EYA
PINAKATITIGAN niya ang mga taong kasama niya sa conference room. Kasama niya ang ilan board members at mga residence doctors ng hospital. Tahimik lang siyang nagmamasid habang nilalaro-laro niya ang ballpen na nasa daliri. Minsan hindi rin niya maiwasan mapataas ang kilay at mapailing. Sa tuwing naririnig niya ang bulungan ng iba. Malinaw na malinaw niya kasi naririnig ang bulungan. Iyon iba maganda ang sinabi samantalang ang iba naman ay walang magandang sinabi tungkol sa kanya.
Napabuga na lang siya nang malalim na paghinga.Mayamaya pa ay nalanghap niya ang isang pamilyar na amoy. Biglang sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. Alam niyang naroon sa hospital ang asawa niya. Para tuloy gusto na niyang tumayo at tapusin ang conference meeting. Lumipas pa ang ilan minuto ay natapos na rin ang meeting. Siya ang unang tumayo at lumabas ng conference room. Isang mabilis na takbo ang ginawa niya pababa para mapuntahan ang asawa niya. Hindi na siya gumamit ng el
ASHELY NAGISING siya nang mayroon mabigat na nakadagan sa kanya. Nang magmulat siya ang braso pala iyon ni Eya na nakayapos sa beywang niya. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa maamo at guwapong mukha nito. Napansin din niya na wala itong suot na pang itaas na damit. Lantad sa paningin niya ang matipunong dibdib nito. Marahan niyang hinaplos ang dibdib nito pababa sa matigas na abs nito. "Galit ka ba sa'kin?" Napatingin siya kay Eya na nakatitig rin sa kanya. Hindi naman siya galit. Nagtatampo lang siya. Iyon iba kasi mag-asawa halos napapasigaw sa tuwa pag nalalaman magkaka-anak na pero si Eya napatakbo nang malaman buntis siya. Sino ba naman ang matutuwa? Napabuga siya ng hangin. Hindi siya kumibo bagkus pinagpatuloy lang niya ang paghimas sa katawan nito. Bakit ba bigla na lang nag-init ang katawan niya? Ganoon ba talaga pag buntis, nahihilig masyado sa pakikipagtalik? Umusog siya pababa at pumuwesto sa gitna ng mga hita ni
ASHLEYNANG magising siya kinaumagahan wala na uli si Eya. Nagsabi ito na may kailangan lang ito puntahan kasama si Ebo at Eda. Kaya siya na naman ang naiwan mag-isa sa malaking mansyon. Pagkababa nakarinig siya ng may mag-doorbell. Mabilis niyang tinungo ang pinto. Nabungaran niya si Nathan, napasulyap siya sa likod nito. May nakita siyang tow truck na nakaparada sa harap ng mansyon at ang kotse niya.Oo nga pala, naiwan niya ang kotse niya sa burger shop."Hi, Ashley! How are you? Hinanap ko ang address mo at nalaman kong ikaw pala ang asawa ng bagong may ari ng Glendridge Hospital. Kaya ako na mismo nagdala ng kotse mo rito," magiliw na sabi ni Nathan.Biglang siyang nahiya kay Nathan."Oh, I'm sorry. Nakalimutan ko ipakuha ang kotse ko. Naabala tuloy kita, pasensya kana at salamat na rin," nahihiyang ngumiti siya."No, it's okay. Inisip ko rin na baka masama pa rin ang pakiramdam mo kaya nagmagandang loob na ako ihatid
EYA "DOPPELGANGER..." Bigkas ni Eda nang ikuwento niya rito at kay Ebo ang sinabi ni Master sa kanya. Sinabi kasi ni Master na may pumasok na kamukhang-kamukha raw ni Ebo. Kaya labis tuloy siyang nabahala. Pinag-krus ni Ebo ang mga hita nang makaupo ito. Seryoso ang anyo nito."Obvious naman na si Niran lang ang may kakahayan nang ganoon. Ibig lang sabihin, alam na niya ang tungkol sa pinagbubuntis ng asawa mo. Bakit hindi pa natin payatin ang magiging anak niyo para matapos na ito?" nang-uuyam na suhestiyon ni Ebo. Dumilim ang anyo niya at nagtiim ang bagang niya. "Baka gusto mo mauna?" nangagalaiting banat niya kay Ebo. Para na rin nito sinabi na saktan ang asawa niya. Hindi siya papayag na mangyari iyon, at mas lalong hindi siya papayag na patayin ang magiging anak nila. Pagak na natawa si Ebo."Kung kaya mo..." pang-asar na sabi nito. Akma sana niya susugurin ito nang humarang si Eda sa harapan
ASHLEY NAMIMILIPIT na naman siya sa sobrang sakit ng tiyan niya, mabuti na lang at kasama niya si Eda. Kumuha ito ng suwero at ilan bag ng dugo para maisalin sa kanya. "Kailangan mo nang maraming dugo sa katawan, Ashley. Nagugutom ang batang nasa tiyan mo kaya nakakaramdam ka nang sobrang sakit." Paliwanag ni Eda sa kanya habang sinasalinan siya ng dugo. Napapaigik siya dahil sa kirot ng tiyan at sa kirot na dumadaloy sa ugat niya sa tuwing nararamdaman niya ang pagpasok ng dugo sa katawan niya. Huminga siya nang malalim habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Hindi pa siya nagla-labor pero daig pa niya ang nanganganak dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Mayamaya pa ay sumulpot si Ebo at naguguluhan nakatingin sa kanila ni Eda. "Wala ka naman siguro balak na ipaubos kay Ashley ang lahat dugo di'ba?" kunot noong tanong nito kay Eda. Humarap si Eda kay Ebo. "Huwag kang mag-alala, hindi ka mauubusan.
ASHLEY LUMIPAS ang mga araw at linggo bigo siyang makasagap ng balita tungkol kay Nathan. Napahinga siya nang malalim. Marahan siyang bumaba sa kama habang ang isang kamay niya ay nakaalalay sa malaking umbok ng tiyan niya. Mabilis ang naging paglaki ng tiyan niya, apat na buwan pa lang pero parang pitong buwan na sa laki. Nahihirapan na rin siya sa paghinga lalo na sa gabi at ang pangangatawan niya ang sobrang laki na nang pinagbago. Pumayat na siya nang husto hindi na nga niya makilala ang sarili pag humaharap siya sa salamin. "Tulungan kitang bumaba, Asawa ko," malambing na sabi ni Eya sa kanya. Inalalayan naman siya nito pababa sa hagdan kung minsan ay binubuhat na lang siya nito para hindi siya mahirapan. Nang makababa siya naabutan niya sa salas si Eda at Ebo. Napatingin ang mga ito sa kanya. May bahid na pag-aalala sa mga mata ni Eda nang pagmasdan siya nito. Mukha na kasi talaga siyang nakakaawa sa itsura niya.
EYA HINDI niya alam kung paano niya kakayanin tanggapin ang pagkawala ni Ashley. Nawalan ito ng buhay matapos ipanganak ang anak nila. Pakiramdam niya parang tumigil din sa pagtibok ang puso niya. Bakit ganoon ang nangyari? Nagtatangis ang bagang na sumulyap siya kay Eda. Hawak-hawak nito ang anak niya na si Baby Adaline. "B-Bakit hindi pa gumigising ang asawa ko?" naiinis na tanong niya. Sinubukan niyang painumin ng sariling dugo ang asawa niya. Umaasang muli ito mabubuhay at magiging immortal na katulad nila. Ngunit bakit hindi gumagana? "S-Sinabi ko na sa'yo, Eya. Walang kasiguraduhan 'yon," sagot ni Eda sa kanya. Inis na pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi. Paulit-ulit niya pinainom ng sariling dugo ang asawa niya. Hindi siya makakapayag na hindi ito mabuhay muli. "Hindi pa naman lumilipas ang isang araw, mag-antay pa tayo," seryosong wika ni Ebo. Malungkot na tumingin siya kay Ebo."H-
ASHLEYNANG magmulat siya ng mga mata nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Napabalikwas siya nang bangon at sinipat ang sarili. Nakasuot siya ng hospital dress. Nasaan ba siya talaga? May kung anong nararamdaman din siyang kakaiba sa sarili na hindi niya mawari. Pakiramdam niya naging sensitibo ang lahat ng kanyang pandama.Ilan minuto pa siyang natulala nang may pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Isang matangkad at may edad na lalaki. Kumunot ang noo niya. Parang pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi siya sigurado kung ano pangalan at kung saan niya ito nakilala.Nginitian siya nito nang makalapit sa kanya."Mabuti na lang at gising ka na..." malamyos nito sabi.Malalim ang baritono boses nito na akma lang sa anyo nito. Masyadong maskulado ito at matikas."Sino ka? Anong nangyari? Nasaan ba ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa lalaki na nakatitig lang sa kanya.Tumikhim muna ito at naupo sa sil
EYA10 YEARS AFTER...MALAKAS siyang napasinghap sabay balikwas ng upo. Hindi niya akalain na mapupuruhan siya ni Niran dahil sa pagtarak nito sa dibdib niya. Bumungad agad sa kanya ang mukha ni Ebo na seryosong nakatunghay sa kanya."Mabuti at nabuhay ka pa uli, muntik na kitang gawin panggatong e," sarkastikong saad nito. Subalit hindi niya pinansin ang sinabi nito, mas nakaagaw nang pansin niya ang isang magandang bata na may mahabang buhok, berdeng mata at may hawak na malaking taong manika.Nakita niyang nagtago ito sa likod ni Ebo na para bang natakot bigla sa kanya. Nagtaka siya kung sino ang batang iyon? Tumikhim si Ebo at hinawakan sa balikat ang batang babae."Hindi mo naman siguro nakalimutan may anak ka di'ba? o, gusto mo ipaalala ko pa sa'yo?" pagsusungit na sambit ni Ebo.Nanlaki ang mga mata niya. Nagtatakang napatingin siya kay Ebo. Nagtatanong ang kanyang mga tingin."Sa