BIGLAAN lamang ang pagpunta ng mag amang Mortiz sa probinsya ng Bulacan. Ang huling punta nila ay noong namatay ang matandang Joson, labing limang taon na ang nakakaraan. Si Gabriel Joson at Moises Mortiz ay magkakabata at matalik na magkaibigan. Ang ama ni Gabriel ang ang pinagkakatiwalaan ng ama ni Moises sa mga pag aari nitong bukurin. Hanggang si Gabriel ang sumalo ng mga sakahin ng ama nito buhat ng mamatay.
Ang mag-asawang Joson ay nagulat pa nang huminto ang sasakyan sa harap ng bakuran nila at bumaba ang mag-amang Mortiz kasama ang isang dalaga. Halos kaaahon lamang ni Gabriel sa bukid para mananghalian nang mapansin ang paghinto ng bagong sasakyan sa harap ng bakuran nila. Dahil sa kuryosidad ay lumabas silang mag-asawa upang silipin kung sino ang may-ari nito. "Moises!" Halos sabay na sambit ng mag asawa saka dali daling binuksan ni Gabriel ang malaking gate. Sabay na lumapit ang mag asawa sa bagong dating. Nakangiting sinalubong ni Moises ang kababata ng yakap. Walang nagawa si Gabriel sa kabila na siya ay amoy pawis at putik. Si Mariella naman ay nakangiting tumango si Moises ng batiin siya nito. Matanda lamang ng tatlong taon si Moises kay Gabriel kaya parang nakakabatang kapatid na din niya ito. "Kamusta kayo? Matagal na panahon na rin buhat nang huling punta namen dito," masaya at maaliwalas ang mukha ni Moises. "Tara muna kayo sa loob," si Mariella na nakatingin sa binatang kasama ni Moises. Tila naman naalala ni Moises na may kasama nga pala siya kaya nilingon niya si Miguel. "Siya nga pala, si Miguel ang anak ko, kung natatandaan nyo. Unang punta nya dito eh, 9 na taon pa lang. Miguel, siya si Tito Gabriel mo, Gabo kung tawagin ko," pagpapakilala ni Moises at tumawa ng bahagya, "ako lang ang tumatawag na Gabo diyan." birong totoo ni Moises at nilingon ang kaibigan. Nahihiyang napakamot si Gabriel at natawa naman si Mariella sa reaksyon na iyon ng asawa. "Eto naman ang tita Mariella mo, ang nagpatino sa lalokohan ng tito Gabo mo," at sinabayan ng malakas na tawa ni Moises. Nagkatawanan silang apat sa biro na iyon ni Moises. "Magandang araw po," magalang na bati ni Miguel sa mag-asawa at inabot ang mga kamay ng mag asawa para mag mano. "Ay tara sa loob at tamang tama may niluto akong kalderetang bibe," aya ni Mariella sa mag ama. "Ipasok nyo ang sasakyan nyo," sabi naman ni Gabriel. "May kasama nga po pala kame." si Miguel at binuksan ang pinto ng kotse. Bumaba ang kasama nilang babae. "Si Samantha po, girlfriend ko po." pakilala ni Miguel. "Magandang araw po sa inyo," bati ni Samantha at inabot ang kamay para kamayan ang mga asawa. Ngumiti lamang ang mag asawa at inabot ang kamay ni Samantha. Halatang pilit at tila dismayado ang mukha nito na palinga linga sa kapaligiran. "Tara sa loob," si Moises na ang nangunang pumasok sa loob ng bakuran at sumunod na lang ang mag asawa. Habang ang magkasintahan ay naiwan sa labas dahil ipapasok ni Miguel ang sasakyan sa loob ng malawak na bakuran. Halos sabay na sumakay ulit ang magkasintahan sa loob ng sasakyan. Habang minamaniobra ni Miguel ang sasakyan ay panay buntong hininga naman ni Samantha. "Gosh! Miguel, wag mong sabihin na ito yung lugar na kinalakihan ni tito Moises. Hindi ako tatagal dito. Wala atang aircon ang bahay nila," tila pagrereklamong sambit ni Samantha. Naiiling na natawa si Miguel at hindi pinansin ang pagrereklamo ng girlfriend. Hanggang sa maiparada niya ng maayos ang sasakyan at patayin ang engine nito ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Samantha. Wala atang balak bumamanng sasakyan. "Walang pumilit sa iyo na sumama, Samantha. I told you, in the first place na hindi mo magugustuhan ang lugar na ito pero nagpumilit ka." mahinahong sambit Miguel pero andun ang diin na tila sinasabi na wag siyang mag inarte. Isang malalim na butong hininga ang pinakawalan ni Samantha at pilit na ngumit. Lumingon kay Miguel at halatang pilit ang ngiti. "I'm sorry, honey. Hindi ko lang ineexpect na ganto ang maabutan lugar dito," may halong lambing