“STOP the car, Mike,” utos ni Clarence sa secretary niya. Napatingin na lang ito sa rearview mirror, tila naguguluhan ito sa sinabi ng boss niya.
“Po? Bakit naman, Sir Clarence?”
Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari at napansin niyang nakayuko lang ito na pilit iniiwasan ang mga titig ng binata. Wala din ideya si Mari sa kung anong dahilan kung bakit pinapahinto ang sasakyan. Malapit na sila sa Hotel de Sinclair, bakit papahintuin si Mike?
“I don’t want her to be seen by the people getting out of my car sa tapat mismo ng hotel. Baka kung anong isipin nila. Please stop the car, Mike,” seryosong sabi ni Clarence kaya agad naman hininto ito ng sekretarya niya.
Napatingin na lang ng orasan si Mari sa cell phone niya. Three minutes na lang bago ang punch in niya.
“Miss, get out of my car now,” walang emosyon na sabi ni Clarence.
“P-Pero ma-la-late na po siya, Sir Clarence? Three minutes na lang po,” pag-aalala ni Mike nang makita niya ang orasan sa kotse.
“I don’t care, Mike. People deserved to understand the consequences kapag late na nagigising,” sarkastiko na tugon ni Clarence.
Napakuyom na lang ng kamay si Mari dahil sa inis. Tila bang dumaloy ang init sa buo niyang katawan sa sinabi nito. Iniangat ni Mari ang ulo niya at tiningnan niya ito ng diretsahan saka naningkit ang mata.
“Is this how you treat people, Sir Clarence? Is this the respect I get after all the hard work I’ve put in yesterday? Alam kong na-late ako ng gising. But, I did my best para makahabol ako.”
Nanatiling nakatitig si Clarence dito, hindi niya binago ang ekspresyon niya sa kabila ng mapusok na mga salita ni Mari.
“This is not about yesterday. . .” Napatingin si Clarence sa name plate ni Mari. “. . .Mari. It’s about accountability.” Walang anumang pag-unawa o empatiya niyang sinabi ‘yon.
Namuo sa puso niya ang pagkadismaya, pero hindi niya ito pinakita kay Clarence.
“But I’ve been accountable, Sir. First day pa lang, punctual na ako. I’ve given my best to meet expectations, including today.”
Agad na nagsalita si Clarence. “Your best should include being on time. It’s a simple expectation, Mari.”
Mas lalong nakaramdam ng galit si Mari dahil walang katarungan kung sumagot ito. Huminga siya nang malalim. She gathered her thoughts first before responding.
“I understand, Sir Clarence. I’ll do better. But I hope you also understand the effort I put in and my dedication to this job.”
Nanatiling firm si Clarence sa attitude na pinapakita niya kay Mari.
“Your dedication needs to include punctuality. I expect improvement.”
Napabuga na lang ng hangin si Mari. She had no choice but to open the door. Lumabas siya ng kotse.
“Well, thank you for the ride, Sir Clarence.”
Napatingin si Mari sa orasan ng sasakyan. Dahil sa long conversation nila ni Clarence about punctuality, mukhang ma-la-late ang dalawa sa trabaho.
Bago pa ni Mari isara ang pinto ay nagsalita muna siya. She couldn’t resist one last remark.
“And by the way, punctuality should also be expected from employers, don’t you think, Sir?”
Isinara na ni Mari ang pinto at saka naglakad siya palayo rito. She didn’t look back. She could almost feel that Clarence was annoyed bago pa niya sinara ‘yon. Napangiti na lang siya habang naglalakad. At nang ma-realized niyang late na siya, tumakbo siya hanggang marating niya ang biometric.
Napabuga na lang ng hangin si Clarence sa sinabi ni Mari. May kung anong init siyang naramdaman sa mukha niya dahil sa hiya. Samantala, si Mike naman ay nagpipigil ng tawa. Madalas din kasi ma-late si Clarence.
Napatingin si Clarence sa rear view mirror kaya no’ng mapansin ‘yon ni Mike, napatikhim na lang siya at pinaandar ang sasakyan hanggang sa narating nila ang Hotel de Sinclair.
Mabuti na lang at hindi nagalit si Patricia nang ma-late si Mari. Di kalaunan ay nagsalubong ang mga kilay ni Patricia nang makita ang basang balikat nito.
“Mari, anong nangyari sa balikat mo? Nabasa ba ito ng buhok mo?” tanong ni Patricia sabay pinasadahan ng tingin ang buhok nito.
Napatingin si Mari sa balikat niya. Nahihiya siyang nakangiti rito nang hawakan niya ang kanyang basang buhok.
“Ah, p-pasensya na po, Ma’am Patricia. Ano kasi. . . nagmadali kasi ako.”
Huminga nang malalim ang manager niya. Isa kasi sa patakaran ng hotel na dapat malinis tingnan ang uniporme. As much as possible, dapat tuyo na ang buhok bago suotin ‘yon.
“O siya sige, nandito ka na lang din naman. . .pumunta ka na sa concierge lounge. May walked in closet do’n pangbabae, pwede kang magpalit ng damit. Saka may hair dryer do’n, pwede mo gamitin. Balik ka kaagad dito ‘pag tapos ka na.”
Nanlaki ang mata ni Mari. Hindi niya alam na may lounge pala ang mga concierge.
Napatunog na lang ng dila si Patricia nang mapansin niya ang reaction ni Mari.
“Tsk. Tsk. Hindi ka ba nagbasa ng job offer mo, Mari? Naka-state do’n ang benefits sa mga concierge.”
“Ahh! Opo! Nabasa ko nga po ‘yon, Ma’am Patricia. Nakalimutan ko kasi, pasensya na po, hehe,” pagsinungaling niya rito. Ayaw na kasi ni Mari pahabain pa ang usapan, baka sermonan lang siya. Kaagad siyang dumiretso sa lounge area.
Bumungad kay Mari ang napakaganda at eleganteng disenyo ng concierge lounge. Malaki ang kwarto at maganda ang arrangement ng mga upuan at sofa. May malaking tv rin sa loob. Maganda ang ambiance ng ilaw, may pagka-modern at classic ang dating. Nakaka-relax tumambay kasi ang tahimik, at iilan lang ang mga tao sa loob.
Agad na dumiretso si Mari sa walked in closet ng mga babae. Pahaba ito pagpasok niya at may malaking full length mirror. Hinanap niya kaagad ang small size uniform. Nang mahawakan niya ito ay naamoy niya ang fabcon na halatang bagong laba lang. Plantsado na rin kaya ready to wear na.
Bago pa niya isuot ‘yon ay kinuha niya muna ang hair dryer. Nagpatuyo siya ng limang minuto habang nakaupo sa harap ng salamin. Nang matuyo na ang buhok ay agad siyang nagbihis. Inayos niya ang kaniyang buhok pati ang makeup niya. Kamamadali niya kanina, ngayon niya lang napansin na hindi pala pantay ang paglagay ng foundation niya.
Umabot ng halos thirty minutes siyang nag-ayos. Medyo malayo din ang posting niya sa lounge area dahil dadaan pa ito sa cafeteria. Pagdating ni Mari sa reception ay agad na lumapit ang katrabaho niya na si Lina, Lina kasi ang nakalagay sa name plate.
“Mari, may document ka. O heto,” ani Lina nang ibigay nito kay Mari ang isang brown envelope.
Kunot-noo niyang tinanggap ito. “Kanino raw galing?” tanong niya kay Lina.
“Ewan. Sa PSA raw?”
Nanlaki ang mata ni Mari nang marinig ‘yon. Hindi niya inakalang mapapaaga ang pagdating ng marriage certificate niya. Nag-expect pa naman siyang tatawagan siya muna nito. Mabuti na lang ay sinabi niya ang rason ng pagkuha niya ng cenomar, pati place of work ay stated do’n sa request form. Kaya siguro sa hotel na lang ipinadala para hindi na hassle.
“Gano’n ba? Maraming salamat, Lina.”
Tumango si Lina at bumalik sa pwesto niya. Samantalang kabado naman si Mari. Walang pasubaling binuksan na niya ang laman ng brown envelope. Curious siya kung sino ang napangasawa nya.
Doble ang kaba ni Mari nang hanapin sa papel ang pangalan nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang mabasa na niya ‘yon. Halos hindi maigalaw ni Mari ang sarili niya. Tila siya naging estatwa, at para bang naka-focus lang siya sa papel sa gulat. Nang mag-sink na sa utak niya ang pangalan na ‘yon ay napatingin siya sa malayo.
“Si… Si Clarence Sinclair ang asawa ko?!” gulat niyang sabi sa isip.
Saktong dumaan si Clarence sa reception kasama ang secretary na si Mike. Naka’y Clarence lang ang atensyon niya habang patuloy na nag-e-echo sa isip niya ang pangalan nito.
"MAY nasagap akong balita," sabi ni Mike nang pumasok siya sa kuwarto ni Gianni saka binuksan ang TV.Walang emosyon na tumingin si Mari sa screen. Inaasahan na niya ito. Kanina pa siya tinatawagan ng isang journalist para kunin ang kanyang reaksyon.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinignan si Mike. "Ano pang bago?"Matalim ang tingin ni Mike habang nakatuon ang atensyon sa balita. "Ngayon ay naglabas na rin ng statement si Robert sa page niya," pinakita ni Mike sa tab niya ang statement na iyon. "Balita ko, pinapalayas na raw niya si Silvana sa mansyon. Hindi pa siya nagsasampa ng kaso pero... mukhang hindi na rin malabo."Mari smirked. "He’s just saving his own skin. Gusto niyang linisin ang pangalan niya bago siya tuluyang madamay.""Pero Mari, ito na yung pagkakataon mo," wika ni Clarence.Tumaas ang kilay ni Mari. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Ngumiti si Clarence bago nagsalita. "Ito na ang pagkakataon mo para bumalik bilang CEO ng Harrington Group."Napatingin si Mari sa an
TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito.Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya.Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa pa rin siya ni Robert, at may karapatan siya sa lahat ng meron ito, maliban na lang kung pipirma siya sa annulment papers.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Robert at may hawak itong folder. Walang
TAHIMIK na nakaupo sina Mari at Clarence sa law office ni Jacob."Pasensya ka na, Jacob kung naabala ka namin," sabi ni Clarence. Huminga nang malalim si Jacob at pinadulas sa mesa ang annulment papers sa mag-asawa."Tutol ako sa ginagawa niyo, Clarence. Wala akong tiwala kay Kate pero naiintindihan ko naman si Mari," paliwanag ni Jacob.Hawak na ng dalawa ang mga papeles ng annulment. Pareho nilang tinitigan ang dokumento. Dahil do'n ay mas lalong bumigat ang dibdib ni Mari. Walang alinlangan na unang pumirma si Clarence. Pagkatapos ay iniabot niya ang ballpen kay Mari. Nanginginig ang kamay ni Mari habang pumipirma ito. Pagkatapos niyang lagdaan ay huminga siya nang malalim. May kung anong luha na gumilid sa mata niya."Clarence, I'm sorry. I... I don't know what to do. Hindi ko ginusto ito pero kailangan mabuhay ang anak natin," naiiyak na sabi ni Mari.“Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya,” matatag na sabi ni Clarence.Kumunot ang noo ni Mari, tila bang nagugul
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki