Nang gabing iyon, nanaginip si Graciella. Katulad ng mga panaginip sa mga nakaraang gabi. Nagtataka siya bakit paulit-ulit na bumabalik ang nasabing panaginip. Sa kanyang panaginip, isang lalaking matangkad ang nakatalikod sa kanya. Sa tuwina hinahabol niya ito. Pero, hindi niya maaninag ang mukha nito lalo at nagigising siya. Frustrated na siya at naiintriga sa mahiwagang lalaki sa kanyang panaginip. Palagi tuloy siyang pagod kahit kagigising lang niya. Feeling niya, si Menard iyon. Pero, hindi naman siya sigurado. Late na bumangon ng umagang iyon si Graciella. At dahil wala ng oras para magluto, bumaba na lang siya para bumili ng waffle at soy milk. Bumili na rin siya ng longganisa. Masarap iyon ipares sa nabili niyang waffle. Nagmamadalo siyang bumalik sa unit nila at niluto na ang longganisa. Nagtaka siya nang makita ang isang electric wok. Maganda ang yari nito at tiningnan ang tatak nito. Agad niyang hinanap sa internet ang presyo nito. A
Nginuya na lang ni Menard ang waffle. Masarap din naman kahit paano. Wala na siyang choice kundi kainin iyon. “By the way, huwag mo ng pabayaran kay Rowena ang nasirang suit. Ako na ang bahala doon. Kliyente namin ang lalaking ‘yon.” “Paano mo nalaman na kliyente mo nga ‘yon?” Curious si Graciella. Ang lakas naman ng radar ni Menard kung ganun. “Tumawag kasi ang pinsan ko at nakwento niya ang tungkol kay Rowena. Doon ko napagtagpi na pinsan mo nga ang nakasamaluha ng kliyente ko.” “Kailangan pa rin bayaran ni Rowena ang two thousand na sinabi ng mama,” matigas na saad ni Graciella. “Saan nga ba nagtatrabaho ang pinsan mo?” “Assistant siya ni Lambert Alferez.” Napatango na lang. Napakaliit lang pala ng mundo. At nakakatakot pala ng boss ng pinsan ni Menard ayon na rin sa kwento ni Rowena. “Si Lambert Alferez ba ang tinutukoy ng pinsan ko na may ari ng suit?” Tumango si Menard. “Salamat at napakiusapan mo pala ang boss
Knowing his cousin Menard, mas madali na sundin na lang ang gusto nito kaysa sa kontrahin ito. Takot nga halos lahat ng mga pinsan niya rito. Batas ang bawat sabihin nito. “May dapat pa ba akong tandaan? Nothing else?” Tanong ni Trent. “Be comfortable. Baka makahalata ang asawa ko na asiwa ka.” Kinagabihan, umuwi si Menard na may decoration na ang dining area at ang living room. Kahit paano nagkaroon ng buhay ang unit nila. Abala sa pagpupunas si Graciella ng table at nakasuot pa ito ng rubber gloves. Tagaktak ang pawis nito habang pinunusan iyon ng face towel. Nakasalansan na rin ang samu't saring kutkutin at mga prutas sa isang coffee table na nasa living room. Naalala tuloy niya ang kanilang housekeeper sa Canada na si Aling Meniang. “Busy ka talaga ngayon at nag OT ka na naman,” pansin ni Graciella. Alam naman niya na bihira lang magbago ang schedule ng asawa. “Mas mabuti sana kung tumawag ka na lang mga cleaner at housekeeping
“Ano ang bibilhin natin ngayon?” In-open ni Menard ang app para makita kung saan banda ang palengke na pupuntahan nila. “Mga gulay at isda lang. Nakabili na ako ng mga karne na gagamitin natin. Walong putahe ang ihahanda ko.” Isda? Ibig sabihin ba kailangan pa katayin ni Graciella ang isda na buhay? It’s too troublesome and yet his wife is doing extra just to please her family. And eight dishes? How can she possibly prepare those in a short notice? “Pwede mo naman ako tulungan. Saan ka ba magaling para doon kita i-assign?” Tanong ni Graciella. “Well, I’m quite good at eating.” Humagalpak ng tawa si Graciella. Na-surprise siya sa sagot ni Menard. Kahit naman malamig medyo ito makitungo sa kanya, may humor din naman pala ito. Sa lahat ng pwede isa got nito bakit iyon pa? Kumunot ang noo ni Menard. Wait, does his wife think he knows how to cook? “Hindi ko akalain marunong ka pala magpatawa.” Napailing na lang si Graciella. Diret
"Hello?" Menards’ voice is cold. Kinakabahan na si Trent sa kabilang linya dahil sa boses ng pinsan. “Kuya, nasa unit niyo na ba kayo? Nandito ako sa baba ng building,” saad ni Trent. Nakasimangot si Menard. He clearly said dinner. What is his younger cousin doing? It’s not barely three thirty in the afternoon! Sanay na si Menard na mabagal kumilos ang pinsan. Nilagay nito ang bilis sa maling pagkakataon. The nerve! “Kuya, naghanda ako ngayon. Hindi ka mapapahiya sa pamilya ng asawa mo,” pagmamalaki ni Trent. Needless to say, he is excited to meet his ordinary sister-in-law. May gagampanan lang naman siyang isang role. “Saan ka na kasi? May mga dala akong supply dito.” Lalong nalukot ang gwapong mukha ni Menard. “You still need to wait. Pauwi pa lang kami ng ate mo. We went to the market.” Halos lumuwa ang mata ni Trent. What news! Menard Tristan Young, the heir to the Young Group of Company is in the market. Kung malalaman ng iba niyang pinsan
Nasa loob na sila ng sasakyan ni Menard. “Don’t ever call me Mr. Young in front of my cousin. Baka magduda siya at magsumbong sa nanay ko,” sabi ni Menard. Pababa na sila ng sasakyan nang may narinig silang sigaw. “Kuya Menard!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Trent. Gusto niyang pagtawanan ang minivan na sasakyan ng pinsan. Talagang tinodo nito ang pagpapanggap na mahirap. Kung anong amusement ang naramdaman ni Trent, siya namang disappointment ni Menard. Paano at nakasuot ng branded sportswear ang pinsan. Neon green naman na sapatos ang suot nito. Masyadong masakit sa mata ang mga suot ni Trent. Hindi nito sinunod ang gusto ni Menard. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Graciella. Mukha kasing approachable ang pinsan ng asawa. Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan. “Kuya Menard, hipag,” bati nito sa dalawa. Natawa na lang si Graciella lalo at namaluktot ito sa pagbati sa kanilang mag-asawa. “Hello,” nahihiyang saad ni Gra
Kinagat na lang ni Trent ang kanyang dila. Matalas nga pala ang pandinig ng kanyang pinsan at nakalimutan iyon. Bakas sa mukha ang takot na baka bigla na lang siyang sakalin ng pinsan. Napatingin si Graciella sa reaksyon ni Trent nang tumikhim ang asawa. Bumulong sa kawawang si Trent. “Ganyan ba palagi si Menard? Bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?” Nakikita ni Graciella na palaging binu-bully ang asawa ang pinsan nito. Halata naman na takot nga si Trent sa asawa niya. Kumawala ang isang pilyong ngiti sa labi ni Trent. Lumapit sa hipag at gumanti ng bulong. “Oo, ate. Daig pa niya ang babaeng nag-me-menopause. Very fierce.” Kahit paano natutuwa siya na mabait at approachable ang asawa ng pinsan. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan nito. Si Oliver Trent Young ang pinakabata sa mgapipinsan na Young. Walong taon na mas bata ito kaysa sa kay Menard. Kaka-graduate niya lang mula sa college at ine-enjoy ang buhay. Though, isang s
Itinabi ni Trent ang hinuhugasan na carrots. “Ah, yan ba ate? Mga marinated na chicken wings at thighs ang mga ‘yan.” “Kailangan ko pala itong ilagay sa freezer para hindi masira.” Nagmamadali na binuksan ang supot at nilabas ang mga karne na nasa mga plastic containers. Isalansan ni Graciella ang mga iyon sa loob ng freezer. Na-impress siya nang makita na may label pa ang mga iyon kung kelan ito mag-e-expire. Halos lumuwa ang mata niya nang may makita pa siyang tomahawk steak. Ano at ang mahal ng mga cuts ng karne na dala ng pinsan ng asawa? “Binili ko ang mga ‘yan, ate nang sinabi ni kuya na pupunta ako dito,” saad ni Trent. Nakita niyang mukhang nahalata ng hipag na mamahalin ang mga ‘yon. “Don’t worry, affordable lang ang mga ‘yan since naka sale iyan nang binili ko,” paliwanag niya. “Oh, akala ko mamahalin. Naku, ang hirap kumita ng pera, Trent. Kailangan maging praktikal ka sa lahat ng bagay.” “Gusto ko lang matikman mo ang mga natikman ko na
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h
Nagmamaktol pa rin si Alyanna habang naglalakad sa lobby ng building. Mas lumakas pa ang lagatok ng kanyang sapatos sa sahig ng lobby. Hanggang sa may tumawag sa kanya. “Miss Alyanna.” Paglingon ng dalaga, nakita si Louie, ang assistant ni Menard. Bitbit nito ang puting tulips na nakatali na at ang isang kahon ng white chocolate. Ngumiti muna si Louie bago iabot ang mga dala. “Mr Young wants to return these to you.” Kaagad na tumalikod si Louie matapos magawa ang utos ng boss. Natigilan si Alyanna nang ilang sandali. In-absorb ng utak ang nangyari. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Feeling niya binigyan siya ng bulaklak ni Menard. Now, she can confirm. Menard likes her but is too prideful to admit it to her! In the end, alam niyang sa kanya pa rin babagsak si Menard. It might not happen now, but she is sure it will happen soon. Samantala, sa opisina ni Menard. . . Parang nilalamig na h
“ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann
Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa