Share

Writings of Kybelle (Tagalog)
Writings of Kybelle (Tagalog)
Penulis: ailabyrinth

001: Wildest Dreams

Penulis: ailabyrinth
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-29 23:44:51

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.

Umaga na pala.

Ang bilis naman!

Kakatulog ko pa lang kanina.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nahihirapan ako dahil namamaga pa ito galing sa matinding pag-iyak ko kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Kahit hanggang ngayon ay gugustuhin ko na lang na umiyak pa dahil hindi naman nawawala 'yung sakit na nararamdaman ko.

Minsan nga naiisip ko na baka superhero talaga ako o kaya naman ay sorcerer dahil may kapangyarihan akong umiyak ng umiyak.

Kaya kong umiyak sa loob ng buong isang araw ng hindi napapagod kakaluha at kakangawa.

Naisip ko na din ang magiging pangalan ko kung sakaling superhero nga ako.

Crybelle.

Gusto ko pa sanang matulog pero nagdesisyon na lang akong bumangon para isara ang bintana ng kwarto ko at maligo.

Pero pakiramdam ko maling desisyon itong ginawa ko.

Kunsabagay, kahit anong desisyon naman kasi ang gawin ko pakiramdam ko ay mali, except sa isang grupo. Bukod kasi sa journmates ko ay lahat na ng tao sa paligid ko ay palaging ipinaparamdam sa'kin na wala akong halaga lalo na ang sarili kong pamilya.

Isa akong failure at walang nagagawang tama... pero sanay na ako dito, ano pa bang bago?

Muling tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng tubig galing sa shower.

Nagtagal pa ako ng isang oras sa paliligo dahil pinilit ko pa ng ilang beses ang sarili kong tumahan.

Nagpawala na din muna ako ng mugto sa mga mata kasabay ng hindi na mabilang na buntong hininga.

Pagkalabas ko ng kwarto ay mas lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ko.

Nakayuko akong kumuha ng plato, kutsara, tinidor at naupo sa lamesa na malayo sa kanilang nagtatawanan at kumuha ng pagkain.

"Hahahaha, ma ano ba tama na hahahahaha panalo ka na hahahahaha." pagtawa ng kapatid ko na halos hindi na makahinga.

"Ano, aasarin mo pa akong dinosaur?" sabi ni mama na patuloy lang sa pagkiliti kay Kyrine, ang nakababata kong kapatid.

"Hindi na ma ang ganda mo na po hahahahahaha!" patuloy na pagtawa pa nito.

"Tigilan niyo na ang harutan at nasa harap tayo ng hapag." pagsuway ni papa sa kanilang dalawa. Sinunod nga nila ito dahil ngayon ay kumakain na silang tatlo.

Ganito ang kwento ng buhay ko sa loob ng mahabang panahon.

Walang pagbati o kahit paglingon man lang kahit isa na galing sa miyembro ng pamilya ko na tila ba isa akong hangin.

"Ma, may bagong labas na model 'yung acer ngayon. Bili mo'ko bagong laptop sira na laptop ko 'e." sabi bigla ni Kyrine.

"Oo nga ma, bilhan mo din pala ako ng bagong mga polo shirts." sabi naman ni papa.

"Oh sige Kyrine magsshopping tayo pagkatapos nating kumain. Sasabay na tayo sa papa mo sa kotse." pag sang-ayon naman agad ni mama.

"Ihahatid ko na kayo sa mall bago ako dumiretso sa opisina." ani papa.

Aalis na naman sila?

Napailing na lang ako at binilisan na lang ang pagkain para hindi na marinig pa ang mga pinag-uusapan nila.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto ko at dumapa sa kama, tumihaya, at nagtakip ng unan sa mukha.

Hindi ako mapakali dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nandito na naman ako sa punto na pakiramdam ko mababaliw na ako.

Nagbuntong hininga ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumakas magmula sa mga mata ko.

Ngunit tinaydor lang nila akong muli hanggang sa puro hikbi na naman ang narinig sa buong silid.

Hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako dahil sa katok na nanggaling sa pinto.

"Ate?" tawag ni Kyrine.

Napakunot ako ng noo.

Bakit niya ako tinatawag?

"Ate papasok na ako ah?" muli siyang nagsalita.

Pagkapasok niya ay umupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatalikod ako sa kan'ya.

Mas nagulat ako sa susunod niyang sinabi.

"Ate pwede mo ba akong tulungan dito sa assignment ko? May pinuntahan kasi sila mama at papa 'e." sabi niya.