na sabi nito at inabot ang mukha ni Miguel upang haplosin. " Let's go inside," seryosong sabi ni Miguel dahil alam niyang napipilitan lamang ito. Nauna nang bumaba si Miguel ng sasakyan at hinnintay saglit ang kasintahan at sabay nang pumasok sa loob ng bahay ng mga Joson. Pagpasok ni Miguel at Samantha sa loob ay naabutan nilang nakaharap ang tatlo sa larawang nakasabit sa dingding. Na tila pinapakilala ng mag asawa kay Moises ang nasa larawan. Sila man dalawa ni Samantha ay napatingin sa larawan. Napalingon si Moises sa dalawa. Kaya naman nahinto din ang mag asawa sa pagsasalita. Narinig ni Miguel na nag iisang anak lamang ito ng mag asawa at hindi na nasundan. "Maupo muna kayo at ihahanda ko ang lamesa para makakain na tayo," si Mariella na kaswal ang pagkakasabi at tumalikod na. "Tara sa kubo na pinagawa ko, Moises, dun tayo magkwentuhan at mahangin dun," aya naman ni Gabriel kay Moises at itinuro ang daan papuntang kusina na pinasukan ni Mariella. Naiwan ang dalawa sa sala. Si Samantha ay naupo sa sofa at nilabas ang cellphone at doon na tinuon ang pansin. Si Miguel naman ay nanatiling nakatayo at pinagmasdan ang buong bahay. Simple lang ang ayos ng loob ng bahay. Kahit may kalumaan ay napanatili naman nito ang malinis at maaliwalas na ambience. Mula sa kanyang kinatatayuan ay may maliit na silid sa kaliwang bahagi niya. At sa harapan naman niya ay ang pinto ng isang silid. Sa dingding nito nakasabit ang katatamtamang laki ng flatscreen tv. At sa direksyon kung saan lumabas ang tatlong matatanda ay marahil doon ang kusina. Maliit at masikip ang bahay pero maaliwalas at maayos ang pagkakapwesto ng mga gamit sa bahay. Sa dingding ng kabilang kwarto nakasabit ang mga larawan ng mag anak na Joson. Doon din nakalagay ang malaking kwadradong larawan ng anak nilang babae. Humakbang siya palapit sa mga larawan. Pero isang larawan lamang ang nakapukaw ng atensyon niya. Solo picture iyon na kuha sa isang resort. Half body lamang ang kuha sa dalaga. nakasuot ng mahabang manggas na pampaligo. Stolen Shot kaya parang inosente ang mukha ng dalaga at hindi mismo sa camera nakatingin.NGAYON ay nauunawaan na niya kung bakit sinasabing strikto at masungit si Miguel. Ayaw nitong matulad sa Daddy niya na inaabuso. Sa murang edad ni Miguel ay natuto ito sa buhay dahil sa pagmamalupit ng sariling ina. Tinukod ni Gabriella ang siko niya sa unan habang ang palad niya ay nakasapo sa pisngi. Tinunghayan si Miguel na noon ay nakatingin lang sa kisame na parang malayo ang iniisip. "Ano ang balak mo?" tangkang tanong ni Gabriella. "Kakausapin ko si Daddy bukas." tumingin kay Gabriella. " Nagtataka lang ako na bakit sa chapel siya nakaburol, samantalang may bahay siya na binigay ni Daddy." nakakunot ang noo ng binata. "Sana'y hindi niya naisipan ibenta ang bahay ninyo." "Pero posible din na binenta nga niya ang bahay at ginamit sa bisyo," tiim ang bagang na sabii ni Miguel. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Muling nahiga si Gabriella. "Galit ka ba sa Mommy mo?" lakas loob na tanong niya kay Miguel. "Wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
NATIGILAN si Miguel sa ginagawa kay Gabriella at itinuwid ang katawan. Marahang binitawan ang dalaga na noon ay nataranta nang marinig ang boses ni Manang Betty. Sa kabila ng pagkagulat ni Gabriella ay maalab pa rin ang mga mata nito sa mainit na tagpo nila ni Miguel. "Kung hindi lang siya si Manang Betty, sisisantihin ko siya," mahinang bulong ni Miguel. Hindi malaman ni Gabriella kung nagbibiro o seryoso si Miguel sa sinabi nito. Napahinga ng malalim si Gabriella habang ang kamay ay nasa dibdib dahil sa kaba. Si Miguel ay mariing napapikit dahil nasa katawan pa rin ang init at pagnanasa kay Gabriella. "Pasok ka na sa loob. Isarado mo na ang pinto," paos ang boses nito at kita sa mukha ang pagkadismaya. Magsasalita sana si Gabriella ngunit marahan siyang piniga ni Miguel sa braso at sinenyasan siyang pumasok na. Walang nagawa si Gabriella kung hindi sumunod kay Miguel lalo na nang alalayan siya nitong pumasok sa silid niya. Bago kabigan ni Miguel ang pinto pasara ay nginiti
