Share

UNA: PUTING VAN

UNA: PUTING VAN

Madaling araw pa lang ay umalis na ako ng bahay. Nakasuot ako ng puting damit at itim na pants. Ayon lang kasi ang pang-alis na mayroon ako. Dahil inayos ko na ang gamit kagabi, wala na ako masyadong niligpit ngayon. Nang matapos ang mga dapat gawin at matignan ang mga dapat dalhin ay napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Anton. 

Kumirot ang puso ko habang tinitignan ang maamo niyang mukha. Hindi ko na pigilan ang mga luha na umagos sa mga pisnge ko nang umupo ako sa tabi. Dahan-dahan na umupo ako sa gilid niya at dahan-dahan na niyakap siya. Umiiyak na niyakap ko siya na walang kamalay-malay. 

"B-Babalikan kita. Magpakabait ka na muna rito kina Tiya..." bulong ko. 

Nagising si Tiya bago pa ako makaalis. Nagkasalubong kami sa kusina. Bumaba ang tingin niya sa mga gamit na hawak ko bago ako tinignan. 

Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit. 

"Mag-iingat ka roon, ha?" Bakas sa tono niya ang lungkot. "Ayaw ko man na paalisin ka rito pero hindi ko naman hawak anh desisyon mo." 

Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak. 

Hinawakan niya ako sa pisnge. 

"Huwag kang mag-aalinlangan na tumawag sa akin kung may mangyaring masama sa 'yo sa manila, ha?" Nabasag ang boses niya. 

Sunod-sunod na tumango ako. 

"Mahal na mahal kita, Jossa." Niyakap niya ako. "Parang anak na ang turing ko sa 'yo, sa inyo ni Anton. Huwag mong papabayaan ang sarili doon, okay?" 

Tumango ulit ako habang naiyak pa rin. 

"Maraming-maraming salamat po sa lahat, Tiya..." Bulong ko habang naiyak. "Sobrang salamat po sa mga nagawa niyo sa amin ng kapatid ko. Tatanawin ko po itong utang na loob, Tiya." 

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin. 

"Napag-usapan na na 'tin ito, hindi ba?" Aniya. "Huwag mong isipan na pinatuloy ko kayo rito para magkaroon ka sa akin ng utang na loob, okay? Pamilya ko kayo kaya nararapat lang na tulungan ko kayo." 

Tumango nalang ulit ako. 

"Napakaswerte namin sa inyo, Tiya. Salamat po ng marami." Bulong ko. 

Ngumiti ito. 

Hinabilin kong muli si Anton sa kaniya bago ko tuluyan lisanin ang bahay nila.

"O, sya, tama na ang drama." Humiwalay ito sa akin at pinunasan ang sariling luha. "Umalis ka na at baka hindi ka pa makaalis." 

Pinunasan ko rin ang luha at nakangiti na tumitig sa kaniya. 

"A-Aalis na po ako, Tiya..." 

Ngumiti siya pero muling umagis nag luha sa mga pisnge niya. 

"M-Mag-iingat ka roon, Jossa..." 

Umalis ako ng bahay na umiiyak. Masakit man sa akin na umalis pero kailangan. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nina Tiya. Kaya naman magsasakripisyo ako sa manila. 

Sumakay ako ng tricyle palabas ng bayan. Nang marating namin ang bayan, bumungad sa akin ang napakaraming tao na nagsisipamalengke. Naglakad ako patungo sa sa istasiyon ng mga bus.

Nakakapanibago ang lugar na ito. Mas maingay, maraming tao at napakaraming mga bahay at naglalakihang mga gusali. Ganito na ang hitsura ng bayan? Matagal-tagal na rin nang makapunta ako rito. Ang hitusra nito noon noong huling punta ko ay may mga puno pa ng niyog ang paligid at kakauntinf nagtitinda lamang. Pero ngayon halos wala nang espasyo at puro na tindahan saka wala na rin ang mga puno ng niyog. 

Ang laking pagbabago. 

Natigilan ako sa pagmamasdi nang may sumigaw kundoktor ng bus. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bus istasyon. Masyado akong nawili sa pagmamasid. 

"Oh, isa na lang kulang!" Sigaw ng konduktor.

Lumapit ako roon at nagtanong.

"Kuya, saan po ba papunta 'yan?"

Nilingon niya ako.

"Sa manila, hija, sasakay ka ba?"

Tumango ako. "Opo."

"O, sige, sakay na. Sa bandang likod ang bakanteng upuan." Anito bago kinausap ang driver. 

Pumasok ako sa bus at agad na nahiya ako dahil lahat sila ay sa akin nakatingin. Nahihiyang naglakad ako patungo sa bandang likuran. Nang makita ko ang bakanteng upuan na sinasabi ng konduktor ay agad na akong naupo. Katabi ko si Lola na medyo may katandaan na. 

Ngumiti ito sa akin bago itinuro ang upuan sa tabi niya. 

Ngumiti rin ako at umupo sa tabi niya. 

"Magandang umaga po, lola," bati ko sa kaniya. 

