Please leave a comment, hehe.
"MAY nasagap akong balita," sabi ni Mike nang pumasok siya sa kuwarto ni Gianni saka binuksan ang TV.Walang emosyon na tumingin si Mari sa screen. Inaasahan na niya ito. Kanina pa siya tinatawagan ng isang journalist para kunin ang kanyang reaksyon.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinignan si Mike. "Ano pang bago?"Matalim ang tingin ni Mike habang nakatuon ang atensyon sa balita. "Ngayon ay naglabas na rin ng statement si Robert sa page niya," pinakita ni Mike sa tab niya ang statement na iyon. "Balita ko, pinapalayas na raw niya si Silvana sa mansyon. Hindi pa siya nagsasampa ng kaso pero... mukhang hindi na rin malabo."Mari smirked. "He’s just saving his own skin. Gusto niyang linisin ang pangalan niya bago siya tuluyang madamay.""Pero Mari, ito na yung pagkakataon mo," wika ni Clarence.Tumaas ang kilay ni Mari. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Ngumiti si Clarence bago nagsalita. "Ito na ang pagkakataon mo para bumalik bilang CEO ng Harrington Group."Napatingin si Mari sa an
TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito.Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya.Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa pa rin siya ni Robert, at may karapatan siya sa lahat ng meron ito, maliban na lang kung pipirma siya sa annulment papers.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Robert at may hawak itong folder. Walang
TAHIMIK na nakaupo sina Mari at Clarence sa law office ni Jacob."Pasensya ka na, Jacob kung naabala ka namin," sabi ni Clarence. Huminga nang malalim si Jacob at pinadulas sa mesa ang annulment papers sa mag-asawa."Tutol ako sa ginagawa niyo, Clarence. Wala akong tiwala kay Kate pero naiintindihan ko naman si Mari," paliwanag ni Jacob.Hawak na ng dalawa ang mga papeles ng annulment. Pareho nilang tinitigan ang dokumento. Dahil do'n ay mas lalong bumigat ang dibdib ni Mari. Walang alinlangan na unang pumirma si Clarence. Pagkatapos ay iniabot niya ang ballpen kay Mari. Nanginginig ang kamay ni Mari habang pumipirma ito. Pagkatapos niyang lagdaan ay huminga siya nang malalim. May kung anong luha na gumilid sa mata niya."Clarence, I'm sorry. I... I don't know what to do. Hindi ko ginusto ito pero kailangan mabuhay ang anak natin," naiiyak na sabi ni Mari.“Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya,” matatag na sabi ni Clarence.Kumunot ang noo ni Mari, tila bang nagugul
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki