TATLO: NATAPUNAN
Tanghali ako gumising kinabukasan. Namahay kasi ako kaya hindi agad ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang ulit akong sinuway ni Manang Loyda dahil ang likot ko raw katabi. Kaya kinabukasan, alas nuebe na ako nagising. Kung hindi pa nga pumasok si Manang sa loob ng kwarto para balikan ako ay hindi pa ako magigising.
"Hay naku ka, Jossa! Pati ako ay hindi mo pinatulog nang maayos kagabi. Mabuti na lamang ay nagising pa rin ako nang maaga." Anito habang nakatayo sa labas ng pinto. "O, sya, maligo ka na muna. Nariyan sa kabinet na pangalawa ang naiwang maid's outfit no'ng umalis na kasambahay dito. Sana ay sumakto sa iyo. Pagtapos mo dumiretso ka na sa kusina. Okay?"
Aalis na sana siya nang pigilan ko.
"Uhm, Manang..."
Muli niya akong hinarap. "Bakit?"
"H-Hindi ko po alam kung nasaan ang kusina." Sabi ko.
"Ay oo nga pala." Napasapo siya sa noo. "Doon sa main door ka pumasok. Pagpasok mo sa kaliwang bahagi ang kusina. Makikita mo naman agad 'yon basta makapasok ka ng mansion."
Tumango ako.
"O, sya, bilisan mo na," sabi nito. "Sya nga pala, umalis na si Sir pero nasabi ko na sa kaniya na may ipapasok akong kasambahay. Ang sabi ko ay pamangkin ko kaya tawagin mo na lang ako ng Tiya Loyda, okay ba?"
Tumango lang ulit ako.
"O, sya, sya, magluluto pa ako ng pagkain ng mga alaga ko. Bilisan mo ha." Anito saka ako iniwan at umalis.
Mabilis akong kumilos. Ayoko naman paghintay si Manang Loyda nang matagal gayong unang araw ko ito. Dapat nga ay kanina pa ako naroon kung hindi lang ako napuyat kami.
Nang matapos maligo ay sinuot ko na ang sinabi ni Manang Loyda na damit. Medyo maliit ito at hapit sa katawan ko. Medyo masikip din ang pang-itaas at maliit ang pang-ibaba pero ayos na naman.
Lumabas ako ng kwarto namin at agad na bumungad sa akin ang magandang paligid ng mansion. Hindi pa rin ako makapaniwala na simula ngayon ay dito na ako magtatrabaho.
Humakbang ako habang nililibot ang mga mata. Napakalaki at napakalawak nito. Nang makita ko ang sinasabi ni Manang Loyda na main door ay nag-alinlangan pa aking humawak sa pinto para pumasok.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahan itinulak ang pinto. At mas lalo akong napanganga sa ganda na tinataglay ng loob. Kung sa labas ay nakayanan ko pang maglakad, ngayon ata ay mas nanaisin ko na lamang tumitig sa sobrang ganda ng loob ng mansion na ito. Unang kita mo palang ay alam mo na agad na hindi basta mayaman lang ang nagmamay-ari nito.
Napatitig ako sa hagdan na para bang kulay ginto ang kulay sa sobrang kinis pero ang totoo ay kayumanggi talaga ang kulay nito. Sa malaking bagay na nasa sentro at nakasabit sa itaas ay mas lalong napaglaglag ng panga ko.
Wow! Ngayon lamang ako nakakita ng ganiyang klaseng ilaw. Anong tawag nila riyan?
Napunta sa mahahabang upuan na alam kong malalambot ang aking mga mata. May malaki ring TV ang naroon. Hindi ko talaga kinakaya ang yaman nitong bahay na ito.
Natigilan lamang ako sa pagmamasid ng may tumawag sa akin.
"Jossa!"
Napatingin ako sa kaliwang bahagi na siyang kusina na sinasabi ni Manang. Naroon siya habang nag-aasikaso sa niluluto habang may dalawa pang babae na pareho namin ng suot na nakaupo lamang sa mahabang mesa at mayroon ding tatlong lalaki na nakapo sa harap ng dalawang babae.
"Hali ka na rito!" Sigaw pa ni Manang.
Mabilis akong humakbang palapit sa kanila. Napayuko nga ako nang makita na pati ang mga lalaking nakatalikod sa akin ay napalingon. Tumungo ako sa malapit kay Manang.
"Ito na ba ang sinasabi mong pamangkin mo, Loyda?"
Napatingin ako sa matandang lalaki na nagtanong. Siya iyong nagmaneho ng sinakyan namin puting van ni Manang.
"Oo, Kaloy siya nga." Sagot ni Manang bago tinigil ang ginagawa at bahagyang lumapit sa akin. "Ito nga pala si Jossa makakasama na'tin siya mula ngayon." Aniya pa.
Tumango ang mga lalaki pati ang isang babae na halata kong pinakabata sa kanila.
"Jossa, sila naman ang mga makakasama mo rin dito sa bahay. Si Kaloy," Tinuro niya ang lalaking driver namin. "Isa sa driver ni sir."
"Hi, Jossa." Bati nito habang nakangiti. "Sabi ko na at namumukhaan kita. Ikaw pala iyong kasama namin kahapon sa Van ni Loyda."
Nahihiyang tumango ako.
"O-Opo, ako po 'yon. Magandang umaga po."
Ngumiti ito at tumango rin.
"Ang nasa tabi niya naman ay si Kanor," Tinuro niya ang lalaking katabi ni Mang Kaloy. "Isa rin siyang driver ni Sir pero madalas ay guwardiya siya rito sa mansion."
Ngumiti ito sa akin. Katulad ni Mang Kaloy, si Mang Kanor ay parang mas matanda pa sa kaniya.
"Magandang umaga po." Sambit ko.
"At ang nasa tabi naman ni Kanor, ang anak niyang si Joshua at ang driver ng mga bata." Tinuro ni Manang ang katabing lalaki ni Mang Kanor.
Kumpara sa dalawang lalaki, mas bata itong tignan si Joshua. Mukhang nasa edad bente pa lamang kung tutuusin.
"At ang dalawang babae naman na nasa harap nila ay katulad na'tin na mga katulong." Paliwanag ni Manang. "Si Mel ang pinakabata sa ating lahat, siya rin ang katuwang ko rito sa gawaing bahay."
Ngumiti sa akin ang sinasabi ni Manang na si Mel. Nginitian ko rin ito pabalik.
"At ang huli ay si Cecille, katuwang ko rin."
"Cecille here!" Sabi nito habang abala sa pag-aayos ng mukha. May hawak siyang maliit na salamin at doon tinitignan ang sarili.
"Magandang umaga po sa inyong lahat," bati ko at bahagya pang yumuko.
Nang mag-angat ako ng ulo sa kanila ay agad na nagsalita si Mang Kaloy.
"Masiyado ka namang pormal, hija, e, pare-preho lang naman tayo rito na nagtatrabaho." Sabi nito na natatawa pa.
"Oo nga, hija, huwag ka nang gumamit ng po. Pinapamukha mo lalo sa amin na ang tatanda na namin." Biro ni Mang Kanor.
"Totoo naman na matanda ka na, Kanor, magtigil ka riyan." Sabi ni Manang Loyda at bumalik sa paggigisa ng sinangag.
"Galit ka na naman agad sa akin, Loyda." Tumatawang saad ni Mang Kanor.
"Huwag mo akong simulan, Kanor ha!" Irita na sabi ni Manang bago ako hinarap. "Maupo ka na muna sa tabi ni Mel, malapit na rin naman itong matapos."
Tumango ako at wala sa sariling tumingin kay Mel. Ngumiti ito sa akin at isinenyas ang upuan sa tabi niya. Ngumiti rin ako at tumabi sa kaniya.
"Kanina mo pa sinasabi 'yan, Loyda, pero hindi ka pa rin tapos." Ani na naman ni Mang Kanor.
"Joshua, pagsabihan mo nga 'yang tatay mo na tigilan ako ang aga-aga!"
Tumawa lang si Mang Kanor at Mang Kaloy sa inasta ni Manang. Nawala ang atensiyon ko sa kanila nang magsalita itong katabi ko.
"Jossa, ang pangalan mo?" tanong nito sa akin habang nakangiti.
Ngumiti ako at tumango.
"Ang ganda naman parang ikaw." Puri nito sa akin.
Agad naman ako naramdaman ng hiya.
"N-Naku hindi naman..."
Sasagot pa sana siya nang sumabat si Cecille habang patuloy pa rin sa ginagawa niya.
"Oo nga, Mel. Ano bang maganda sa kaniya? E, wala naman."
"Huy, Cecille." Marahan siyang siniko ni Mel.
Natahimik naman ako. Unang tingin ko palang sa kaniya, alam ko na hindi gano'n kaganda ang pag-uugali niya.
"Ano ba!" Tinarayan niya si Mel at pinagpagan pa ang braso nitong sniko ni Mel bago mataray na tumingin sa akon. "Walang masama sa sinabi ko ano! Don't be offended, okay?"
Ano raw? Offended?
Tumango nalang ako kahit na hindi ko gano'n alam ang sinabi niya. Grade 1 lang kasi ang natapos ko at naghanap na ako ng trabaho. Mukhang kailangan ko mag-aral ng mga ingles na salita para magtagal ako rito.
"O-Okay lang..." Mahinang sabi ko.
"See, Mel? Ayos lang. Wala naman kasing masama ro'n!" Aniya at inirapan muli si Mel bago bumalik sa ginagawa. "OA mo!" dagdag pa nito.
Umiling si Mel at tumingin sa akin.
"Pagpasensyahan mo na 'yan pero mabait 'yan!" Ngumiti ito sa akin.
Nagtanong-tanong sa akin si Mel kung paano at bakit ako nagtungo sa manila. Pansin niya raw kasi na parang bago lamang ako kaya napag-alaman niya na galing akong probinsiya. Sinagot ko naman ang mga tanong niya. Nalaman kong labing siyam na taong gulang palang pala siya. No'ng nag dise otso raw siya nagtrabaho rito at sa tulong iyon ni Manang Loyda. Kapitbahay daw kasi nila si Manang noon.
Marami pa kaming napag-usapan bago naglatag si Manang ng makakain. Tutulong na sana ako nang hindi niya ako pinayagan. Si Mel na lang ang tumayo at ang tumulong sa kaniya.
Naramdaman kong may tumitingin sa akin kaya wala sa sariling napatingin ako sa kaharap na binata. Nagulat pa ako nang nakatingin nga talaga siya sa akin.
"Hi," bulong niya saka ngumiti.
"H-Hi..." Bulong ko rin.
Naiilang kasi ako sa tingin niya. Nakapatong kasi ang siko niya sa mesa at ang baba niya naman sa palad nito habang nakatingin sa akin at nakangiti.
Ngunit hindi ko maitatangging may taglay siyang kagandahang mukha. Mas guwapo kumpara kay Tiyo Lando at sa mga kalalakihan sa amin sa probinsiya. Ganito ba kapag alagang manila? Ganito kagwapo ba ang mga kalalakihan dito?
Umiling ako at nabalik sa huwisyo nang may sumulpot na kamay sa likod ko at naglapag ng plato sa harap ko. Nginitian ko si Mel na siyang naglapag no'n.
"Kain na!" Masayang sambit ni Manang.
Nagkaniya-kaniya kaming kuha ng pagkain. Nagluto si Manang ng sinangag, itlog, talong na prito at isda. Sabi niya ay ininit niya lamang ang talong at isda dahil ulam daw iyon kagabi pa. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako kumain kagabi . Dahil sa pagod ay nakatulog ako kahit walang kain.
Lumipas ang buong araw. Tumulong ako kay Manang sa mga gawain bahay. Katulad ng paghuhugas ng pinggan na kinainan namin, pagpupunas ng mesa, paglalaba at pagtutupi nito.
Kasalukuyan kaming nagtutupi sa sala nang bumukas ang pinto at tumakbo ang dalawang bata. Sila iyong nakita kong umiiyak sa libing kahapon. Malamang sila ang tinutukoy ni Manang na mga alaga niya. Kung tititigan, nag-aaral na sila at hindi na mahirap alagaan. Tamang pagbabantay lang dapat.
"Nanay Loyda, nakauwi na po kamiii!" Sigaw ng batang babae habang tumatakbo papunta kay Manang.
Agad na niyakap ni Manang ang dalawa.
"Kumusta naman ang school ng mga alaga ko?" Tanong niya.
Umupo sa magkabilang hita niya ang dalawang bata.
"Ayos naman po, Manang! Look po, oh, I have stars here!" Pinakita ng batang babae ang likod ng palad niya.
"Ay wow! Very good naman pala si Tina. E, ikaw Tj, aning nakuha mo?" Baling ni Manang sa batang lalaki.
"Perfect po ang score ko sa assignment!" Masayang sambit nito.
