Share

DALAWA: KAKILALA

DALAWA: KAKILALA

Natapos ang seremonya at tuluyan nang ibinaba ang kabaong sa ilalim ng lupa. Lalong lumakas ang iyakan ng dalawang puslit na nasa bisig ng binata. Hindi ko man kita ang mga mukha nila ngunit alam kong puno iyon ng luha dahil sa pagluluksa. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay naluluha sa nakikita. Hindi ko sila kilala ngunit nararamdaman ko ang nararamdaman nila ngayon. Alam kong sobrang sakit nawalan ng mahal sa buhay. Sobra na para bang ikamamatay mo. 

Ngunit hindi tayo aahon sa kalungkutan na iyon kung hindi na'tin hahayaan ang sarili na mag-move on. Kailangan na'tin tanggapin na wala na sila para makausad tayo. Kailangan na'tin iyon para makapagpatuloy sa buhay.

Natigilan ako at nawala ang atensiyon sa mga nag-iiyakan na kumpol na mga tao nang maradaman ko at narinig kong tumunog ang telepono na nasa bulsa ng bag na dala ko.

Mabilis ko itong kinuha at nakita na natawag si Tiya. Medyo lumayo ako kay Nanay na siyang humigit sa sitwasiyon kong ito bago sinagot si Tiya.

"Hello po, Tiyang." Sagot ko sa tawag niya.

"Aba'y ano na bang nangyari sa iyong bata ka? Halos mag-a-ala una na pero wala ka pa rin dito," nag-aalalang sabi niya sa kabilang linya. "Naligaw ka na ba? Kanina pa ako natawag sa iyo pero hindi mo sinasagot. Nasaan ka na ba at mapuntahan na kita?"

Hindi ko alam paanong sasagutin si Tiya. Dapat ko bang sabihin na nasa sementeryo ako at nagsasaksi sa paglilibing ng hindi ko kilalang tao. Ano ba kasi itong pinuntahan ko. Kung hindi ako natulog ay baka na kina Tiya na ako ngayon. Hay! Buhay!

"A-Ah, ayos naman po ako. M-Medyo nagkaproblema lang itong sinasakyan ko. Pero baka malapit na rin po kami," pagsisinungaling ko. Ayoko nang dumagdag sa iiisipin niya. "Huwag po kayong mag-alala."

"O, sya, sya, mag-iingat ka. Tumawag ka sa akin kapag malapit ka na o kapag hindi mo na alam kung nasaan ka. Naintindihan mo?"

"Opo, Tyang. Salamat po."

"O, sya, sya baka masunog itong niluluto ko." Huling sabi niya bago pinatay ang tawag. 

Malalim akong bumuntong hininga bago muling tumingin kung nasaan ang naglilibing. Nahagip ng mga mata ko na nagpapalinga-linga si Nanay na para bang may hinahanap. Nang lumingon ito sa gawi ko ay mabilis siyang inuwestra na lumapit ako sa kaniya. 

Wala akong nagawa kundi muling lumapit sa kaniya. Kung aalis man ako rito, hindi ko rin alam kung saang lugar ito. Baka mas lalo akong maligaw. Magpapatulong nalang ako rito kay Nanay kapag natapos ito. 

"Kung saan-saan ka talaga nagpupunta." Sabi nito nang tumabi ako sa tabi niya.

"May kinausap lang po." Ani ko.

"Ano? May nakikita kang hindi ko nakikita?" gulat na sabi nito.

Umiling naman ako. "Hindi po. May kinausap lang ako sa telepono."

Tumango ito. "Ah, akala ko ay nakakakita ka ng multo."

Ilang saglit pa kaming nanatili roon hanggang sa unti-unting nagsialisan ang ilan. Natira na lang ang lalaki na bitbit ang dalawang bata na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. May matandang babae at lalaki rin na naroon na naglilinga sa mga bata. 

Tapos nakita kong may dalawang babae na nasa hirap na parang umiiyak pa at may kasama silang tatlong lalaki. Napatitig ako sa isa nang mamukhaan ko ito. Siya iyong driver na nagdala sa amin dito.

Nasa tabi pa rin ako ni Nanay.

