ログインHindi ko alam kung bakit mas malamig ang gabi kapag may masamang balita.Parang kahit mainit ang kape sa kamay ko, kahit puno ng tao ang bahay, may bahagi ng dibdib kong nanginginig pa rin habang pinapakinggan si Papa sa sala.Tahimik lang ako sa couch habang hawak ang mug ko, nakatitig sa steam na unti-unting nawawala sa hangin. Sa tapat ko, si Papa nakaupo nang seryoso, suot pa rin ang uniporme niya bilang kapitan kahit halatang pagod na siya. Katabi niya 'yung folder na ilang araw ko nang kinatatakutan makita.'Yung folder tungkol sa akin. Tungkol sa biktima ng rape. Tungkol sa kaso.“May update na,” sabi niya.Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid ko sa narinig.Napayakap ako sa sarili ko habang pilit pinapakalma ang tibok ng puso ko. Simula nang lumabas 'yung issue tungkol sa president ng school—ang lalaking halos sambahin ng administration dahil matalino, mayaman, at influential—pakiramdam ko hindi na ako makahinga nang maayos.Lalo na nang magsalita ang biktima. Lalo na
Maingay sa Starbucks. 'Yung tipong halo-halo ang tunog ng espresso machine, tawanan ng mga estudyante, at mga kantang masyadong romantic para sa isang taong wasak ang love life.Nakaupo kaming apat sa pinakadulong couch—ako, si Ahmad, si Miggy, at si Kang—habang punong-puno ng baso, cake wrappers, at emotional damage ang mesa namin.“Ako na talaga nagsasabi sa’yo, Ky,” sabi ni Ahmad habang hinihigop ang iced americano niya na parang galit sa mundo, “kapag bumalik ka kay Jedrick, sasampalin kita gamit cheesecake.”“Strawberry cheesecake ba?” tanong ko.“Oo.” sagot niya.“Tempting.” sabi ko pa ng may pagkindat.“Gaga!" at inirapan niya ako.Tumawa si Kang habang halos mahulog sa upuan niya. Samantalang si Miggy naman tahimik lang sa gilid pero halatang invested na invested sa tsismis.“Ano ba kasi meron kay Jedrick?” tanong ni Kang. “Mukha lang naman siyang walking red flag na marunong mag-smirk.”“Exactly!” sabat ni Ahmad. “Iyon ang problema. Poging red flag.”“Masama ba kung gusto ko
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging komplikado ang lahat.Siguro noong unang beses akong tinitigan ni Jedrick na parang ako lang ang taong nasa newsroom kahit punong-puno 'yon ng ingay—kumakalansing na keyboards, nag-uunahang deadlines, at amoy ng malamig na kape na matagal nang iniwan sa tabi ng mga manuscripts o baka noong si Sean, sa pinakaordinaryong paraan, ay inabot sa'kin ang jacket niya habang umuulan sa campus ng sunduin niya ako isang beses at sinabing, “You'll get sick, Ky.”Simple lang naman dapat ang buhay ko.Pioneer Editor ako ng publication. Sanay ako sa tamang grammar, tamang spacing, tamang pagpili ng salita... pero walang style guide para sa damdamin. Walang handbook kung paano umiwas sa isang lalaking bawal mahalin, at lalong walang rubric kung paano pipiliin ang lalaking handang mahalin ka nang tama.Si Jedrick ang pagkakamali kong mukhang tula.Si Sean naman ang katahimikang gusto kong uwian.At pareho silang unti-unting sumisira sa'kin.Nasa rooftop ako
May mga gabi talagang parang ayaw matulog ng mundo. 'Yung tipong kahit anong pikit mo, kahit ilang ulit mong sabihing “mamaya na lang,” paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip mo ang lahat—mga tingin, bulungan, screenshots, headlines, at mga pangalan ng taong minsang naging simpleng estudyante lang pero ngayo’y para nang mga karakter sa isang madugong balita at ngayong gabi, isa ako sa mga taong hindi dalawin ng antok. Nakatutok lang ang mata ko sa ilaw ng laptop habang unti-unting lumalamig ang kape sa tabi ko. Tahimik ang kwarto, maliban sa mahinang tunog ng electric fan at sa sunod-sunod na tunog ng notifications mula sa groupchat namin. Media Convergence. Nakakatawa. Dati, simpleng subject lang 'yun para sa'min at isang bagay na hindi namin naranasan 'nung mga panahon namin. Ngayon, para na 'yong salamin ng buhay naming lahat dahil lahat nagkakagulo. Lahat may opinyon. Lahat may tinatago at lahat gustong marinig. Huminga ako nang malalim bago muling tumipa sa keyboard. "Dr
Hindi madaling ipaglaban ang tama kasi ang tama, hindi laging malakas ang boses. Minsan, bulong lang siya sa gitna ng sigawan ng mga taong mas may kapangyarihan, at kami? Maliit lang, parang liwanag ng kandila sa gitna ng malawak na dilim. “Confirmed ang coordination,” sabi ni Papa habang inaayos ang documents sa mesa. Nasa barangay hall kami ngayon. Mas maayos at mas kontrolado pero hindi ibig sabihin 'nun ay mas madali. “Temporary protective measures,” basa ng barangay secretary habang tinuturo ang papel. “School access restriction for involved student under investigation.” Tahimik ang buong room. Si Miss Myrtle nakatayo sa gilid, hawak ang clipboard. Si Ahmad, Miggy, Kang, Callie—nakikinig. Ako, nakaupo sa gitna ng lahat ng bigat. “Meaning,” tanong ni Miggy, “hindi na siya basta makakapasok sa school?” Tumango si Papa. “Hindi na basta-basta.” Sa unang pagkakataon—may kaunting katahimikan sa dibdib ko pero alam kong hindi pa 'yun katapusan kasi ang sistema…hindi
Tahimik ang newsroom kinabukasan matapos ang pangyayaring 'yon. Hindi normal na tahimik kundi 'yung klase ng katahimikan na parang may sasabog anumang oras. Nakatutok lamang ang lahat sa kani-kanilang ginagawa matapos ang mahabang media convergence practice. Ang iba ay nag-eedit ng pictures, ang iba naman ay gumagawa ng scripts. Pero si Ahmad—hindi mapakali. Kanina pa umiikot sa utak niya ang nangyari kay Kybelle. Ang pagkakakulong nito sa faculty room. Ang fire alarm. Ang fake earthquake rumor at higit sa lahat—si Kelley. “Miggy.” pagtawag nito sa katabi. Napalingon si Miggy habang ngumunguya ng chichirya. “Ano?” pagsagot nito. “May kutob ako.” pag-amin ni Ahmad. “Kapag ikaw may kutob, delikado.” siguradong sabi ni Miggy. “Feeling ko si Kelley talaga gumawa no’n.” Tahimik na napatingin din si Kang mula sa laptop nito. “Hindi pa ba obvious?” sabi nito. “Hindi sapat ang obvious,” sagot ni Ahmad habang tumatayo. “Kailangan ng proof.” dagdag pa niya. Napab







