Home / Romance / Writings of Kybelle (Tagalog) / 010: Forever & Always

Share

010: Forever & Always

Author: ailabyrinth
last update publish date: 2021-07-09 19:30:48

The way he makes poetry out of nowhere.

I knew it, it's him!

And he knows me!

Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.

First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.

No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.

Pero si Jodi...

Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone.

"Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya.

"Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya.

"I have to tell you something." pag-amin ko.

"Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.

Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.

6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.

Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.

I need to energized myself at dito sa pagsusulat ng tula ko naisipan maghanap ng lakas ng loob para humarap sa panibagong araw.

Writing is my rescue and I have to rescue myself at the beginning kasi walang nakakaalam ng mangyayari mamaya kapag nagkita ulit kami ni Jedrick.

I need to stay composed.

Pagkatapos kong magsulat ay siyang tunog ng alarm ko. Niligpit ko ang notebook at ballpen ko at saka lumabas ng kwarto upang mag-almusal.

"Mabuti naman at gising ka na. Kakahanda ko lang ng pagkain sa lamesa, kumain ka na." sabi ni mama.

"Ma, pwede ba ako ulit umuwi ng late mamaya?" tanong ko, nagbabakasakali.

"May lakad ka? Sige, titirhan ka na lang namin ng ulam." aniya.

Pumayag siya?

"H'wag na po ma, baka sa labas na lang ulit kami kumain ng mga kaibigan ko." pagpapaalam ko sa kaniya ng nakangiti.

Napatingin siya sa'kin at natigilan saglit.

"May mga kaibigan ka na?" tanong niya, nagulat sa sinabi ko.

"Opo, ma! Sa wakas di'ba?" nakangiti ko pa ring sabi.

May nanay na din ako.

Umaayon na sa'kin ngayon ang tadhana, nakakalungkot nga lang isipin na wala si Kyrine upang masaksihan ang lahat ng nangyayaring pagbabago sa buhay ko.

Pagkatapos kumain ay naligo na agad ako at naghanda ng umalis.

Pupunta ko ngayon ng Laguna para bisitahin si Ram sa puntod niya dahil never ko pa siyang napuntahan.

Kasama ko ang mga internet friends namin ni Ram.

Si Jodi din ay niyaya namin pero hindi siya sumasagot, hindi rin siya sumagot sa mga chats ko sa kaniya kagabi.

Ano kayang problema 'nun? Hindi naman siya gano'n 'e.

Para kay Ram din 'yung tula na ginawa ko kanina at balak ko 'yun basahin sa harapan niya at ng mga kaibigan namin mamaya.

Sayang nga lang kasi hindi niya na maririnig.

Hindi ko pa nga alam kung paano pumunta doon pero buti na lang ay kilala ko ang mama niya kaya tinuro niya sa'kin 'yung daan.

'Yung ibang mga kaibigan ko naman na kasama ko ngayon halos lahat nakapunta na sa Laguna kaya familiar na sila.

Ako lang talaga ang nag-iisang taga probinsya.

Sinabi din sa'kin ni tita Remy ay dadalawin niya din daw ang anak niya ngayon para may kasama kami.

Ang sweet naman ni tita, ang swerte ni Ram sa kaniya.

Palinga-linga ako sa biyahe, kinakabahan dahil ito ang first time kong lumuwas tapos mag-isa pa ako.

Hindi ako sanay makakita ng iba't-ibang tao at natatakot ako dahil baka maligaw ako.

At sa kasamaang palad, naligaw nga ako!

Malayo pa pala sa bababaan ko 'yung nababaan ko. No choice tuloy ako kundi maglakad at magtanong-tanong. Ingat na ingat pa ako sa sarili ko dahil baka may biglang mambastos sa'kin dito.

"Kuya saan po dito 'yung sakayan papuntang Forest Lake Memorial Park?" tanong ko sa lalaking nadaanan ko.

"Hindi ko alam, dayo lang din ako dito." sabi niya kaya bigla akong lumayo.

Nakakatakot 'yung itsura niya tapos namumula 'yung mata. Adik yata.

Napatingin ako sa iba dahil naghahanap ng mukhang mabait pagtanungan ngunit halos lahat sila mapupula ang mata.

Jusko, ano ba naman 'to napadpad pa ako sa lugar ng mga adik!

Wala bang Superman d'yan na magliligtas sa'kin?

Uto-uto pa naman ako. Isang yaya lang sa'kin sasama talaga ako!

Kasi I always believe in the goodness of people.

Binilisan ko ang lakad ko kaya natapilok ako sa isang lalaki.

Ano ba 'yan, napakamalas naman ng araw ko.

Ganito ba talaga ang experience kapag first time?

Ganito ba talaga ang nangyayari kapag kinakabahan?

'E sa taga bundok ako at ngayon lang nakalabas ng bahay magmula pagkabata.

Dapat pala nagpasama na lang ako kay nanay kahit hindi pa kami gano'n kaclose.

"Huy, Kybelle kinakausap kita bakit nakatulala ka lang? Crush mo ba ako?" natauhan ako ng biglang nagsalita si Jedrick.

Ha? Jedrick?!

Nandito siya?

Napalingon ako sa likod at humarap ulit.

Putek, nandito nga siya!

Sa harapan ko!

Anong ginagawa niya dito?

"Pinagtitripan mo ba'ko?" tanong niya, nakakunot-noo at halatang naiinis na sa pinapakita ko.

"U-uy, hi! And'yan ka pala anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik, mas kinabahan sa presensya niya.

"Ikaw ang tinatanong ko kung bakit ka nandito di'ba?" sabi pa niya, halatang naiinis pa din.

"Ay, tinanong mo ba'ko? Sorry hindi ko narinig occupied kasi isip ko. Tignan mo nga oh, ngayon lang kita napansin kung hindi mo pa ako tinawag." pagpapaliwanag ko.

Bakit ako nagpapaliwanag?! As if he care!

Bakit rin nag-uusap kaming dalawa as if wala siyang sinabing nakakairita kagabi?!

Hindi ko maintindihan ang nangyayari at mas naiinis ako!

Bakit nga kasi nandito din siya???!

"Hindi mo pa din sinasagot 'yung tanong ko." sabi pa niya na tila nauubusan na ng pasensya sa'kin.

"Why are you so grumpy?" tanong ko dito, kanina pa siya 'e!

Hindi niya ako sinagot at naglakad na.

"Huy, Jedrick ano ba! Wait for me, ayokong mag-isa natatakot ako!" sigaw ko at saka siya hinabol.

Lagi naman akong naghahabol sa kaniya.

Kailan ba 'yung siya ang naghabol sa'kin?

Pagkalapit ko sa kaniya ay bigla niyang kinuha ang braso ko at ipinulupot sa kaniya.

"Hoy, ano ba bitawan mo nga ako!" singhal ko sa kaniya ngunit hindi niya sinunod ang utos ko.

"Akala ko ba natatakot ka?" tanong niya, nakikipagmatigasan ang tingin.

"O-oo nga! Natatakot ako!" sabi ko, nauutal dahil sa gulat sabay iwas ng tingin, naiilang.

"Edi 'wag ka bumitaw para hindi ka matakot." sabi pa niya na nagpalambot ng puso ko.

Nakakatakot naman talaga bumitaw sa'yo.

Pero proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko.

"Dito ka nga sabi sa'kin!" nagulat ako sa pagsigaw niya pagkatapos kong makawala sa kaniya.

Napatingin ako sa paligid at halos lahat nakatingin sa'min.

Inikot niya ako at hinila palapit sa kaniya at nasubsob ako sa dibdib niya.

Narinig ko 'yung malakas na pagkalabog nito.

Ha! Someone is kinikilig!

Huli ka pero 'di ka kulong!

Parang bumalik ang energy ko kanina at nawala ang takot ko.

Gusto ko na lang talagang kumapit sa kaniya at 'wag bumitaw.

Walang past, present lang.

Nang tumingala ako sa kaniya ay bigla niya akong tinulak at umiwas ng tingin, narealised siguro ang ginawa niya.

"S-saan ka ba talaga kasi pupunta? Sabihin mo na please?" sabi niya, nauutal kasi nahihiya.

Cute mo naman, kamukha mo aso ni Jashley.

"Sa Forest Lake." pagsagot ko, mabait na.

"Anong gagawin mo 'dun?" tanong niya ulit.

"May bibisitahin lang ako, ikaw bakit ka ba nandito?" tanong ko din sa kaniya.

"May inaasikaso lang." sagot niya naman.

"Ah, okay bye!" sabi ko at naglakad na ulit palayo sa kaniya.

"Hey, Kybelle wait!" pagtawag na naman niya.

Naiinis na talaga ako!

Ano bang gusto nito?

"Bakit na naman? Malapit na 'ko malate, magtatanong pa'ko ng daan." sabi ko, nagmamadali.

"Hatid na kita." pag-aalok niya bigla.

Ano daw?

"Saan?" tanong ko, kunwaring hindi alam ang tinutukoy.

"Sa cemetery." aniya.

"Ah, akala ko kung saan mo na'ko dadalhin 'e." sabi ko sabay ngumisi, nang-aasar.

"Bakit saan mo ba gustong dalhin kita?" tanong niya naman, makulit.

Pero okay lang, dahil narealised ko na madami pala akong gustong puntahan noon na hindi ko magawa, una dahil wala akong kasama, pangalawa ay hindi ako papayagan.

"Sa Tagaytay." sagot ko.

"Pero next time na, kasi mas mahalaga best friend ko kaya tara na." dagdag ko pa sabay hila sa kaniya.

Tahimik na kami ulit na naglakad at natatanaw ko na ang Cemetery ng bigla siyang huminto.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka ba bibili ng bulaklak? May nadaanan tayo kanina." sabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan malapit na tayo? Ang sakit na ng paa ko, ayoko na bumalik." sagot ko naman.

Napabuntong-hininga siya at yumuko.

"Oh, 'diba pagod ka na din!" pagrereklamo ko.

Pero nagulat ako ng tinapik niya 'yung likod niya.

"Sumakay ka na bago pa magbago isip ko." pag-aalok niya kaya sumakay na'ko kasi masakit na talaga paa ko.

Bakit kasi ako nag heels?

"Mabigat ba?" tanong ko.

"Alin?" tanong niya din.

"Baka 'yung nararamdaman mo? Syempre ako!" pagbabara ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Hindi ka mabigat, hindi rin mabigat 'yung nararamdaman ko... after how many years." sabi niya at hindi na lang ako nagsalita.

Parehas lang naman kami ng nararamdaman 'e.

Pakiramdam ko din okay na'ko at napatawad ko na siya.

Pagkabili namin ng bulaklak ay sa wakas nagdiretso na talaga kami sa Cemetery.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay tumakbo kaagad ako papunta sa puntod ni Ram.

Wala pa si tita?

Wala pa din mga kaibigan ko.

Ano ba naman 'yung mga 'yon sila na nga mas malapit dito sila pa ang late!

Ang dami ko ng pinagdaanan sa journey ko makapunta lang dito, tapos sila? Hays, it's so unfair!

"Hi, Raaaaaam!" sigaw ko ng makalapit sa kaniya.

Agad namang lumapit si Jedrick at tinignan din ang puntod ni Ram.

"Kilala mo ba'ko, Ram? Hahaha!" sabi ko sa kaniya at naupo sa upuan. Sinabihan siguro ni tita 'yung care taker na bibisita kami kaya naghanda sila ng mauupuan.

Para akong batang ngayon lang nakapunta sa park.

Ang saya-saya ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang naglaho lahat ng paghihirap ko mula bata ako.

Kasi nandito si Ram.

Siya lang pala ang kailangan ko.

Tahimik lang si Jedrick na nakikinig sa mga kwento ko kay Ram sa mga bagay na namissed niya sa buhay ko simula 'nung mawala siya.

Minsan napapasulyap siya sa'kin, hindi siguro makapaniwala sa mga pinagdaanan ko.

"Pero alam mo ba Ram okay na'ko kasi nandiyan ka na." sabi ko sa kaniya ng nakangiti.

Biglang humangin ng malakas at muntik na akong matumba sa kinauupuan dahil sa patpatin kong katawan pero buti na lang nandoon si Jedrick sa likod ko at sinalo niya ako.

Nagkatinginan kaming dalawa at tumawa ako tapos siya naman ngumiti.

Nakakatunaw naman 'yang ngiting 'yan.

Napabalik ako sa pwesto ko ng may marinig na tunog ng sasakyan at lumabas si tita Remy.

"Hi, Kybs! Kanina pa kayo dito?" tanong niya sa'kin ng nakangiti.

Ang cute naman ng Kybs.

First time lang may tumawag sa'kin niyan.

"Hi, tita! Kakarating lang po namin. Naligaw pa nga po ako 'e tapos nakita ko 'tong lalaking 'to at nag offer siya na ihahatid niya na daw po ako dito." pagkwento ko agad.

Sobrang ganda naman talaga ng mood ko ngayon bigla, ano? Nagiging makwento ako out of the blue.

