Nagkukumahog siyang pumunta sa kusina. Para siyang simbilis ng kidlat na nagpakulo ng itlog at isang minuto lang, tapos na iyon. “Inumin mo ito.” Inabot niya kay Menard ang isang mangkok na may pinakuluan itlog. Atubili sanang tatanggapin ang bigay ni Graciella. But Menard has no choice. The taste wasn’t that pleasant or bad either. “Ito ang secret ko kaya hindi ako nalilipasan ng gutom,” pagmamalaki ni Garciella. Ngayon lang nakatikim si Menard ng ganun. Palabas na siya nang inabot pa sa kanya ang isang pirasong mangga. “Kainin mo ito mamaya para hindi ka magutom.” Hindi man lang umimik si Menard at umalis na. Habang nasa elevator, tinitigan ang mangga na bigay ng asawa. His heart feels warm knowing that someone cares for him. Nasanay siyang mamuhay nba siya lang. His employees serve him but it feels different when your wife serves you. It’s their first weekend together. And it’s not that bad. Pagbaba niya, nakaabang na ang sasakyan
“Sigurado ako, marami ang laman ng ATm ng asawa mo. Maganda naman ang trabaho niya, di ba? At saka bakit ka ba nagdadamot sa amin? Gusto mo ba palaging sumakit ang tiyan namin dahil lagi kami kakain ng tira tira? Kung hindi lang sira ang refrigerator, nunca akong lalapit sayo! Madamot!” Namumulang ang mukha ni Lupita habang niratratan ng sermon ang pamangkin. Pinalaki niya pala ang isang ingrata! Walang nagawa si Graciella kundi sundin ang gusto ng tiyahin. Para kasi itong aso na buntot nang buntot sa kanya. Naroon na sila sa tapat ng ATM at kita niya ang excitement sa mata ng tiyahin. Gahaman talaga! Sinalpak niya ang card sa machine at pinindot na ang password nito. Nanalangin na sana hindi umabot sa two thousand ang laman ng card. At kung sumobra man, bibili siya sa isang shopping app ng maliit na washing machine para sa mga underwear ng asawa. Hindi siya pwede magwaldas ng hindi niya pera.
Nabigla si Graciella sa hayagang pagtanggi ni Menard sa gusto ng tiyahin. Kaya nga niya ito sinenyasan para humanap ito ng paraan na tumanggi nang maayos. Hindi niya akalain na si Menard lang pala ang makapagpapatahimik ng bungangera niya na tiyahin. Napatda si Lupita sa prangka na asawa ng pamangkin. Akalain ba niyang walang preno ang bibig nito. Napangiti siya nang mapakla. “Kayo po pala ang tiyahin ni Graciella? It’s nice to meet you po,” malamig nitong saad. Magalang naman bumati si Menard pero hindi pa rin maitatago ang pagiging reserved nito. “Visitors are not allowed in the unit. The management requires an appointment three days ahead before we are allowed to accept visitors. Nakakalungkot naman at biglaan ang pagparito niyo,” paliwanag ni Menard. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Graciella. Knowing her aunt, alam niyang puputaktihin siya nit
“It’s not what you think about. It’s my advance salary for two years,” paliwanag ni Menard. Sana lang maniwala sa kanya ang makulit niyang asawa. Namilog ang mata ni Graciella. Pwede pala ‘yon? “Talaga? Hindi natatakot ang kumpanya niyo na baka bigla na lang kayo lumayas matapos bigyan ng two years advance salary?” Ang galante naman pala ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng asawa! “There’s a huge penalty when we don’t follow the contract. May fine na two million pesos plus jail time for fraud,” saad ni Menard. “Bakit kasi nag-advance ka ng pandalawantaon na sahod?” curious si Graciella. “Mag-aasawa ako ‘di ba? I need the money for downpayment for the house. But since my relatives are generous enough to offer their unit. We can save money and pay minimal rent.” Gustong palakapakan ni Menard ang sarili lalo at nakikita niyang naniwala naman ang asawa sa paliwanag niya. Hindi pa kasi time para i-reveal sa asawa ang katotohanan. Na
Menard is satisfied with the purchase. Gusto lang naman niya na hindi mapahiya ang asawa sa ibibigay nitong regalo sa pamangkin. After all, it’s for a toddler. It’s better to be safe than sorry. Lumapit sa cashier si Graciella at muling nagtanong. “Wala na ba talagang discount, miss?” “Discounted price na po kasi ito, ma’am,” sabi ng saleslady. Hindi man lang nabura ang mabini nitong ngiti sa labi. Ang mahal talaga ng bilihin sa mall! Pakiramdam ni Graciella kaya lang naman mahal ang bilihin doon dahil malaki din panigurado ang upa sa pwesto. Napangiwi siya nang marinig ang tunog ng pag-swipe ng machine sa card ni Menard. Para silang nagtapon ng pera! Inabot na ng cashier ang resibo at ang paperback kung saan sinilid nito ang binili nila na blanket. “Come again, next time, Ma’am, Sir.” “Nanghihinayang ka p
Mabilis na naglakad si Menard at nakasunod lang si Graciella. Pinagbuksan niya ng pinto ng sasakyan ang asawa bago pumunta sa driver seat. Kaagad na sinuot ni Graciella ng seatbelt. Umandar na ang sasakyan at doon lang napansin ni Graciella ang ganda ng yari ng interior ng sasakyan. Nanunuot rin sa kanyang ilong ang amoy ng air freshener. Pinaghalong vanilla at strawberry ang naamoy niya. “Bakit iba ang style ng sasakyan mo?” “Pina-customize ko para mas maganda at komportable,” sagot ni Menard habang nagmamaneho. Impressed si Graciella. Maganda talaga ang sasakyan ng asawa. Nakasakay na siya dati sa sasakyan ng kakilala niya pero di hamak na mas maganda ito. “Bagong model ba ito?” “Pinalitan lang ang mga car seat. Doon sa casa ng kaibigan ko pinagawa,” sagot ni Menard. “Parang luxury car na rin ang dating. Maganda ang combination ng kulay na napili at magaganda ang leather na ginamit sa upholstery,” pansin ni Graciella habang pinapa
“Halos isang taon?” Napayuko si Rowena. “Kailangan kong alagaan ang anak ko, ate. Palagi naman siyang hatinggabi na kung umuwi at saka isa pa, masikip sa bahay. Wala kaming privacy kung sakaling gusto namin,” nahihiyang saad ni Rowena. Napailing na lang si Graciella. Parehong bata pa ang mag-asawa. Kaya hindi normal na hindi nagtatabi matulog ang mga ito. “Ang bait mo na nga. Kailangan mong maging mas alerto baka mamaya maging totoo ang mga hinala ko kay Harry,” paalala niya. Nmumula na si Rowena sa sinabi ng pinsan pero nahagip ng mata ang magandang bag ni Graciella. “Ang ganda naman ng bag mo, ate.” “Binili namin ni Menard ngayong hapon lang,” sagot ni Graciella. Naalala ang biniling kumot para sa pamangkin. Inabot niya ang paperbag at saka binigay sa pinsan. Kinuha naman ni Rowena ang paperbag at maingat iyong binuksan. Namangha sa laman nito lalo at iyon ang gustong kulay ng anak na si Leya. Hitsura pa lang ng kumot alam na niyang ma
Para ma-satisfy ang curiosity ni Graciella, nagtipa siya sa kanyang cellphone at hinanap kung ilang araw ba ang normal sa lalaki na walang s*x. Namangha siya sa resulta. Iba iba ang sinabi ng internet searches na nakita niya. Namula siya habang ini-imagine. Hindi pa rin siya kontento, hinanap niya sa search bar ang mga senyales ng mga naglolokong mister. Hinihintay niya na maglabas ng resulta ang search niya nang may biglang nagsalita. “What are you looking for?” Nanginig ang kamay ni Graciella at muntikan ng mabitawan ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nahawakan niya ito nang mahigpit kung hindi baka basag ang screen nito. Kinalma ang sarili at hinarap ang seryosong mukha ni Menard. “Muntik na ako atakehin sa puso! Hindi magandang ugali ang nakikisilip ng cellphone ng may cellphone,” reklamo ni Graciella. Wala naman siyang kailangan itago pero inuunahan na niya si Menard kung sakaling nakita nito ang laman ng search niya. Sumimangot
Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw
Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn
“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h