan ko pa ipaayos ang bahay dahil ayoko naman na alalahanin pa 'yon ni Kuya." Umiyak na ito.
Agad ko naman siyang niyakap. "Stop crying Ciara, huwag mo ng isipin 'yon at ako ng bahala na mag aayos ng lahat." anas ko.
Kumalas naman siya sa pagka kayakap ko at tiningnan ako. "P-pero paano?"
"Like what I said, let me handle it, don't think about it already. I'll pay and fix the damages. Okay?"
Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay at hinawakan ito to assure to her that everything will be alright. Mukhang dito muna ako mag iistay ngayon dahil alam kung hindi siya pwedeng maiwan na mag isa lalo na sa ganitong kalagayan.
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang muna ito, alam kung nakakatrauma ang nangyaring ito para sa kanya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng mapansin ko ang pagbigat ng kanyang paghinga at ng tiningnan ko ito ay mukhang nakatulog na.
Kinarga ko naman ito at ipinasok sa kwarto, ng mailapag ko siya sa kama ay binuksan ko ang aircon at nilagyan siya ng kumot.
Lumabas ako para tawagan ang kilala kung tao na pwede makatulong sa akin na maayos ang problema ni Ciara. At para siya na kakausap sa mga nadamay sa sunog.
Ciara POV
Nang magising ako ay agad kung nakita si Aiden na nakaupo sa upuan pero ang kanyang ulo ay nakahilig sa gilid ng kama ko. Mukhang nakatulog din ito sa pagbabantay sa akin.
Gusto ko man siyang gisingin para sana makaayos siya ng higa dito sa kama pero ayaw ko naman maistorbo ang tulog nito kaya hinayaan ko na lang at dahan dahan na bumangon at lumabas at umorder ng pagkain na kakainin namin. Hindi ko pa kasi kaya na magluto ulit sa kusina matapos ng nangyari.
Umupo na lang muna ako sa sala at nanood muna ng tv hanggang sa dumating ang mga pagkain.
"Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo ako ginising?" Napatingin ako kay Aiden ng bigla itong magsalita sa likuran ko.
"Mukha kasing pagod at puyat ka kaya hindi na kita inabala pa para makapagpahinga ka." Sagot ko sa kanya. "Gutom ka na ba? Nag order na ako ng pagkain." Dagdag ko pa.
Umupo naman ito sa tabi ko at sabay na kaming kumain. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin kaya nahihiya ako.
"Tungkol pala sa problema mo, may nakausap na ako para mag ayos no'n." Biglang utas nito.
"T-thank you so much Aiden." ngiting saad ko.
Nang matapos kaming kumain ay tinulungan niya akong magligpit. Ilang beses niya din ako pinaalalahanan na huwag kong pilitin ang sarili ko lalo na pagdating sa pagluluto dahil alam niyang sariwa pa ang nangyari kaya kung pwede ay umorder na lang muna ako o kaya dadalhan niya ako ng pagkain kapag pupunta siya.
"Aalis ka?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito. "I need to talk to someone. I'll be back later. Huwag mo na isipin ang nangyari ang mahalaga ay ligtas ka. Magpahinga ka na muna."
Namg tuluyan na siyang makaalis ay bumalik ako sa panonood ng n*****x. Wala naman akong ibang gagawin at tinatamad din akong lumabas kaya dito na lang ako sa condo.
