INICIAR SESIÓN“Welcome to Dewford Academy!” buong siglang sigaw ng kaibigan kong si Chel. Habang nakataas ang pa ang dalawang braso niya at kanyang sinasalubong ang hangin.
Ngayon ang unang araw ng eskwela. Ngayon din ang unang araw ko sa paaralang ito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad akong namangha sa bawat building na nadadaanan ng aking mga mata. Ang laki at kayganda ng eskwelahang ito.
Feeling ko, napakaswerte ko at nakaapak ako ngayon dito.
“Magkaklase ba tayo?” nai-excite kong tanong kay Chel. Hindi niya ako sinagot kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakangiti na siya at para bang natutulala habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro ng basketball sa open field bg school.
Parehong Bachelor of Science in Tourism Management ang kursong kinuha namin nitong kaibigan ko. Pero dahil malaki ang Dewford Academy at sobrang daming estudyante na nag enroll dito ay nahati ang first year sa anim na sections.
“Sinong tinitingnan mo?” pang uusisa ko.
Nakangiti siyang nagbuntonghininga bago niya nagawang ibaling ang paningin sa akin.
“Si Diego...” sagot niya bago muling ipinako ang paningin sa field.
Napakuno ang noo ko. Hindi ako interesado sa kung anumang may kinalaman sa Diego niya.
“The love of my life,” dagdag niya.
Napaismid ako.
“Ano nga? Magkaklase ba tayo?” tanong ko ulit, binabalewala ang kaninang sinabi niya.
Pagkagaling namin sa Davao ay ilang linggo pa akong nanatili sa bahay nina Chel. Nawalan ako ng ganang lumabas pansamantala dahil na rin sa pagluluksa. Matapos ang halos tatlong linggong pamimilit sa akin nina Chel na lumabas ay doon lang unti-unting nagbalik ang sigla ko.
Kaya noong enrollment ay si Chel lang din ang nag enroll sa akin dito.
“Oo, magkaklase tayo,” sagot niya sa akin pero ang paningin ay nanatili pa rin sa Diego niya.
Napabuntonghininga ako at tumingin na lang din sa pinapanood ni Chel. Walong lalake ang naglalaro ng basketball sa field. Pawisan na ang mga ito pero kung tilian ito ng mga babae ay para bang fresh pa rin sila at bagong ligo.
May isang lalaki ang agad na tumingin sa gawi namin na siyang ikinagulat ni Chel. Nanlaki ang mga mata niya at bigla na lang niyugyog ang balikat ko gamit ang isang kamay. Kilig na kilig ang babaita! Iyon na marahil ang Diego niya.
“Iyon ba si Diego?” paniniguro ko.
“Oo. Ang gwapo no?” Nilingon niya ako nang may malaking ngisi sa kanyang labi. Bago niya muling ibinalik ang paningin sa Diego niya.
“Tara na nga, Kelsi. Kumpleto na naman ang umaga ko,” She sang it. Sabay hila niya sa akin patungo sa direksyon kung nasaan ang berdeng building.
Ang Dewford Academy ay binubuo ng pitong building na may iba't-ibang kulay na nagsisilbing palatandaan ng bawat kurso o departamento. Kulay berde ang building ng kurso namin ni Chel. May Tourism Department na nakalagay sa pinakatuktok ng building.
Habang naglalakad ay aliw na aliw sa paggala ang aking mga mata. May kulay asul na building akong nakita na may nakasulat na Education Department. May pulang building din na may nakasulat na Criminology Department. May nakita rin akong kulay dilaw at kahel na hindi ko na nakita kung sa anong mga departamento iyon.
Ang bilis maglakad ni Chel kaya agad kaming nakarating sa building. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok sa entrada ay nagawi pa ang paningin ko sa silver building at mukha iyong hotel.
Sobrang ganda!
Natigil ako sa paglalakad at agad iyong itinuro kay Chel.
“Ano iyon, Chel?”
Sinundan niya ang tinitingnan ko at agad siyang ngumiti. “Iyon ang dormitory natin. Ang ganda no? Para tayong titira sa luxury hotel.”
“Maganda ba sa loob?”
“Sobra! Sa labas pa nga lang ay sobrang ganda na. Ano pa kaya ang nasa loob 'di ba? Pero mamaya na 'yan. Pumasok na muna tayo sa klase.”
Pumasok kami ni Chel sa isang classroom na puno na ng estudyante. Tahimik kaming umupo sa bakanteng upuan na nakita namin sa bandang likuran.
