로그인Kybelle Syria Vargas always isolates herself as she's afraid of being judge by people so she become loner and over thinker. In the middle of her monochromatic journey, she found someone who showed her the other side of the world. She finds out that all the thoughts she's afraid to unleash is still possible to tell in writing and it become her rescue. Her passion and commitment in writing is the reason why she hailed as the first Editor in Chief of The Phantom, their school publication and when she helps the second batch she struggles to be a loner again as she happen to meet the person who broke her heart years ago. Dave Jedrick Martinez. Will they end their happily ever after or Kybelle will choose the other one named Sean?
더 보기Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Umaga na pala.
Ang bilis naman!
Kakatulog ko pa lang kanina.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nahihirapan ako dahil namamaga pa ito galing sa matinding pag-iyak ko kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Kahit hanggang ngayon ay gugustuhin ko na lang na umiyak pa dahil hindi naman nawawala 'yung sakit na nararamdaman ko.
Minsan nga naiisip ko na baka superhero talaga ako o kaya naman ay sorcerer dahil may kapangyarihan akong umiyak ng umiyak.
Kaya kong umiyak sa loob ng buong isang araw ng hindi napapagod kakaluha at kakangawa.
Naisip ko na din ang magiging pangalan ko kung sakaling superhero nga ako.
Crybelle.
Gusto ko pa sanang matulog pero nagdesisyon na lang akong bumangon para isara ang bintana ng kwarto ko at maligo.
Pero pakiramdam ko maling desisyon itong ginawa ko.
Kunsabagay, kahit anong desisyon naman kasi ang gawin ko pakiramdam ko ay mali, except sa isang grupo. Bukod kasi sa journmates ko ay lahat na ng tao sa paligid ko ay palaging ipinaparamdam sa'kin na wala akong halaga lalo na ang sarili kong pamilya.
Isa akong failure at walang nagagawang tama... pero sanay na ako dito, ano pa bang bago?
Muling tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng tubig galing sa shower.
Nagtagal pa ako ng isang oras sa paliligo dahil pinilit ko pa ng ilang beses ang sarili kong tumahan.
Nagpawala na din muna ako ng mugto sa mga mata kasabay ng hindi na mabilang na buntong hininga.
Pagkalabas ko ng kwarto ay mas lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ko.
Nakayuko akong kumuha ng plato, kutsara, tinidor at naupo sa lamesa na malayo sa kanilang nagtatawanan at kumuha ng pagkain.
"Hahahaha, ma ano ba tama na hahahahaha panalo ka na hahahahaha." pagtawa ng kapatid ko na halos hindi na makahinga.
"Ano, aasarin mo pa akong dinosaur?" sabi ni mama na patuloy lang sa pagkiliti kay Kyrine, ang nakababata kong kapatid."Hindi na ma ang ganda mo na po hahahahahaha!" patuloy na pagtawa pa nito."Tigilan niyo na ang harutan at nasa harap tayo ng hapag." pagsuway ni papa sa kanilang dalawa. Sinunod nga nila ito dahil ngayon ay kumakain na silang tatlo.Ganito ang kwento ng buhay ko sa loob ng mahabang panahon.
Walang pagbati o kahit paglingon man lang kahit isa na galing sa miyembro ng pamilya ko na tila ba isa akong hangin.
"Ma, may bagong labas na model 'yung acer ngayon. Bili mo'ko bagong laptop sira na laptop ko 'e." sabi bigla ni Kyrine.
"Oo nga ma, bilhan mo din pala ako ng bagong mga polo shirts." sabi naman ni papa."Oh sige Kyrine magsshopping tayo pagkatapos nating kumain. Sasabay na tayo sa papa mo sa kotse." pag sang-ayon naman agad ni mama."Ihahatid ko na kayo sa mall bago ako dumiretso sa opisina." ani papa.Aalis na naman sila?
Napailing na lang ako at binilisan na lang ang pagkain para hindi na marinig pa ang mga pinag-uusapan nila.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto ko at dumapa sa kama, tumihaya, at nagtakip ng unan sa mukha.