Aiden POVMatapos ng pag uusap namin ni Hunter ay hindi na din ako nagtagal pa sa kompanya at umalis. Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa bar. Hindi ko naman pwede ayain si Hunter dahil may family dinner sila ngayon.Nang makarating ako sa bar ay agad akong umorder ng alak, marami nang mga tao lalo na’t friday ngayon. Habang umiinom ako ay biglang sumagi sa isipan ko si Ciara. Alam kung ilang beses na siyang pumupunta sa opisina, kahit sa condo at bahay ko pero hindi ko siya hinaharap at minsan naman ay natataon na wala ako. Mas mabuti na ako na lang ang umiwas kaysa masaktan ko pa siya lalo. Hindi pa akong handa na makipag usap sa kanya.I don’t want to hear any lies from her. I clearly saw everything, she don’t need to make a story,"Hi, handsome. I notice that you are alone. Is it okay if I accompany you?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng babae na lumapit sa akin.She's gorgeous at sexy, her clothes is way too
Linnea POVHindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot para sa kaibigan ko. Kilala ko siya bilang masiyahan kaya alam kung nasasaktan talaga siya ngayon. Kaya niyaya ko na lang muna siya na lumabas muna kami para maibsan naman ang pag iisip niya.Kahit na lagi pumupunta dito sa amin si Aiden wala naman siyang naikwekwento tungkol sa nangyayari sa kanila ni Ciara, marahil ay gusto niya na lang muna isarili ito. At mukhang wala din naman alam ang asawa ko dahil panigurado ay magsasabi ‘yon sa akin."Kalimutan mo na muna ang problema niyo ni Aiden, isipin mo muna ang sarili mo kahit ngayong araw lang. At saka mag ayos ka nga dahil halata na wala kang tulog ng ilang araw, sige ka at ipagpapalit ka talaga sa ibang babae kasi hindi ka na maganda.” biro ko sa kanya kaya hinampas ako nito sa balikat.“Ang kapal mo naman para sabihin na panget ako! Akala mo naman ay kinaganda mo na ‘yan.”"Ay hindi ba? Ang ganda at blooming ko nga, kaya patay na patay sa akin ang asawa ko." sagot ko sa k
Ciara POVNapasalampak ako sa sahig matapos marinig at mga katagang binitawan ni Aiden, gusto ko man siyang habulin pero wala akong lakas gawin ‘yon lalo na’t malinaw kung nakikita ang matinding galit sa kanyang mga mata. Alam kung gustong gusto niya akong saktan base sa pagkakakuyom ng kanyang kamao pero pilit niya itong pinipigilan.Alam ko sa sarili ko na wala kaming ginagawang masama ni Dane, kung sana ay nakikinig lang si Aiden sa paliwanag namin ay hindi kami aabot sa ganito. Alam kung iba ang tabil ng bibig nito lalo na kapag galit ito.Iyak lang ako ng iyak at umaasa na biglang bubukas ulit ang pintuan at babalik si Aiden, pero inabot na nang oras ay ni anino niya ay hindi ko nasilayan. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulog ako.Nang magising ako ay nakita kung halos alas dos na nang madaling araw. Agad na hinanap ng mga mata ko si Aiden pero wala ito sa tabi ko at doon ko lang napagtanto na hindi talaga ito umuwi. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ito pero ni isang be
Ciara POVIsang buwan na simula nang makabalik ako sa bahay namin at halos dito na din nakatira si Aiden dahil madalas siya dito magpunta at wala naman ‘yon problema sa akin at payag din naman ang kapatid ko para kahit paano daw ay may kasama ako kahit sinabi ko naman sa kanya na sanay na akong mag isa simula na nagtrabaho siya sa ibang bansa.Mag isa lang ako ngayon dahil may inasikaso si Aiden sa trabaho at baka gabihin na din ‘yon sa pag uwi. Ang alam ko ay may tinatapos sila ni Hunter kaya busy ang dalawang ‘yon.Habang nanonood ako ng netflix ay nakarinig ako nang nagdodoorbell sa labas. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon kaya hindi ko alam kung sino ‘yon. Ibinaba ko ang kinakain kung popcorn para tingnan kung sino ‘yon.Pagbukas ko noong gate ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dane. "Hey, long time no see. Pasok ka. Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka para nakapagluto sana ako." anas ko.“Okay lang, hindi mo naman kailangan pa mag abala at isa pa ay umorder
