Share

Pag-iisa

Pagkatapos maghapunan ay nag-insist si Leo na siya na naman ang maghugas nang kanilang pinagkainan. Kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Nagtungo na ako sa aking kwarto at naghalf-bath. Malagkit ang pakiramdam ko. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis ng simpleng pambahay.

Nahiga ako sa kama at pinakatitigan ang kisame. Kelan kaya namin mahuhuli si Ysmael? Kamusta na pala sina Mama at Ylona? Nabanggit pala ni Leo na bibisitahin namin sila. Bumangon ako sa kama at akmang tatayo na para magtungo sa pinto nang biglang bumukas iyon. Tumambad sa aking harapan si Leo. Bagong ligo ito at may hawak na unan. Dito ba siya matutulog?

"Leo? Bakit?" tanong ko.

"Pwede ba ako dito matulog ngayong gabi?" tanong niya sakin. Bigla akong na-excite dahil makakatabi ko siya ngayon. Napakagat-labi ako dahil sa kilig na nararamdaman.

"Oo naman. Maluwang naman yung kama e." wika ko tsaka sumampa sa kama at nahiga sa gilid. Nahiga na rin si Leo sa tabi niya. Pinipigilan niya ang sarili na gumalaw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status