"I'm your PE 1 professor. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, I am Aldrin Torres." Ngumiti siya dahilan upang mag ingay ang buong klase.Kadalasan sa naririnig ko patungkol sa kanya ay, gwapo siya.Gwapo naman kasi talaga siya. Ang hot talagang tingnan kahit pa may bitbit siyang libro at may panyo pa sa kaliwang kamay."As a tourism student, you have to be physically fit..."Narinig ko ang agad na paghagikhik ni Curly sa harapan at ang panunukso niya kay Chubby."Physically fit raw," aniya at pinakadiinan pa ang salitang 'fit' na siyang ikinainis ni Chubby. Kaya nahampas si Curly ng libro."Ang sakit ah!" reklamo niya."And in order for you to be physically fit ay kailangan niyo ng exercise. Kaya bukas na bukas ay magsisimula tayo sa baseball," masiglang pahayag nniya.Pero kung gaano siya kasigla ay kabaliktaran naman ang reaksyon ng mga estudyante niya. Nanlumo ang lahat. Sa section kasi namin ay halos babae kaming lahat."Hindi po kami marunong, sir.""Badminton na lang, sir.""O hi
Huling Na-update : 2026-09-09 Magbasa pa