Share

KABANATA 19

EYA

PAGDILAT niya ng mga mata nasa isang hindi pamilyar na silid siya. Nakahiga at nakagapos ang dalawang mga kamay niya maging ang dalawang paa niya ay nakagapos din. Pinilit niyang tumayo at sirain ang matigas na bakal na nakagapos sa kanya subalit hindi niya magawa. Nasaan ba siya? Ano ba ang nangyari? Nasaan si Master Ash?

Ang huling pagkakatanda niya ay nasugatan siya sa dibdib at nanghina siya. Unang beses iyon na nakaramdam siya nang panghihina, hindi niya mawari pero ang pakiramdam niya ay para siyang uhaw na uhaw kaya nawalan siya ng ulirat. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid, maraming aparato siyang nakikita na hindi siya pamilyar kung ano man ang mga iyon. Ano ba talaga ang nangyayari?

Ilan sandali pa ay may pumasok na tatlong lalaki at isang babae sa loob, lumapit ang mga ito sa kanya. Nakasuot ang mga ito ng puting damit at may nakatakip sa mga mukha ng mga ito. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtata

NIKKYOCTAVIANO

Hello, Ako si Nikky. Salamat sa patuloy na pagbabasa at sa suporta! Happy reading!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status