Overprotective
HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers.
Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya.
"Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa.
Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi.
It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade.
Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok ng arcade si Andrei. Gusto niyang makita agad ang babaing kaibigan.
"O, bro!" agad na napunit ang bibig ni Mon nang makita nito si Andrei. He immediately greeted him and patted him on the shoulder. "Sabi ko na nga ba, darating ka," at parang nanalo sa lotto na tuwang-tuwang sinenyasan nito ang mga kaklaseng naroon na sina Marc at Jebon, "I told you, guys!"
"Oo nga!" sabay thumbs up ni Marc. Bumalik naman agad ang kaniyang atensyon sa mga dumaang babae. Nginitian niya ang mga ito.
Natatawa namang lumapit kay Andrei si Jebon. "Welcome, bro! Let's enjoy the night!"
Nagtatakang lalong napakunot naman ang noo ni Andrei sa inabutang pangyayari. Hindi niya inasahang ganoon ang makikita niya. Narito siya dahil sinabi ni Mon na naririto si Angelie. Lumingon-lingon siya pero hindi niya makita ang dalaga.
"O, relax, the night is young, we're gonna have some fun!" paakbay na iginiya siya ni Mon sa dako ng bilyaran.
"Ayos, matagal-tagal na ring 'di ka namin nakakasama dito, bro!" and Marc gave Andrei the billiard cue.
"But,..." hindi na siya umimik. Nagpatianod na lang muna siya sa mga kaklase.
Jebon bad-mouthed on Andrei. Nahalata niya kasing napipilitan lang sa kanila ang binata. "Tagal mo na ngang 'di na tumotropa sa amin, 'di ka pa rin ba namin masosolo ngayon? Ano ba iyan, pare, ladies' drink na rin ba ang iniinom mo?"
Nagtawanan ang tatlo, nakitawa na rin si Andrei. "Kayo talaga." He confronted Mon, "sabi mo, nandito si Angelie?" pilit ang ngiting sumilay sa kaniyang pisngi.
"Ang plastic ng smile mo, bro!" natatawang itinuro ni Mon ang dulo ng pasilyo. "Nando'n siya, kasama ng mga boylet niya."
Agad na binitiwan ni Andrei ang tako ng bilyaran. "I missed this game. I missed you, guys. But I have to go." Mabilis ang mga hakbang ngunit cool pa rin siyang tingnan habang tinutungo ang kinaroroonan ng dalaga.
Happy atmosphere ang nabungaran niya sa dakong iyon. Maraming kabataang nag-i-enjoy sa arcade section na iyon. Humaba ang leeg ni Andrei para hanapin si Angelie.
Pinagtinginan siya ng dumaang grupo ng mga bakla. "You want a company?" akmang aangkla sa bisig niya ang lumapit na bakla ngunit umismid nang maagap siyang umiwas. "Ay, snob si papa!"
"Wampipti?" nagbibirong lumapit ang isang baklang kasama nito.
"Sabi mo dati wampayb," at nakipag- friendship sign siya dito. Ka-vibes niya kasi ito. Matagal na niyang kaibigan si Michael, kababata niya ito. Bata pa sila ay isa siya sa pinagtapatan nito ng sexual preference nito. Nang magladlad ito ay binansagan nila Mon ng "Wampayb".
"Free na nga sa 'yo, e, dahil iyan sa friendship natin," kunwari'y hinihimas niya ang abs ni Andrei na ikinamangha ng mga kasama nito. "Nasa canteen, napagod yata," siyang bulong nito.
Agad niyang nakita si Angelie, bakas sa mukha nito ang kawalan ng kasiyahan kahit na nakangiti habang kausap nito ang tatlong lalaki sa mesa kung saan sila umiinom ng juice. Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Kabisado na niya ang body language nito sa tuwing natutuwa ito habang nakikipag-usap. Ayon sa nakikita niya ay ito iyong isa sa mga pagkakataong gusto na ng dalaga na umalis pero ayaw nitong magmukhang bastos sa kausap.
"Besh, sana lang talaga nandito ka! Will you come if I'll message you?" ang usal ng utak ng dalaga habang nakikinig sa mga kasama niyang really excited on what they were talking about.
Parang may bumulong sa dalaga at bigla siyang napalingon sa kinatatayuan ni Andre. Namilog ang mga mata niya nang makita ang kaibigan. Agad siyang tumayo para lapitan ito.
"Masarap 'to," dinig niyang pagyayaya ni Norma kay Andrei habang hawak nito ang isang bagong brand ng juice.
"S-sige, bibili ako." Ayaw niyang hiyain ang kaklase. Magiliw kasi ito sa kaniya mula pa noon.
"Samahan na kita."
Sinundan ng tingin ni Angelie ang dalawa habang patungo ang mga ito say kinaroroonan ng refrigerator para mamili ng juice. Hindi niya inasahang makikita niya itong kasama si Norma, her number one basher. Naupo siyang muli. Ni hindi man lang siya nakita ng kaibigan. Nagtataka man sa ginawa niyang pagtayo at pag-upo ay nagpatuloy pa rin sa kuwentuhan ang tatlo niyang kasama. Naghihimutok ang kalooban niya sa isiping may ka-date pala ang best friend niya pero hindi man lang siya nito sinabihan. Inakala niyang napagod ito kaya hindi na niya niyaya sa arcade.
Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa labi ni Norma. “I thought you’d never come. Sabi nina Mon ay busy ka.”
“I was busy.”
Pasimpleng nilingon nito ang kinaroroonan ni Angelie matapos na kinuha ang juice sa refrigerator.
Sinikap naman ni Angelie na hindi ma-out-of-place sa mga kakuwentuhan niya. Sa loob-loob niya ay sinisisi niya si Nannette dahil hindi ito sumipot sa usapan nilang maglalaro dito.
