BANDANG alas-tres ng hapon ay dumating si Moises pero hindi kasama si Miguel. Sinalubong niya ang matandang Mortiz at inalalayan sa pagpasok sa loob. Hirap itong humakbang dahil nagkaroon pala ito ng fracture dalawang buwan na ang nakakalipas sa bandang sakong noong naglaro ito ng golf kasama ang mga panyero nito. "Baka gabihin si Miguel ng uwi, Gabriella." sabi nito sa kanya habang nakaalalay siya sa braso. "Si Betty nga pala?" tanong nito at nilinga ang bandang kusina. "Inaayos po ang silid ninyo, tito Moises," sagot niya at inalalayan itong maupo sa sofa. "Tatawagin ko po," sabi niya at akma sanang tatalikod na pero siya namang labas ni Manang Betty galing sa silid nito. May dala itong tsinelas. "Narinig kong hinahanap mo ako," sabi ni Manang Betty at nginitian si Gabriella. Sinundan na lang ng tingin ni Gabriella si Manang Betty habang nakatalungko at tinatanggalan ng sapatos si Moises. Hindi niya namalayan na napaupo siya sa sofa katapat ni Moises. "Bakit ngayon mo pa l
PINARAANAN muna ni Gabriella sa harap ng salamin ang sarili bago lumabas ng silid. Nakasuot siya ng maong skirt na ang haba ay below the knee. Tinernuhan niya ito ng plain black semi-crop top. Nagsuot din siya ng flat sandals na kulay brown. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay panglakad niya ang damit na ito pero wala na siyang ibang pagpipilian. Ang problema niya ngayon ay kung ano isusuot sa mga susunod na araw dahil ilang pirasong damit lang naman ang binaon niya. Akala niya ay makakauwi rin siya kinabukasan nung ayain siya ni Miguel. At hindi rin sigurado si Miguel kung hanggang kelan matatapos ang meeting nito bago siya ibalik sa probinsya nila. Naalala niyang dala nga pala niya ang kwintas na niregalo ni Miguel sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha niya sa bag ang kwintas at marahang inilabas mula sa parihabang kahon. First time niyang susuotin ang regalong iyon ni Miguel. Maingat niyang hinawi a
NAGISING si Gabriella sa mumunting halik na dumadampi sa kanyang leeg. Dumapa siya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hindi sapat ang tinulog niya. "Wake up, honey," bulong ni Miguel sa tainga niya at bahagyang kinagat ang dulo nito. Umungol siya nang marinig ang boses ni Miguel at dahan dahang tumihaya upang masilayan ang mukha ng binata. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. Hinawi nito ang ilang buhok na kumalat sa mukha niya. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Gabriella kay Miguel. Pupungas pungas ang mga matang pinagmasdan niya ang binata. Nakasuot ng pormal na business attire si Miguel. Ang long sleeves na kulay itim ay nakatucked-in sa pants nitong kulay grey, kulay brown ang gamit nitong sinturon. At ang coat nitong kakulay ng pants ay maayos na nakabalabal sa balikat ng binata. Malinis at maayos na nakasuklay ang buhok nito na sa tingin ni Gabriella ay nilagyan ni Miguel ng gel u
MARAHANG kinabig ni Miguel ang katawan ni Gabriella upang lalong dumikit sa katawan niya at mapalapit ang bibig sa tainga ng dalaga. "Sabi ko mahal kita," may lambing ang boses ni Miguel at hinawi ang ilang buhok na humarang sa mukha ng dalaga. Matamis ang ngiti nito sa kanya. Habang siya ay tila natutulala pa rin. Gusto niyang kiligin dahil ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon mula sa bibig ni Miguel. "Wala ka bang sasabihin?" naiinip nang tanong ng binata at nilandas ng daliri nito ang nakalantad na balikat ng dalaga. Parang kinikiliti siya sa ginagawang iyon ni Miguel. "Nauna mo pa akong alukin ng kasal bago ko marinig ang mga salitang iyan," nagtatampong sabi niya. "Huh? Kung sinabi ko ba sa iyo, papayag ka nang magpakasal sa akin?" kinabig niya ang batok ng dalaga upang hagkan ang mga labi nito. Tumagal lamang ng ilang saglit ang mga halik na iyon at pinakawalan din siya ni Miguel. Ngumiti si Gabriella at kinurot ang baba ng binata. "Ganoon pa rin ang magi
PAGKATAPOS nilang kumain ay sinabihan sila ni Manang Betty na tumuloy sa study room at doon naghihintay sina Moises at Mariella. Napag-alaman ng dalawa na nagbilin pala si Moises kay Manang Betty na abisuhan ang una oras na dumating silang dalawa. Pagbukas ni Miguel ng pinto ay nakita ni Gabriella si Moises na nakaupo sa pang isahang sofa, sa kaliwa naman nito ay ang kanyang Mamang. Halos sabay silang lumapit ni Miguel kay Moises at nagbigay galang sa matanda. "Maupo kayo," itinuro nito sa kanila ang bakanteng sofa sa bandang kanan nito. Maaliwalas ang mukha ng matanda nang makita silang dalawa. Si Mariella naman ay bahagyang nakangiti ang mga labi bagamat naroon pa rin sa mukha ang pagiging strikta nito. "Natutuwa ako at nagkakamabutihan na kayong dalawa ng anak ko, Gabriella," nakangiting sabi ni Moises at bahagyang sinulyapan si Mariella. Tanging simpleng ngiti lamang ang naitugon ng dalaga kay Moises dahil sa totoo lang ay hindi niya alam ang sasabihin niya. Tumingin si
PINAKILALA siya ni Miguel kay Mark pero hindi binanggit ng una ang ugnayan nilang dalawa sa kaibigan nito. Medyo nagexpect siya na ipapakilala siya ni Miguel bilang girlfriend kay Mark, ngunit hindi iyon ang nangyari. Kaya naman nakaramdam siya ng disappointment kay Miguel, pero ang pakiramdam niyang iyon ay pilit niyang inalis sa isip. Apat silang lulan ng kotse, ang isa ay assistant ni Mark ayon kay Miguel na hindi na niya maalala ang pangalan. Mag-aalas singko ng hapon na rin sila nakaalis dahil nagkaroon ng aberya sa delivery ng materyales at kailangang hintayin ni Mark na dumating iyon upang inspeksyunin bago i-recieve. Silang dalawa ni Miguel ang nasa backseat at walang imikan. Pinag-uusapan ng tatlo ang tungkol sa progress sa site at iba pang may kinalaman sa project ng mga ito. Habang si Gabriella ay tahimik lang na nakikinig at naghihintay lamang na kausapin ni Miguel. Hanggang sa hindi na namalayan ni Gabriella na nakatulog na pala siya sa byahe. Mahihinang tapik s