Share

You Broke Me First
You Broke Me First
Author: Diosa Mei

PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.

“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.

“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.

“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.

Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.

Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kundi dahil sa malaking awa para sa sarili ko. Kanina lang ay ang saya-saya ko at nagawa ko pang magpasalamat sa Diyos dahil ang buong akala ko ay nagbago na si Menard. Inaya niya ako maging ng ina niyang magbakasyon at maglibot sa iba’t ibang lugar ng bansa gamit ang isa sa mga mamahaling yate na pag-aari ko mismo.

Subalit iba ang naabutan ko’t nangyari. Eksaktong nakaalis kami sa port at nakalayo ay lumabas si Sasha at doon ko nalaman ang lahat ng kasamaan nila.

“Aww, she’s crying,” ani Sasha at sinundan ng nakakabaliw na pagtawa. “How good it is to see you crying while we’re gonna enjoy your money.”

Nagtagis ang bagang ko kung hindi lang masakit ang tiyan ko mula sa pagkakasapi niya ay sinugod ko na siya’t iningudngod sa sahig ang mukha niya. Napangiwi ako nang sumigid muli ang tiyan ko, nahintakutan ako nang makita ang pag-agos ng dugo mula sa aking hita.

“I-I need to go to the hospital,” sabi ko ngunit nagtinginan lang sila at tinawanan ako.

“You’re not going anywhere, Yhzel,” nakangising sabi  ni Menard.

“What? Can’t you see? I’m f*cking bleeding!” sigaw ko sa kanya at akmang tatayo para lang muling mapaupo dahil sa muling pagsigid ng kirot ng tiyan ko.

“Who cares?” maarteng sabi ni Sasha. “You’re going to die here soon, ayaw mo bang magkasama kayo ng anak mo sa langit?”

*****

“F*ck this b*tch!” dinig kong singhal sa akin ni Sasha. Sinampal niya ako sa mukha pagkatapos akong mailagay ni Menard sa isang sirang speedboat. “Mamatay na lang pinahihirapan pa tayo!”

“Relax, honey, pagkatapos nito ay wala nang magpapahirap pa sa pagsasama natin. Mabubuhay ka ng reyna sa piling ko,” sabi naman ni Menard at sa nanlalabo kong paningin ay hinalikan niya sa labi ang kabit niya.

Nakapagtatakang wala akong maramdaman sakit sa nasasaksihang kahayupan nila. Siguro kasi namanhid na ang buong pagkatao ko sa mga nalaman, maging ang paninigas ng tiyan ko ay hindi ko na napapansin at nakapokus na lang ako sa kung kailan ako malalagutan ng hininga.

Ayoko pa sanang mamatay—ayaw ko pa! Gusto kong mabuhay pa kasama ang anak ko ngunit may magagawa ba ako para iligtas ang sarili ko sa gitna ng karagatan? Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili niyang dalhin ako sa dagat, para mas mapadali ang pagdispatsa niya sa akin.

“We’re rich, honey!” tili ni Sasha, may mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na marinig. Hindi ko alam kung ang sinasakyan kong speedboat ang papalayo o ang yateng sinasakyan nila—ang yateng pag-aari ng kompanya ko! Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, iligtas ang sarili at ang anak ko ngunit may darating ba?

Maliban na lang kung magkakahimala at may biglang sumulpot na magliligtas sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naghintay na lang ng katapusan ko.

Anak, patawarin mo si Mommy. Hindi man lang kita nagawang protektahan sa mga hayop na iyon! Kung bibigyan pa ko ng isang pagkakataon ay gusto kong ayusin ang lahat ng ito at aalagaan kita, palalakihin at mamahalin ka hanggang sa huling hininga ko.

Ngunit hindi na mangyayari iyon. Pinapasok na ng tubig ang speedboat at ilang sandali na lang ay kasama na ako at ang anak ko na lulubog.

Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba talaga ako? Mapupunta nga ba sa mga hayop na iyon ang mga pinaghirapan kong ipundar sa napakahabang panahon?

Hindi! Kailangan kong lumaban! Kailangan kong makaligtas at kapag nangyari iyon ay isinusumpa kong magbabayad sila at hindi ako titigil hanggat hindi ko nababawi ang lahat at pulutin silang lahat sa kangkungan!

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang napakagandang kalangitan, masakit sa balat ang init na hatid ng araw at hindi ko alam kung gaano na ako katagal nagpapalutang-lutang. Nakita ko ang nakangiting mukha ng sanggol na nasa sinapupunan ko, itinaas ko ang kamay ko para abutin ang mukha niya at haplusin ngunit hindi ko pa man naaabot ang mukha niya ay dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata ko. Napangiti ako, iyon na yata ang hudyat nang pagpapaalam ko sa mundo. Sinusundo na ako ng anghel ko.

Kung kaya ko lang sana ibalik ang lahat ng mga nangyari na . . . hindi magiging ganito ang katapusan ko . . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status