Lumapit siya sa sakin at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. Napa-aray ako sa pagdampi niyon sa aking balat. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat ko. Hindi ko naramdaman yun kanina dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa gagawing pagtakas idagdag pa ang presensya ni Leonardo.
Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang bagay na yun, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang gagawing pagligtas sa aking ina at kapatid. Pagkatapos, ay nilagyan niya ng band aid ang mga malalaking sugat. Tiningnan ko si Alexandra. Maganda ito at maliit ang mukha. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Ayan, okay na. Gusto mo bang sumama sa loob? Hindi naman pwedeng iwan kita dito ng mag-isa." wika niya sabay ligpit ng mga gamit.
"Ayos lang ba? Hindi ba ako makakaabala?" tanong ko.
Bago pa man siya makasagot, biglang may kumatok sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad samin ang lalaking nakaupo kanina sa sofa. Mahaba ang buhok na naka-ponytail.
"Alexandra, tara na. Magsisimula na tayo. Nandyan na si Agent Jerald. Ikaw nalang ang wala sa silid." wika nya at saglit na sumulyap sakin tsaka niya isinara ang pinto. Tumayo na si Alexandra at tinungo ang kabinet para ilagay ang mga ginamit sa paggamot sakin tsaka nagtungo sa pinto.
"Tara na, baka magalit si Agent Jerald." wika niya tsaka binuksan ang pinto. Tumayo narin ako at nagtungo sa pinto tsaka sabay kami na lumabas ng silid.
Naglakad kami patungo sa isang silid sa tabi ng sofa. Binuksan iyon ni Alexandra at tumambad sa harapan namin ang nasa pitong katao na ngayon ay nakatingin samin. Napalunok ako. Hindi ko maiwasan manginig dahil sa mga tingin nila. Nakita ko rin sa isang tabi si Leonardo na nakatingin din sa gawi namin.
"Magandang Umaga po, Agent Jerald." wika ni Alexandra.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ala-una na pala. Tiningnan ko ang lalaking binati ni Alexandra. May mga puting buhok na siya at nakasalamin. Marahil nasa singkwenta mahigit ang edad niya.
"Baka naman pwede mo kami ipakilala sa kasama mo at bakit siya sugatan?" tanong niya kay Alexandra tsaka niya ako binigyan ng mapanuring tingin. Hindi ko maiwasan panindigan ng balahibo sa tingin na ipinukol niya sa akin. Ang lakas ng awra niya. Ito ba ang pinuno? Sasagot na sana si Alexandra, subalit biglang tumayo si Leonardo.
"Ako po ang nagdala sa kanya dito Agent Jerald, habang binabaybay ko ang daan patungo dito ay nakita ko siyang lumabas sa kagubatan at nakita ko siyang sugatan. Kaya dinala ko siya dito para gamutin ni Alexandra." paliwanag ni Leonardo. Tumango siya sa sinabi ni Leonardo. Ramdam ko na nakatingin sakin ang ibang mga kasamahan nila.
"Maupo na kayo dito sa unahan Alexandra at ikaw Binibini." wika niya at iwenestra ang bakanteng upuan na nasa harapan. Agad kaming nagtungo doon ni Alexandra at naupo.
"Bakit nasa kagubatan ka? May tinatakasan ka ba?" tanong niya sakin.
Siguro sapat nang basehan ang pagtulong sakin ni Leonardo at ang paggamot sakin ni Alexandra para pagkatiwalaan ko sila. Ang mga kagaya nila ang makakatulong sakin para malutas ang problema ko.
"Ikinulong ako ng aking amain kasama ang aking ina at kapatid. Kaya tumakas ako para humingi ng tulong para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. At sa pagtakas ko doon ko nakita si Leonardo at isinama niya ako dito para gamutin ang mga sugat ko." sagot ko.
Hindi ko muna binanggit ang pangalan ng aking amain. Kailangan kong humanap ng tyempo para sabihin yun. Tumango siya habang nakatitig sa aking mga mata na parang tinatarok kong nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Handa akong makipagtitigan sa kanya malaman lang niya na nagsasabi ako ng totoo.
"Ramdam ko na nagsasabi ka ng totoo. Tutulungan ka namin na mailigtas ang iyong ina at kapatid." wika niya.
"Salamat po Agent Jerald." wika ko habang nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko maiwasan na mapaluha, salamat dahil napunta ako sa mabubuting tao. Paano kung iba ang nakakita sa akin? Baka kung napano na ako. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon, isang panyo at iniabot niya iyon sakin.
"Punasan mo ang iyong mga luha." wika niya. Kinuha ko iyon at agad na pinunasan ang mga luha na naglandas sa aking pisngi.
Nagsimula na ang meeting. Pinag-usapan lang nila ang mga bagay na dapat gawin kapag nasa kapahamakan lalo at Agent sila. Kung paano nila maililigtas ang sarili sa mga kapahamakan.
Pinag-usapan din nila ang susunod nila target na isang sindikato ng droga at magkakaroon sila ng pagsasanay sa susunod na araw.
Natapos ang meeting ng alas tres ng madaling araw. Bakit kaya sa ganitong oras sila nagmemeeting? Sabagay mas maganda narin yung ganitong oras tahimik. Lalabas na sana ako ng biglang tawagin ni Agent Jerald ang pangalan ko. Tinawag din niya si Leonardo.
"May pag-uusapan tayo, Agent Leonardo." wika niya.
Umupo ako sa dating inupuan ko kanina samantalang tumabi naman sakin si Leonardo.
"Ano po iyon, Agent Jerald?" tanong ni Leonardo.
"Saan tutuloy si Ms., Ano pala pangalan mo Binibini?" tanong sakin ni Agent Jerald.
"Rhianna po. Rhianna Evangelista po." sagot ko.
"Sa bahay muna siya titira, Agent." wika ni Leonardo. Tumango siya.
"Oh sige. Sayo muna siya titira, mas ligtas siya sayo. Makakaalis na kayo." wika ni Agent Jerald.
Tumayo na ako ganun di si Leonardo. Pumunta si Leonardo sa pintuan habang nakasunod ako at tsaka iyon binuksan. Nadatnan namin sa labas ang mga kasamahan niya na nag-uusap. Nasa pito sila kanina ng pumasok ako sa silid.
Apat na lalaki at tatlong babae, pero ngayon dalawa nalang sila pang-tatlo si Leonardo. Panay mga lalaki. Maaring umuwi na ang iba, pati si Alexandra. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya o nakapagpasalamat man lang sa paggamot niya sakin.
"Mauna na ako mga Pre." paalam ni Leonardo sa mga kasamahan.
"Saan tutuloy ang kasama mo?" tanong ni Harold at saglit niya akong tinapunan ng tingin.
"Sa bahay muna siya titira. Yun ang pinag-usapan namin ni Agent Jerald." wika ni Leonardo.
"Grabe Leonardo, magtitira ka ng isang babae sa bahay mo." wika ng isang lalaking mahaba ang buhok na siyang tumawag sa amin ni Alexandra kanina.
"Loko ka Brandon!" wika niya tsaka siniko si Brandon sa tagaliran. Kunwari napa-aray naman si Brandon. Nakikinig lang ako at tinitingnan lang sila na nagbibiruan nang bigla siyang lingunin ni Leonardo.
"Brandon, Harold. Si Rhianna pala. Rhianna si Brandon at si Harold." pakilala niya sakin sa mga ito.
"Nagagalak akong makilala ka." wika ni Harold at inilahad ang palad niya sakin. Tinanggap ko iyon. Nginitian niya ako sabay ng pagpisil ng aking kamay. Agad ko naman binawi iyon.
"Nagagalak din akong makilala ka Rhianna." wika ni Brandon. Nakipagkamay din siya sakin at tinanggap ko iyon, pero hindi katulad ni Harold, saglit lang ang pakikipagkamay niya sakin.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa silid kong saan nagdaos sila ng pagpupulong, ay hindi. Kami, dahil nasa loob din ako ng mga pagkakataong yun. Tiningnan ko iyon at lumabas doon si Agent Jerald. Lumapit siya samin.
"Tara na. Kailangan niyo nang umuwi at para makapagpahinga na rin si Rhianna." wika niya at nauna nang lumabas ng pintuan ng Head Quarters.
Sumunod kami kay Agent Jerald palabas ng Head Quarters. Pagkalabas namin ay hinintay muna namin na maisara iyon ni Harold. Naglakad na sila sa kani-kanilang sasakyan. Si Harold ay kulay itim na kotse ang sasakyan, samantalang si Brandon ay kulay puti naman. Sumakay naman si Agent Jerald sa van nito na kulay itim.
"Sumakay ka na." tawag sakin ni Leonardo. Ibinaling ko ang tingin sa kanya at agad akong naglakad patungo sa kotse niya. Sa passenger's seat ako umupo. Sumakay narin siya sa driver's seat. Lumabas na kami ng gate at isinara iyon ng gwardiya na tagapagbantay.
"Kamusta ka na?" tanong ni Leonardo sakin habang tinatahak namin ang daan pabalik, patungo sa tahanan niya.
"Ayos lang ako. Salamat sa pagligtas sakin." sabi ko at nilingon ko siya. Subalit nasa daan lamang ang tingin niya na hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Ibinalik ko nalang ang tingin sa daan.
"Walang anuman. Trabaho ko ang magligtas ng tao. Natural sakin yun na iligtas ko ang taong nasa panganib." wika niya na nakatuon parin ang paningin sa daan. Tama nga naman siya, pero nagpapasalamat parin ako dahil sa pagligtas niya sakin.
"Gusto kong maging parte ng samahan niyo." lumingon siya sa gawi ko.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga katagang iyon sa kaniya. Basta ang gusto ko lang maging parte ng samahan nila at ako mismo ang huhuli kay Don Ysmael.
"AKO NA dyan baby. Patulugin mo nalang ang mga bata." wika ko kay Rhianna."Okay baby." aniya tsaka binigyan ako nang mabilis na halik sa labi. Nang matapos akong maghugas nang pinggan. Lumabas ako nang kusina at umakyat nang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan nang kwarto nang aking mga anak. Kinukumutan ni Rhianna sina Leonna at Rheonard."Goodnight Mami." wika ni Leonna. "Night Mi." wika naman ni Rheonard."Goodnight." ani Rhianna at kinintalan nang halik sa noo ang kanilang panganay at bunso. Pumikit na ang mga ito para matulog. Lumingon sa kinaroroonan ko si Rhianna. Pumasok ako at niyakap siya sa bewang at kinintalan nang halik ang balikat niya."Ang sarap nilang pagmasdan baby." wika ko sa kaniya."Oo nga eh. Tara na sa kwarto para makapagpahinga na tayo." wika ni Rhianna. Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at inakbayan siya. Sabay kaming naglakad patungo sa aming silid. Nang makahiga na kami. Umunan si Rhianna sa
7 Years Later."Nina!" tawag ko sa tagapag-alaga nang aking apat na taong gulang na si Rheonard. Nandito ako sa kwarto at inaayos ko ang aking sarili. Susunduin ko si Leonna sa paaralan. Masaya ako dahil sa lumipas na pitong taon na aming pagsasama. Naging matatag kami. At nagkaroon kami ni Leonardo nang dalawang anak. Isang buong pamilya."Yes Ate?" tanong sakin ni Nina nang makapasok siya sa kwarto. Lumingon ako sa kaniya. "Wow Ate! Ang ganda mo naman. Tiyak na mabibighani mo na naman si Kuya Leonardo niyan." wika niya na may panunukso sa tinig. Natawa ako sa sinabi niya. Malapit lang si Nina sa bahay. Kaya kapag nandito na si Leonardo, umuuwi na rin siya. Hindi naman palgi nasa opisina si Leonardo, minsan nandito sa bahay para magbantay at mag-alaga kay Rheonard."Palagi naman eh. Bantayan mo si Rheonard. Huwag ka na magluto. Ako na ang magluluto pagkauwi namin." wika ko sa kaniya. "Okay Ate. Mag-iingat ka." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Ofcourse. Mauna na ako Nin
Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngsyon kay Leonardo Estralta Jr. Habang nakatitig ako sa salamin at inaayusan ng make-up artist na si Kara, hindi ko maiwasang mapabumuntong-hininga. Kinakabahan ako na naeexcite. Ganito siguro ang pakiramdam kapag ikakasal ka. "Kanina ka pa po bumubuntong-hininga Ma'am. Feel nervous?" tanong sakin ni Kara na siyang make-up artist ko. Nagsalubong ang aming mata sa salamin."Kinakabahan kasi ako na naeexcite." wika ko. Ngumiti siya sakin."Ganiyan po talaga Ma'am. Kahit din po ako noong ikasal ako. Ganiyan din po ang nararamdaman ko sa nararamdaman niyo." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. Nagpatuloy na ito sa ginagawa sa aking buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ako ang nasa harapan nang salamin. Hindi sa nagbubuhat ng bangko. Pero parang hindi ako ang nasa salamin, napakaganda ko nang mga sandaling iyon. Marahil nasa simbahan na si Leonardo para hintayin ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang
"KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila? Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan."Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan."Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko. Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasak
Leo'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko."Kamusta?" tanong ko.Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase. "Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na ma
Rhianna's POVIsang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagulat ako sa aking nadatnan. Lumingon sakin si Mama na abala sa pag-aasikaso sa aming bisita na nakaupo sa sofa sa salas."Anak, nandito ka na pala. Kararating lang ni Leo. Eh, gusto ka sana niyang puntahan sa likod-bahay. Sabi ko naman hintayin ka nalang niya na makabalik." wika ni Mama. Tiningnan ko si Leo. Nakatitig siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Tumalikod ako mula sa kaniya at akmang lalabas muli ng bahay nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Naiinis ako dahil nakaya niya akong tiisin