Share

Chapter 15

Author: Reynang Elena
last update publish date: 2026-04-27 00:18:48

Aiden POV

Matapos ng pag uusap namin ni Hunter ay hindi na din ako nagtagal pa sa kompanya at umalis. Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa bar. Hindi ko naman pwede ayain si Hunter dahil may family dinner sila ngayon.

Nang makarating ako sa bar ay agad akong umorder ng alak, marami nang mga tao lalo na’t friday ngayon. Habang umiinom ako ay biglang sumagi sa isipan ko si Ciara. Alam kung ilang beses na siyang pumupunta sa opisina, kahit sa c
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 15

    Aiden POVMatapos ng pag uusap namin ni Hunter ay hindi na din ako nagtagal pa sa kompanya at umalis. Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa bar. Hindi ko naman pwede ayain si Hunter dahil may family dinner sila ngayon.Nang makarating ako sa bar ay agad akong umorder ng alak, marami nang mga tao lalo na’t friday ngayon. Habang umiinom ako ay biglang sumagi sa isipan ko si Ciara. Alam kung ilang beses na siyang pumupunta sa opisina, kahit sa condo at bahay ko pero hindi ko siya hinaharap at minsan naman ay natataon na wala ako. Mas mabuti na ako na lang ang umiwas kaysa masaktan ko pa siya lalo. Hindi pa akong handa na makipag usap sa kanya.I don’t want to hear any lies from her. I clearly saw everything, she don’t need to make a story,"Hi, handsome. I notice that you are alone. Is it okay if I accompany you?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng babae na lumapit sa akin.She's gorgeous at sexy, her clothes is way too

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 14

    Linnea POVHindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot para sa kaibigan ko. Kilala ko siya bilang masiyahan kaya alam kung nasasaktan talaga siya ngayon. Kaya niyaya ko na lang muna siya na lumabas muna kami para maibsan naman ang pag iisip niya.Kahit na lagi pumupunta dito sa amin si Aiden wala naman siyang naikwekwento tungkol sa nangyayari sa kanila ni Ciara, marahil ay gusto niya na lang muna isarili ito. At mukhang wala din naman alam ang asawa ko dahil panigurado ay magsasabi ‘yon sa akin."Kalimutan mo na muna ang problema niyo ni Aiden, isipin mo muna ang sarili mo kahit ngayong araw lang. At saka mag ayos ka nga dahil halata na wala kang tulog ng ilang araw, sige ka at ipagpapalit ka talaga sa ibang babae kasi hindi ka na maganda.” biro ko sa kanya kaya hinampas ako nito sa balikat.“Ang kapal mo naman para sabihin na panget ako! Akala mo naman ay kinaganda mo na ‘yan.”"Ay hindi ba? Ang ganda at blooming ko nga, kaya patay na patay sa akin ang asawa ko." sagot ko sa k

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 13

    Ciara POVNapasalampak ako sa sahig matapos marinig at mga katagang binitawan ni Aiden, gusto ko man siyang habulin pero wala akong lakas gawin ‘yon lalo na’t malinaw kung nakikita ang matinding galit sa kanyang mga mata. Alam kung gustong gusto niya akong saktan base sa pagkakakuyom ng kanyang kamao pero pilit niya itong pinipigilan.Alam ko sa sarili ko na wala kaming ginagawang masama ni Dane, kung sana ay nakikinig lang si Aiden sa paliwanag namin ay hindi kami aabot sa ganito. Alam kung iba ang tabil ng bibig nito lalo na kapag galit ito.Iyak lang ako ng iyak at umaasa na biglang bubukas ulit ang pintuan at babalik si Aiden, pero inabot na nang oras ay ni anino niya ay hindi ko nasilayan. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulog ako.Nang magising ako ay nakita kung halos alas dos na nang madaling araw. Agad na hinanap ng mga mata ko si Aiden pero wala ito sa tabi ko at doon ko lang napagtanto na hindi talaga ito umuwi. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ito pero ni isang be

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 12

    Ciara POVIsang buwan na simula nang makabalik ako sa bahay namin at halos dito na din nakatira si Aiden dahil madalas siya dito magpunta at wala naman ‘yon problema sa akin at payag din naman ang kapatid ko para kahit paano daw ay may kasama ako kahit sinabi ko naman sa kanya na sanay na akong mag isa simula na nagtrabaho siya sa ibang bansa.Mag isa lang ako ngayon dahil may inasikaso si Aiden sa trabaho at baka gabihin na din ‘yon sa pag uwi. Ang alam ko ay may tinatapos sila ni Hunter kaya busy ang dalawang ‘yon.Habang nanonood ako ng netflix ay nakarinig ako nang nagdodoorbell sa labas. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon kaya hindi ko alam kung sino ‘yon. Ibinaba ko ang kinakain kung popcorn para tingnan kung sino ‘yon.Pagbukas ko noong gate ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dane. "Hey, long time no see. Pasok ka. Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka para nakapagluto sana ako." anas ko.“Okay lang, hindi mo naman kailangan pa mag abala at isa pa ay umorder

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 11

    Ciara POVNatapos ang araw na masaya kaming nakapagbonding na magkakaibigan, dahil sa ngayon lang nagtugma ang mga schedule namin. Sa loob ng ilang buwan ay masasabi ko na mas nakilala ko pa si Aiden, hindi ko man masabi na kilalang kilala na pero kahit papaano ay nagagamay ko na ang pag uugali nito."Tired?" tanong ni Aiden sa akin habang nagmamaneho ito."Slight.” nginitian ko ito. “Pero okay lang naman kasi masaya ako na nagkaroon ulit tayo ng oras na magkakasama?” dagdag ko pa. Hindi pa sana kami uuwi dahil ang gusto ni Linnea ay doon na lang kami matulog pero ayaw pumayag ni Aiden kaya nga ito kinantyawan ni Hunter.“Kailan mo pala balak na bumalik sa bahay niyo?”“Sa susunod na araw, tutal maayos naman na ulit ang bahay. Bakit gusto mo na ba akong umalis?” tanong ko.Tinaasan ako nito ng kilay. “I didn’t say that! I’m just asking.” Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil halatang nainis ito.Hindi na ako nagsalita at sinandal ko ang ulo ko sa upuan dahil nakaramdam ako ng ant

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 10

    Hunter POVNgayong araw ay nagpasya ang asawa ko na magsama sama kami dito sa bahay nila Ciara at Aiden na agad ko naman sinang ayunan. Masyado kaming naging busy kaya naging madalang ang pagkikita namin."Anong nangyari diyan sa kaibigan mo baby?" Tanong ko sa asawa ko ng makita kung hindi maipinta ang mukha ni Ciara na nakaupo. Ngayon ko lang napansin na nandito na sila dahil may kinuha ako sa taas.Mabilis na sinulyapan naman ng asawa ko ang kaibigan niya bago bumaling sa akin. "Baka nag away ang dalawa.""Yow Hunter, Linnea. Kumusta buhay?" Napatingin ako sa biglaang pagsulpot ni Aiden."Masaya pa din. Ikaw kumusta buhay mo ng may kasamang tigre?" pang aasar ko sa kanya.Nagkibit balikat na lang si Aiden at tumawa. "Ako na dito ang tutulong kay Hunter, puntahan mo na lang 'yung kaibigan mo na may topak." anas nito kay Linnea.Aiden POVMabilis na hinila ni Linnea si Ciara papunta sa pool area habang kami ni Hunter ay naiwan dito sa gilid para mag ihaw."What happened? Mukhang masa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status