"Hay mga apo," bulong nito. "Kung sana'y hindi nagmatigas si ma'am ay sana narito pa siya." Bulong-bulong nito habang nakatanaw sa mga bata. "Kawawang mga alaga ko."

"Nanay po nila ang namatay?" Tanong ko.

Tinignan na naman ako nito na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Oo, si Ma'am Claire. Nagka-amnesia ka ba at hindi mo naaalala ang nangyayari? Tanong nito sa akin.

"H-Hindi po. Marami lang po akong iniisip." Sagot ko. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Hindi naman kasi siya naniniwala na hindi ako kasama rito sa pinagluluksahan nila.

Hinintay namin na kumalma ang mga bata bago kami umalis doon. Kaming tatlo nga ulit ang magkakasama sa puting van. Sa sobrang haba ng biyahe at sa pagkukuwento nitong si Nanay ay nakatulog ako. 

Nagising na lamang ako nang may yumugyog ng mga balikat ko. 

".... Hija, hija, gumising ka na at bumaba na. Narito na tayo sa mansion." Boses ni Nanay ang narinig ko habang patuloy sa pagyugyog ng katawan ko. 

Napabalikwas ako sa narinig na sinabi niya. Ano raw? Nasaan daw kami? Mansion? Anong ginagawa ko rito! 

Nakatulog na naman ako! Ang plano ko ay magpapahatid ako sa kanila sa lugar kung saan nakatira si Tiya. Pero mukhang nalampasan na naman namin! Kasalanan ito ng puyat ko! 

"Mabuti naman at gumising ka na. Grabe ang hirap mo naman gisingin." Reklamo nito ngunit hindi naman galit.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan dahil nasa labas na rin siya. At agad akong napanganga sa mansion na sinasabi niya.

Bumungad sa akin ang napakalaki at napakagandang bahay este mansion pala. Sa tanan ng buhay ko, ngayon pa lamang ako nakakita sa malapitan ng ganito klaseng bahay. Noon ay sa telebisyon ko lamang sila nakikita. Ngunit ngayon ilang pulgada lamang ang layo ko rito. 

Hindi ko napigilan na ibuka ang bibig sa mangha. Para bang nananaginip ako ngayon. Hindi ko na-imagine na makakakita ako ng ganito kalaki at kagandang bahay! 

"Huy! Napaano ka ba? Kanina ka pa nakatulala riyan! Hali ka na. Nasa loob na sila Sir at ang iba." Ani Nanay saka ako hinawakan sa pulsuhan.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa likod bahay nila ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na ngumanga sa gandang taglay ng mansion na ito. Napakasarap siguro ang tumira sa ganitong klaseng bahay. 

Pumasok kami sa pinto sa likod ng bahay at agad na bumungad sa amin ang higaan at ilang gamit katulad ng kabinet, maliit na mesa, electric fan at iba pa.

Umupo si Nanay sa kama.

"Hay! Nangalay ako sa pagtayo kanina." Aniya.

Tumayo lang naman ako roon sa pinto dahil hindi ko alam ang gagawin. Napansin niya yata iyon kaya tinawag niya ako. 

"Ano ka ba! Para naman bago sa iyo itong kwarto ko. Maupo ka, alam kong pagod ka rin katulad ko." Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. 

Nag-aalinlangan na tumabi ako sa kaniya. Hindi kaya mapagalitan ako ng amo niya kapag nalaman niyang may tao sa loob ng bakuran nila na hindi naman nila kakilala? Kinabahan tuloy ako lalo! Baka makasuhan pa ako! 

Nagkuwento na naman si Nanay tungkol sa pamilya niyang nagsipanaw na rin. Hindi ko rin tuloy mapigilan na ikwento sa kaniya ang nangyari kina Nanay at Tatay. Magaan at komportable ang pakiramdam ko rito kay Nanay hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin napigilan ang damdamin ko at kusa na lamang na bumuhos ang luha sa mga mata ko habang binabalikan ang mga ala-ala namin nila Nanay at Tatay. Sa huli ay niyakao niya ako at hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako. 

