Share

033: CANCELLED!

Penulis: ailabyrinth
last update Tanggal publikasi: 2026-05-27 16:33:25

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.

Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.

May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira hab
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   034: Hits Different

    Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   033: CANCELLED!

    Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira habangbuhay.“Complicated cases,” pagpapatuloy ng abogado habang inaayos 'yung mga dokumento sa harap namin, “are the most dangerous ones because both sides usually carry partial truths.”Tahimik lang kaming nakikinig nila Papa at Sean.Nasa conference room kami ng maliit niyang law office. Mahina 'yung ulan sa labas habang malamig 'yung aircon sa loob pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako.“Kapag rape allegation ang usapan,” dagdag niya, “the court does not immediately assume guilt or innocence. C

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   032: Nothing New

    May mga lugar talagang mas gumaganda kapag tama 'yung kasama mo at siguro 'yun ang nangyari sa Tagaytay kasi ilang beses na akong nakapunta roon noon—kasama pamilya, classmates, publication staffers—pero ngayon lang naging ganito kalambot 'yung hangin. Ngayon lang parang bawat ulap may dalang kilig.Kasama ko kasi si Sean at nakakainis aminin pero parang unfair 'yung epekto niya sa mundo ko.Pagkatapos naming magpicnic sa damuhan overlooking the ridge, humiga muna kami sa picnic blanket habang tahimik na pinapanood 'yung ulap na mabagal gumalaw sa langit.Malamig 'yung hangin, may amoy ng damo at kape mula sa malapit na café at sa 'di kalayuan, maririnig 'yung mahihinang tawanan ng ibang tourists pero parang kami lang 'yung tao sa mundo.Nakahiga ako patagilid habang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit siya, ang isang kamay ay nasa batok niya habang nilalaro ng hangin 'yung buhok niya.Hindi ko maintindihan kung paanong may mga taong mukhang tahanan kahit simpleng nakahiga lang.“Why are

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   031: Actually Romantic

    Pagkauwi ko ng bahay, pakiramdam ko kalahati ng katawan ko pagod at ang kalahati naman ay lumulutang pa rin sa saya.'Yung klase ng pagod na masarap sa pakiramdam, 'yung alam mong nanggaling sa tawanan, gala, at mga ala-alang gusto mong balikan kahit hindi pa tapos mawala 'yung amoy ng biyahe sa damit mo.Pagkabukas ko pa lang ng gate, sinalubong agad ako ni Mama.“O, mukhang masaya.”Napatawa ako habang hinuhubad ang sapatos ko.“Halata ba?”“Anak, nakangiti ka mag-isa.”Napailing ako pero hindi ko rin mapigilang ngumiti ulit.Pakiramdam ko hanggang ngayon nasa Antipolo pa rin ang isip ko. Sa hanging bridge. Sa hotel room na puno ng tawanan. Sa publication family kong parang walang katapusan 'yung energy.Siyempre, kay Sean.“Kamusta trip?” tanong ni Papa mula sa sala habang nanonood ng balita.“Masaya po.” Umupo ako sa sofa habang yakap 'yung bag ko. “Nanalo sina Neville saka si Jedrick.”“Oo nga raw,” sabi ni Mama habang may dalang tubig. “Nagchat si Miss Myrtle.”Habang nagkukwent

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   030: I Know Places

    Pagkatapos ng awarding, parang sabay-sabay kaming nawalan ng buto sa katawan.'Yung adrenaline na kanina lang nagpapabilis ng tibok ng puso namin, unti-unti nang napapalitan ng pagod at relief habang naglalakad kami palabas ng covered court ng Antipolo National High School.Bitbit nina Neville at Jedrick 'yung medals nila habang walang tigil sa pang-aasar 'yung buong grupo.“Champion daw oh!” sigaw ni Ahmad habang kinakalabit ang medal ni Jedrick.“Baka gusto mo na ipa-frame agad?”“Lagyan natin caption: *journalist pero ghoster*,” dagdag ni Kang.“Mga insecure,” sagot ni Jedrick habang natatawa.Si Neville naman literal nang naka-story lahat ng nangyayari habang hawak ang medal niya na parang baby.“Guys,” sabi niya habang nakatutok ang camera sa mukha namin, “remember this moment kasi hindi na ako babati kapag sikat na ako.”“Feeling mo naman may fans ka,” sagot ni Romalyn.Nagtawanan ang lahat dahil do'n at habang naglalakad kami sa parking area, napansin kong mas magaan ang lahat

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   029: Long Story Short

    Pagdating namin sa Antipolo National High School, parang sabay-sabay kaming natahimik.Hindi dahil walang energy kundi dahil biglang naging totoo lahat.'Yung Media Convergence, 'yung contest, 'yung buwan ng pagpupuyat, revisions, brainstorming, breakdowns, at mga gabing halos sa publication room na kami natutulog para lang matapos lahat ng outputs namin.Sa labas ng bus, tanaw ko agad 'yung malawak na campus na puno ng estudyante mula sa iba’t-ibang schools. May mga nakasabit na tarpaulin sa covered court, may students na bitbit 'yung DSLR cameras nila, tripods, laptops, folders, at press IDs.Parang buong paligid amoy journalism.Amoy pressure, amoy pangarap, at shuta, bigla akong kinabahan!“Uy,” bulong ni Ahmad mula sa likod ko habang nakasilip sa bintana. “Ang daming campus crushes!”“Wala ka talagang focus,” sagot ni Kang habang inaayos ang bag niya.“Journalist ako pero tao rin!”Tumawa ako nang mahina habang nakasandal pa rin sa upuan. Sa tabi ko, tahimik lang si Jedrick haban

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status