Home / All / You, Me, and the Sea / 11 Meet The Parents

Share

11 Meet The Parents

Author: Julia
last update Last Updated: 2021-07-05 18:34:06

MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya.

Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila.

"Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" 

Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples."

"Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie.

"Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors."

"Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei.

Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwarto ang mga kaklase. Sa lobby sila nagkumpulan kasama ni Andrei.

"Siyanga pala, besh, tutal wala tayong pasok bukas, a-absent muna ako sa practice."

"Ipagpapaalam kita kay coach," sabad ni Norma.

"Nagpaalam na ako." Muli niyang kinausap si Angelie, "Hindi muna kita susunduin bukas, ha."

"S- sige. Okay, ako na lang mag-isa ang mag-grocery bukas."

"I can give her a ride. On the way naman ang condo nila sa amin."

Malapad ang naging ngiti ni Andrei sa ini-offer ni Norma. Napalitan naman agad ito ng alanganing ngiti nang makita ang hindi pagsang-ayon dito ni Angelie.

"Ako na lang ang sasama sa iyo," suntok sa buwang offer iyon. 

"O, gusto mo bang si Alvin ang-"

"I'll ride with her. Maaabala ko pa si Alvin."

"Hindi naman-" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. It would be useless. Bagama't duda siya sa motibo ni Norma sa waring pakikipagmabutihan nito kay Angelie.

Maya-maya ay lumabas si Ronald, ang ama ni Andrei. Pinagmasdan niya ang anak habang nakikipag-usap sa mga kaklase. Nakita niyang sabay na nag-abot sa kaniyang anak ng mineral water sina Angelie at Norma. Si Alvin naman ay nasa isang tabi, nakatingin sa mag best friend. Ang mga kaibigan naman ni Norma na sina Vens at Ara ay panay ang pagsi-selfie habang abala sa pagkukulitan ang iba.

"Guys, we don't want to keep you here longer than you should. Baka hanapin kayo ng parents ninyo. In behalf of my family, I am giving our deepest appreciation sa ginawa ninyong pagdalaw sa mommy niya."

"Okay lang po, sir."

"You're welcome po, sir. We also would like to see Andrei's parents."

"Ilang araw lang po, nandito na kaagad kayo? Considering na galing po kayo ng Antarctica?" Hindi napigilan ni Mon ang sariling ma-overwhelm sa idea na iyon.

"No, last month pa ako umalis sa Antarctica. Galing akong Australia." Si Mon ang sinagot ni Ronald pero hindi niya napigilang mapatitig kay Angelie. 

"Magaganda pala ang girls ninyo," wika niya habang nakatingin sa dalawang katatapos lang mag-selfie, sabay baling niya kay Norma. "I'm sorry, I forgot your name, miss beautiful."

"Ahem!" Hindi napigilan ng mga kasama ang mangantiyaw kay Norma dahil kinilig Ito sa sinabi ng ama ni Andrei.

"Norma po, sir." It was supposed to be a short handshake pero hindi kaagad bumitaw si Roland, hinintay ang idudugtong ng dalaga. "Agustin po." 

Muli ring nagpakilala with complete name ang mga babae. Huli niyang hinarap si Angelie. "I suppose you're my son's girlfriend."

"Best friend po!" Sabay pang sumagot sina Andrei at Angelie.

"And your name is…?"

"Angelie Buenafalco, sir." Tipid ang naging sagot ng dalaga sa kabila ng matamang pagkakatitig sa kaniya ng kausap.

"Buenafalco?... Nasa America ba ang parents mo?"

"Yes, sir. They're both working in a hospital." Nakahinga siya ng maluwag nang tumango-tango ang kausap at binitiwan na ang kamay niya.

"Well, guys, nice meeting you all. Maybe we could have a dinner together by tomorrow night, celebration ng paglabas ng mommy ni Andrei dito sa ospital. I hope you could come."

"Sure, po."

