Share

Chapter 6

Author: Reynang Elena
last update Last Updated: 2025-11-30 22:06:43

Ciara POV

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko at nakita kung si Dane ang tumatawag.

"Hello Ciara?"

"Ahm yes Dane? Kanina ka pa ba tumawag? Pasensya ka na tulog kasi ako." anas ko.

"Ngayon lang naman, nandito kasi ako sa labas ng unit mo."

Napatayo naman ako ng wala sa oras at mabilis na pumunta ng pinto para buksan siya. "Kanina ka pa ba?" tanong ko.

"Hindi naman, kakarating ko lang din."

"Pasok ka." pagyaya ko sa kanya at sinara ang pinto. "Bakit ka nga pala napunta?" dagdag tanong ko.

"Gusto ko lang sana itanong kung may ginagawa ka? Yayain sana kita lumabas."

"Date ba 'yan?" pagbibiro ko at tumawa naman ito.

"Mga kalokohan mo talaga kahit kailan."

"Hintayin mo lang ako at magbibihis lang ako saglit."

Bumalik na ako sa kwarto para magbihis, mas mabuti ng lumabas labas muna ako para mawala ang stress ko at makalanghap naman ako ng sariwang hangin galing sa labas.

Ilang minuto lang ang pag aayos na ginawa ko at lumabas na, nakakahiya naman kasi kay Dane kung paghihintayin ko siya ng matagal.

Nagpasya na lang kami sa pumunta sa mall para mag ikot ikot dahil may kailangan din akong bilhin at doon na din kami kumain.

Masayang kasama si Dane, kung tutuusin ay may pagkapilyo din pala ang isang 'to. Noong una kasi ay akala ko masungit din ito kagaya ni Hunter pero mabait naman pala.

Ang dami namin napag usapan na dalawa kaya masasabi ko na mas naging close pa kami. Hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa aking relo at nakita ko ang oras. Sigurado akong nandoon na si Aiden at tiyak malalagot na naman ako sa lalaking 'yon.

"Dane, I think we need to go home now." Anas ko sa kanya.

Tumango naman ito. "Hindi ko namalayan ang oras at gabi na pala. Ihahatid na kita."

Aiden POV

Inis na inis ako noong tumawag si Hunter na ako na muna ang makipagkita sa isang kliyente. Hanggang ngayon ay mainit pa din ang ulo niya dahil sa nangyaring noong huling transaksyon namin at isa pa ay hindi pa sila nagkakaayos na mag asawa dahil nagtampo si Linnea noong araw na 'yon dahil sa late ito nakauwi.

Hindi ko nagawa pang magpaalam kay Ciara kanina dahil tulog ito at ayaw ko naman itong gisingin.

Agad kung nakita ang isang babae noong makarating ako sa lugar na sinabi ni Hunter. Mukhang ito ang kliyente namin kaya dumiretso na ako sa gawi nito at sabay lang kaming nagbatian.

Halos ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din namin napag uusapan ang tungkol sa proposal dahil ang dami lang paligoy ligoy ng babaeng ito.

"Can we talk about your proposal now?" Seryosong saad ko.

"Are you in hurry Mr. Knight?"

"I am a busy person, so business is business." sagot ko at mukhang naintindihan niya naman ito.

Halos isang oras bago kami natapos sa pag uusap.

"If you have time, let's go out soon." ani niya ng tumayo na ako.

"A girl asking for a date huh?" I said.

"Yes I am."

"I'll think about it." sagot ko at tuluyan ng nagpaalam sa kanya.

She's a straightforward woman but I don't trust her.

Nang makasakay na ako sa sasakyan ay tinawagan ko si Ciara para sana itanong kung ano ang gusto niyang pagkain para mabili ko na pero hindi ito sumasagot.

Is she still sleeping? Anong oras na ah.

Pagpasok ko sa unit ay kumunot ang noo ko. Wala akong marinig o makitang bakas ni Ciara. Ang tahimik ng buong paligid. Dumiretso ako sa kanyang kwarto para silipin kung tulog pa ba ito pero walang tao doon.

Nagtimpla na lang ako ng kape at saka tumambay sa sala para hintayin ito. Baka lumabas lang o may binili. Pero ilang oras na ang lumipas at hindi pa din ito bumabalik. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi sumasagot kaya nakaramdam ako ng inis.

Napatayo ako ng marinig kung bumukas ang pinto, magsasalita na sana ako ng makita kung hindi lang nag iisa si Ciara kung hindi ay kasama niya si Dane. So itong lalaking 'to pala ang kasama niya kaya hindi niya man lang magawang sagutin ang tawag ko?

