Share

KABANATA 20

ASHLEY

NAGPAKAWALA siya ng isang malalim na paghinga bago niya isinalaysay kay Ria ang lahat. Mula kung paano sa tingin niya nabuhay ang Mummy hanggang sa sundan siya nito at painumin ng dugo niya at hanggang maisipan niyang dalhin ito sa Maynila upang itago.

"Anong rason mo, Ashley? Bakit mo ito tinago?" makahulugang tanong ni Ria sa kanya.

Nag-isip siya. Rason?

"Nung una naawa ako sa kanya. Nalaman kong hindi siya masama. Hindi siya na nanakit. Gusto ko lang siyang tulungan," madiin niyang tugon habang nakakuyom ang mga kamay niya.

Blanko ang mukhang nakatitig si Ria sa kanya.

"Ashley, hindi siya tao. Alam na alam mo iyon. You see? Ikaw na rin nagsabi na umiinom siya ng dugo at kumakain ng laman-loob ng hayop. May tendency na gawin niya rin iyon sa tao," giit ni Ria.

Umiiling-iling siya. Hinding-hindi gagawin iyon ni Eya.

"Hindi gagawin ni Eya 'yon. Hindi niya kayang manakit! Kilala ko siya!" paasik niy

NIKKYOCTAVIANO

Salamat sa patuloy na pagbabasa! ♡

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status