Hindi ako sumagot o gumalaw man lang.

"Ate sige na naman oh! Hindi ko kasi masyadong gets kasi english, ikaw magaling 'dun 'e." pamimilit pa niya.

"First subject ko kasi 'to bukas." dagdag pa niya.

Ganito ba talaga sila? Kakausapin lang ako kapag may kailangan? Kapag no choice na?

Nangilid ang luha ko.

Narinig ko siyang tumayo at nakita ko sa peripheral vision ko na palabas na siya ng pinto.

Agad kong pinunas ang mga luha ko at humarap.

"Kyrine." pagtawag ko.

Paglingon niya ay tumayo ako at inilabas ang upuan sa study table ko at sinenyasan siyang umupo.

Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya at nagtungo na sa lamesa.

Nag-ayos na muna ako ng sarili bago ako lumapit sa kaniya.

"A-ano bang hindi mo maintindihan sa lesson niyo?" tanong ko sa mahinang boses.

Hindi ko yata kaya 'to.

Awkward.

"Gumawa kasi ako ng essay tapos hindi ako tiwala sa grammar ko. Nalilito pa din ako kung paano gamitin sa tama 'yung mga bantas." paliwanag niya.

Kinuha ko ang papel niya at binasa ang nakasulat.

Lose in you're taughts.

'Yan ang nakasulat sa title.

Napataas ako ng kilay.

"Lose in you're... what's this? Thoughts?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Mali ang spelling. T-H-O-U-G-H-T-S dapat. Maging maingat ka diyan kasi isang letra lang ang mawala sa salita, mag-iiba na ang meaning niyan. Walang salitang "taughts" pero ang "taught" ay past participle ng "teach" while "thoughts" is past participle naman ng "think". Ito ding "lose" ay dapat past participle which is "lost". Kapag sinabi namang "you're" ang ibig sabihin ay "you are". Dapat "your" ang gagamitin kasi sayo ang tinutukoy." pagtatama ko.

Marami pa akong itinama sa grammar at spelling niya. Pinalitan ko din ang ibang terms na ginamit niya sa essay para mas magmukha itong presentable at pinaghandaan.

Inabot kami ng ilang oras sa gawain dahil bawat pagtatama ko ay ineexplain ko sa kaniya isa-isa.

Sa sobrang pagod ay nakatulog na siya sa kwarto ko.

Inayos ko na din ang mga gamit niyang nakakalat at isinilid 'yon ng maayos sa backpack niya.

Ito ang unang beses na makakatabi ko siya sa pagtulog simula pagkabata.

Tumabi ako sa kaniya at kinumutan siya.

Maya-maya ay nagising ako at pagtingin ko sa orasan ay alas tres na ng umaga.

Bumaling ako ng higa at nakitang wala akong Kyrine na katabi.

Tumingin din ako sa lamesa at nakitang wala ding School backpack na nakalagay.

Nananaginip na naman ako.

Naalala ko tuloy bigla ang mga iniisip ko kanina.

Umiiyak sa'kin si Kyrine dahil nabusted siya ng crush niya.

Bumibili kami sa mall ng mga pampaganda.

Sabay kaming pumapasok sa eskwela.

Mga scenario na tumatakbo sa isip ko na gusto kong magkatotoo.

Dahil gusto kong makasama at makilala pa ng lubos ang kapatid ko.

Nandiyan nga siya pero daig pa ng America ang layo namin sa isa't-isa.

Totoo pala talaga na kapag paulit-ulit mong iniisip 'yung bagay na pinagpapantasyahan mo makikita mo din siya sa panaginip mo.

Pero sa huli, iisa pa rin sila.

It's all just a dream...

Na may dalawang kahulugan.

Pangarap at panaginip.

Mahirap abutin at walang katotohanan.

Ngunit gusto ko pa ring kumapit at maniwala.

Say you'll see me again even if it just in your wildest dreams.

───────────────────────────────────────────────────

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   015: Labyrinth

    "Anong susunod na ganap sa journ Ms. Myrtle? Effective ba 'yung pananakot natin?" tanong ni Ahmad ng magkita-kita kaming tatlo ng biglaan."Okay naman na sila, gumagawa na pero hindi pa rin sapat. Kailangan ng deep connections dahil baka mamaya bumagsak na naman sila. Magandang kilala nila ang isa't-isa para kaya nilang itayo ang mga sarili nila kapag mas nastress pa sila lalo sa mga susunod na buwan." sagot nito."Huy, mag get together tayong lahat maganda 'yun! Sasama kaming mga pioneer batch, kami mag-aayos!" ani naman ni Ahmad. "Ang tanong, papayag kaya sila? Alam niyo namang puro acads ang priorities ng mga 'yon." sabi ko."Edi sabihin urgent meeting at kailangan kumpleto lahat." sabi naman ni Ahmad. "Invite natin si Sir. J, okay lang ba?" suggestion pa niya. "Okay lang pero buti sana kung pumayag 'yun! Alam mo namang masyadong busy si daddy J." sagot ni Ms. Myrtle. "Sasabihan ko na ba sila?" tanong ni Ahmad. "Kailan ba?" tanong ko din."As soon as possible ba dapat?" dagdag

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   014: Eyes Open

    Pagkauwi sa bahay ay agad akong nakatanggap ng chat galing kay Jedrick at kay Ahmad."I'm sorry." sabi ni Jedrick."Hoy, Kybelle anong nangyari sa date niyo ni Jedrick?" sabi naman ni Ahmad.Hindi ko sila pinansing dalawa at diretso ng humiga sa kama ng may nakatapong unan sa mukha ng biglang muli itong tumunog.Ahmad is calling...I immediately declined his call and sent a message, "I'm sorry Ahmad wala ako sa mood." at pinatay ang cellphone.Ito ako ngayon nakatingin sa ceiling at iniisip lahat ng pinagsamahan namin ni Jedrick sa Phantom.Kung hindi ba ako naging pioneer batch, hindi kami magtatagpo ulit?Kailangan ko bang pagsisihan na sumali ako sa publication o magpapasalamat dahil dito ay nagkatagpo ulit kaming dalawa?Napatigil ako sa mga iniisip ng bigla may kumatok sa pintuan."Nak? Nandito ka na?" rinig kong tawag ni mama at agad ko namang binuksan ang pintuan para makapasok siya."Bakit ang aga mo? Hindi ba't may gagawin pa kayo ng mga kaibigan mo?" tanong niya."Tapos na p

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   013: Beautiful Ghosts

    "Bakit mo kami pinatawag Ms. Myrtle?" tanong ni ate Queen pagkarating namin dito sa 3E1A na meeting place ng T.P."Hindi pa din gumagawa 'yung mga chaka ng dyaryo kapag wala kayo kaya hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon." sabi ni Ms. Myrtle, stressed na naman."Ah? Bakit ano pa bang kailangan nila 'e lahat na ginawa namin para tulungan sila?" ani naman ni Ahmad, nagtataka."Grabe naman sila." sabi din ni ate Teresa."H'wag na kaya kayo gumawa ng dyaryo ma'am? Wala namang masasayang na efforts kasi nga 'di sila nagawa." suggestion ni Tracy."Magagalit si Sir. J kapag hindi nagrelease ng second issue." pagpapaliwanag naman ni Ms. Myrtle."Lahat ba sila hindi gumagawa ma'am?" tanong ko, nagtataka dahil maayos ang usapan namin ni Jedrick ng huli kaming nagkasama na kikilos siya."Hindi naman pero konti pa din 'yung mga nasulpot sa meeting at ang naipapasa pa lang na articles 'nung iba ay 'yung tinulungan niyo pa sila." sagot naman niya."Anong plano mo?" tanong ni Ahmad kay Ms. Myrtle

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   012: You All Over Me

    "Ano palang nangyari sa pagsusulat niyo ng article ni Jedrick 'nung nakaraan? Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ni Eunice sa'kin habang bumibili kaming B.O.E.'s ng pagkain sa canteen.Babantayan ulit namin sila ngayon magsulat sa huling pagkakataon dahil deadline ng tasks nila mamaya kay Ms. Myrtle."Okay lang naman, saglit lang kami natapos kasi magaling na naman siya 'e." sabi ko."E ba't gabi na kayo nakauwi? Nagdate pa kayo noh!" sabi naman ni ate Teresa, nang-aasar."Uy, hindi ah! Nag getting to know each other lang para 'di naman awkward kapag nagawa kami ng newspaper." sabi ko, dinedepensahan ang sarili."Edi, hindi pa nga kayo umuwi pagkatapos?" tanong naman ni Yuri."Kumain lang kami sa McDo tapos namasyal sa Promality." sagot ko."Getting to know each other tapos sa Promality? Park for couples?" sabi naman ni Eunice."Ang landi mo naman." sabi rin ni Ahmad."Yun lang naman kasi pwedeng puntahan dito." sagot ko naman."Hindi ka naman pupunta 'dun kung dalawa lang kayo. Kami