Kinuyom ko ang mga palad ko sa labis na galit na nararamdaman at alam kung sa sarili ko na hindi ko ito makokontrol, ayaw kung may ibang humahawak kay Ciara at dapat ay ako lang. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinila si Ciara sa tabi ko.

Nakita ko ang pag iba ng itsura ni Dane, mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa kung paghila kay Ciara pero wala akong pakialam sa kanya.

"What's your problem Aiden?" galit na tanong ni Dane sa akin.

"Wala akong problema. Bakit ikaw meron ba?" Madiin na wika ko.

"Dane, umuwi kana muna. Mag usap na lang tayo bukas. Salamat sa araw na 'to." Singit ni Ciara.

"Sigurado ka?" Mahinahon na saad ni Dane.

Tumango naman si Ciara kaya sa huli ay wala itong nagawa kung hindi ang umalis.

Nang makaalis si Dane ay naglakad agad papasok sa kwarto si Ciara kaya sinundan ko ito. Nakita ko siyang didiretso sa kanyang kama kaya hinila ko siya paharap sa akin.

"Ciara –-"

"Stop Aiden! Stop being childish!" sigaw niya sa akin. "Stop acting that you own me Aiden! Hindi porke't may utang na loob ako sa'yo ay may karapatan ka ng kontrolin ako. Hindi mo ako pagmamay ari at mas lalong hindi ako laruan!" Dagdag pa nito.

"Huwag mong inuubos ang pasensya ko Ciara. Hindi sa lahat ng oras ay magiging mabait ako." seryosong turan niya.

Kita ko sa kanyang mata ang labis na kaba at akmang sasagot pa sana ito ng mabilis kung tawirin ang pagitan namin at walang pasabi na hinalikan ko siya at pagkatapos ay tinulak  sa kama dahilan para mapahiga siya. Sinubukan niyang bumangon pero hindi niya magawa dahil sa pagpigil ko sa kanya.

"What are you doing to do Aiden? Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo!"

"Kaya pala ni isa sa mga tawag ko ay hindi mo magawang sagutin dahil kasama mo ang lalaking 'yon? Unbelievable!" Madiin na turan ko.

"Ano bang kinagagalit mo? Wala kaming ginagawang masama. Lumabas lang kami." Paliwanag nito.

"I don't share what's mine Ciara. Put that in your mind." Pagkatapos kung sabihin 'yon ay naglakad na ako papunta sa pinto at pabalibag ko itong isinara.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 10

    Hunter POVNgayong araw ay nagpasya ang asawa ko na magsama sama kami dito sa bahay nila Ciara at Aiden na agad ko naman sinang ayunan. Masyado kaming naging busy kaya naging madalang ang pagkikita namin."Anong nangyari diyan sa kaibigan mo baby?" Tanong ko sa asawa ko ng makita kung hindi maipinta ang mukha ni Ciara na nakaupo. Ngayon ko lang napansin na nandito na sila dahil may kinuha ako sa taas.Mabilis na sinulyapan naman ng asawa ko ang kaibigan niya bago bumaling sa akin. "Baka nag away ang dalawa.""Yow Hunter, Linnea. Kumusta buhay?" Napatingin ako sa biglaang pagsulpot ni Aiden."Masaya pa din. Ikaw kumusta buhay mo ng may kasamang tigre?" pang aasar ko sa kanya.Nagkibit balikat na lang si Aiden at tumawa. "Ako na dito ang tutulong kay Hunter, puntahan mo na lang 'yung kaibigan mo na may topak." anas nito kay Linnea.Aiden POVMabilis na hinila ni Linnea si Ciara papunta sa pool area habang kami ni Hunter ay naiwan dito sa gilid para mag ihaw."What happened? Mukhang masa

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 9

    Aiden POVAnother month passed at masasabi ko na mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa ni Ciara. Alam ko sa sarili ko na may iba na akong nararamdaman para sa kanya pero pilit ko itong iwinawaksi sa aking isipan. Maaga akong nagising para makapagluto ng almusal namin, hindi na ako nag abala pang gisingin si Ciara dahil ang himbing ng tulog nito.Pagkatapos kung magluto ay inayos ko na ito sa dining dahil alam kung mayamaya ay gising na siya at hindi nga ako nagkamali ng marinig kung nagbukas ang pinto ng kwarto."Gising kana pala, umupo kana at kumain." saad ko sa kanya."Nag abala ka pang magluto, sana ginising mo na lang ako." bulalas niya naman ng makaupo ito."Pagkatapos mong kumain ay maligo kana at magbihis." utos ko sa kanya."Bakit? Anong meron?" tanong niya."May pupuntahan tayo." maiksing sagot ko."At saan naman 'yon?" "Basta, huwag ka na maraming tanong at kumain na lang." anas ko.Ng matapos na kaming kumain ay ako na ang nagligpit dahil kailangan niya pang mal

