Share

At my Wedding

ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.

Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.

“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.

Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala ko lang ang mga magulang ko,” sabi ko at napabuntonghininga ng malalim. “I wish they were here with me.”

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. “I’m here, and I’m happy to be here with you—to witness you marching towards the man that you love the most. Hindi pa ba sapat iyon?”

Tumango ako at hindi ko napigilang mapaluha. I met Sasha a long time ago, nag-apply siya bilang sekretarya ko. Kasa-kasama ko siya kahit saan ako magpunta, mapa-meeting, o out-of-town vacation and trip outside the country. Sa kanya din ako nagbubuhos ng sama ng loob at nagshe-share ng masasayang moments na nangyayari sa buhay ko. In short, she became my bestfriend. And I thank God, for giving me people who I can count on, who I can lean on.

“Tama na nga ang drama,” natatawa niyang turan. “Pati ako ay naiiyak na sa ginagawa mo.”

Natawa rin ako at kumuha ng tissue upang punasan ang gilid ng mga mata ko na nagsimula ng mamasa. “Thank you,” buong puso kong pasasalamat sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Your groom is waiting for you . . . let’s go,” sabi niya habang hinahagod ang likod niya.

*****

PAGHINTO ng kulay puting sasakyang kinalulunan ko sa tapat ng simbahan ay malakas na tumunog ang kampana. Hudyat na magsisimula na ang seremonyas. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa matinding excitement. This is it! Kapag bumaba ako sa sasakyan na ‘to at maglakad papasok sa simbahan ay tuluyan nang mababago ang buhay ko.

No more waking up alone . . . sleeping alone . . . and being alone, anymore.

Lahat ng gagawin ko ay may kasama na ako lagi, nasa tabi ko na palagi si Menard, simula paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ng gabi. We will be living happily for the rest of our lives . . . and I will make sure of that.

Lumapit ang wedding organizer sa akin at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

“Magsisimula na po tayo,” nakangiting sabi niya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka tumango. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at hanggang sa makaakyat ako ng simbahan. Nang nasa tapat na kami ng malaking pinto ng simbahan ay mariin kong kinagat ang aking labi upang mapigilan ang paghikbi. I need to control my emotions, it isn’t the time to cry. Nakakapangit daw iyon, sabi nila.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan, tumambad sa akin ang mga saksi sa pag-iisang dibdib ko at ng taong pinakamamahal ko. May mga reporter ding naroon upang kuhanan ng live ang kasal namin kagaya na rin ng request ni Menard. Ayoko sanang i-broadcast iyon sa telebisyon dahil mas gusto ko ang pribadong kasal lang at piling pili lang ang mga imbitado ngunit kabaliktaran iyon sa gusto ni Menard, dahil gusto niiyang ipakita sa lahat kung gaano siya kasuwerteng ako ang napangasawa niya.

Habang mabagal akong naglalakad palapit sa altar ay isa-isa kong naalala ang mga araw na magkasama kami ni Menard. Nang tumingin ako sa kanya na masaya at naluluhang nakatingin sa aki’t nag-aantay nang paglapit ko ay tila may iba akong naramdaman. Parang may kulang . . . o mas tamang sabihing pakiramdam ko ayy hindi totoo ang ipinapakita niyang saya sa mukha niya.

Is it just me? O talagang may ibang kahulugan ang mga ngiti niyang iyon?

‘Shocks! What amm I thinking? This is my wedding day—our wedding day, tapos iba ang iniisip ko.’ Lihim akong napailing at iwinaksi ang isiping iyon. Posibleng dala lang iyon ng overwhelming emotions na nararamdaman ko ngayon.

****

Mabilis lang na natapos ang seremonyas, dinig na dinig ng lahat ang malakas na hagulhol ng ina ni Menard sa buong panahon ng mesa. Pagkatapos ng pictorial doon ay dumiretso na kami sa lahat sa reception upang magsalo-salo, kung engrande ang simbahan ay mas lalong engrande ang reception. Pinaghandaan ko talaga ang bagay na iyon at ako mismo ang personal na nag-asikaso niyon ‘gaya ng gustong mangyari ni Menard.