Kakaupo ko pa nga lang ay may sumalubong na agad sa amin.
“Siya na ba si Kelsi na sinasabi mo, Chel?” tanong ng isang babaeng estudyante na bigla na lang naupo sa harapan namin. Maganda siya. Medyo payat. Morena ang kutis pero makinis, halatang yamanin. At may hanggang balikat at kulot siyang buhok. As in sobrang kulot talaga.
Nginitian siya ni Chel at tinanguan. “Oo. Siya nga.”
Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi nila. Mukhang chini-chismis ako ni Chel sa mga kaibigan niya.
Napaismid ako. Napaka-chismosa talaga ng kaibigan kong ito. Ano naman kaya ang mga pinagke-kwento niya sa kanila?
Agad na nanlaki ang aking mga mata nang biglang tumili iyong babae at bigla na lang akong niyakap.
“It’s so nice to finally meet you, Kelsi. I am Curly. Bago mong kaibigan.” Alanganin akong napangiti sa kanya. Hindi ako sanay na niyayakap ng ibang tao.
Kaaalis lang ng yakap ni Curly sa akin nang biglang may nagsalita ulit.
“At ako naman si Chubby, bago mo ring kaibigan. Kapatid ako nitong si Curly.” Inakbayan niya si Curly pero agad na inalis ni Curly ang braso nito.
Magkapatid sila ni Curly pero magkaiba silang dalawa kung pisikal na anyo ang usapan. Tuwid at lampas balikat ang buhok ng isang ito. Mas maputi rin siya kung ikukumpara kay Curly. Medyo mataba siya. Saktong sakto sa pangalan niyang Chubby.
Mahaba ang naging pagbuntonghininga ni Curly kaya agad niyang nakuha ang aming atensyon.
“Umepal naman kaagad,” mahinang sabi niya.
“At bakit?! Ikaw lang ba ang pwedeng umeksena ha?!” ani Chubby.
“Hinayaan mo pa sana akong i-feel ang moment ko 'di ba? Ako iyong nasa spotlight, e. Pero dahil inggitera kang mataba ka, umeksena ka agad.”
Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwalang nag aaway silang dalawa sa mismong harapan ko.
May kinuha si Chubby sa bag niya. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang nakitang makapal na binder ang kinuha ni Chubby at agad niyang inihampas sa ulo ni Curly.
“Aray ha! Namimisikal ka na!” bulyaw ni Curly sa kapatid.
Hinablot ni Curly ang binder mula sa kamay ng kanyang kapatid, saka siya gumanti ng isang hampas.
Napatakip ako sa bibig ko. Jusko!
“Guys, college na tayo pero hindi pa rin pala kayo nagbabago?” singit ni Chel. Nang tingnan ko siya ay hinihimas-himas na niya ang sentido niya.
“So anyway, Kelsi. Ipinagmamalaki ni Chel ang katalinuhan mo. Valedictorian ka raw sa paaralan niyo doon sa Davao?” bigla ay sabi ni Chubby.
Napatingin ako kay Chel. Nakangiti lang siya habang nakikinig sa amin.
“Naku! Hindi naman ako matalino. Masipag lang ako mag aral,” tugon ko.
“Sus! Maniwala kami sa iyo. Masipag rin naman kaming mag aral pero hindi pa rin namin matalo-talo ang pinakamayabang na estudyante dito sa Dewford Academy,” ani Chubby.
“Yeah! Si Sidney. Rinig ko'y BSED ang kinuha niyang kurso ngayon. Ipinanganak na math genius, kaya sobrang yabang. Feeling niya... Siya na ang pinakamatalinong estudyante dito, na parang wala na makakatalo sa kanya,” sabat ni Chel.
“Alam mo ba, Kelsi kaya mayabang 'yang si Sidney... Kasi aside from being a math genius ay milyon-milyon din ang laman ng bank account niyan,” singit naman ni Curly.
“May pagmamay-ari silang mga isla sa Palawan, hotels in different places here in the Philippines... Tapos may mga hospitals pa sa New York. Doon naka-based sa New York ang mga magulang niya. Parehong doktor. Iyong isang kuya niya naman ay doktor din. At ang isa pa niyang kuya? Propesor lang naman dito sa Dewford Academy,” mahabang litanya ni Chubby.
Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanila. Namamangha ako sa buhay mayroon ang sinasabi nilang math genius na si Sidney. Kaya naman pala mayabang kasi may maipagmamayabang naman.
I sighed. Isang estudyante pa lang ang nababanggit nila ay napakayaman na. Ano na lang kaya ang iba pa? Sana lahat ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Napaisip tuloy ako kung anong klaseng buhay mayroon ako kung hindi ako iniwan ng tunay kong mga magulang kina Nanay Linda at Tatay Sergio.
May ichi-chismis pa sana ang magkapatid na Chubby at Curly pero hindi natuloy dahil may biglang pumasok na propesor na agad kumuha sa atensyon naming lahat.
“Good morning, guys,” sabay ngiti niya sa aming mga estudyante niya.
Pero imbis na batiin siya pabalik ay agad na nagtilian ang mga kaklase kong babae. Bakit hindi titili, e gwapo naman itong propesor naming ito.
“Kalmahan niyo... Ako lang ito,” sabay ngiti niyang muli. Gosh!
“Okay, so... Today is our first day pero wala pa raw tayong pasok ngayon, class...” Hindi pa man siya natatapos sa sinasabi niya ay naghiyawan na ang buong klase. Iyong iba ay napapatayo pa mula sa pagkakaupo.
“Well, that’s because you have to prepare your things to your rooms. Mag ge-general cleaning ang lahat today, okay?” aniya at nang natanggap ang tugon namin ay tinalikuran na niya kami at nauna nang lumabas.
Tumayo na si Chel kaya ganoon din ang ginawa ko. Lumapit naman sa amin ang magkapatid.
“Iyon ang isang kuya ni Sidney. Ang gwapo no?” si Chubby na halatang kinikilig pa. Ganoon rin ang reaksyon nina Chel at Curly. Napapailing na lamang ako habang nangingiti.
Muli kong inalala ang mukha ng propesor namin na pumasok kanina. Matangkad. Bagay sa kanya ang suot niyang itim na pantalon at asul na polo shirt. Magulo ang kanyang buhok na bumagay sa kanyang mukha. Kahit sa malayo ay klarong-klaro ang makapal niyang pilikmata at pati na ang mga mata niyang kayumanggi. Matangos rin ang kanyang ilong, habang mamasa-masa naman ang kanyang namumulang labi.
Sobrang gwapo nga. Siguro ay sobrang ganda din no’ng sinasabi nilang Sidney.
KELSI GUTTIEREZ---------Paano nga ba natin nasasabing sapat na ang mga napagdaanan natin para humantong tayo sa kasalan. Tama na ba ang ilang taong pagsasama at magkasamang pagsuong sa mga problema para masabi niyong kayo na talaga?I looked at the white roses that was scattered on the black aisle, lahat ng tao nakasuot ng itim. Sabi nila malas raw ang kulay na ito lalo na sa mga kasal. Pero hindi ako naniniwala sa malas. Dahil naniniwala akong tayo-tayo lang din ang gumagawa ng malas at swerte natin sa buhay. Sa totoo lang... ang kasal na ito ang isa sa pinakaeleganteng kasal na nasaksihan ko.I am watching him smiling at me, while I was gracefully walking down the aisle. Siya lang ang nakikita ko kahit pa napakarami at punong-puno ng tao ang St. Lukes Cathedral. Napabuga ako ng hangin bago ako gumanti ng matamis na ngiti sa kan'ya."Aldrin..."With his black tuxedo and his well-combed hair. He looks so neat. Katulad na katulad sa Aldrin na nakilala ko noon. Malinis kung titingnan.
ALDRIN TORRES-------"Aldrin! 'Yong baby."Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Eve habang sakay siya ng stretcher at itinatakbo namin papasok ng emergency room. Duguan siya at patuloy ang agos ng mga luha niya."He'll be okay. Magiging safe ang anak natin. Please, Eve. Make him safe."Kuyom ang mga kamao ko nang mahinto ako sa pagtakbo at tanawin na lang mula rito si Eve na pinapasok sa loob ng emergency room."Who did this?" Nanginginig at may diin sa bawat salita na sambit ko. Kabuwanan na ngayon ni Eve at nangyari pa 'to sa kan'ya. Hindi ko mapapatawad ang taong nagdala sa mag ina ko sa bingit ng kamatayan.Halos hindi ako nakatulog at buong gabi akong nasa labas ng emergency room. Kabado at takot na takot ako. Lalo pa nang papirmahin nila ako ng waiver na nagsasaad kung sino ang pipiliin kong iligtas. I never signed. I chose them both. They can't expect me to choose between the two people I love.Good thing, safe silang dalawa."It's Lily Lim. Nakita ko ang plate number ng kotse at
FLORENCE MORENO POINT OF VIEW--Bahagya kong naikunot ang noo ko nang nakuha ng isang babae mula sa malayo ang atensyon ko. Nakaupo siya sa field at nagpapasilong sa malaking puno habang kumakain ng junk foods kasama ang mga kaibigan niya.Palabas na ako ng Architecture Department building at papunta na sana sa Basketball Court upang puntahan ang kaibigan kong si Diego. Pero nahinto ako sa paglalakad nang nakita ko siya. She's wearing sneakers, short shorts and a white shirt with her red hair on a messy bun.She's simple. But she still got my attention. She looks familiar."Rain!"Nilingon ko si Sidney sa harapan ko and saw how beautiful she is compared to the girl I am looking at earlier. I smiled. Nothing beats my Queen.She automatically clung onto my arms while wildly smiling at me. "Date? I found a perfect place, Rain. Nakita ko sa facebook account ko kanina."Tinitigan ko siya. I pinched her nose before I shook my head. I still have some errands to do."Why?""May gagawin pa ak
"What are you talking about? Haven't you know? I'm Tanya Lim," depensa ni Tanya pero kita ko ang panginginig sa labi niya. "And who's boyfriend you're talking? Aldrin is my fiancee. Hindi mo rin alam?"I pouted my lips. "I'm sorry, hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko kasi ako 'yong mahal niya at hindi ikaw. At sa pagkakaalam ko rin, ako 'yong may dugong Lim at hindi ikaw.""Kelsi, anong sinasabi mong---""Diego! Kanina ka pang singit nang singit, naaalibadbaran na ako sa 'yo," agad na putol ni Ate Sidney kay kuya Diego."What's happening here?"There you go. Umayos ako ng tayo at agad na inihanda ang napakaganda at matamis kong ngiti bago ko nilingon si Sonya. Pero mabilis ding nawala ang ngiting iyon nang mamataan ko agad sa palibot nila ni Daddy ang parents nina Ate Sidney, Ulan at maging kay Aldrin."Mommy," agad na lapit ni Tanya kay Mrs. Lim."Anong nangyayari dito?" tanong ni Daddy."Dad..." sabi ko."Nag-aaway-away ba kayo?" muling tanong niya."Kelsi," Narinig kong tawag sa akin
Binasa niya ang labi niya pagkatapos ay nagmamadaling sumakay sa passenger seat ng sasakyan ko."Ulan..." sabi ko nang tuluyan na siyang makapasok."Anong ginawa mo do'n? You spent almost a day on that man's condo? Sa tingin mo anong iisipin ng mga taong makakakita sa 'yo?"Napatitig ako sa kan'ya. "Nakita mo 'ko?"Walang emosyon ang mga mata niya nang lingunin niya ako. Hindi ko tuloy malaman kung anong iniisip niya gayong tinititigan niya ako na para bang wala siyang alam."Anong ginawa mo do'n?" pag uulit niya sa nauna niyang tanong.Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Na may nangyari sa amin ni Aldrin? Na pumunta ako do'n para komprontahin siya pero nauwi sa s*x ang dapat ay komprontasyon lang? Maniniwala kaya siya kung sasabihin ko 'yon?"A-anong gusto mong marinig?" Katangahan ko rin, eh. Malamang 'yong katotohanan ang gusto niyang marinig."Mahal mo pa rin ba siya?" Tipid siyang ngumiti. "Sa halos anim na taong pinagsamahan natin, siya pa rin ba?"Parang piniga ang puso ko sa n
"I love you," bulong niya sa akin pagkatapos. Pareho kaming patagilid at magkaharap na nakahiga sa sofa.I gave him a peck on his lips again. "I love you too."Nagkatinginan kami. "So... is this the part where we bid our goodbyes?" saad ko.Mabilis na nangunot ang noo niya. "At sinong may sabing hahayaan kitang umalis? Now that I marked you mine, hindi na kita hahayaang mawala, Kelsi."Niyakap niya ako ng mahigpit. Isiniksik ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko inaasahang mauuwi sa ganito ang pagpunta ko rito. Hindi talaga ako karapat-dapat na tularan.Umahon ako mula sa pagsiksik sa dibdib niyang kahit pawisan kanina ay sobrang bango pa rin. "Nagugutom at nauuhaw ako," paglalambing ko."Wait. Ikukuha kita ng tubig," aniya at akmang tatayo."Hindi na. Ako na, naiihi rin ako," pigil ko sa kan'ya.Tumango siya at tinulungan akong bumangon. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay napabalik na ako sa pag upo. At sa mismong kandungan niya pa. Shocks! Pareho pa kaming hubo't-







