Karina's Pov:Tahimik akong umuwi ng aming bahay, dumeretso ako agad sa aking silid. Ayokong mapansin ng aking ina ang pamumugto ng aking mata. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng aking lakas ngayong araw. Kaya naman ng makita ko ang aking kama ay agad akong humilata.Maaga pa naman, itutulog ko na lang ang nararamdaman kong sakit. Baka sakaling sa panaginip ko ay makalimutan ko siya ng pansamantala.Niyakap ko ang aking paboritong unan at pumikit. At sa aking pagpikit ay tuluyan na akong nahimbing na nakatulog."Ano ba akin na yan!""Mommy oh! ayaw ibigay sa'kin!"Mga salitang nagpagising sa'kin. Pupungas-pungas ako na umayos ng upo. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang sasakyan. Mukhang patungo kami sa isang resort base sa ayos ng aking mga pinsan. Ang iba ay may hawak na salbabida. At sa ayos ko na rin, na suot ang itim na maikling salawal at isang maluwang na puting blusa."Ate Rina, what's your secret?" tanong sa akin ng pinsan kong englisera na galing ibang bansa para magbakasyon
Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay nagsimula na akong maligo at magbihis. Pinili kong isuot ang aking itim na pares na bikini at pinatungan ito ng itim na mini dress.Nang sumilip ako sa salamin ay nakita ko ang aking pisngi na namumula sanhi ng pagbibilad ko kanina sa init. Kaya hindi na lang ako nagpolbo. Naglagay na lang ako ng liptint upang magkaroon ng kulay ang aking labi.Nang makitang ayos na ang aking mukha at ang aking suot ay bumaba na ako patungo sa taberna na sinasabi ni Noah. Sinadya ko talaga na hindi kumain ng hapunan kahit marami naman dala ang aking pamilya at kamag-anak. Lulubusin ko muna ang libre ni Noah.Nakita ko ang mga pinsan ko na nagiinuman sa dalampasigan. Kumaway ako at tinuro ang taberna upang malaman nila na doon ako papunta.Tuwang-tuwa akong naglalakad habang iniisip kung ano ang aking kakainin. Nagugutom na talaga ako, panay ang langoy namin kanina sa dagat ng mga pinsan ko, ni hindi man lang ako kumain. Ito talaga ang ganti ko kay Noah. Ang paga
Karina's Pov:Ngayong araw ay isinama ako ng aking ina sa isang albularyo upang maresolbahan na ang mga misteryo sa aking mga panaginip. Hinatid kami ni Noah hanggang sa makarating sa bahay ng manggamot. "Dito ko na lamang kayo hihintayin sa labas, kayo na lamang ang pumasok." wika ni Noah sa amin.Matarik ang kinalalagyan ng bahay ni tatang Heron, kaya naman ng makarating kami ay halos lumawit na ang aking dila sa sobrang hingal sa paglalakad.Luma na ang bahay na gawa lamang sa kahoy ang sa amin ay bumungad. Ngunit ang bahay na ito ay tila may mahika sa aking paningin. Tila inaakit ako nitong pumasok sa loob. Sa gilid nito ay puno ng mga halaman at bulaklak. May mga paro-paro din nagliliparan sa paligid nito."Halina kayo, pumasok kayo sa loob!" wika ng isang babae na may edad bente anyos. "Kanina pa nag-aantay sa inyo si tatang!" dagdag pa niya.Nang sinabe iyon ng babae ay nagkatinginan kami ng aking ina. Wala kaming ibinilin o nagsabe na pupunta kami dito. Paano naman nila nalam
Karina's Pov:Habang nasa biyahe kami ay inabot sa akin ni Noah ang isang tarheta ng imbitasyon. Nang akin iyon buksan ay naglalaman ito ng isang tiket.Napatingin ako sa kanya nang ito'y mabuksan."Ahhh, tutugtog ang aming banda, ako ang kanilang lead guitarist. Baka gusto mong manuod?" Deretso niyang tanong sa akin. "May libreng pagkain ba doon?" biro ko sa kanya sabay tawa."Ipagbabaon kita!" sagot niya."Nang ano?" taas kilay kong tanong naman sa kanya."Ng toyo't kalamansi!" ngisi niyang sagot sa akin."hahaha.. siraulo ka talaga! Basta may kasamang liempo ba?" tanong ko kay Noah. Sinabe niya na iyon sa panaginip ko kaya ako na ang bumanggit, akala niya ha.Sabay kaming tumawa sa aming kalokohan. Ang aking ina naman ay tahimik lamang sa likod."Hindi ko pa sigurado kung makakapunta ako pero susubukan ko." Sagot ko sa kan'ya.Para naman itong naging malungkot at lumamlam ang mga mata."Pero kung sakaling makapunta ka man o hindi ay ipagpapareserba kita ng upuan sa unahan." ngiti