"Magandang umaga rin, hija." Sagot niya. "Saan ang punta mo?" 

"Sa manila po." 

"Makikipagsapalaran din?" 

Tumango ako. 

"Opo, kailangan, e." 

Gusto kong bigyan ng marangyang buhay si Anton. Ayokong ganito lamang kami habang buhay. Ang pangako ko nga kay Nanay na gagawin ko ang lahat para makaahon kami sa hirap. Kahit na kakailanganin kong magtrabaho buong araw at magdamag ay gagawin ko mabigyan lamang sila ng magandang buhay. Ngunit ngayong wala na sila, kay Anton ko na lamang itutupad ang mga pangarap kong iyon. Para ito sa amin ng kapatid ko. 

Nag-aalalang ngumiti ito sa akin. "Mag-iingat ka, hija. Maraming mapagpanggap na mga tao sa manila. Lalo't mag-isa ka lamang at babae ka pa. Madalas mabodus ang mga katulad mo kaya naman mabuting obserbahan mong mabuti ang mga taong makakasalamuha mo." 

Ngumiti ako. 

"Sa Tiyahin ko naman po ako pupunta." Sagot ko. 

Hindi na ito nagsalita at tumanaw nalang sa labas nang umandar ang bus paalis.

Ito na. Simula na nang buhay manila ko. Tay, Nay, gabayan niyo po ako. Kahit ano po ang mangyari ay sana maging maayos ang kalabasan. Ayoko pong biguin kayo. Ayoko pong biguin si Anton. Ayoko pomg biguin si Tiya Joan. 

Sa sobrang haba ng biyahe, nakatulog ako. Kung hindi pa ako ginising ni Lola na katabi ko ay hindi pa ako magigising. Nakita ko na kaunti na lamang ang narito sa bus. 

"Saan ba ang baba mo, hija?" Tanong ni Lola. 

"A-Ah, nakalimutan kong itanong kay Tiya." 

Kinuha ko ang telepono ni Nanay sa bulsa ng bag na dala ko at nakita ko na may text si Tiya roon. Hindi rin nito alam ang lugar na nakasulat sa mensahe ni Tiya kaya nahihiya na binalik ko sa bag ang telepono. Sinabihan niya ako na hintayin ko nalang daw ang pagtawag ng konduktor sa lugar na bababaan ko. 

Pinagmasdan ko ang mga naglalakihang mga gusali. Habang umaandar ang sasakyan, lalong dumadami ang mga gusaling malalaki at nawawala ang mga puno at damuhan sa paligid. Napapalitan ito ng patag na kalsada at mga kumpol-kumpol na mga bahay na gawa sa bato. 

Napalaki ng pagkakaiba ng probinsiya sa hitsura nitong nakikita ko. 

Nasa manila na ba ako? 

Lumipas ang mga oras na hindi pa binabanggit ng konduktor ang lugar na pagbababaan ko. Medyo nakaramdaman ako ng antok kaya nakatulog ulit ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko na gumalaw ang tao na nasa tabi ko. Nakangiti si Lola sa akin at napansin ko na paalis na ito. Nagpaalam ito sa akin bago umalis. 

Wala naman akong ibang nagawa kundi sundan siya ng tingin. 

Nasaan na ba kami? 

Nauna nang bumaba si Lola sa akin kaya medyo kinakabahan na ako nang halos wala na sa sampu kaming natira rito. 

"Oh, rito na ang huling destinasiyon nitong bus." Ani ng kundoktor nang muli kaming huminto. 

Nagulat ako sa sinabi nito. Kaya mabilis ako na tumayo at lumapit sa kaniya habang dala-dala ang mga bagahe. 

"Ah, Manong pwede pong magtanong." 

Tinignan ako nito. "Ano 'yon, hija?" 

Pinakita ko sa kaniya ang mensahe ni Tiya. 

"Saan po ito?" 

Binasa niya ang nakasulat sa telepono ko. Ilang saglit niya itong binasa bago ako tinignan. 

"Naku, hija, lagpas na tayo riyan." Anito. 

Nanlaki ang mga mata ko. "Po?!" 

"Oo, hija." 

Paano na 'to! Bakit kasi nakatulog pa ako! 

"Sumakay ka nalang ng bus ulit doon sa kabilang kanto sa tabi ng jollibee para nakapunta ka riyan. Bumaba ka na at isasara ko na ito." Huling sabi nito bago bumaba. 

Wala naman akong choice kundi bumaba. Bitbit-bitbit ko ang bag na itim habang naglalakad at sinusubukan hanapin ang sinabi niyang istasiyon ng bus.

Huminto ako sa tapat nang simabahan. Nakaramdam na ako ng pagod at uhaw dahil tirik na ang araw. Pumasok ako ng simbahan at napukaw ang tingin ko sa gilid na maraming puting van. Papasok na sana para magdasal at magpahinga muna sa loob ng simbahan nang matigilan ako. 

Nasa bungad pa lang ako ng simbahan nang magsilabasan ang mga nakaputi at nakaitim na mga tao. Napagilid ako nang dumaan sa harap ko ang kabaong.

Sumagi sa isipan ko ang araw nang pagkawala nila Nanay at Tatay habang sinusundan ko ng tingin ang kabaong. Hindi gano'n kaganda ang kinalagyan nila pero alam kong naintindihan nila iyon. Napapunas ako nang biglang tumulo ang luha ko. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob, Jossa. Kaya mo 'yan! Kakayanin na'tin 'to! 

Sumunod ang mga taong nagsisiiyakan sa kabaong na iyon. Hindi ko nga alam kung kanino ako titingin dahil sa mga iyak nila. Napasabay na lang ako sa kanila palakad palabas para hindi ko sila maistorbo. 

Nang lumabas kami ng simbahan, nakita ko na nagkaniya-kaniya silang sakay sa mga van na nakaparada lamang sa labas. Aalis na sana ako dahil mukhang libing ata itong nadaluhan ko. Pero natigilan ako sa paglalakad nang may sumigaw. 

"Hoy, saan ka pupunta!" 

Napalingon ako sa gawi ng mga van at tumingin sa matandang babae na nakatingin din sa akin. Nalilitong tinignan ko ito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinawag nito. 

"Hali ka na at maiiwan tayo!" Sigaw na naman nito. 

Lumingon-lingon ako pero wala akong ibang nakita bukod sa sarili ko. Muli ko siyang tinignan. Atsaka nalilitong tinuro ang sarili. 

"A-Ako po?" 

"Aba'y sino pa ba ang tao riyan kundi ikaw lamang! Hali ka na!" Inuwestra niya pa na lumapit ako sa kaniya. 

Nag-aalinlangan na humakbang ako palapit sa kaniya. Anong kailangan niya sa'kin? Kinabahan tuloy ako. 

"H-Hindi ko po kayo kilala—"

Hindi ko pa tapos ang sasabihin nang hawakan niya ako sa pulso at hinigit ako papunta sa puting van na nag-iisa na lamang. Nagsialisan na kasi ang iba. 

"Ang dami mong sinasabi. Magagalit si Sir Cuenca sa atin nito!" Aniya habang higit-higit ako. Dumiretso kami sa van. 

Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang higitin ako. Nang buksan niya ang pinto ay walang ibang nakasakay roon kundi ang driver na medyo may katandaan din.

Napalingon ito sa amin at napatitig sa akin.

"Hali ka na, Kaloy, baka nasa sementeryo na sila Sir." Ani ng matanda sa lalaki. At hinigit ako papasok ng van.

Natahimik ako sa bilis ng pangyayari. Hindi pa nagpa-process sa akin nang umaandar ang puting van.

"Saan ka ba pupunta at mali ng daan ang dinaanan mo?" Ani ng matandang babae sa akin.

"A-Ah..."

Hindi ako nakasagot dahil naudlot nang may tumawag sa telepono na hawak nito. Nakipag-usap siya rito at hinayaan ko na lamang siya. 

Tumanaw ako sa labas at nakita ang paglagpas namin sa mga matataas na building. Ilang saglit pa nang huminto kami. Nakita ko na nasa sementeryo na kami. 

Hinawakan ako ng matandang babae at dinala kung nasaan ang mga kapareho namin damit. Tumayo kami sa pinakalikod. Habang naririnig ko ang iyakan ng mga tao habang binababa ang kabaong sa lupa ay napatitig ako sa dalawang bata na hawak ng isang lalaki. 

Pinipigilan nito na tumakbo ang batang lalaki at batang babae papunta sa kabaong. 

"Kawawa naman ang mga alaga ko. Namatayan ng mommy." Bulong nitong matanda na nagsama sa akin dito. 

"Ano pong nangyari?" 

Tinignan ako nito. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? E, hindi ko alam anong nangyayari? Hindi ko rin alam kung bakit ako narito gayong hindi ko naman kilala ang iniiyakan nila. 

"Hindi mo alam ang nangyari sa amo mo? Sa amo na'tin?" tanong nito sa akin gamit ang pananalita na para bang hindi siya makapaniwala.

Tinignan ko siyang mabuti. Sa tingin ko ay hindi pa naman siya gano'n katanda para hindi ako makilala na hindi talaga ako kasama rito. Pero bakit ganito siya umasta? Bakit pinipilit niyang kasama ako rito? May kamukha ba ako sa mga kasama niya? 

"H-Hindi ko po sila kilala..." Mahina na sabi ko.

"Huwag mo nga akong niloloko, itong batang ito oo." Ani nito saka muling tinignan ang nag-iiyakan na nasa unahan.

Napatingin nalang din tuloy ako roon. Paano ko ba makukumbinsi itong si Nanay na hindi ako kasama rito? Hays! Baka hinahanap na ako ni Tiya!

___

DB

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naaawa ako kay anton na naiwan,ayan jossa tutulog tulog ka kasi
goodnovel comment avatar
Ma Lalaine Meren
naiiyak. ako
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status