“I thought I've seen your girlfriend,” sabi ni Norma sa lalaki habang tinititigan niya ang mukha nito, gusto niyang makita ng malapitan ang magiging reaction nito sa salitang girlfriend.
Nagpatay-malisya naman si Andrei kahit na alam niya ang tinutukoy ng babae. Mga isang taon na rin kasi na napansin niyang lagi itong nakasimangot sa tuwing nakikita si Angelie. Somehow ay napansin niya rin na tila may gusto sa kaniya si Norma. Ilang beses na rin naman kasing nakikipag-unahan ito Kay Angelie sa pag-aabot sa kaniya ng mineral water sa tuwing may laro sila ng basketball at soccer.
For awhile ay napatitig siya sa mukha ni Norma. Makinis ang morena nitong balat. Kitang-kitang mahilig ito sa good grooming because of her pony-tailed long silky hair, soft skin, unstained white teeth, and short, clean nails. Napangiti ang lalaki.
Agad na napunit ang labi ni Norma, nahalata niya kasing naa-appreciate siya ng lalaki. Kung puwede lang ay huwag na silang lumayo sa may cashier upang hindi mapansin ni Andrei si Angelie. Gusto niya itong masolo ngayong gabi. She felt that she could claim her, ilang cute gestures na lang at tuluyan na itong magkakagusto sa kaniya.
“E-excuse me,” at nagpalinga-linga Ito, “I have to go.”
Agad siyang tumayo para pigilan si Andrei ngunit hindi niya naabot ang kamay nito. Walang nagawa si Norma kundi ang sundan na lang ng tingin ang lalaki nang lumabas ito ng canteen.
“H-hey!”
Sinikap niyang maabutan ang grupo nang natanaw niya na inaabutan ng helmet ng isa sa tatlong lalaki ang kaibigan upang umangkas sa motorsiklo nito habang naghahanda namang sumakay sa isa pang motorsiklo ang dalawa.
Nagulat na lumingon sa kaniya ang grupo, nakita nila ang panlalaki ng butas ng ilong nito dahil sa hingal.
“Where are you going?”
Hindi nakasagot si Angelie sa kaibigan. Lihim na nagpasalamat ang kalooban niya nang kinuha nito sa kaniya ang helmet at ibinalik sa may-ari.
“Pasensiya na, guys, she can’t go with you.” Hindi niya itinago sa kaibigan ang pagkunot ng kaniyang noo. Gusto niyang ipaalam dito ang disappointment niyang nararamdaman. Tila naunawaan naman ito ng babae at yumuko na lang.
“Are you her boyfriend?”
“No, Ricky. Best friend ko siya.” Nakaramdam siya ng kaba dahil mukhang naiinis ang sana'y aangkasan niyang si Ricky.
“E, best friend lang pala!” nanggigigil na itong naglipat-lipat ang tingin sa magkaibigan at sa mga kaibigan niya. “Bakla ba 'to?”
“No!.. Look, I'm sorry, guys,” at itinulak niya palayo sa magkaibigan si Andrei, “we’re leaving.”
“You’re not leaving!” napakagat-labi pa Ito dahil pinipigilan siya ng dalawang kasama. “Nag deal na tayo na ako ang maghahatid sa iyo!”
“Sorry talaga, Ricky,.. Vin,… Enjie!” at tuluyan na niyang hinila sa braso ang kaibigan na tila gusto ring patulan ang galit na si Ricky.
“P’re, 'wag kang magtago sa ilalim ng palda ng babae!”
Ang mapang-asar na banat ni Ricky ang naging hudyat ng paghila ni Angelie sa braso nito. Natatakot siyange tuluyang magkagulo.
“Hoy, bakla!”
“Tinatawag mo bang bakla ang boyfriend ko?”
Lahat sila ay napalingon kay Norma nang walang kaabug-abog nitong inihinto ang dalang pulange sports car malapit sa kanila.
“Let’s go!”
Nagpatianod naman kay Norma ang magkaibigan habang naiwang nakatunganga ang tatlo.
MALAMIG ang gabi at malamig ang inuupuan nilang mahabang sementadong bench ngunit tila wala silang balak na magtabi-tabi. Nanatili silang nakaupo sa tig-isang bench, nakaharap sa dagat, sa boulevard na iilang tao na lang ang naroroon.
“Well?...”
Walang maapuhap na isagot si Angelie kay Norma. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa sa paghingi ng paumanhin kay Andrei na nasa gawing kaliwa ni Norma.
“Can’t you at least thank me?!” namilog pa ang mga mata nito sa disappointment sa nakikitang akto ng magkaibigan.
“Okay,” nakataas ang kilay na tumayo Ito, “I’m done here. Mag-hike kayo, malayo ang terminal ng jeep dito.”
Pinigilan niya si Norma, “salamat.” Iisang salita ngunit puno ng damdamin niya iyong binigkas sa harap ng itinuring niyang kontrabida ng buhay niya. Malaki ang pagpapasalamat niya dito dahil hindi natuloy ang nakaambang suntukan kanina.
“You owe me.” Tinitigan niya si Angelie ng head to toe at saka bumaling kay Andrei. “Boyfriend, stop being a nanny to this girl. Mapapahamak ka lang.”
“Bye, Norma,” mahinang sagot niyang nakangiti sa babae, “you’re beautiful tonight.”
“Yeah, right.” Ni hindi na niya nilingon ang dalawa. Ayaw niyang makakita ng dadagdag pa sa sama ng loob niya.
Naiwan ang dalawa. Wala silang maisip na sabihin sa isa't isa. Tahimik nilang pinanood ang bawat pagdating ng alon at paghampas nito sa malalaking bato.
Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay
ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero
The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang
Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak
NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga