Share

Chapter 8

Umaga na at naghahanda na si Manang Lily para sa trabaho at napagtanto niyang hindi pa gumigising si Celeste kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto.

"Celeste gising na, papasok pa tayo." Tapik ni manang Lily sa balikat ni Celeste.

"Manang Lily hindi na muna ako papasok ngayon, masama ho ang pakiramdam ko."

"May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Manang Lily ang noo ni Celeste at napagtanto niyang hindi naman siya mainit. "Wala ka namang lagnat ahh, bakit ayaw mong pumasok?"

Bumangon si Celeste at nagsalita, "Ayoko pong pumasok dahil baka makita ko po ulit siya doon."

"Sino?"

Tumingin si Celeste kay Manang Lily at huminga ng malalim bago nagsalita, "Ang ama po ng anak ko."

"Nagkita kayo? Kailan?"

"Kahapon po sa event," Tipid na sagot ni Celeste.

"Sino dun?" tanong ni Manang Lily na ngayon ay naging osyoso ang mukha.

"Si Noah Garcia ho siya ang ama ng anak ko." Napasinghap si Manang Lily dahil sa gulat at tinakpan niya ang kanyang baba na parang di makapaniwala sa sinabi ni Celest
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status