"Oo nga pala, aalis ka na ba Jedrick?" tanong ko sa kaniya.

"Ha? Bakit aalis na agad 'e kakarating ko pa lang?" nagtatakang tanong naman ni tita Remy.

"May inaasikaso daw po kasi siya dito sa Laguna tita." sagot ko.

"Okay lang po tita, may next time pa naman po para ayusin 'yun atsaka napagod din po kasi ako sa biyahe." sabi niya naman, nagbago ng plano.

Nagkwentuhan muna kami ni tita Remy tungkol kay Ram. Kung paano kami nagkakilala at kung bakit hindi ko alam kung anong tunay na nangyari sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na ang iba ko pang kaibigan.

Si Sab, Kael, at kuya Larry.

Kaso wala si Jodi.

Pero mabuti na din siguro 'yon dahil hindi ko din kasi talaga siya kayang kausapin ngayong nandito din si Jedrick. Sa dinami-dami ba naman kasi ng taong makakasabay 'e!

"Wow, ang aga niyo ha!" pagsalubong ko sa kanilang tatlo.

"Girl, ang traffic kaya d'yan papasok sobra!" sabi ni Sab.

"Ay, weh totoo traffic? Edi swerte pa pala tayo noh?" paglingon ko kay Jedrick.

"Oo, tapos ang arte mo." sabi niya naman sa'kin.

"Excuse me sir, ikaw kaya maglakad ng malayo ng naka heels hindi ka ba mag-iinarte?" pagtataray ko sa kaniya.

"Hindi." sagot niya na mas nagpainis sa'kin.

"Naglakad ka?" sabi ni kuya Larry.

"Oo kuya kasi naligaw ako hahahaha." sagot ko naman.

"Ikaw lang 'yung naligaw na tuwang-tuwa pa." sabi naman ni Kael.

"Paano hindi matutuwa 'e may kasamang pogi." sabi naman ni Sab, pinupuri si Jedrick.

"Sab, ano ba wala ka talagang taste." sabi ko at umirap.

"Uy, gwapo nga si kuya! Anong pangalan mo? Jowa ka ba ni Kybelle?" pag-usisa niya naman kay Jedrick.

"Ano ba Sab tumigil ka na nga." naiinis kong sabi sa kaniya.

"Tinatanong ko lang naman 'e, ba't ka nagagalit, ha?" sabi niya, halatang nang-aasar.

"So, ano nga pangalan mo kuya? H'wag mo pansinin 'tong babaeng 'to." pangungulit niya pa dito.

"Jedrick." pagsagot ng kupal.

"Ay, ganern? Akala ko ikaw 'yung isang internet friend din namin, kahawig mo kasi." sabi niya at napatingin kami ni Jedrick sa isa't-isa.

"Tama na muna 'yan, kumain na muna tayo." pagsingit ni tita Remy.

"Oh, hi tita and'yan ka po pala hindi ka namin napansin sorry." sabi ni Sab.

"Pa'no mo mapapansin 'e gwapo lang naman nakikita ng mga mata mo." sabi ni Kael na punong-puno ng pagkain ang bibig.

"Ikaw nga hindi mo napansin si Jedrick kasi pagkain lang nakikita ng mga mata mo 'e." pagbabalik naman nito ng asar.

"At least hindi ako rejected ng pagkain." pagsagot naman ni Kael.

Nagbangayan pa silang dalawa at natatawa na lang ako... kahit kailan talaga sila.

"Anong gusto mong kainin?" napalingon ako kay Jedrick at lumapit sa kaniya para kumuha din ng pagkain.

"Shanghai syempre!" sabi ko.

"Mabubusog ka ba d'yan?" tanong niya.

"Sino ba nagsabing magpapakabusog ako?" tanong ko sa kan'ya, tinatarayan.

Hindi niya ako pinansin at nilagyan na lang ng pancit, chicken, biko at shanghai ang plato ko, nag-uumapaw.

"Hoy, ang dami! Sinabi ko na ngang ayoko kumain ng madami 'e." pagrereklamo ko habang ipinapadyak ang mga paa.

"Ubusin mo 'yan." utos niya at ibinigay sa'kin ang plato ko atsaka siya umalis, iniwan ako.

"Ayaw ko nga sabi!" sabi ko pa.

"Magagalit si Ram kapag nagtira ka ng pagkain, kukurutin ka niyan sige ka." sagot naman nito, nangongonsensiya.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa tent para kumain ng nakabusangot pa din.

Hindi ako nagsalita at pilit na inubos ang pagkain sa plato ko.

Nasusuka na'ko!

Papansin kasi, bida bida.

Nang matapos akong kumain ay uminom agad ako ng tubig at lumayo sa kanila upang magpahangin.

Maya-maya naman ay sumunod sa'kin si Jedrick.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Oo." sagot ko at natahimik kaming dalawa ng nakatayo, pinapakiramdaman ang mga sarili.

Maya-maya ay napahawak ako sa bibig ko, napayuko at biglang tumakbo.

"Kybelle!" tawag niya sa'kin at hinabol ako sa C.R.

Naabutan niya akong nagsusuka kaya nilikom niya agad ang mga buhok ko at hinawakan ang likod ko.

Nang matapos ako ay agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kita mo? Pinilit mo akong kumain ng madami 'e bawal nga sa'kin 'yon." sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"What? I'm sorry I didn't know... nagmamalasakit lang naman ako kasi ang payat mo." sabi niya, hininaan ang sinabi sa dulo, mukhang guilty.

"Kaya nga, I'm sick okay? I can't eat many at hindi na ako tataba kaya 'wag mo ng pilitin." pag-amin ko.

Napabuntong-hininga siya at muling nagsalita maya-maya.

"Okay... pero tayo ba pwede pang ipilit?" sabi niya.

Parang nawala ang sakit ng tiyan at ang nausea ko dahil sa narinig.

"Ano? Nagpapatawa ka ba?" sabi ko, pinipigilan ang sarili.

"Lahat ng pinipilit naiipit at kapag naipit bihira ng makaalis. May mga pangarap pa ako." sabi ko pa.

"but you said...

forever & always."

────────────────────────────────────────────────────

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   026: Evermore

    Hindi ako makatulog.Alas-dos na ng madaling-araw pero gising pa rin buong diwa ko habang nakahiga sa kama, yakap 'yung unan na parang makakatulong 'yon para pakalmahin 'yung puso kong hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on sa nangyari kanina.Sa first date namin. First date.Jusko! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga 'yun!Napatingin ako sa kisame habang may ngiti pa rin sa labi ko na ayaw mawala kahit ilang beses ko nang piliting magmukhang normal pero paano ba kasi magiging normal pagkatapos ng araw na 'yun?Pagkatapos ng paraan ng pagtitig ni Sean sa'kin habang bumababa ako ng hagdan.Pagkatapos ng marahang paghawak niya sa likod ko habang tumatawid kami.Pagkatapos ng mga simpleng tingin at ngiti na parang ako lang ang babae sa mundo niya.Shet! Parang teenage girl ako sa unang beses kinilig at nakakahiya kung gaano ako kasaya.Napabaliktad ako sa kama habang pilit tinatakpan ang mukha ko gamit unan.“Kalma,” bulong ko sa sarili ko kahit halatang h

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   025: Electric Touch

    Tanghali na ako nagising.'Yung klase ng gising na lutang pa rin ang isip mo habang nakatitig sa kisame, pilit inaalala kung anong araw na ba at bakit parang may kaba agad sa dibdib mo pagkadilat mo pa lang.Tapos naalala ko...Si Sean!Date namin ngayon!Napabalikwas ako agad ng bangon habang kinukuha ang phone ko sa side table. May tatlong missed calls si Mama, dalawang memes mula kay Ahmad, at isang message mula kay Sean."Good morning, sleepyhead. Lunch na lang tayo? I’ll pick you up."Shuta. 'Yung simpleng message niya parang may sariling paraan para painitin mukha ko!Napangiti ako habang nakahiga pa rin sa kama, hawak 'yung phone sa dibdib ko na parang teenager na unang beses kinilig. Nakakahiya aminin pero buong gabi ko talagang inisip 'yung usapan namin kahapon. 'Yung paraan ng pagsabi niyang tutulungan niya ako. 'Yung boses niyang kalmado kahit magulo na utak ko at 'yun 'yung problema kay Sean.Hindi siya dramatic at hindi siya maingay pero marunong siyang manatili at fuck,

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   024: How You Get The Girl