Nang makarating ako ng aking silid ay doon na ako bumigay, napaluhod at napaiyak ng sobra-sobra.Hindi maalis sa aking isipan kung saan ba ako nagkulang at kung bakit niya ginawa sa akin ang ganoong bagay. Akala ko ay ako lang, akala ko kuntento na siya sa akin ngunit akala ko lang pala. Mapait akong napatawa."Bakit naman ganoon? Tanong ko sa kung sino man ang nagbalik sa akin sa mundong ito. "Mas lalong masakit pala iyong nasaksihan ko, sana pala nanatili na lang ako doon. At sana hindi na ako naghangad pa na muling makasama siya! Talaga nga naman lahat ng bagay ay may kapalit." mapait kong wika sa sarili.Naninikip ang aking dibdib ss isiping iyon. Pakiramdam ko ay pinipiga ang aking puso. Hinang-hina at hindi makahinga. Naghahalo na rin ang aking sipon at mga luha.Humiga ako sa aking kama na hindi na nagpalit at doon na lang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.----Nagmamadali akong bumaba ng tricycle na aking sinakyan, nasira ang aking gamit na sasakyan kaya naman pumar
Napabalikwas ako ng bangon sa narinig na ingay mula sa labas ng aming bahay. Tila may nagwawalang babae sa labas."Ilabas niyo 'yang malandi ninyong amo!" sigaw ng isang babae."Hayop siya! Hindi niya parin matanggap na sa akin na si Harvey!" patuloy na sigaw parin nito.Sakto naman na kumatok sa aking silid si manang Lourdes at nagsabi na may naghahanap sa akin na babae at nagwawala. "Kanina pa nagwawala iyan at pinapalabas ka, gusto ka raw makausap!" wika ni manang Lourdes sa akin na medyo kinakabahan.Napakurap-kurap pa ako at wala pa sa huwisyo."Labasin mo na kaya, iha. Mukhang hindi siya titigil hangga't hindi ka lumalabas." Malumanay na wika ni manang Lourdes sa akin."Opo, susunod na." wika ko at agad na tumayo sa aking kama dumeretso sa aking banyo at nagsepilyo bago bumaba.Mahirap na hindi magsepilyo baka matsismis ako na may mabahong hininga.Nang makalabas ako ay nakita ko si Maddy na gulong-gulo ang buhok at tila ito ay lasing pa. Ano naman kayang problema ng isang ito
"Bakit ka nakatingin sa'kin?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.Mukhang seryesong-seryoso ang kanyang tingin na wari ba ay may gustong sabihin."Ano? sabihin mo na!" tudyo ko pa sa kanya.Natatawa naman siya at napilitang magsabi."P'wede bang maligo ka na? sambit niya na nagpataas ng kilay ko."Bakit mabaho na ba ako?" sabay amoy ko sa damit at kili-kili ko. "Amoy panis na laway ba ako?" dagdag ko pa.Nang silipin ko siya ay tila nakakaloko ang kanyang ngiti."Niloloko mo ba 'ko?" paismid kong tanong sa kanya."Hinid ah! Gusto ko lang maligo ka na para makapunta na tayo ng cavite kaagad.""Hmp! dapat sinabi mo kaagad!" sabay layas sa harapan niya. "Akala ko mabaho na ako, nakakahiya! Siraulo talaga 'to!" pahabol na wika ko sa kanya.Kinuha ko si baby Chichi kay Jordan, para siya'y pakainin na. Mukha na kasing gutom ang aking aso.Nang matapos makakain ay dinala ko na si Chichi sa aking silid. Kinakausap ko si Chichi habang kalong-kalong ko siya."Ang bait talaga ng nagregalo sakin
Karina's Pov:Nang makarating kami sa mansion nila Noah ay marami ng bisita ang dumating. Isa-isa niya akong ipinakikilala sa tuwing may makakasalubong kami na kamag-anak niya.Bawat madaanan namin ay pinupuri ako at sinasabing bagay kami ni Noah. Nahihiya ako sapagkat palagi kaming napapagkamalang magkasintahan, kahit hindi naman talaga.Habang nakikipagusap si Noah sa mga kamag-anak niya ay nakikita ko kung gaano siya kabait at kagalang sa mga ito. Hindi ko alam na otomatiko na pala akong napapangiti habang nakatitig sa kan'ya. At kung hindi magsasalita ang kan'yang pinsan ay hindi pa ako mahihimasmasan mula sa pagkatulala kay Noah.Tila napapansin iyon ng kan'yang mga pinsan at napapangiti ng bahagya kapag napapatingin sa akin.Niyaya kami ng isang pinsan niya na doon magtungo sa lagoon sa likod ng mansion. Kung saan nakaprepara ang mga handa. Na agad namang sinang-ayunan namin ni Noah."Iha! mabuti at nakarating ka." Malambing na wika ng ina ni Noah sabay yakap sa akin."Opo, tita