"Hindi pwede, dapat may kakayahan sa paghawak ng baril ang dapat maging myembro namin. At sumasailalim pa sa mga masusing pagsasanay." kontra sakin ni Leonardo.
Ano ngayon kung hindi ako marunong humawak ng armas o ng baril? Natututunan naman yun diba? Minabuti ko nalang na manahimik baka mapunta pa sa pagtatalo kapag iginiit ko ang gusto ko.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Minabuti ko nalang na ipako ang paningin ko sa labas ng bintana. Madilim pa ang paligid, tanging paghampas ng hangin sa mga punong-kahoy ang naririnig ko. Hindi ko na rin matandaan kung saan niya ako natagpuan kanina. Ipinasya kong ipikit nalang ang aking mga mata para makatulog.
Isang pagyugyog sa aking balikat ang gumising sakin. Nagmulat ako ng mga mata. Nasilayan ko si Leonardo na siyang palang may kagagawan kung bakit ako nagising.
"Nandito na tayo, sa aking bahay." aniya at tsaka inilayo ang mukha sa akin.
Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Minabuti ko narin na lumabas ng kotse at sinundan ko siya patungo sa bahay niya. Nang makalapit ako, nilagay niya ang susi sa doorknob at binuksan iyon. Pumasok siya sa loob at sumunod ako.
Maganda ang bahay. Malinis, bungalow ang istilo nito. May salas, dalawang kwarto sa gilid, isang pinto sa kabila na marahil ay CR at sa dulo ay kusina. Simple lang na di mo aakalain na ang naninirahan pala dito ay alagad ng batas. Pumunta siya sa isang pinto at binuksan yon.
"Dito ka matutulog sa mga susunod na araw at ngayon kung may balak ka pang matulog." wika niya tsaka sinindihan ang silid at nagtungo sa kusina.
Pumasok ako sa loob ng kwarto. At iginala ko ang aking paningin sa kabuuan niyon. May kama sa gitna na ang kobre kama ay kulay itim. Sa bandang kaliwa niya ay may kabinet. Sa isang sulok ay may pintuan na marahil ay banyo. Binuksan ko ang cabinet at tumambad sa aking paningin ang mga panlalaki na kasuotan. Ibig sabihin, kwarto niya ang ipapagamit sakin.
"Nakahanda na ang pagkain, kain muna tayo bago tayo matulog."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Leonardo na nasa labas ng kwarto at tinitingnan ako.
"Kwarto mo ito diba? Bakit mo ipapagamit sakin. Doon nalang ako sa kabila. Ayos lang kahit walang kama, kahit banig lang. Ang mahalaga may tutulugan ako." sabi ko sa kanya.
"Dito ka na, doon nalang ako sa kabilang kwarto matutulog. May double deck dun kaya huwag kang mag-alala. Halika na, kumain na tayo." wika niya tsaka tumalikod siya sakin.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sino ba naman ako para kontrahin siya sa mga gusto niya? Pamamahay niya ito, kaya siya ang may karapatan sa mga bagay-bagay.
Narating ko na ang kusina at nakita ko siyang abala sa paglalagay ng plato sa mesa. Pumunta ako doon at tinulungan siya. Tiningnan niya ako, nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." sa mga pagkakataong iyon, iyon lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko at wala ng iba.
**
Natapos kaming kumain at ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Nagpaalam na siya na magpapahinga na. Binilisan kong tapusin ang ginagawa ko para makapagpahinga narin ako. Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay isinalansan ko ang mga ito sa lalagyan.
Nagtungo na agad ako sa aking kwarto. Nang mapadako ako sa aking kwarto, hindi ko maiwasan na sulyapan ang pinto na katabi ng aking kwarto na siyang magsisilbing kwarto niya. Gusto kong katukin iyon at tanungin siya kung ayos lang ba ang tinutulugan niya.
Minabuti ko nalang na huwag nang ituloy ang binabalak ko at pumasok na ako sa aking kwarto. Isinara ko iyon pagkapasok ko. Agad akong nahiga sa malabot na kama. Doon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng nangyari ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang saglit lang tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan ang pinagmumulan ng sikat ng araw. Nakaawang pala ang bintana, hindi ko na kasi iyon naisara kagabi dahil narin sa gusto ko na makapagpahinga.Tumayo ako at nagtungo sa bintana.
Mataas na ang sikat ng araw. Napansin ko ang orasan na nasa gilid ng bintana. Alas dyes na pala ng umaga. Agad akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa sa kabilang kwarto. Pinihit ko yun at nagbabakasakali na bukas iyon. Nabuksan ko ang pintuan at itinulak ko iyon paloob. Walang tao. Asan kaya siya?
"May kailangan ka ba?" anang isang tinig sa aking likuran. Lumingon ako at tumama ang aking mukha sa malapad at matigas niyang dibdib.
"Aray!" wika ko sabay hawak sa aking noo na nasaktan sa pagkakabangga. Nilampasan niya ako at pumasok sa loob ng kwarto.
"Mamimili tayo ng mga damit mo. May pagkain na sa kusina, kumain ka muna." wika niya at isinara ang pintuan.
Agad akong nagtungo sa kusina at may nakita akong nakatakip. Binuksan ko iyon. Omelet, ang aking nakita. Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain. Masarap ang pagkakaluto ng Omelet, hindi lang pala siya Agent, Chef din pala.
Napangiti ako sa isiping iyon. Kahinaan ko ang lalaking magaling magluto. Tinapos ko na agad ang aking kinakain. Nang matapos ko iyon ay agad akong nagtungo sa salas para hintayin siya. Nakita ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko at may bitbit na dress.
"Isuot mo yan, mukhang magkaparehas lang kayo ng sukat ng katawan." wika niya tsaka iniabot sakin ang dress.
Medyo may kaiksihan ang dress subalit mahaba ang manggas niyon. Mabuti yun para matakpan ang kanyang mga sugat. Bakit may ganito siyang damit pambabae dito sa bahay niya. Hindi kaya pagmamay-ari ng girlfriend niya ang damit na ito?
"Ang damit na yan ay sa kapatid ko. Minsan siyang pumasyal dito noong nakaraang buwan. Naiwan niya yan." wika niya nang mapansin siguro na titig na titig ako sa damit.
"Sige maliligo lang ako at magbibihis."
Pumunta na ako sa kwarto at pumasok sa CR para maligo. Dinama ko ang tubig na lumalabas mula sa shower. Napakasarap ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Pagkatapos maligo ay isinuot ko ang dress na bigay niya. Sakto nga sakin ang dress.
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin. Agad kong sinuklay ang buhok ko. Nang makontento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa salas. Matiyagang naghihintay doon si Leonardo. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.
"Tara na." tipid niyang sabi at naglakad palabas ng bahay habang ako ay nakasunod sa kanya.
Nang marating namin ang kotse niya ay agad akong sumakay sa passenger's seat at siya naman ay sa driver's seat. Binagtas na namin ang daan patungong bayan kasalungat ng dinaanan namin kanina.
"Leonardo, mag-isa ka lang ba sa bahay mo?" tanong ko sa kanya. Kahit man lang kapatid sana ang kasama niya.
"Tawagin mo nalang akong Leo, ayaw kong binabanggit ng buo ang pangalan ko. Oo, mag-isa lang ako, simula ng naging Agent ako, nakihiwalay na ako sa aking mga magulang." saad niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Hindi na ako umimik pa. Natatanaw ko na mula rito sa aking kinauupuan ang maraming tao, marahil iyon na ang bayan. Huminto kami sa harap ng isang tindahan, tindahan ng mga damit base sa nakikita ko sa loob. Bumaba ako ng sasakyan.
Sinundan ko siya sa pagpasok. Nang makapasok kami ay tumambad sakin ang mga nakahile-hilerang damit. Pumunta si Leo sa isang hilera ng damit pambabae. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya agad naman akong lumapit sa kanya.
"Mamili ka ng mga gusto mong damit at ako ang magbabayad." wika niya.
Tumingin ako ng mga damit na pwedeng pambahay at pampasyal. Tiningnan ko si Leo na nasa likuran ko at nakatayo. Lumipat ako ng pwesto at nagtungo sa mga shorts at pantalon. Nilingon ko ulit si Leo subalit wala na siya sa likod ko. Iginala ko ang paningin ko. Nakita ko siyang may kausap na babae, base sa suot niya. Marahil saleslady ito ng naturang tindahan.
Bigla akong nakaramdam ng inis. Inalis ko ang tingin sa kanila at inabala ang sarili ko sa paghahanap ng shorts at pantalon. Namimili ako ng biglang may lumapit sakin.
