Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Napagpasyahan ko ng bumaba upang makapagmuni-muni sa labas. Tuwang-tuwa ako sa aking mga nakikita, nakakakalmang tingnan ang azul na dagat. At ang sarap ng simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat. Nagtugo ako sa gilid ng swimming pool at umupo doon. Tila kay sarap ng tubig, sinubukan kong abutin ang tubig nito."Bilisan mo, ang bagal-bagal mo!" narinig kong salita na tila papalapit sa akin."Ito na nga-""Ayyyyyyyy!" malakas kong sigaw ng madali ang aking likod ng isang tao na nagdulot sa aking pagkahulog sa tubig.Hayop ka! humanda ka lulunurin kita kung sino ka mang pontio pilato ka! Gigil kong sambit sa aking sarili."Naku, Miss! pasensya na, hindi kita napansin. Patalikod ko kasing binubuhat yung lamesa," paliwanag nito sa akin.Nakasimangot ako ng tumunghay sa kanya pero nawala ang aking galit ng makita ang kanyang mukha. Balak ko din sanang higitin siya kapag inabot niya ang kamay ko. Para parehas na din kaming mabasa kung hindi ko lang talaga siya nakilala.Nakasuot ito ng
Ang buhay ay isang hiram lamang, kung may pagkakataon ba na ikaw ay mapabalik muli sa nakaraan, ano ang iyong babaguhin?Ika-1 ng pebrero, 2023: KasalukuyanKarina's Pov:"If these people weren't here, I would be on my knees, with your pussy on my mouth," bulong sa akin ng isang estranghero na aking kasayaw.What the heck! kung hindi ako lasing, masasapok ko itong lalakeng nagsasayaw sa likod ko. At kung hindi rin nakakakiliti ang bawat dampi ng kan'yang hininga sa aking batok ay baka nasipa ko na siya. Pero kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing dumadampi ang balat niya sa aking balat.Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa condo niya. Nakapwesto siya sa aking likod, we were both naked at parehas na hinihingal habang nakaluhod sa kan'yang kama."You're mine. Let me make you feel amazing," sensual niyang sambit habang hinahalikan ang puno ng aking tenga at ang kamay niya na humahagod sa aking maseselan na parte ng aking katawan.Para kamin
Isang gabing madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang umiilaw sa berdeng kapaligiran. Madamo at masa-masa ang lupa dulot na din ng pag-uulan. Napuputikan na rin ang kanyang suot na sapatos nang kanya'y ito'y lingonin.Unti-unti na rin na bumubuhos ang malakas na ulan, takbo at lakad ang ginagawang pag-hakbang ni Karina sa mausok at maulan na kadiliman. Nilalamig na rin ang dalaga at hindi niya alam kung saan paparoon at kung anong naghihintay sa kanyang paroroonan.Kinakabahan man ang dalaga at natatakot, ipinagpatuloy niya ang kayang paglalakad. Hinaplos niya ang kan'yang braso ulang sa kahit papaano ay maibsan ang kan'yang nararamdamang ginaw. Nais na niyang makahanap ng masisilungan man lamang. "Halika, pumarito ka sa akin." Bulong sa kanyang tainga. Nagtatakang umikot siya at hinanap kung nasaan ang bumulong sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at hinanap kung saan ba talaga nanggaling ang boses na bumulong sa kanya. Takot at pinaghalong kaba ang kanyang naramdaman nang