NAGING kainip inip kay Miguel ang bawat oras na nagdaan kasama ang mga japanese investors na sobrang hilig sa alak. Hindi niya magawang tumakas sa apat na investors dahil katatapos lang nilang pirmahan ang mga agreements kaninang hapon. At sa tuwing magpapaalam siya sa mga ito ay hinihiritan pa siya ng ilang minuto hanggang sa umabot na ng ilang oras. Mayroon pa sana siyang meeting ng bandang alas-singko pero kinansela niya iyon dahil hindi siya makatanggi sa mga hapon na icelebrate ang naging business deal nila. Hindi din niya akalain na sobrang hilig pala ng mga ito sa alak at mukhang hindi lulubay hanggat hindi nauubos ang alak sa inarkilang silid sa loob ng japanese restaurant. Pero wala siyang magawa kundi makisama sa mga ito dahil malaking halaga din ang ininvest ng mga ito sa kumpanya nila. Ilang beses na rin niyang sinisilip ang oras sa suot niyang relo. Maya't maya rin ay sumasagi sa isip niya si Gabriella. Tiyak na naghihintay ang dalaga sa kanya sa mga oras na iyon. Kanin
BANDANG alas-tres ng hapon ay dumating si Moises pero hindi kasama si Miguel. Sinalubong niya ang matandang Mortiz at inalalayan sa pagpasok sa loob. Hirap itong humakbang dahil nagkaroon pala ito ng fracture dalawang buwan na ang nakakalipas sa bandang sakong noong naglaro ito ng golf kasama ang mga panyero nito. "Baka gabihin si Miguel ng uwi, Gabriella." sabi nito sa kanya habang nakaalalay siya sa braso. "Si Betty nga pala?" tanong nito at nilinga ang bandang kusina. "Inaayos po ang silid ninyo, tito Moises," sagot niya at inalalayan itong maupo sa sofa. "Tatawagin ko po," sabi niya at akma sanang tatalikod na pero siya namang labas ni Manang Betty galing sa silid nito. May dala itong tsinelas. "Narinig kong hinahanap mo ako," sabi ni Manang Betty at nginitian si Gabriella. Sinundan na lang ng tingin ni Gabriella si Manang Betty habang nakatalungko at tinatanggalan ng sapatos si Moises. Hindi niya namalayan na napaupo siya sa sofa katapat ni Moises. "Bakit ngayon mo pa l
PINARAANAN muna ni Gabriella sa harap ng salamin ang sarili bago lumabas ng silid. Nakasuot siya ng maong skirt na ang haba ay below the knee. Tinernuhan niya ito ng plain black semi-crop top. Nagsuot din siya ng flat sandals na kulay brown. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay panglakad niya ang damit na ito pero wala na siyang ibang pagpipilian. Ang problema niya ngayon ay kung ano isusuot sa mga susunod na araw dahil ilang pirasong damit lang naman ang binaon niya. Akala niya ay makakauwi rin siya kinabukasan nung ayain siya ni Miguel. At hindi rin sigurado si Miguel kung hanggang kelan matatapos ang meeting nito bago siya ibalik sa probinsya nila. Naalala niyang dala nga pala niya ang kwintas na niregalo ni Miguel sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha niya sa bag ang kwintas at marahang inilabas mula sa parihabang kahon. First time niyang susuotin ang regalong iyon ni Miguel. Maingat niyang hinawi a
NAGISING si Gabriella sa mumunting halik na dumadampi sa kanyang leeg. Dumapa siya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hindi sapat ang tinulog niya. "Wake up, honey," bulong ni Miguel sa tainga niya at bahagyang kinagat ang dulo nito. Umungol siya nang marinig ang boses ni Miguel at dahan dahang tumihaya upang masilayan ang mukha ng binata. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. Hinawi nito ang ilang buhok na kumalat sa mukha niya. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Gabriella kay Miguel. Pupungas pungas ang mga matang pinagmasdan niya ang binata. Nakasuot ng pormal na business attire si Miguel. Ang long sleeves na kulay itim ay nakatucked-in sa pants nitong kulay grey, kulay brown ang gamit nitong sinturon. At ang coat nitong kakulay ng pants ay maayos na nakabalabal sa balikat ng binata. Malinis at maayos na nakasuklay ang buhok nito na sa tingin ni Gabriella ay nilagyan ni Miguel ng gel u