MALAYO pa lang ay tanaw na ni Karl ang pulang kotse na nakahinto sa tapat ng bahay nila Lora. Pasado ala-una na ng madaling araw nang maisipan ni Gabriella mag-ayang umuwi. Medyo naparami din ang nainom ng dalaga. Hindi niya magawang magkwento sa dalawang kaibigan kaya idinaan na lang niya sa pag-inom ang sama ng loob. Mula sa loob ng kotse ay halos dalawang oras nang naghihintay si Miguel sa loob ng sasakyan niya sa tapat ng bahay ng kaibigan ni Gabriella. Tanaw niya ang paparating na motor at huminto sa harap ng kotse niya. Nakita niyang bumaba si Gabriella kasunod ang kaibigan nitong babae. "May bisita kayo, Lora?!" may kalakasan ang boses ni Karl upang marinig ng maliwanag ni Lora ang tanong niya dahil nakikipagsabayan ang hampas ng hangin at ugong ng motor niya. "Wala naman kami inaasahan bisita, bakit?" takang tanong ni Lora at bahagyang tinagilid ang ulo sa kaliwang balikat ni Karl upang maabot sa pandinig nito ang sinasabi. Mula sa likuran ni Lora ay bahagyang hinilig
"CONGRATULATIONS, to us!" malakas na sigaw ni Lora habang mahigpit na yumakap kay Gabriella at Karl. Pagkatapos ng ceremony ng graduation nila ay tumuloy silang tatlo sa bahay nila Lora. Ang Mamang niya ay dumeretso na nang bahay nila pauwi. Tumanggi si Gabriella nang mag-aya ang mga kaklase na magpunta sa isang resto-bar para doon magcelebrate after ng graduation ceremony. Nang malaman ng dalawa na hindi siya sasama ay hindi na rin sumama ang mga ito. Nag-aya na lamang si Karl kala Lora at nag order sila ng makakain at konting inumin. "And good luck to our new journey!" si Karl at tumalon talon sa saya. "Congrats!" masayang bati din ni Gabriella pero ang saya niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya. Ayaw niyang ipahalata sa mga kaibigan ang lungkot na nararamdaman niya. Namimiss na niya ang Papang niya na dapat sana ay kasama nila ng Mamang niyang umakyat sa entablado. Nakakuha siya ng mataas na karangalan at tiyak na kung nabubuhay ang kanyang Papang ay proud na p
NAGING madalas ang pagpunta ni Miguel sa pamilya Joson gawa nang pinauumpisahan na nito ang pagpapagawa ng warehouse. Ilang linggo na ring hindi nakikita ng binata si Gabriella dahil sa sobrang kaabalahan niya. Dadating siya nang wala na ito at pumasok na sa paaralan. Sa hapon naman ay hindi na siya dadatnan nito dahil maaga naman siyang lumuluwas pabalik sa mansion nila. Ang huling napag-usapan nila ay ang tungkol sa status ng relasyon nila na nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Ipapaalam ko kay tita Mariella ang tungkol sa atin, Gabby." sabi ni Miguel habang nasa kubo sila at iniintay ang Mamang niya. Papadilim pa lang noon. Ang kapaligiran ay nababalot nang nag-aagaw liwanag at dilim. Parang nagsabog ng kulay kahel sa kapaligiran. "Miguel, baka pwedeng huwag na muna." nag-aalangan niyang sabi. Nagtatakang tumingin si Miguel sa kanya, mabilis naman niyang iniiwas ang mga mata. "Ayaw mo bang ipaalam naten kay tita Mariella?" nagtatakang tanong ni Miguel.
"HINDI ka na galit sa akin?" tanong ni Miguel habang hinahaplos ang mukha at dinadampi dampian ang mga labi ng dalaga. "Naiinis lang ako sa iyo." nakangiting sabi ni Gabriella. "Masyado kang possessive. Napakaseloso mo pa." tudyo niya sa binata. Napasigaw siya nang panggigilan siya ni Miguel sa hita. "Bakit hindi ako magseselos sa kausap mo kanina, ngiting ngiti ka sa kanya. Madalas ka bang mautusan ni tita Mariella bumili dun?" halata sa mukha ni Miguel ang pagseselos sa binatang tindero. "Kanina lang ako nautusan ni Mamang, tatlo o apat na beses pa lang naman ako napunta dun, buhay pa si Papang noon." sagot ni Gabriella. "Tatlo? Apat? Pero ang ganda ng ngiti mo sa kanya. Samantalang ganun din naman tayo, iilang beses pa lang ako napupunta dito, ni hindi mo man lang ako nginitian ng katulad sa ngiti mo sa tindero kanina." tila ito batang nagrereklamo. "Nakakaintimidate ka kasi, who would have thought, na gusto mo pala ako. I'm just sixteen then, now eighteen, I have no id
NAALIMPUNGATAN si Gabriella nang tila may nakamasid sa kanya habang natutulog. Nang pumasok siya sa kanyang silid ay hindi na siya lumabas para mananghalian. Gusto muna niyang iwasan ang binata. Pero bakit andito ang binata sa loob ng silid niya at nakatabi ngayon sa kanya sa kama. Nakaharap ito sa kanya at pinagmamasdan siya. Kumurap kurap siya sa pagbabakasakali na baka nananaginip lamang siya. Pero sa ilang beses na pagkurap niya ay lalong lumilinaw ang imahe ng mukha ng binata sa mga mata niya. Ngumiti si Miguel sa kanya. Kinabig ni Miguel ang baywang ng dalaga upang ilapit sa katawan niya. Nagulat si Gabriella sa ginawa ni Miguel at nailagay ang mga kamay sa dibdib nito. "I'm sorry," masuyong bulong nito habang nakatigtig sa kanya. Sincere ang mukha nito at tila sinusuyo siya. "Miguel, baka makita ka ni Mamang dito," may pag aalalang sabi ni Gabriella. Lalong hinigpitan ni Miguel ang pagkakayakap sa kanya. "I told you, kaya kitang panindigan kay tita Mariella kung makik
KUNOT noong sinundan ng tingin ni Miguel si Gabriella na papalapit sa kotse niya. Matamis ang ngiti nito sa binatang kausap pero nang tumalikod ito papunta sa kinaroroonan niya ay nagbago ang expression ng mukha nito. Mataray at seryoso. Pagtapat ni Gabriella sa kotse niya ay malakas na kinatok ang bintana at namaywang nang bumaba ang salamin. "Saan pwedeng isakay iyong mga pinabili ni Mamang? O ipapadeliver ko na lang?" nakasimangot nitong tanong na hindi tumitingin sa kanya. Tiningnan ni Miguel ang sinasabi nitong pinabili ng Mamang nito. Tatlong sakong maliliit lamang iyon at may isang plastic na malaki na sa tantiya niya ay nasa limang kilo lamang na patuka ng manok. Walang sabi sabi na bumaba siya ng kotse at lumakad sa likuran at binuksan ang trunk. Bumalik si Gabriella sa tindahan at tinuro sa boy kung saan ikakarga ang mga pinamili. Pagkatapos bayaran ni Gabriella sa binatang tindero ang mga pinamili ay nagpaalam na siya. Nahuli pa ng mga mata ni Miguel ang paghap