"Wow! Very good din, ah! At dahil diyan, I will bake you cookies."
"Yehey! Cookies! Cookies!" Paulit-ulit na sigaw ni Tina.
"O, sya, magpalit na muna kayo ng mga damit tapos bumaba kayo rito, okay ba?"
"Sino pong magpapalit sa amin?" Tanong ni Tina.
Doon na tumingin sa akin si Manang. Napaiwas naman ako at tumingin sa tinutupi ko na hindi ko natuloy dahil nawili ako sa panonood sa kanila.
"Si Yaya Jossa ang magbibihis sa inyo," pahayag niya dahilan para muli ko silang tignan.
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Ako?
Bago pa ako makapag-react ay napalingon na sa akin ang dalawang bata. Nagulat pa ako nang mabilis na bumaba sa hita ni Manang si Tina at patakbong lumapit sa akin.
Tumayo ito sa gilid ko at pinagmasdan ako.
"Jossa po ang pangalan niyo, ate?" Sabi nito habang nakanguso.
Nahihiyang tumango ako.
"Bakit po Jossa?" Tanong na naman niya.
"Ahh..." Hindi ko alam paano siya sasagutin. E, hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang pangalan ko. "...kasi pinangalan sa akin iyon ng mga magulang ko."
Natuwa naman siya bigla.
"Talaga, ate?!" Sigaw niya. "Ako rin, ate, Tina ang pinangalan sa akin ni Dad at Mom—" Natigilan bigla ito bago siya umiyak. "M-Mom..."
Nataranta ako kaya binitawan ko ang damit na tinutupi at mabilis siyang niyakap.
"Shh... Huwag ka nang umiyak. Nandito na si Yaya Jossa..." Bulong ko habang hinahagod ang buhok.
Pakiramdam ko tuloy ako ang may kasalanan bakit sya umiyak. Bakit kasi pinaalala ko pa!
"M-Mom..." Humihikbing sabi niya.
Nagulat ako nang sumampa siya sa akin habang naiyak pa rin. Napatingin ako kay Manang na nakangiti sa akin. Tumango ito saka sinenyas na inakyat ko na siya.
"Sumama ka na rin kay Yaya Jossa, Tj. May ginagawa pa kasi si Nanay Loyda, okay?" Sabi ni Manang sa bata.
Tumango naman si Tj at mabilis na bumaba sa hita ni Manang. Tumakbo ito palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ito sa akin saka ako marahan na hinigit.
Tinignan ko muli si Manang pero ngumiti lang ulit ito.
Wala akong nagawa kundi maglakad paakyat sa kwarto nila. Nang makaakyat na kami sa ikalawang palapag, nalito ako kung saan ang kwarro nila. Mabuti nalang at ginabayan ako ni Tj kaya nalaman ko ang kwarto nila ay nasa kaliwang bahagi. Hiwalay sila kaya napatigil kami sa pagitan ng kwarto nila.
"Uh..."
Paano ba ito? Karga ko pa rin si Tina kaya hindi ko alam kung sinong uunahin ko sa kanila.
"Ate, kukuha nalang po ako ng damit ko tapos papasok na lang po ako sa kwarto ni Tina," sambit bigla ni Tj.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Sige, mag-iingat ka."
Habang buhat ko pa rin si Tina, pumasok kami ng kwarto niya. Unang bumungad sa akin ang halos puro hello kitty na design ng kwarto.
"Tina, baba ka na para makapagbihis ka na." Malambing na sabi ko.
Pero hindi siya nagsalita.
"Tina." Tawag ko pa ngunit wala pa ring tugon.
Saka ko lamang naramdaman na nakatulog siya habang karga ko. Naglakad ako patungo sa gilid ng kama niya at marahan siyang binaba. Mamay ko nalang siya bibihisan kapag nagising siya. Malamang ay pagod din siya sa school. Kinumutan ko siya atsaka iniwan sa kwarto niya.
Sakto naman na kakalabas lang din ni Tj sa kwarto niya.
"Si Tina po?" tanong nito sa akin nang masarado ko ang pinto.
"Nakatulog na," sambit ko. "Hali ka bihisan kita sa kwarto mo."
Tumango siya at pumasok kami ng kwarto niya. Kung si Tina ang kwarto niya ay puno ng hello kitty design, ang kay Tj naman ay ang pambatang palabas na ben 10. Alam ko iyon dahil paborito iyon ni Anton panoorin.