Hindi ako mapakali dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nandito na naman ako sa punto na pakiramdam ko mababaliw na ako.
Nagbuntong hininga ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumakas magmula sa mga mata ko.
Ngunit tinaydor lang nila akong muli hanggang sa puro hikbi na naman ang narinig sa buong silid.
Hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako dahil sa katok na nanggaling sa pinto.
"Ate?" tawag ni Kyrine.
Napakunot ako ng noo.
Bakit niya ako tinatawag?
"Ate papasok na ako ah?" muli siyang nagsalita.
Pagkapasok niya ay umupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatalikod ako sa kan'ya.
Mas nagulat ako sa susunod niyang sinabi.
"Ate pwede mo ba akong tulungan dito sa assignment ko? May pinuntahan kasi sila mama at papa 'e." sabi niya.Hindi ako sumagot o gumalaw man lang."Ate sige na naman oh! Hindi ko kasi masyadong gets kasi english, ikaw magaling 'dun 'e." pamimilit pa niya."First subject ko kasi 'to bukas." dagdag pa niya.Ganito ba talaga sila? Kakausapin lang ako kapag may kailangan? Kapag no choice na?Nangilid ang luha ko.Narinig ko siyang tumayo at nakita ko sa peripheral vision ko na palabas na siya ng pinto.Agad kong pinunas ang mga luha ko at humarap."Kyrine." pagtawag ko.Paglingon niya ay tumayo ako at inilabas ang upuan sa study table ko at sinenyasan siyang umupo.Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya at nagtungo na sa lamesa.Nag-ayos na muna ako ng sarili bago ako lumapit sa kaniya."A-ano bang hindi mo maintindihan sa lesson niyo?" tanong ko sa mahinang boses.Hindi ko yata kaya 'to.Awkward.
"Gumawa kasi ako ng essay tapos hindi ako tiwala sa grammar ko. Nalilito pa din ako kung paano gamitin sa tama 'yung mga bantas." paliwanag niya.
Kinuha ko ang papel niya at binasa ang nakasulat.
Lose in you're taughts.
'Yan ang nakasulat sa title.
Napataas ako ng kilay.
"Lose in you're... what's this? Thoughts?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
"Mali ang spelling. T-H-O-U-G-H-T-S dapat. Maging maingat ka diyan kasi isang letra lang ang mawala sa salita, mag-iiba na ang meaning niyan. Walang salitang "taughts" pero ang "taught" ay past participle ng "teach" while "thoughts" is past participle naman ng "think". Ito ding "lose" ay dapat past participle which is "lost". Kapag sinabi namang "you're" ang ibig sabihin ay "you are". Dapat "your" ang gagamitin kasi sayo ang tinutukoy." pagtatama ko.Marami pa akong itinama sa grammar at spelling niya. Pinalitan ko din ang ibang terms na ginamit niya sa essay para mas magmukha itong presentable at pinaghandaan.
Inabot kami ng ilang oras sa gawain dahil bawat pagtatama ko ay ineexplain ko sa kaniya isa-isa.
Sa sobrang pagod ay nakatulog na siya sa kwarto ko.
Inayos ko na din ang mga gamit niyang nakakalat at isinilid 'yon ng maayos sa backpack niya.
Ito ang unang beses na makakatabi ko siya sa pagtulog simula pagkabata.
Tumabi ako sa kaniya at kinumutan siya.
Maya-maya ay nagising ako at pagtingin ko sa orasan ay alas tres na ng umaga.
Bumaling ako ng higa at nakitang wala akong Kyrine na katabi.
Tumingin din ako sa lamesa at nakitang wala ding School backpack na nakalagay.
Nananaginip na naman ako.
Naalala ko tuloy bigla ang mga iniisip ko kanina.
Umiiyak sa'kin si Kyrine dahil nabusted siya ng crush niya.
Bumibili kami sa mall ng mga pampaganda.
Sabay kaming pumapasok sa eskwela.
Mga scenario na tumatakbo sa isip ko na gusto kong magkatotoo.
Dahil gusto kong makasama at makilala pa ng lubos ang kapatid ko.
Nandiyan nga siya pero daig pa ng America ang layo namin sa isa't-isa.
Totoo pala talaga na kapag paulit-ulit mong iniisip 'yung bagay na pinagpapantasyahan mo makikita mo din siya sa panaginip mo.
Pero sa huli, iisa pa rin sila.
It's all just a dream...
Na may dalawang kahulugan.
Pangarap at panaginip.
Mahirap abutin at walang katotohanan.
Ngunit gusto ko pa ring kumapit at maniwala.
Say you'll see me again even if it just in your wildest dreams.
───────────────────────────────────────────────────Kinabukasan, tuloy ulit ang laban. Akala ko dati kapag nakapag-consult na sa abogado, may kasunod nang linaw, hindi pala. Minsan pagkatapos ng legal consultation, mas lalo mo lang mare-realize kung gaano kagulo 'yung realidad kasi hindi sapat na may katotohanan ka kundi kailangan mong patunayan, ayusin, ilatag, i-defend at nakakainis isipin na habang may mga estudyanteng nag-aalala lang tungkol sa quizzes at recitation, kami nag-aayos ng affidavits, nagbubuo ng timelines, nag-aaral kung paano protektahan ang sarili legally. Tatlong araw matapos 'yung meeting kay Attorney Villanueva, nagsimula kaming magtrabaho nang seryoso sa kaso at doon ko unang naintindihan kung gaano kahalaga ang detalye sa legal process. Hindi pwedeng “parang ganito.” Hindi pwedeng “feeling ko.” Hindi sapat 'yung “alam ko.” Everything needed structure. Evidence, and consistency. Habang nakaupo ako sa dining table namin kasama si Papa at si Sean isang gabi, nakakalat ulit 'yung folders sa harap namin. Paran
Walang nakakaalam kung gaano kabigat si Jedrick sa puso ko noon.Hindi lang naman kasi siya simpleng crush. Hindi lang simpleng almost. Siya 'yung tipo ng tao na unti-unting naging parte ng sistema mo hanggang hindi mo na namalayang umiikot ka na lang sa kan'ya.'Yung tipo ng pagmamahal na kahit hindi ka piliin naghihintay ka pa rin kahit ubos ka na, kahit paulit-ulit ka nang nasasaktan, kahit alam mong hindi ka naman talaga sasaluhin 'at siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad narealize na matagal na pala akong pagod.Pagod magmahal nang mag-isa. Pagod umasa sa mixed signals. Pagod gawing personality 'yung pagiging “understood but never chosen.”Kaya noong sinabi ko kay Sean sa parking lot ng school, “I think I finally moved on.” parang may kung anong bumitaw sa dibdib ko. Hindi dramatic... walang ulan, walang background music pero ramdam ko 'yung gaan. 'Yung pakiramdam na sa wakas, hindi na ako nakatali sa nakaraan at siguro mas naging totoo 'yon dahil si Sean 'yung kahar
May mga araw talagang nakakalimutan mong estudyante ka pa rin na sa kabila ng legal consultations, publication contests, emotional breakdowns, at mga gabing halos hindi ka makatulog kakaisip, may quizzes pa ring naghihintay sa’yo sa Google Classroom.May deadlines, may reporting, may groupings, may research paper na hindi naaawa kahit wasak na ang mental health mo.33 notifications, 3 missing activities, 2 reflection papers, 1 performance task na kailangan video presentation, at isang professor na may kapal ng mukha maglagay ng caption na:“I understand everyone is busy, but deadlines are deadlines.”Tangina mo rin po respectfully.Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko wala pa akong sapat na oras para i-process lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.Media convergence sa Rizal, 'yung overnight sa Antipolo, 'yung paglapit namin lalo ni Sean, 'yung kaso ni Kelley, 'yung meeting sa abogado, 'yung realization na adulthood is just surviving one crisis while
Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal






Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
리뷰