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 8

    Aiden POVMag aalas kwatro pa lang ng hapon pero nakipagkita na ako kay Alexandra para maagang matapos ang kung ano mang kailangan niya at ng makauwi na ako agad.At dahil masama daw ang pakiramdam niya kaya napagdesisyunan naming sa bahay niya na lang kami magkikita at pabor naman 'yon sa akin dahil hindi masyadong malayo."Ihahatid ko na lang po kayo sa pool area dahil nando'n si Ma'am Alexa," anas ng isang kasambahay nang makarating ako.Nakita ko agad ang sadya ko na prenteng nakaupo at iniinom ang hawak niyang juice. Napatingin naman ito sa akin. "Oh you're already here.""Yes I am, so we need to go straight to our business. Para matapos na agad tayo at may pupuntahan pa ako." kako sa kanya."Sure, but before that I prepared a drink for you. Uminom ka na muna."Kung titingnan mo si Alexandra ay maganda ito, lalo na ang kanyang pangangatawan ay hindi maipagkakaila na may hubog. Pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mahulog sa bitag niya dahil alam kung nilalandi niya ako."As

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 7

    Aiden POVLumabas na ako ng kwarto dahil ayaw ko ng makipagtalo pa kay Ciara at baka may magawa pa ako na pagsisihan ko sa huli lalo na at hindi ko minsan ma kontrol ang sarili ko kapag galit ako.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng galit ng makita ko silang dalawa na magkasama kahit na wala naman kaming relasyon ni Ciara. Pumunta ako sa balcony para magpahangin. Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kung si Hunter ang tumatawag."Oh napatawag ka? Miss mo na ako agad?" bungad ko pagka sagot ko."Masyadong makapal ang mukha mo para sabihin 'yan sa akin. Hindi ka ba pupunta dito sa bahay?""Bakit? Anong trip na naman ng asawa mo?" pang aasar ko."Hindi si Linnea kung hindi itong bubwit!"Natawa naman ako. "Huwag mo na akong idamay diyan. Kaya niyo na 'yang mag asawa. Nakakapagod kaya 'yang anak niyo." ani ko sa kanya."Ulol! Ang sabihin mo ay ayaw mo lang umalis diyan sa tabi ni Ciara!""Pinagsasabi mo?" Anas ko.Narinig ko naman ang m

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 6

    Ciara POVNagising ako dahil sa tunog ng phone ko at nakita kung si Dane ang tumatawag."Hello Ciara?" "Ahm yes Dane? Kanina ka pa ba tumawag? Pasensya ka na tulog kasi ako." anas ko."Ngayon lang naman, nandito kasi ako sa labas ng unit mo."Napatayo naman ako ng wala sa oras at mabilis na pumunta ng pinto para buksan siya. "Kanina ka pa ba?" tanong ko."Hindi naman, kakarating ko lang din.""Pasok ka." pagyaya ko sa kanya at sinara ang pinto. "Bakit ka nga pala napunta?" dagdag tanong ko."Gusto ko lang sana itanong kung may ginagawa ka? Yayain sana kita lumabas.""Date ba 'yan?" pagbibiro ko at tumawa naman ito."Mga kalokohan mo talaga kahit kailan.""Hintayin mo lang ako at magbibihis lang ako saglit."Bumalik na ako sa kwarto para magbihis, mas mabuti ng lumabas labas muna ako para mawala ang stress ko at makalanghap naman ako ng sariwang hangin galing sa labas.Ilang minuto lang ang pag aayos na ginawa ko at lumabas na, nakakahiya naman kasi kay Dane kung paghihintayin ko siya

  • Wrath of Aiden Knight   Chapter 5

    Aiden POV"Hoy Aiden anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" bungad ng kaibigan ko pagpasok ko pa lang sa kanyang opisina."I know you miss me." ngisi ko at umupo. "I need your help for Ciara." dagdag ko pa."You mean Ciara Hendrix?" Tumango naman ako."Anong tulong ba ang kailangan mo?" Agad kung ikwenento sa kanya ang nangyari."Now I get it. Kumusta naman siya? I hope she's okay. Hindi biro ang nangyari sa kanya at sigurado akong magkakaroon siya ng trauma.""Nakalabas na siya ng hospital. Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari sa kanya." Saad ko."Hindi kita tatanggihan sa hinihingi mong tulong. Alam ko naman na hindi mababawasan 'yang kayamanan mo dahil sisiw lang sa'yo ang magbayad. Ako na mismo ang pupunta sa bahay nila para matingnan ko ang kung ano dapat na ayusin at baguhin.""Salamat pre, maasahan ka talaga." saad ko."Pero bakit mo siya tinutulungan? Kaano ano mo si Ciara?"Nagkibit balikat naman ako dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status