LOGIN
ALAS-SAIS na ng hapon nang makarating si Gabriella sa kanila. Galing siya sa bahay ng kaibigang si Lora, na hindi naman kalayuan ang bahay mula sa kanila. Gumawa sila ng group project. Maaga naman silang nakatapos pero itong si Lora ay nag aya pang tumambay sila sa tabing ilog na nasa likod bahay lamang.
Hinatid pa siya ng kaibigan niyang si Karl gamit ang motorsiklo nito. Dahil ang bahay naman nito ay sa kabilang baryo pa. Sa mismong tapat ng gate siya inihinto si Karl. "Ingat ka, Karl. Dahan dahan lang," paalala niya sa kaibigan nang makababa sa motor. "Mukhang may bisita kayo," sabi ni Karl na pinatay muna ang makina at sa loob ng bakarun nila nakatingin. Napasunod din siya ng tingin. May nakaparadang sasakyan sa loob ng bakuran nila. "Sino kaya?" wala sa loob niyang tanong. Bumaling siya kay Karl. "Sige na, umuwi ka na. Maaabutan ka na ng dilim sa daan," pagtataboy ni Gabriella kay Karl. "Ok, 'bye. Kita tayo sa Lunes." Tumango lamang siya. Binuhay na ulit nito ang motor at marahang pinaandar paalis. Hinintay lamang ni Gabriella na makaliko ito sa kanto at marahan na niyang binuksan ang gate na gawa sa bakal. Malangitngit na ang gate nila gawa sa katagalan at luma na. Naisip niyang lagyan ng langis ang mga bisagra bukas para mabawasan ang ingay. Mabagal ang lakad niya palapit sa bahay nila habang nakatingin sa sasakyan. Nananatiling nagtataka kung sino ang dumating na bisita. Mukhang bago pa ang sasakyan na kulay crema. Tantiya niya ay kasya ang 7 pasahero sa loob nito. Napatingin siya sa kanilang bahay na bungalow style na may kalumaan na din. Maliit lamang ang bahay nila na may sukat sigurong 50 square meters ang floor area pero may dalawang kwarto. Malawak ang bakuran nila na may sukat na 500 square meters. At sa likod naman ng bakuran nila ay ang malaking ektarya na bukurin na sinasaka naman ng kanyang Papang. Ayon sa kanyang Mamang, si Mariella Joson, ang kanilang bakuran ay inaward sa Papang nya, si Gabriel Joson, bilang tenant at ang Papang niya ang magsasaka sa malaking ektaryang bukurin na iyon. Iisang tao ang may ari ng bakuran nila at ang ekta-ektaryang bukurin. Nabanggit din ng kanyang Mamang na matalik na kaibigan ng kanyang Papang ang may ari ng lupain. Ang kanyang Mamang naman ay isang guro, ngunit napilitang magretiro sa edad na trenta'y otso dahil sa pagbubuntis sa kanya. Ilang taon nang kasal ang kanyang Mamang at Papang pero hirap ang mga ito magkaanak. Kaya naman nung mabuntis ang kanyang Mamang sa kanya ay mas pinili nitong magretiro na at sundin ang payo ng OB-Gyne. Hindi na rin pumayag ang kanyang Papang na magturo pa siya para makaiwas din sa stress. Ngunit sadyang isang anak lamang ang pinagkaloob sa mag asawa. Siya, si Gabriella Marie Joson, disi-sais anyos. Nasa Forth year highschool at graduating na. Sa ngayon ay pagluluto ng kakanin ang pinagkakaabalahan ng kanyang Mamang at ang mga kapwa teachers nito ang kadalasang costumer. Nabalik ang atensyon ni Gabriella sa bandang hulihan ng sasakyan. Nabasa niya sa plaka na sa Quezon City pa ito nabili. Marahil ay taga Quezon City ang kanilang bisita, sa loob loob niya. Tumuloy na siya sa loob ng bahay, ngunit pagbukas nya ng screen door ay wala siyang naabutang tao sa sala. Pero naririnig niya ang mga mahihinang boses na nag uusap na nanggagaling sa likod ng bahay nila. Marahil ay nasa kubo nila ang mga bisita. May pinagawa ang Papang niyang kubo na gawa sa kawayan. Isang maliit na kubong pahingahan ng kanyang Papang. Kadalasan ay mas gusto pa ng kanyang Papang at Mamang na doon magpalipas ng maghapon at kung minsan ay doon na din natutulog. Dumeretso siya sa kusina at sumilip sa maliit na bintana. Mula doon ay kita na niya ang mga tao sa loob ng kubo. At tama nga ang inisip niya. Andun nga ang bisita ng kanya mga magulang. Tatlo ang mga ito. Dalawang lalake at isang babae. Ang isang lalake ay halos kaedaran lang ng kanyang Papang bagamat maayos ang pananamit nito at maganda ang pangangatawan. Ang isa pang lalake at babae na mas bata ay tila magkasintahan naman. Magkasintahan nga dahil ang babae ay nakapalupot ang mga kamay sa braso ng batang lalake. Hindi nya masyadong mapintahan ang itsura ng mga ito dahil nahaharangan ng sala salang disenyo ng kubo. Ang Mamang at Papang niya ay hindi niya matanaw gawa nang may nakaharang na halaman sa pinuwestuhan ng mga ito. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya dahil hindi niya alam kung lalabas ba siya para malaman ng mga magulang niya na nakauwi na siya. Hindi pa naman siya nagugutom pero naisipan niyang buklatin ang kawaling nakalagay sa kakalanan nila. Pag-angat niya ng takip ng kawali ay kaagad din niyang nabitawan ang takip dahil mainit pala ito. Mukhang kaluluto lang. Kukuha sana siya ng potholder ngunit nagulat ulit siya nang biglang bumukas ang screen door ng kusina at pumasok ang hindi pamilyar na bulto ng katawan ng tao. Malaking lalake ito. Malaki na siya sa 5'4" pero ang lalakeng ito ay tila higante sa tangkad. Marahil ay nasa six footer ang height. Malapad ang mga balikat na bumagay sa suot nitong plain white t-shirt at maong pants na nakahulma sa hita at binti. Saglit lang ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng lalake nang makita siya. Si Gabriella naman ay hindi kagad nakakilos at tila na starstruck sa kaharap. Gwapo ang bisita nila. Hindi mestiso hindi rin maitim. Certified na lahing Pilipino, pero matangos ang ilong at ang mga mata ay tila matalim kung tumingin. Ang labi ay manipis na nagbigay dating sa lalaki ng pagkasuplado. Ang lalake ay si Miguel Javier Mortiz. 26 year old. Batang batang Businessman at nakatira sa lungsod ng Maynila. Anak ng Business tycon na si Moises Mortiz, 60 yrs old, biyudo. Sila din ang namamay-ari ng lupaing sinasaka ng Papang ni Gabriella at ang bakurang tinatayuan nila. Alumpihit na tumalikod si Gabriella para bumalik sa loob ng sala. Nakahiyaan na niyang batiin ang bisita at mukhang suplado.After five years in Japan, Miguel and Gabriella returned to the Philippines with their twins. Yes, Gabriella gave birth to twins! The couple have fraternal twins - a boy and a girl. Mas higit ang kasiyahan ni Moises at Mariella nang malaman mula sa ultrasound na kambal ang dinadala ni Gabriella. Sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Gabriella ay lumipad ang magbalae sa Japan upang salubungin ang panganganak ng buntis. Hindi mapagkakamalang kambal ang dinadala ni Gabriella dahil maliit lamang ang tiyan at hindi man lang nagbago ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis. Hindi naging madali kay Gabriella ang panganganak niya sa kambal dahil halos sampung oras itong naglalabor. "Oh God, honey! It really hurts," daing ni Gabriella sa asawa nang gumuhit ang matinding hilab sa tiyan papuntang puson. Kasalukuyang nakahiga si Gabriella sa birthing bed dahil ayun sa doctor ay fully dilated na ang cervix ni Gabriella at handa nang lumabas ang bata. Awang-awa si Migu
BEFORE the abduction... "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong kidnap-in natin ang asawa mo. At talagang isinama mo pa kame ni Mark," galit na galit ang tono ni Dave kay Miguel. "At talagang may dala ka pang pampatulog. Talaga bang pinagplanuhan mo ang asawa mo?" hindi maawat na sabi nito. Sinulyapan nito si Gabriella na walang malay habang nakahiga sa backseat at ang ulo ay nakaunan sa hita ni Miguel. Habang si Mark naman ang nagdadrive at napapailing na tumingin kay Miguel. "Pwede akong madisbarred sa ginagawa mo, Miguel," tinanggal nito ang nakatakip sa mukha pati na rin ang shades na pilit pinasuot sa kanya ni Miguel kanina saka hinagis sa kaibigan. Mabilis na nasalo ni Miguel ang hinagis ni Dave upang huwag tumama sa mukha ni Gabriella. "Wala nang kasunod ito. Una't huli na nating gagawin ito," pigil ang tawang sabi ni Miguel at tiningnan si Mark. "Sa Antipolo tayo," sabi niya. "Bakit doon mo dadalhin ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang iuwi sa mansyon?" takang tano
SA BIGLANG pagdilat ng mga mata ni Gabriella ay wala siyang makita. Gumapang ang takot at pag-aalala sa isip niya dahil kahit saan niya ilinga ang ulo niya ay puro kadiliman ang nakikita niya. Idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Pakiramdam niya ay para siyang kakapusan ng hininga. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya maigalaw dahil nakatali ang mga iyon sa likod niya. Nakapiring ba ang mga mata niya kaya wala siyang maaninag at makita? Bigla ay naalala niya ang mga huling sandali bago siya panawan ng malay. Ang itim na kotse na pabalik-balik. Ang panyong itinakip sa ilong niya. At ang lalaking nakabalot ang mukha. Iyon ang mga naaalala niya. Kinidnap ba siya ng sakay ng itim na kotse na iyon? Gumapang ang kilabot sa katawan ni Gabriella. Noon niya nahiling na sana sa mga oras na iyon ay nasa Japan siya at kasama si Miguel. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan sa takot na baka may ginawa sa kanya ang mga lalaking iyon. Gusto na niyang magbreakdown at umiyak.
"I'M REALLY sorry, tito Moises," halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Halos lumuhod ito sa harap ni Moises para magmakaawa. "The damage has been done, Samantha. Sana naisip mo muna ang mga naitulong ko sa ama mo bago mo kame siraan mag-ama ng ganoon kay Gabriella. Ni hindi ka nangimi na gumawa ng ganoong iskandalo dito mismo sa kompanya ko at sa mismong manugang ko pa!" hindi napigilan ni Moises ang tinitimping galit at naihampas ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Samantha sa paghampas na iyon ni Moises. Hindi makatingin ng deretso si Samantha dahil sa nakikitang sobrang galit na nakalarawan sa mukha ni Moises sa kanya. Ngayon lamang niya nakitang magalit si Moises. Mabagsik ang mukha nito at malayong malayo sa nakilala niyang Moises. Hindi niya akalain na ang laging nakangiti ay may tinatago palang bagsik pag nagalit. Si Dave ay tahimik lamang na nakatunghay sa pag-uusap ng dalawa at hindi humahalo sa usapan ng dalawa. Ang kaninang mataray at mapagmalaking babae ay
"PRIDE ang umiiral sa iyo, kaya ka ganyan. Nagpadala ka sa mga sinasabi ng Samanthang iyon. Oo, totoo lahat ng mga nakita mo sa dokumentong iyon, pero hindi mo ba naisip na ginawa namin iyon ng Papang mo para sa ikakabuti mo? At sa part naman ni Miguel, ikaw mismo, Gabriella ang magpapatunay kung ano talaga ang hangarin niya sa iyo. Na talaga bang ginamit ka lang niya para masecure ang mana niya?" mahabang pahayag ni Mariella at tiningnan mabuti ang anak. Dalawang araw nang nakauwi ang anak niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ni Mariella ang anak. Umuwi ito na mugto ang mga mata at nagkulong sa kwarto. Hindi siya pinapansin ng anak at ramdam niya na may problema ito. Kung hindi pa tumawag si Moises ay hindi niya malalaman ang dahilan ng pag-uwi nito. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero sana kinausap mo ang asawa mo at hiningan mo siya ng paliwanag, hindi iyong naniwala ka kaagad sa sinasabi ni Samantha. Siguradong may dahilan si Miguel at si Moises kung ba
BAGO umuwi ng Bulacan si Gabriella ay sumaglit muna siya kay Anna na noong araw ding iyon ay nabalitaan niyang nanganak na at sa bahay lamang inabutan ng pangaganak. Masaya at maaliwalas ang mukha ni Anna nang makita siya, at taliwas naman sa tinatago niyang lungkot. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na. Binitbit lamang niya ang mga gamit niya at iniwan ang mga bagay na binigay ni Miguel sa kanya. Tanging ang wedding ring at ang engagement ring na suot ang hindi niya kayang iwan. Hindi naman ganoon kadali na sa isang iglap lamang ay mawawala ang pagmamahal niya kay Miguel. Pero ang sakit na dulot nito ay iniinda rin naman niya. At bago siya umalis ay kinausap ulit siya ni Moises. "Hindi pa alam ni Miguel ang plano mo. Hindi ko sinabi dahil baka sakaling magbago ang isip mo." huminga ito ng malalim. "Sa mga oras na ito, siguradong nagsisimula nang maubos ang pasensya ng anak ko dahil lahat ng tawag niya ay hindi ko sinasagot." Napalunok si Gabriella at nakaramdam ng