Gabi na no'ng ginising ako ni Nanay. Nagulat pa ako dahil nakasuot siya ng pang-katulong na kasuotan. Katulong pala siya rito bakit hindi niya nabanggit?

"Naku, hija, buntis ka ba at parati kang tulog. Mabuti na lamang ay hindi ka hinanap kanina sa kusina." Mahabang sabi niya habang nakaupo sa gilid ng kama.

Mabilis naman akong bumangon. Agad kong hinanap ang bag ko at nakita ko na nasa isang sulok iyon malapit sa kabinet.

Inalis ko ang kumot na nakayakap sa akin at tumayo. 

"Aalis na po ako." Sabi ko pero agad niya akong pinigilan.

Hinawakan niya ako sa kamay kaya napatingin siya sa akin. 

"Saan ka na naman pupunta? Mukhang na nanaginip ka pa ata." Anito na natatawa pa. 

Umiling ako at marahan na tinanngal ang kamay niya sa kamay ko. 

"H-Hindi po ako taga rito... H-hindi ko po kayo kilala..." Sabi ko. 

Natigilan siya nang sabihin ko iyon. Nabitin sa hangin ang ngiti niya habang nakatitig sa akin. Ngunit hindi kalauna'y ngumiti rin siya.

"Alam ko, hija." Sabi niya na nagpatigil sa akin. 

"A-Alam niyo po..." Kinabahan ako bigla. Baka anong mangyari sa akin nito! "P-Pero bakit isinama niyo pa rin po ako rito gayong alam niyo po na hindi niyo po ako kilala..."

"Hindi ba nabanggit ni Tiya Lorna mo?" 

Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras pa ako sa gulat. Paanong... Paanong nakilala niya si Tiya. 

Umiling ako. 

Baka ibang tao ang tinutukoy niya. 

"S-Sino po si Tiya Lorna?" Kunwaring tanong ko. 

Ngumiti ito. 

"Aba'y sarili mong tiyahin hindi mo kilala. Masabi nga ito kay Lorna." Natatawang saad niya. "Ako ang kaibigan na sinasabi ng Tiya mo. Ikaw si Jossa, hindi ba? Pinapunta ka rito sa manila ni Tiya mo para magtrabaho?" 

Mas lalo akong natigilan. Paanong nalaman niya rin iyon. 

"Tama ba ako, hija?" Pagkukumpirma niya. "Mabuti na lamang ay napakita sa akin ni Lorna no'ng isang araw ang mukha mo." Pinagmasdan niya ang mukha ko habang may ngiti sa mga labi. "Hindi nga nalalayo ang hitsura mo sa larawan na pinakita niya sa akin at sa hitsura mo ngayon kaya hindi ako nahirapan na makilala ka."

Hindi ako nakapagsalita. Pinoproseso ng isip ko ang mga sinasabi niya. Kilala niya si Tiyang? Siya ang sinasabi ni Tiyang na naghahanap ng katulong? At nakita niya na ang mukha ko dahil pinakita ni Tiyang?

"Pasensiya ka na at hindi ko agad kita kinompronta kanina. Sinisiguro ko kasing ikaw nga iyan." Sabi na naman niya. "At tama nga ako. Ikaw nga iyan. Maligayang pagdating sa manila, hija."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Tumawa naman ito dahil hindi ako nagpakita ng reaksiyon.

"Masiyado ba akong mabilis?" taning nito saka tumawa. "Oh, sya, sa ngayon magpahinga ka na muna. Bukas na kita ipapakilala kay Sir at alam kong nagluluksa pa iyon ngayon."

Tumango na lang ako.

"Pupwede mong ilagay sa kabinet sa pinakailalim ang mga damit mo, wala naman iyong laman." Tinuro niya ang kabinet na nasa sulok. "Babalik lang ako sa kusina at baka kailangan ako. Siguro mga alas diyes ay babalik din ako rito."

Tumango nalang ulit ako.

Nang isarado niya ang pinto ay natulala ako.

Anong nangyari?

Napitlag ako nang malakas na tumunog ang telepono ko. Patakbong kinuha ko ito at sinagot ko. 

"Tiyang—" 

Naputol ang sasabihin ko nang mabilis siyang nagsalita, sumisigaw pa. 