Ciara POVNatapos ang araw na masaya kaming nakapagbonding na magkakaibigan, dahil sa ngayon lang nagtugma ang mga schedule namin. Sa loob ng ilang buwan ay masasabi ko na mas nakilala ko pa si Aiden, hindi ko man masabi na kilalang kilala na pero kahit papaano ay nagagamay ko na ang pag uugali nito."Tired?" tanong ni Aiden sa akin habang nagmamaneho ito."Slight.” nginitian ko ito. “Pero okay lang naman kasi masaya ako na nagkaroon ulit tayo ng oras na magkakasama?” dagdag ko pa. Hindi pa sana kami uuwi dahil ang gusto ni Linnea ay doon na lang kami matulog pero ayaw pumayag ni Aiden kaya nga ito kinantyawan ni Hunter.“Kailan mo pala balak na bumalik sa bahay niyo?”“Sa susunod na araw, tutal maayos naman na ulit ang bahay. Bakit gusto mo na ba akong umalis?” tanong ko.Tinaasan ako nito ng kilay. “I didn’t say that! I’m just asking.” Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil halatang nainis ito.Hindi na ako nagsalita at sinandal ko ang ulo ko sa upuan dahil nakaramdam ako ng ant
Hunter POVNgayong araw ay nagpasya ang asawa ko na magsama sama kami dito sa bahay nila Ciara at Aiden na agad ko naman sinang ayunan. Masyado kaming naging busy kaya naging madalang ang pagkikita namin."Anong nangyari diyan sa kaibigan mo baby?" Tanong ko sa asawa ko ng makita kung hindi maipinta ang mukha ni Ciara na nakaupo. Ngayon ko lang napansin na nandito na sila dahil may kinuha ako sa taas.Mabilis na sinulyapan naman ng asawa ko ang kaibigan niya bago bumaling sa akin. "Baka nag away ang dalawa.""Yow Hunter, Linnea. Kumusta buhay?" Napatingin ako sa biglaang pagsulpot ni Aiden."Masaya pa din. Ikaw kumusta buhay mo ng may kasamang tigre?" pang aasar ko sa kanya.Nagkibit balikat na lang si Aiden at tumawa. "Ako na dito ang tutulong kay Hunter, puntahan mo na lang 'yung kaibigan mo na may topak." anas nito kay Linnea.Aiden POVMabilis na hinila ni Linnea si Ciara papunta sa pool area habang kami ni Hunter ay naiwan dito sa gilid para mag ihaw."What happened? Mukhang masa
Ciara POVNagising ako dahil sa tunog ng phone ko at nakita kung si Dane ang tumatawag."Hello Ciara?" "Ahm yes Dane? Kanina ka pa ba tumawag? Pasensya ka na tulog kasi ako." anas ko."Ngayon lang naman, nandito kasi ako sa labas ng unit mo."Napatayo naman ako ng wala sa oras at mabilis na pumunt
Aiden POV"Hoy Aiden anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" bungad ng kaibigan ko pagpasok ko pa lang sa kanyang opisina."I know you miss me." ngisi ko at umupo. "I need your help for Ciara." dagdag ko pa."You mean Ciara Hendrix?" Tumango naman ako."Anong tulong ba ang kailangan mo?" Aga
Aiden POVNapatingin ako sa relo ko at nakita kung mag aalas diyes na ng gabi. Kanina pa ako naiinis dahil anong oras na ay wala pa ang kikitain naming kliyente. Ramdam ko din ang pagkairita ni Hunter dahil kanina pa ito nagrereklamo at gusto na umuwi sa mag ina niya."Wala pa rin ba?" tanong ko ka
Aiden POVAfter what happened to us ay hindi ko na ulit nakita pa si Ciara, pansin ko din na iniiwasan niya ako sa tuwing nagkakataon na pupunta ako sa bahay nina Hunter at nandoon siya. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa Cafe na pagmamay ari nito."Good morning Sir, how can I help you?" Bungad s