"Darating po kami. Salamat po sa imbitasyon."

NAPANSIN ni Marcia ang kalungkutan sa mga mata ng lalaki nang pumasok Ito sa kuwarto.

"Nakausap mo ba siya?" Sinikap niyang makapagsalita kahit na nanghihina pa siya.

Hindi agad nakasagot ang lalaki, natigagal Ito ng ilang sandali.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"What difference would it make?" Larawan ng disappointment ang mukha ni Marcia. Bumaling ito ng tingin sa may bintana. "Pakibuksan ang bintana. Lumabas ka na rin. Nakakasikip ka rito. Gusto kong makahinga, magpahinga."

"Please stop saying things as if it's only my fault. Kasama kitang nagdesisyon. In fact, this wouldn't happen if you--"

Lumabas na lang ng hospital room ang lalaki. Ayaw niyang muling atakehin ng sakit sa puso ang asawa. Iniwan niya itong namumuo ang mga luha at napatiim-bagang sa mga narinig nito sa kaniya.

……

INIHATID na lang ng tanaw ni Alvin sina Angelie at Nannette nang magkasama ang dalawang sumakay ng bus. Hindi niya Ito binitiwan ng tingin hangga't hindi natabunan ang bus ng ibang sasakyan mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Wala na, boy! Kumbaga sa kasabihan nila noon, kumakain ka lang ng alikabok."

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya kay Jebon.

"Ba't 'di ka pa kasi pumorma? Kung nahihiya ka Kay Angelie, e di gawin mong tulay si Nannette!"

Dumugtong pa si Jebon sa winika ni Marc. "Kung ayaw, e di do'n ka na lang sa tulay. Maganda rin naman si Nannette."

"Hoy! Huwag ninyo namang gawing second option lang ang kaibigan ko. Ano, 'pag di pumasa sa iba, sa kaniya? Mahiya nga kayo sa sarili ninyo!" Pinamewangan pa ni Melrose ang mga lalaki habang tinatarayan niya ang mga ito.

…..

"Nagtapat na ba siya sa 'yo?"

Hindi inaasahan ni Angelie ang naging tanong ng katabi. "Ng ano? Sino?"

"Hmmh!" Gustong bawiin ni Nannette ang nabitiwang tanong. "Wala bang sinabi sa 'yo si Alvin?"

"Wala naman. Bakit, ano'ng meron?"

Tinimbang ni Nannette ang susunod na bibitiwang salita.

"Gosh! Sila na ba ni Melrose?" Kinilig pa ang dalaga sa naisip. "I knew it, me possibility nga!"

Nadismaya si Nannette sa nadiskubre. 'Napansin mong posibleng may gusto si Melrose Kay Alvin pero dense ka kung sino ang may gusto sa iyo.' Hindi na lang niya ibinuka ang bibig. Hinayaan niya ang katabi na magkusang ibahin ang topic.

"Sa Australia pala galing ang dad ni Andrei, 'no."

"Oo. Buti, nakarating siya agad. Ganiyan talaga 'pag may magkasakit sa pamilya, 'no? Iiwanan ang trabaho para sa pamilya, 'di talaga puwedeng tiisin."

Niyakap ng kalungkutan ang puso ni Angelie. "Kailangan bang magkasakit pa ako?"

Hindi masyadong narinig ni Nannette ang tinuran ng katabi. Nakita niyang pumikit ito kaya nanahimik na lang siya.

….

SAMANTALA, tahimik naman habang magkatabi sa upuan ng bus sina Alvin at Melrose. Tanging manaka-nakang buntunghininga lang ang naririnig nila mula sa isa't isa. Pinagbubulungan naman sila nina Mon sa kabilang upuan habang nagsi-selfie sa kanilang upuan sina Vens at Grecia.

Unang bumaba ng bus si Alvin na sinundan ng pangangantiyaw nina Marc at Jebon.