Nang matapos ko siyang bihisan ay sumama ito pababa sa akin. Nais niya raw manood ng TV kaya sinabay ko na baka mapaano pa.
Bumalik kami sa baba at si Manang ay patapos na sa ginagawa niya nang lingunin kami.
"O, asan si Tina?" Tanong niya sa akin.
"Nakatulog po." Sagot ko.
"Gano'n ba." Bumaling ito kay TJ. "What do you want, Tj?"
"I want to watch po." Sagot niya
Ngayon ko lang napagtanto na nakahawak pala siya sa akin.
Hinayaan siya manood ni Manang. Pero bago iyon ay tinanong muna siya nito kung may assignment siyang gagawin. Umiling naman si Tj kaya hinayaan siya ni Manang na manood.
Tinulungan ko naman si Manang sa paglalagay ng mga damit nilang dalawa sa mga kwarto nila. Maingat akong pumasok sa kwarto ni Tina para hindi ito magising.
Sumapit ang gabi at tumulong ako kay Manang na maghanda ng gabihan. Katulong din namin si Mel na siyang nag-aayos ng mesa para sa mga bata.
"Oo, isalin mo nalang diyan," sagot ni Manang sa tanong ko.
Nilagay ko naman sa maliit na mangkok ang ketchup. Inilagay ko ito sa mesa at pabalik na sana ako sa lababo nang sumigaw si Tj mula sa itaas.
"Manang, gising na po si Tina! Naiyak po!" Sigaw nito.
"Hala! Jossa, patignan nga muna si Tina." Aniya.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa itaas. Naabutan ko siyang umiiyak habang nakaupo sa higaan niya.
"Tina." Tawag ko.
Nag-angat siya sa akin ng tingin.
Umupo ako sa tabi niya.
"Anong problema—"
Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang mabilis niya akong niyakap. Natulala pa ako sandali bago marahan siyang hinaplos sa likod.
"Shhh. Tahan na. Nandito na si Yaya Jossa." Bulong ko rito.
Hindi kalauna'y tumahan din siya. Binihisan ko siya ng damit bago kami bumaba. Hindi ako nito hinayaan na lumayo sa akin. Kapag sinusubukan ko ay umiiyak siya. Kaya sa huli ay ako na ang nagsubo sa kaniya para makakakain. Pati si Tj ay nainggit kaya nagpasubo rin.
"Mukhang nakuha mo agad ang loob ni Tina," sabi sa akin ni Mel habang nililigpit ang pinagkainan ng dalawa.
Nang matapos kami sa pagkain ay umakyat din kami agad sa kwarto nila. Kasama ko si Mel dahil alam niyang hindi ako bibitawan ni Tina at panirugadong walang kasama si Tj sa silid nito.
"Patulugin ko lang 'to," sabi sa akin ni Mel bago sila pumasok ni Tj sa kwarto nito.
Tumango ako sa kaniya at pumasok na rin kami ni Tina sa kwarto niya. Binaba ko siya at maayos na hiniga sa kama. Mulat pa ang mga mata niya at hindi bumitaw sa kamay ko.
"Gusto mo bang kantahan kita?" Nakangiting sabi ko.
Tumango naman ito.
Lumipas ang mahigit dalawang oras na kinantahan ko siya at kinuwentuhan bago siya tuluyan makatulog. Marahan ko siyang kinimutan bago ako tumayo. Natigilan pa ako nang makita ang family picture nila. Sobrang ganda rin ng nanay nila at siyempre gwapo rin ang ama. Larawan ito nila habang karga ni Sir si Tina at karga naman ni Ma'am si Tj. Napangiti ako sa lawak ng ngiti ng dalawang bata.
Naglakad na ako palabas ng kwarto niya bago ko pinatay ang ilaw. Nagulat pa ako nang kusang bumukas ang ilaw na nasa tabi ni Tina at nasa ibaba ng mesa na maliit. Pinagmasdan ko muna siya bago ko tuluyan siyang iniwan.
Nang makababa ako ay wala na sila Manang. Sinubukan kong libutin ang mga mata sa baaat sulok ng kusina pero wala na talaga sila. Natigilan lamang ako nang may sumulpot sa isang sulok na lalaki.
Nagkatitigan kami bago siya lumapit sa akin. Nakatayo kasi ako sa kusina.
"Tulog na si Tina?" tanong nito nang makalapit.
Tumango ako. "Oo. Nakita mo sila Mana—" Naalala ko ang sinabi ni Manang na dapat ay Tiyang Loyda ang itawag ko sa kaniya. "...si Tiyang Loyda?"
"Bumalik na sa kwarto niya. Medyo pagod, e. Pero ang sabi niya may pagkain ka raw riyan sa table." Tinuro niya nag mahabang mesa. "Yong nakatakip."
Napatigin ako sa mesa at nakita ko nga ang nakatakip.
Tinignan ko siya ulit at ngumiti. "Salamat."
"Kumain ka na at bumalik na sa kwarto niyo ni Manang. Maiwan na kita." Anito bago naglakad palabas ng bahay.
Nginitian ko siya bago siya naglakad palayo.
Umupo ako at kumain na. Siguro ay trenta minutos din ang pagkain ko bago ko hinugasan ang sariling ginamit na pinggan. Nang matapos ay nagpunas ako ng kamay at kumuha ng tubig sa malaking ref nila. Alam ko ito dahil may ganito na sa probinsiya pero hindi ganito kalaki.
Nainom ako nang tubig habang nakaharap sa ref nang maramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Sa gulat at takot ko ay mabilis ko itong hinarap at sinabuyan ng tubig.
Nakita ko kung paano umaagos ang tubig sa mukha niya pababa sa puting polo niya. Huli na nang mapagtanto ko kung sino siya. Dahil nagawa ko na ang dapat na hindi ko ginawa.
"S... Sir?"
___
DB
SPECIAL CHAPTER #3 PART TWO TYSON’S POINT OF VIEW: “FVCK!” Binato ko ang cellphone sa pader nitong opisina ko. Malakas na tumunog iyon bago bumagsak sa sahig. Malamang nasira sa sobrang lakas nang pagkakabato ko. I don’t fvcking care! Anong silbi ng cellphone kung ni isang greetings from the people I treasure the most ay wala akong natanggap! “D*MN THIS!” I looked at the wall clock and saw it’s almost 12 midnight. But I received nothing! It’s eleven fvcking fifty-eight! Two minutes before my birthday but no one message to greet me?! The fvck?!“D*MN!” malakas kong sinuntok ang table sa harap ko. Sinadya kong hindi agad umuwi para hintayin ang mga bati nila sa akin. Kahit kaninang umaga pag-alis ko ng bahay, ni hindi nila ako sinabihan o binati. Wala. Maaga kong pinauwi ang mga employees ko ngayon to celebrate my birthday but I think walang selebrasyon na magaganap. I waited and stayed here for so damn many hours to received nothing! Inis na tumayo ako at dinampot ang gamit.
SPECIAL CHAPTER #3 PART ONE"Jossa."Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako mapalagay at hindi pa rin ako komportable sa tuwing nakikita ko si Ma'am Ana, ang ina ni Tyson.Pilit kong inayos ang pagkakaupo at tinignan siya. Kita kong nakatingin siya sa akin gamit ang masayang mukha. Simula noong kinasal kami ni Tyson ay wala na siyanh ibang naging tutol pa kundi ay tanggapin kami.Masaya ako sa wakas na tinanggap niya na ako para sa anak niya. Ngunit hindi ko talaga maalis sa aking sarili at isipan na sa tuwing nakikita siya ay naalala ko ang gabing dinukot niya ang kapatid ko at pinapili niya ako."M-Ma'am..." tawag ko sa kaniya."Hindi ba't sabi ko ay mama na rin ang itawag mo sa akin," nakangiting saad niya. Naalala ko noong pagkatapos ng kasal namin ay nagkausap na kami tungkol doon. Hinayaan niya na akong tawagin siyang mama. "You look... uncomfortable. Am I making you uncomfortable?"Dahan-dahan akong tumango."S-Sorry po... ma..." mahinang sabi ko. "H-hindi ko lang po talaga maa
SPECIAL CHAPTER #2"Ang taray mo na talaga, Jo. Hindi na ikaw ang Jo na kilala namin."Natawa ako sa sinabi ni Tisoy. Napatakip pa siya sa bibig habang nanlalaking mga matang pinagmamasdan ako."Mala-prinsesa ang datingan, 'di ba?" Dagdag ni Klay. "Hindi na'tin ma-reach ang kaniyang life."Napailing na ako sa mga reaction nila. Nandito kami ngayon sa isa sa kainin dito sa hotel. May ginagawa rin kasi si Tyson na kailangan ipasa ngayong araw kaya nagpaalam ako na makikipagkita sa dalawang ito. Mabuti nalang at pinayagan sila nila ma'am na magpahinga ng isang oras para makausap ako."Pasensiya na pala kayo't hindi ko kayo naimbintahan sa kasal," paghihingi ko ng tawad. "Sobra-sobra na kasi ang pumunta.""Wala na magtatampo na kami niyan." Sabi ni Tisoy.Nakatanggap siya ng hampas kay Klay."Ano ka ba, ayos lang," ani Klay. "Naintindihan naman namin at least umabot sa amin ang food niyo."Nandoon kasi sila Tiya Joan kaya pinadalhan ko nalang sila ng pagkain dahil nga hindi rin sila nakab
SPECIAL CHAPTER #1READ AT YOUR OWN RISK! "This is our time, darling."Hindi ko pa nagagawang sumagot ay bigla niya nalang akong siniil ng halik. Dama ko ang pangigigil sa bawat hagod ng labi niya sa mga labi ko. Alam kong kanina niya pa gusto gawin ito. Alam kong kanina pa siya nagtitiis. Kaya naman, sino ako para pigilan pa siya ngayon?Nandito kami sa resort na pinagtatrabahuhan ko sa probinsiya. Sinalubing nga kami ng mga katrabaho ko at ng mga dati kong amo kanina sa bungad nitong hotel bago kami pumunta rito sa kwarto. Iba sa pakiramdam ang makita ang mga nakangiti nilang mukha kanina. Tuwang-tuwa sila habang pinapanood kami. Lalong-lalo na nag dalawa kong kaibigan na si Tisoy at Klay. Hindi ko pa sila nakakausap pero kakausapin ko sila bago kami umuwi ng maynila.Tatlong araw lang kami rito dahil kailangan na talagang bumalik ni Tyson sa trabaho. Ang dami niya na kasing tambak na gawain.Napasandal ako sa pader nang lumalim ang halik niya. Dama ko ang pagpasok ng dila niya sa
FINALE"Congratulations to Mr. and Mrs. Cuenca!"Naramdaman ko ang pagpulot ng kamay ni Tyson sa bewang ko at marahan na nilapit sa kaniya. Inangat ko ang tingin sa kaniya at malawak na ngumiti. Asawa ko na nga talaga siya. Sa wakas...Ngumiti rin siya at saka ako hinalikan sa gilid ng ulo. "I'm so happy, Mrs. Cuenca," bulong niya. "Finally, you're mine."Napahawak ako sa dibdib niya atsaka sinandal ang ulo sa kaniya. "Sobrang saya ko rin, darling... I love you.""I love you, too."Dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa akin at bumaba sa mga labi ko. Napapikit ako at naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Dama ko ang pangigigil sa labi niya at ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko. Napahawak nalang ako sa kaniya nang mawalan ng lakas dahil sa halik niya. "Mamaya na 'yan, sir! Kumain muna tayo bago 'yan!" dinig kong sigaw ni Manang.Nagtawanan ang lahat ng tao rito sa simbahan sa sinabi niya.Nagdilat ako ng mga mata at nakita ang ngiti sa mga labi niya. "Well, I can wait for t
79"Let's talk."Ilang beses niya akong sinubukan kausapin sa dalawang araw na nagdaan. Puro iwas at tago ang ginawa ko. Nagtataka na nga ang mga katrabaho ko sa ginawa ko pero wala akong pake. Basta mataguan ko siya at hindi kami magkita. "Just give me a minute to talk to you." Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinalikuran. Kanina niya pa ako sinusubukan na kausapin pero pinapabayaan ko lang siya. Ngayong araw ay ilang beses niya na naman akong kinulit. Hindi ba siya napapagod? Sabing ayoko nga, e. Ano bang gusto nitong pag-usapan? Matapos niya akong sabihin ng mga gano'ng bagay ay lalapit siya bigla? Bakit? Para saan? At bakit niya ako gusto makausap? Hindi naman siguro dahil kay Teinia, 'di ba?"Hey!" Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "I said, let's talk." "Busy ako, sir." Sabi ko habang mabilis na humahakbang palayo sa kaniya. "Sa iba nalang po kayo magtanong.""Give me five minutes, hey." Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya. "Just five minutes."Hindi ko