"'Yong totoo, Jossa, nasaan ka na?!" Sigaw nito sa akin. "Gabi na, Jossa! Sabi ko ay tumawag ka para alam ko kung nasaan ka na pero lumipas na lang ang buong araw ni isang tawag sa iyo ay wala akong natanggap! Nasaan ka na ba?!" 

"T-Teka, Tiyang—" 

"Mabuti sana ay pinasundo nalang kita roon sa station ng bus para kanina ka pa narito! Pinag-aalala mo ako—" 

"T-Tiyang, ayos lang po ako." Sabi ko. 

"Paano ako makakasigurado, Jossa, ha?! E, wala ka pa nga rito sa bahay!" 

"Nandito na po ako sa sinasabi niyo pong pagtatrabahuhan ko." 

Natigilan si Tiyang. 

"Ano ka 'mo?" Aniya nang saglit matigilan. "Nasaan ka, Jossa?! Kasama mo na si Loyda? Nariyan ka na kina Loyda?!" 

"Opo, Tiyang—" 

"Paanong nariyan ka na?!" Putol na naman niya. "Ni hindi ka muna nagpakita sa akin?! Atsaka saan mo nakilala si Loyda?"

"Naligaw po kasi talaga ako, Tiyang—" 

"Sinasabi ko na nga ba—" 

"Tiyang, magpapaliwag po ako." 

"O, hala, sige! Ano? Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka naligaw?" 

"Nakatulog po kasi ako sa sinasakyan kong bus at no'ng nagising po ako ay lumagpas na pala ako sa lugar niyo. Tinuro po sa akin no'ng konduktor ng bus na sinakyan ko kung saan ang istasyon ng bus para makapunta ako diyan sa inyo—"

"Paano mo nakilala si Loyda?" 

"Naglalakad po ako no'ng napahinto po ako sa simbahan. Papasok po sana muna ako para magpahinga at magdasal pero nakita ko pong may patay po pala roon." Paliwanag ko. "Aalis na po sana ako nang tawagin ako ng isang Nanay. Hindi ko po alam pero napasunod po ako, e—" 

"Sumama ka sa hindi mo kakilala?! Jossa, paano kung hindi si Loyda iyan?! Baka napaano ka pa!" 

"Tiyang, hindi naman po. At ang sobrang pasasalamat ko dahil ito palang nanghigit sa akin ay kaibigan mo pala." 

"Hay naku, Jossa! Sa susunod huwag kang sasama kung kani-kanio baka mapaano ka!" Pangaral niya. 

"Opo, Tiyang." 

"Pakausap ako kay Loyda." 

"Nasa kusina pa po siya, Tiyang." 

"O, sige, sige, kakausapin ko nalang siya bukas. Mag-iingat ka riyan." 

"Opo, Tiyang, salamat po." 

Pinatay ni Tiya ang tawag. Napabuntong-hininga ako at umupo sa kama. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ko. Sakto lamang ang laki nito. Hindi siya maliit at mas lalong hindi siya malaki. Tamang-tama sa isang tao. Sobra pa nga. 

Katulad ng sinabi ni Nanay, bumalik siya nang saktong alas diyes na ng gabi. Nakasuot pa rin siya nang pang-katulong. Bumangon naman agad ako nang isarado niya ang pinto. 

"Oh, gising ka pa?" Tanong niya nang makita na bumangon ako.

Tumango lang ako.

"Naninibago ka ba?"

Umiling ako.

"Tumawag po kasi si Tiyang." Ani ko.

"Ay sayang hindi ko naabutan. Bukas ko na lamang siya tatawagan!" Anito. "Sige na, matulog na tayo. Bukas na kita ipapakilala kay Sir bago siya pumasok ng trabaho."

Kinakabahn ako at natutuwa rin. Sa wakas mabibigyan ko na nang magandang buhay si Anton. Nay, Tay, gabayan niyo po ako sa buhay na kakaharapin ko sa trabaho kong ito. 

___

DB

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku jossa patulog tulog ka kasi ayan nalagpas ka buti na lang at kaibigan ng tiya mo yong nakaku ita sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status