"Hello Miss, pwede ba kitang makilala?" tanong sakin ng lalaking nasa harapan ko. Matangkad siya at kayumanggi ang balat. Makapal ang kilay niya. Inilahad niya ang palad sakin.
"May kailangan ka ba sa girlfriend ko?" anang boses sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ito. Si Leo, bakit naman niya sinabi sa lalaki na girlfriend niya ako?
"AKO NA dyan baby. Patulugin mo nalang ang mga bata." wika ko kay Rhianna."Okay baby." aniya tsaka binigyan ako nang mabilis na halik sa labi. Nang matapos akong maghugas nang pinggan. Lumabas ako nang kusina at umakyat nang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan nang kwarto nang aking mga anak. Kinukumutan ni Rhianna sina Leonna at Rheonard."Goodnight Mami." wika ni Leonna. "Night Mi." wika naman ni Rheonard."Goodnight." ani Rhianna at kinintalan nang halik sa noo ang kanilang panganay at bunso. Pumikit na ang mga ito para matulog. Lumingon sa kinaroroonan ko si Rhianna. Pumasok ako at niyakap siya sa bewang at kinintalan nang halik ang balikat niya."Ang sarap nilang pagmasdan baby." wika ko sa kaniya."Oo nga eh. Tara na sa kwarto para makapagpahinga na tayo." wika ni Rhianna. Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at inakbayan siya. Sabay kaming naglakad patungo sa aming silid. Nang makahiga na kami. Umunan si Rhianna sa
7 Years Later."Nina!" tawag ko sa tagapag-alaga nang aking apat na taong gulang na si Rheonard. Nandito ako sa kwarto at inaayos ko ang aking sarili. Susunduin ko si Leonna sa paaralan. Masaya ako dahil sa lumipas na pitong taon na aming pagsasama. Naging matatag kami. At nagkaroon kami ni Leonardo nang dalawang anak. Isang buong pamilya."Yes Ate?" tanong sakin ni Nina nang makapasok siya sa kwarto. Lumingon ako sa kaniya. "Wow Ate! Ang ganda mo naman. Tiyak na mabibighani mo na naman si Kuya Leonardo niyan." wika niya na may panunukso sa tinig. Natawa ako sa sinabi niya. Malapit lang si Nina sa bahay. Kaya kapag nandito na si Leonardo, umuuwi na rin siya. Hindi naman palgi nasa opisina si Leonardo, minsan nandito sa bahay para magbantay at mag-alaga kay Rheonard."Palagi naman eh. Bantayan mo si Rheonard. Huwag ka na magluto. Ako na ang magluluto pagkauwi namin." wika ko sa kaniya. "Okay Ate. Mag-iingat ka." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Ofcourse. Mauna na ako Nin
Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngsyon kay Leonardo Estralta Jr. Habang nakatitig ako sa salamin at inaayusan ng make-up artist na si Kara, hindi ko maiwasang mapabumuntong-hininga. Kinakabahan ako na naeexcite. Ganito siguro ang pakiramdam kapag ikakasal ka. "Kanina ka pa po bumubuntong-hininga Ma'am. Feel nervous?" tanong sakin ni Kara na siyang make-up artist ko. Nagsalubong ang aming mata sa salamin."Kinakabahan kasi ako na naeexcite." wika ko. Ngumiti siya sakin."Ganiyan po talaga Ma'am. Kahit din po ako noong ikasal ako. Ganiyan din po ang nararamdaman ko sa nararamdaman niyo." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. Nagpatuloy na ito sa ginagawa sa aking buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ako ang nasa harapan nang salamin. Hindi sa nagbubuhat ng bangko. Pero parang hindi ako ang nasa salamin, napakaganda ko nang mga sandaling iyon. Marahil nasa simbahan na si Leonardo para hintayin ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang
"KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila? Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan."Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan."Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko. Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasak
Leo'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko."Kamusta?" tanong ko.Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase. "Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na ma
Rhianna's POVIsang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagulat ako sa aking nadatnan. Lumingon sakin si Mama na abala sa pag-aasikaso sa aming bisita na nakaupo sa sofa sa salas."Anak, nandito ka na pala. Kararating lang ni Leo. Eh, gusto ka sana niyang puntahan sa likod-bahay. Sabi ko naman hintayin ka nalang niya na makabalik." wika ni Mama. Tiningnan ko si Leo. Nakatitig siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Tumalikod ako mula sa kaniya at akmang lalabas muli ng bahay nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Naiinis ako dahil nakaya niya akong tiisin