Share

Chapter 5

Author: Ziellanes
last update Last Updated: 2023-11-12 07:00:35

NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito.

“So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence.

“Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito.

Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito.

“Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.”

Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.

Lalapitan sana niya si Mari ngunit biglang lumapit sa kanya ang secretary niyang si Mike.

“Sir, may naghihintay ng tawag sa opisina niyo.”

“Ah, gano’n ba, Mike? Sino?”

“Daddy mo.”

“Alright.”

Nakahinga ng maluwag si Mari nang umalis na si Clarence sa harap nila. Pakiramdam niya ay malapit nang maghiwalay ang katawan at kaluluwa niya sa nangyari kanina.

“Grabe ‘no? Sobrang gwapo pala talaga ni Sir Clarence! Haaay. Ang swerte ng mapapangasawa niya,” wika ng kasamahan niyang concierge. Kilig na kilig ito habang pinagmamasdan si Clarence na naglalakad sa hallway.

“Ano ka ba? Syempre naman! Nasa dugo na talaga nila ‘yon. Hmm. I wonder kung may kuya siya? Or nakababatang kapatid? Kung hindi ko makuha si Sir Clarence, kahit sa kapatid niyang lalaki na lang.” Nag-daydream bigla ito habang iniisip kung ano itsura ng kapatid ni Clarence.

Maya-maya pa ay biglang sumingit ang manager nila. “Hoy, tama na ‘yang chismis niyo, magtrabaho na kayo. Marami tayong customer ngayon.”

Nakapag-overtime ng tatlong oras si Mari dahil sa dami ng customer. Hindi lang katawan ang napagod sa kanya, pati na rin ang paa niya. Long standing kasi ang trabaho niya at naka-heels pa.

“Ahhh ang sakit.” Naiiyak niyang tinanggal ang kaliwang sapatos niya ng makaupo siya sa sala.

Narinig ito ni Epiphania kaya nilapitan niya ang apo.

“Sa una lang ‘yan masakit, masasanay ka rin. Tanggalin mo na ang kabila,” aniya saka tinulungan niyang tanggalin ang sapatos.

Huminga nang malalim si Mari saka sumandal sa sofa nang matanggal ‘yon.

“Ang hirap pala maging concierge,” wika pa niya.

“Oo naman. Hindi talaga madali ang trabaho mo. Buong araw ka nakatayo at inaasikaso mo rin ang mga customer niyo.”

Ngumiti si Mari dahil gusto niya ang ginagawa niya, at para naman ito sa pamilya.

“Tama nga kayo, La.” Napalinga si Mari, hinahanap niya si Gianni. “Natutulog na kaya si Gianni?” tanong niya rito.

Tumindig si Epiphania. “Nakatulog na lang ang bata, kahihintay sa’yo.”

Kahit masakit ang paa ni Mari ay naglakad siya papuntang kwarto niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ang natutulog niyang anak. Hinaplos ng kaniyang kamay ang buhok nito.

“Pasensya ka na, anak kung palaging wala ang mommy. Si Lola Epiphania muna ang maghahatid sundo sa’yo sa school, ah? Kailangan ko kasing kumayod para makaipon pa ako.”

Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak. Gagawin niya ang lahat para sa kinabukasan ni Gianni. Kahit nakakapagod ang trabaho, at least makita niyang lumalaki ng maayos ito.

Nakaramdam ng kalungkutan si Mari kalaunan. Bigla tuloy niya naalala ang nangyari sa PSA. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na pala siya, at sa lalaking hindi niya pa kilala. Napahugot siya nang malalim na hininga. Gusto na niyang malaman kung sino ang lalaking ‘yon.

“Humanda talaga siya sa akin kapag makita ko ang lalaking ‘yon. Dudurugin ko siya ng buhay dahil sa ginawa niya.”

Para kay Mari ay ninakaw ng lalaki ang marriage status niya. Ayos lang naman sa kanya na maging single mom. Pero ang hindi niya alam na ikinakasal na pala siya, ay hindi niya tanggap ‘yon. Haharap sila sa korte para kasuhan niya ang manlolokong ‘yon!

***

Napasarap ng tulog si Mari, kaya naman late na siya gumising.

“Omg! Late na akooo!” sigaw niya nang makita ang oras sa sa cell phone.

Bumalikwas sa higaan si Mari. “Shit!” natataranta niyang sabi, hindi niya alam kung anong unang gagawin niya.

“Mommy? Ano po ‘yung shit? Poop ba ‘yon?”

Nanlaki ang mata niya nang ma-realized niyang kasama niya pala sa kwarto si Gianni.

“No. No. Mali. Bad ‘yon. Huwag kang gumaya kay mommy.” Sinampal ni Mari ang bibig niya. “Bad ‘yon,” dagdag pa niya.

Nang bumalik na siya sa huwisyo ay diretso na siya sa cr para maligo. Hindi na siya kumain pagkatapos niyang maligo at mag-ayos. Umalis na kaagad siya ng bahay dahil fifteen minutes na lang bago ang time in schedule niya.

