Share

Chapter 13

Pagkarating ko sa may gate ay napansin ko nga ang mga ka schoolmate ko na nakikipag-usap kay manong guard.

Nilapitan ko sila at agad naman akong nakita.

"Mga kaibigan ko po sila, kakausapin ko lang muna," pakilala ko kay Manong guard para hindi magtataka na lumabas ako.

"Oh my goodness, mabuti na lang at nandito ka Shemaia Rey! Alam mo bang kanina pa kami nandito? Kaso ayaw kaming papasukin ni kuyang guard na masungit," parang bata rin itong si Gail na nagsusumbong sa akin ngayon.

Nagkanya-kanya naman silang tango para sumang-ayon. Mabuti na lang medyo malayo kami sa guard at hindi narinig ang pinagsasabi ni Gail sa bandang huli dahil lumabas talaga ako ng gate dahil may mga lumalabas-pasok ang mga tao kung doon kami magtatambay sa guard area.

"Oo nga, pwede naman kaming pumasok kasi mga kaibigan kami ni birthday boy, pero ayaw kaming papasukin dahil wala kaming invitation card, luh. Pang VIP kaya itong gwapo kong mukha," singit naman ni Samson na kasama ni Cloud sa basketball. Naka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status