“Everyone!” Pinatunog ng ina ni Menard ang hawak nitong kopita at tinidor upang kunin ang atensyon ng lahat ng mga dumalo sa kasal namin ng anak niya. “I would like to thank you for coming and celebrate with us. Pasensya na rin kayo kung masyado akong emosyonal, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Saksi ako kung gaano kamahal ng anak ko si Yhzel at matagal niyang pinag-isipan ang bagay na ito . . .” Tumigil siya sa pagsasalita at pinunasan ang mga luhang mabilis na tumulo, maging ako ay hindi napigilang mapaiyak.

Hinawakan ni Menard ang kamay ko at hinalikan iyon.

Huminga muna ng malalim ang ina ni Menard bago muling nagsalita. “Sa totoo lang, nang unang beses na banggitin sa akin ni Menard ang plano niyang pakasalan si Yhzel ay tumutol ako. Ang unang tumakbo sa isip ko ay ang katayuan namin sa buhay. She come for a higher class society and we’re only in the middle status. But he still insisted to marry her, ipinaliwanag niya sa akin na hindi ganoon ang pagkatao ng babaeng mahal niya. So I believe him, binigay ko ang blessing ko sa kanilang dalawa  at alam kong tama ang desisyon ko.”

Tipid akong ngumiti at tumango nang tumangin siya sa akin. “Yhzel, anak . . . it was such an honor to be your mother in law. Isa lang ang hihingin kong pabor sa’yo. Alagaan mo at mahalin ng buong-buo ang anak ko, ibigay mo ang lahat ng pangangailangan niya upang maging masaya at magsama kayo habang buhay. Cheers!” Itinaas niya ang kopitang hawak niya.

“Cheers!” sabay-sabay na sigaw ng mga dumalo.

Itinaas din namin ni Menard ang mga kopita namin at sabay na nilagok ang laman niyon.

“Pasensya ka na kung nagdrama si Mommy,” hinging-paumanhin ni Menard sa kanya.

Umiling ako. “No, it’s okay. She has the right to do so, after this night, you and I . . .” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa nakakalokong ngiti niya. Parang nabasa ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

“After this night, what?” panunukso niya sa akin.

Napalunok ako. Alam kong pulang-pula na ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Pagkatapos ng gabing iyon ay saka ko lamang isusuko ang buong sarili ko sa kanya. Yes, I’m still a virgin! I’m still that conservative woman, when it comes to that ‘thing’.  Naniniwala ako sa kasabihang, kasal muna bago ‘galaw’.

Nanging memorable ang gabing iyon para sa amin ni Menard, pero hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang pakiramdam na parang may kulang sa sayang nararamdaman ko. Parang may kaunting parte ng pagkatao ko ang tila hindi kumbinsido sa nararamdaman kong saya.

Pagkatapos naming magpasalamat sa mga bisita ay nagpaalam na rin kami ni Menard, dumoble ang kabang nararamdaman ko dahil isa lang ang ibig sabihin niyon. We’re going to our honeymoon.

“Honey, can you go first in the lobby? May kakausapin lang akong bisita natin,” malambing na turan sa akin ni Menard.

Nakangiti akong tumango kahit sa isip ko ay may nagsusumigaw na pagbawal. May mas importante pa ba kaysa sa akin ngayong gabi?

Ipinilig ko ang ulo ko upang maiwasan ang pagbangon ng tampo sa sistema ko. Hindi ako dapat makaramdam ng gano’n dahil unang-una, kasal na kami at may sinumpaang mga pangako. I know that he loves me at kung sinumang tao ang kakausapin nito ay hindi nangangahulugang mas importante iyon sa kanya kaysa ang paghintayin ako sa looby.

Pagdating ko sa Lobby ay may mga bumabati pa rin sa akin, may ilang mga reporter din na kinuha ang pagkakataon na iyon upang ma-ambush ako ng interview, pinauunlakan ko naman ang ilan sa kanila ngunit saglit lang iyon at mabilis akong inalalayan ng mga guard na pasakayin sa kotseng sasakyan namin ni Menard.

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling napangiti. At last, I am married! Hindi na ako makapaghintay pa sa mga puwedeng mangyari sa mga susunod na araw na magkasama kami ni Menard! Tiningnan ko ang singsing na nasa palasingsingan ko, hinawakan ko iyon at buong pagmamahal na hinimas. Kailangan kong ingatan ang bagay na iyon dahil iyon ang simbolo ng sumpaan namin ni Menard na magsasama ng matagal na panahon.

I just wish that we’re going to last . . . forever.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status