“Oh my ghad! Late na talaga ako nitooo!” nababahalang sabi niya.

Tatlong taxi na ang dumaan pero nilagpasan lang siya ng mga ito, rush hour din kasi. Palinga-linga na lang si Mari sa daan, nagbabakasakali na may mahanap siyang available taxi. Napahinto na lang siya nang makita niya ang secretary ni Clarence sa gas station, bumaba kasi ito ng kotse.

Di na siya nagdalawang isip na lapitan niya ito. Pero habang naglalakad siya ay inuusal na niya na sana wala sa loob si Clarence.

“E-Excuse me, Sir Mike?” nahihiyang bigkas ni Mari dito.

Napalingon si Mike at nanlaki ang mata na makita si Mari. Suot na ni Mari ang red uniform niya, ngunit napansin ni Mike na basa ang mga balikat nito dahil sa buhok.

“Late ka na ba? Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?”

Napangiti si Mari dito. Mabuti na lang ay napansin ni Mike na nagmamadali si Mari. Pero teka, hindi ba’t ang sabi nito ay sumabay na lang sa kanya? So, meaning. . . hindi kasama ni Mike si Clarence?

“Oo, Sir Mike, kung pwede?” ngiting pakiusap niya rito.

Pinagbuksan siya ni Mike sa back seat at nang maupo siya ay biglang napasigaw ang isang lalaki dahil sa gulat. Napadilat ng mata si Mari dahil pamilyar ang boses na ‘yon. Shit! Ayaw niyang lumingon dito. Nagkamali siya ng inakala. Pero wala siyang choice kundi ang makisabay na lang.

Nagsalubong ang kilay ni Clarence. “Who are you?” tanong niya kaso di sumagot si Mari.

Kunot ang noo ni Clarence nang tingnan niya sa rearview ng kotse si Mike. He looked at him, confused.

“Pinapasok ko na, Sir, kawawa naman. Ma-la-late na kasi siya.”

Napalunok na lang si Mari habang nakatingin sa bintana.

Bakit ba kasi palaging na ti-tyempo na si Clarence ang nahihingan niya ng tulong? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, pwede naman sa taong mabait at friendly. Hindi sa masungit at antipatiko na kagaya nito!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang ganda na... fast pacing ang story
goodnovel comment avatar
Nida Barlaan Duque
Nice chapter miss Author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 81

    "MAY nasagap akong balita," sabi ni Mike nang pumasok siya sa kuwarto ni Gianni saka binuksan ang TV.Walang emosyon na tumingin si Mari sa screen. Inaasahan na niya ito. Kanina pa siya tinatawagan ng isang journalist para kunin ang kanyang reaksyon.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinignan si Mike. "Ano pang bago?"Matalim ang tingin ni Mike habang nakatuon ang atensyon sa balita. "Ngayon ay naglabas na rin ng statement si Robert sa page niya," pinakita ni Mike sa tab niya ang statement na iyon. "Balita ko, pinapalayas na raw niya si Silvana sa mansyon. Hindi pa siya nagsasampa ng kaso pero... mukhang hindi na rin malabo."Mari smirked. "He’s just saving his own skin. Gusto niyang linisin ang pangalan niya bago siya tuluyang madamay.""Pero Mari, ito na yung pagkakataon mo," wika ni Clarence.Tumaas ang kilay ni Mari. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Ngumiti si Clarence bago nagsalita. "Ito na ang pagkakataon mo para bumalik bilang CEO ng Harrington Group."Napatingin si Mari sa an

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 80

    TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito.Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya.Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa pa rin siya ni Robert, at may karapatan siya sa lahat ng meron ito, maliban na lang kung pipirma siya sa annulment papers.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Robert at may hawak itong folder. Walang

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 79

    TAHIMIK na nakaupo sina Mari at Clarence sa law office ni Jacob."Pasensya ka na, Jacob kung naabala ka namin," sabi ni Clarence. Huminga nang malalim si Jacob at pinadulas sa mesa ang annulment papers sa mag-asawa."Tutol ako sa ginagawa niyo, Clarence. Wala akong tiwala kay Kate pero naiintindihan ko naman si Mari," paliwanag ni Jacob.Hawak na ng dalawa ang mga papeles ng annulment. Pareho nilang tinitigan ang dokumento. Dahil do'n ay mas lalong bumigat ang dibdib ni Mari. Walang alinlangan na unang pumirma si Clarence. Pagkatapos ay iniabot niya ang ballpen kay Mari. Nanginginig ang kamay ni Mari habang pumipirma ito. Pagkatapos niyang lagdaan ay huminga siya nang malalim. May kung anong luha na gumilid sa mata niya."Clarence, I'm sorry. I... I don't know what to do. Hindi ko ginusto ito pero kailangan mabuhay ang anak natin," naiiyak na sabi ni Mari.“Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya,” matatag na sabi ni Clarence.Kumunot ang noo ni Mari, tila bang nagugul

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 78

    Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 77

    Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw

  • You May Now Kiss The Billionaire   Chapter 76

    "MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status