Share

Group

Rhianna'sPOV

Sakay ako ng kotse ni Leo. Pabalik kami ngayon sa Head Quarters. Medyo sumasakit pa ang kamay at paa ko dahil sa pasa na natamo ko sa pagkakagapos sakin. Hindi ko maiwasan pamulahan ng mukha sa sinabi niya sakin kanina. Anong ibig sabihin niya doon? Hindi na ako magiging ipokrita pero gusto ko rin naman iyon pero dahil sa malaki ang respeto niya sakin kaya hindi niya iyon magawa sakin. Isa yun sa katangian niya na gustong-gusto ko. Nawala ako sa malalim na pag-iisip dahil nagsalita si Leo.

"Masakit pa ba?" tanong niya sakin.

"Oo, pero hindi naman na gaano." wika ko. Tumango siya.

Nang makarating kami sa HQ, agad na lumabas si Leo at tinungo ang passenger's seat kung saan ako naroroon. Binuksan niya iyon. Ibababa ko na sana ang paa ko nang mapangiwi ako dahil sa sakit.

"Bubuhatin nalang kita. Mukhang di mo pa kaya." wika niya at sa isang iglap lang buhat-bubat na niya ako. Napakagat-labi ako.

"Leo nakakahiya." wika ko.

"Baby, huwag ka na magreklamo okay. Hayaan mo na ako."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status