Share

Estralta Family

"KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila?

Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan.

"Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan.

"Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko.

Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status