    Hindi ko alam kung bakit mas malamig ang gabi kapag may masamang balita.Parang kahit mainit ang kape sa kamay ko, kahit puno ng tao ang bahay, may bahagi ng dibdib kong nanginginig pa rin habang pinapakinggan si Papa sa sala.Tahimik lang ako sa couch habang hawak ang mug ko, nakatitig sa steam na unti-unting nawawala sa hangin. Sa tapat ko, si Papa nakaupo nang seryoso, suot pa rin ang uniporme niya bilang kapitan kahit halatang pagod na siya. Katabi niya 'yung folder na ilang araw ko nang kinatatakutan makita.'Yung folder tungkol sa akin. Tungkol sa biktima ng rape. Tungkol sa kaso.“May update na,” sabi niya.Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid ko sa narinig.Napayakap ako sa sarili ko habang pilit pinapakalma ang tibok ng puso ko. Simula nang lumabas 'yung issue tungkol sa president ng school—ang lalaking halos sambahin ng administration dahil matalino, mayaman, at influential—pakiramdam ko hindi na ako makahinga nang maayos.Lalo na nang magsalita ang biktima. Lalo na

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   023: Two Is Better Than One

    Maingay sa Starbucks. 'Yung tipong halo-halo ang tunog ng espresso machine, tawanan ng mga estudyante, at mga kantang masyadong romantic para sa isang taong wasak ang love life.Nakaupo kaming apat sa pinakadulong couch—ako, si Ahmad, si Miggy, at si Kang—habang punong-puno ng baso, cake wrappers, at emotional damage ang mesa namin.“Ako na talaga nagsasabi sa’yo, Ky,” sabi ni Ahmad habang hinihigop ang iced americano niya na parang galit sa mundo, “kapag bumalik ka kay Jedrick, sasampalin kita gamit cheesecake.”“Strawberry cheesecake ba?” tanong ko.“Oo.” sagot niya.“Tempting.” sabi ko pa ng may pagkindat.“Gaga!" at inirapan niya ako.Tumawa si Kang habang halos mahulog sa upuan niya. Samantalang si Miggy naman tahimik lang sa gilid pero halatang invested na invested sa tsismis.“Ano ba kasi meron kay Jedrick?” tanong ni Kang. “Mukha lang naman siyang walking red flag na marunong mag-smirk.”“Exactly!” sabat ni Ahmad. “Iyon ang problema. Poging red flag.”“Masama ba kung gusto ko

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   022: Ruin The Friendship

    Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging komplikado ang lahat.Siguro noong unang beses akong tinitigan ni Jedrick na parang ako lang ang taong nasa newsroom kahit punong-puno 'yon ng ingay—kumakalansing na keyboards, nag-uunahang deadlines, at amoy ng malamig na kape na matagal nang iniwan sa tabi ng mga manuscripts o baka noong si Sean, sa pinakaordinaryong paraan, ay inabot sa'kin ang jacket niya habang umuulan sa campus ng sunduin niya ako isang beses at sinabing, “You'll get sick, Ky.”Simple lang naman dapat ang buhay ko.Pioneer Editor ako ng publication. Sanay ako sa tamang grammar, tamang spacing, tamang pagpili ng salita... pero walang style guide para sa damdamin. Walang handbook kung paano umiwas sa isang lalaking bawal mahalin, at lalong walang rubric kung paano pipiliin ang lalaking handang mahalin ka nang tama.Si Jedrick ang pagkakamali kong mukhang tula.Si Sean naman ang katahimikang gusto kong uwian.At pareho silang unti-unting sumisira sa'kin.Nasa rooftop ako

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   021: Only The Young

    May mga gabi talagang parang ayaw matulog ng mundo. 'Yung tipong kahit anong pikit mo, kahit ilang ulit mong sabihing “mamaya na lang,” paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip mo ang lahat—mga tingin, bulungan, screenshots, headlines, at mga pangalan ng taong minsang naging simpleng estudyante lang pero ngayo’y para nang mga karakter sa isang madugong balita at ngayong gabi, isa ako sa mga taong hindi dalawin ng antok. Nakatutok lang ang mata ko sa ilaw ng laptop habang unti-unting lumalamig ang kape sa tabi ko. Tahimik ang kwarto, maliban sa mahinang tunog ng electric fan at sa sunod-sunod na tunog ng notifications mula sa groupchat namin. Media Convergence. Nakakatawa. Dati, simpleng subject lang 'yun para sa'min at isang bagay na hindi namin naranasan 'nung mga panahon namin. Ngayon, para na 'yong salamin ng buhay naming lahat dahil lahat nagkakagulo. Lahat may opinyon. Lahat may tinatago at lahat gustong marinig. Huminga ako nang malalim bago muling tumipa sa keyboard. "Dr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status