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   011: King Of My Heart

    "Sino bang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya. Nagpakawala muna siya ng isang buntong-hininga bago nagsalita. "I'm sorry. I'm at fault." sabi niya."Pa'no mo nagawa 'yun? Iniintindi kita, 'e... pinipilit ko kahit mahirap kasi mahal kita." pagsisimula ko."I... I can't tell you the reason." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya."Bullshit, Jedrick! Apat na taon na nakakalipas, wala ka pa ring maibigay na rason? Tapos ano, susulpot ka dito bigla at iba na pagkatao mo ganu'n? Ang hilig mo naman akong biglain..." hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya."Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yun. Oo, nagkamali ako pero hindi ko sinasadya. Siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon pero ginawa ko lang din 'yun para sa'yo." sabi niya. Bakit nagagawa niya pa ding magpalusot?! "Para sa'kin? Anong para sa'kin? Binigyan mo ako ng rason para mabuhay, at nagpapasalamat ako sa'yo para 'dun pero sa huli pinamukha mo din sa'kin na hanggang doon lang ako 'e." hindi ko na napigilan ang sarili

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   010: Forever & Always

    The way he makes poetry out of nowhere.I knew it, it's him!And he knows me!Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.Pero si Jodi...Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone."Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya."Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya."I have to tell you something." pag-amin ko."Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.I need to energized myse

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   009: Ours

    "Andyan na si Kybelle." sabi ni Ahmad pagkakita niya sa'kin sa pintuan kaya napalingon lahat kasama siya."Tapos na kampanya ng papa mo?" tanong ni kuya JM."Oo." naiilang kong sagot sabay pumwesto sa likod katabi si Callie."Si Kybelle mayaman 'yan 'e andaming sasakyan. 'Nung birthday ko nagpahatid pa 'yan sa bahay tapos dala-dalawang sasakyan pa 'yung gamit." pagsabi ni Ms. Myrtle randomly sa mga second batch ng Phantom."Oo nga, manlilibre nga 'yan mamaya 'e, di'ba Kybelle?" pang-uuto naman ni Ahmad."Oo sakto kakain tayo sa McDo mamaya pagkatapos di'ba?" pagpapaalala ni Miggy ng napag-usapan nila kanina habang wala pa ako."Ba't ako na naman nakita niyo wala akong pera." sagot ko naman."Next time na..." bulong ko pa."Bumulong sabi niya next time na daw HAHAHAHAHAHAHAHA." pagbubuko naman sa'kin ni Callie sa kanila."Wag na ngayon na para kasama natin sila. May iniiwasan ka ba?" biglang sabi ni kuya JM na ikinagulat ko. Paano niya nalaman?"Wala! Sino namang iiwasan ko?" pagdepens

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   008: Should've Said No

    Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit."Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang phone ko sa bulsa para irecord ang mga sasabihin niya.Hinawakan 'yung isang Mini-House Bank. It is made from wood, popsicle sticks, and paper and it isn't just a normal money bank because it has a boundary that you can separate the coins. It's an upstairs wooden square house painted cream and dark brown. Downstairs has two windows on the left side and three doors. I believe it's a sliding door in a real house. There is a pool in the backyard which is surrounded by plants. It has also room upstairs on the left side with a door in the middle and an open space on the other side that can be used for parties and downstairs it is a garage."Ate ang ganda naman po ng binebenta niyo, pwede ko po ba k

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   007: Gorgeous

    Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone. Nauna na naman akong nagising sa alarm ko. Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay. Dahil alam kong hindi 'yung pakikipag-away ni mama sa nanay ng kaklase ko 'nung elementary ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng lahat noon. Alam ko na may something sa sarili ko kaya't ayaw nila akong kaibiganin. Kung ano man 'yon? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ay ito na talaga siguro ako. Nagmamadali akong kumilos at pumasok na sa School. Mamaya pang hapon ang klase namin pero may meeting kami ngayon sa journ. Siguro 'yung iba magrereklamo kasi ang daming gawain. Acads plus extra curricular na rush ba naman? But the hell I care! Bakit ako magrereklamo 'e binigyan na nga ako ng chance ni Lord para patunayan ang sarili ko? Kaya kong umangat kahit pakiramdam ko ay mag-isa ako buong buhay ko.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status