MasukKinabukasan, tuloy ulit ang laban. Akala ko dati kapag nakapag-consult na sa abogado, may kasunod nang linaw, hindi pala. Minsan pagkatapos ng legal consultation, mas lalo mo lang mare-realize kung gaano kagulo 'yung realidad kasi hindi sapat na may katotohanan ka kundi kailangan mong patunayan, ayusin, ilatag, i-defend at nakakainis isipin na habang may mga estudyanteng nag-aalala lang tungkol sa quizzes at recitation, kami nag-aayos ng affidavits, nagbubuo ng timelines, nag-aaral kung paano protektahan ang sarili legally. Tatlong araw matapos 'yung meeting kay Attorney Villanueva, nagsimula kaming magtrabaho nang seryoso sa kaso at doon ko unang naintindihan kung gaano kahalaga ang detalye sa legal process. Hindi pwedeng “parang ganito.” Hindi pwedeng “feeling ko.” Hindi sapat 'yung “alam ko.” Everything needed structure. Evidence, and consistency. Habang nakaupo ako sa dining table namin kasama si Papa at si Sean isang gabi, nakakalat ulit 'yung folders sa harap namin. Paran
Walang nakakaalam kung gaano kabigat si Jedrick sa puso ko noon.Hindi lang naman kasi siya simpleng crush. Hindi lang simpleng almost. Siya 'yung tipo ng tao na unti-unting naging parte ng sistema mo hanggang hindi mo na namalayang umiikot ka na lang sa kan'ya.'Yung tipo ng pagmamahal na kahit hindi ka piliin naghihintay ka pa rin kahit ubos ka na, kahit paulit-ulit ka nang nasasaktan, kahit alam mong hindi ka naman talaga sasaluhin 'at siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad narealize na matagal na pala akong pagod.Pagod magmahal nang mag-isa. Pagod umasa sa mixed signals. Pagod gawing personality 'yung pagiging “understood but never chosen.”Kaya noong sinabi ko kay Sean sa parking lot ng school, “I think I finally moved on.” parang may kung anong bumitaw sa dibdib ko. Hindi dramatic... walang ulan, walang background music pero ramdam ko 'yung gaan. 'Yung pakiramdam na sa wakas, hindi na ako nakatali sa nakaraan at siguro mas naging totoo 'yon dahil si Sean 'yung kahar
May mga araw talagang nakakalimutan mong estudyante ka pa rin na sa kabila ng legal consultations, publication contests, emotional breakdowns, at mga gabing halos hindi ka makatulog kakaisip, may quizzes pa ring naghihintay sa’yo sa Google Classroom.May deadlines, may reporting, may groupings, may research paper na hindi naaawa kahit wasak na ang mental health mo.33 notifications, 3 missing activities, 2 reflection papers, 1 performance task na kailangan video presentation, at isang professor na may kapal ng mukha maglagay ng caption na:“I understand everyone is busy, but deadlines are deadlines.”Tangina mo rin po respectfully.Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko wala pa akong sapat na oras para i-process lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.Media convergence sa Rizal, 'yung overnight sa Antipolo, 'yung paglapit namin lalo ni Sean, 'yung kaso ni Kelley, 'yung meeting sa abogado, 'yung realization na adulthood is just surviving one crisis while
Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira habangbuhay.“Complicated cases,” pagpapatuloy ng abogado habang inaayos 'yung mga dokumento sa harap namin, “are the most dangerous ones because both sides usually carry partial truths.”Tahimik lang kaming nakikinig nila Papa at Sean.Nasa conference room kami ng maliit niyang law office. Mahina 'yung ulan sa labas habang malamig 'yung aircon sa loob pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako.“Kapag rape allegation ang usapan,” dagdag niya, “the court does not immediately assume guilt or innocence. C
May mga lugar talagang mas gumaganda kapag tama 'yung kasama mo at siguro 'yun ang nangyari sa Tagaytay kasi ilang beses na akong nakapunta roon noon—kasama pamilya, classmates, publication staffers—pero ngayon lang naging ganito kalambot 'yung hangin. Ngayon lang parang bawat ulap may dalang kilig.Kasama ko kasi si Sean at nakakainis aminin pero parang unfair 'yung epekto niya sa mundo ko.Pagkatapos naming magpicnic sa damuhan overlooking the ridge, humiga muna kami sa picnic blanket habang tahimik na pinapanood 'yung ulap na mabagal gumalaw sa langit.Malamig 'yung hangin, may amoy ng damo at kape mula sa malapit na café at sa 'di kalayuan, maririnig 'yung mahihinang tawanan ng ibang tourists pero parang kami lang 'yung tao sa mundo.Nakahiga ako patagilid habang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit siya, ang isang kamay ay nasa batok niya habang nilalaro ng hangin 'yung buhok niya.Hindi ko maintindihan kung paanong may mga taong mukhang tahanan kahit simpleng nakahiga lang.“Why are