"Boy, iiwanan mo na ang forever mo?"

"Huwag kang pumayag, girl!"

Nagngangalit na kamao at nanlalaking mga mata ang isinagot ni Melrose sa kanila. Isang tipid na pagkaway naman ang iniwan ni Alvin.

Tumabi kay Melrose si Mon.

"O, ba't ka nandito?!"

"Sungit naman nito."

"Siya na lang kaya ang forever mo, bagay naman kayo!" 

Sinundan naman ni Marc ang pangangantiyaw ni Jebon. M and M, bagay na bagay! Ang tamis!"

Tila walang ibang mga kasama sa loob ng bus ang dalawa kung makatawa. Malapad naman ang pagngiti ni Mon habang pinandidilatan sila ni Melrose.

Nakikitawa rin sa kanila sina Vens at Grecia habang nagpapatuloy sa pagkuha ng litrato.

"Ambaho!"

"Di ako 'yun, ha!"

"Tawa kasi kayo ng tawa, ayan, kinakabagan na kayo!" 

"Di ako 'yun!"

…..

NAGHAHANDA na sina Norma para sa pagsasara ng bakery. Kani-kaniya sila ng paglilinis at pagliligpit ng mga gamit.

"Puwede pa bang bumili?"

Magkahalong kaba at galak ang naramdaman ng babae nang mapagsino ang customer.

"Opo, sir. Puwede pa po. Pili lang po."

Masayang inistima ni Norma ang ama ni Andrei.

"Kayo pala ang may-ari ng Elaiza's Bakeshop."

"Oho."

"Bumibili ako dito noon, parang 'di naman kita nakita."

"Lately na lang po kami pinapatulong dito, sir. Para raw matuto. Salit-salitan kaming magkapatid."

"Ah, ganu'n ba? Balita ko'y matagal sa abroad ang father mo?"

"Opo. Kababalik land din po niya. Pero panghuli na raw po ito, mahirap daw po kasi ang buhay sa karagatan."

Tumango-tango ang lalaki. "Mahirap ang mawalay sa minamahal. Kaya dapat talagang pinanghahawakan natin ang taong mahalaga sa atin."

Matamis na ngiti ang isinagot ng dalaga.

"Alin kaya rito ang bibilhin ko?'

"Short cakes po, try ninyo."

"Hmm… oo nga, mahilig nga pala si Andrei sa shortcakes. Ano'ng flavor?"

"Kayo po, lahat naman po iyan, masarap. Pero Ito po ang madalas niyang bilhin," sabay turo sa blueberry shortcake.

"Alam na alam mo talaga ang gusto ng anak ko, ha." Nginitian niya ng matamis ang dalaga. "Hindi ko alam na paborito niya ang blueberry. Ni hindi namin siya mapilit kumain ng berries noon.."

Bahagyang napaubo ang dalaga. "P-paborito po siguro iyan ni Angelie, kung hindi niya paborito."

"Oh! I see…" inarok nito ang damdamin ng kausap.

"Well, it's nice na alam mo ang gusto ng mga kaklase mo. I hope you know what you want, too."

Malalim ang iniisip ni Roland habang hawak ang kartont ng biniling shortcake. Inilapag niya ito sa basurahan at saka pumara ng taxi. Pasakay na siya nang maalala niyang maaari naman niyang ibigay kina Flor ang binili. Nakagatan na Ito ng mga  batang-kalye paglingon niya.

"Sori po."

Sinenyasan niya ang driver na paandarin ang taxi.

Napagtanto niyang nawawala siya sa focus dahil sa kaniyang mga natuklasan. Kailangan niyang gumawa ng hakbang. Ayaw niyang maulit ang pagkakamali. 

"Hello, dad?"

"Son, we have to talk." Tinawagan niya ang anak para kausapin ito ng masinsinan.

Julia

Get ready for the twist of this story. I couldn't promise anything but it would be "all-new".

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status