Share

Chapter 1

Nang matapos ang huling taon niya sa Highschool ay hindi na muli pang nakita ni Lumiere ang lalaking naging inspirasyon niya sa apat na taon. Ngayon ay nasa kolehiyo na siya. Kasama parin niya ang kanyang malditang pinsan na si Layla.

Araw ng Linggo ang lahat ay abala. Maraming nilutong ulam at sari saring minatamis. Inusisa ni Lumiere ang nangyayari sa kanilang bahay. Mas magarbo pa ito sa kanilang debut. Sabay narin kasi silang nagdaos ng debut ni layla dahil kaunti lang ang pagitan. Para tuloy silang kambal ng pinsan niyang unabes ay hindi niya makasundo.

"Wow..anung meron. Parang ang sasarap ng mga pagkain..."Sambit niya sa harap ng kanyang Lolo.

"Lumiere Apo..ngayon darating ang pamilya at ang iyong mapapangasawa. Kakauwi lang nila galing sa ibang bansa."

Medyo lumulam ang masayahing mukha ng kanyang apo. Agad naman itong itinago ni Lumiere dahil humihina na ang kanyang lolo at ang tangi lamang niyang maggagawa ay ang sumunod dito.

"Ahh ganun po ba? Lo, kapag kinasal napo ba ako sa kanya isasama na nila ako? Sino napo ang magaalaga sa inyo?" Siya lang ang tanging iniisip ni Lumiere wala ng iba. Bahala na kung pangit ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kanya.

"Syempre di naman ako papayag. Parehas pa kayong nasa kolehiyo. Pag-uusapan namin ang kasal ninyo at idadaos natin pero tapusin ninyo muna ang inyong pag-aaral." Paliwanag ng matanda kaya kahit papaano ay napangiti si Lumiere sa mga magiging desisyon ng matanda.

Ilang sandali pa'y may dumating na kotse sa tapat ng kanilang bahay. Dumeretso agad ang mga bisita dun sa maliit na opisina ng kanyang Lolo. Siya naman ay pumasok sa kanyang kwarto upang kahit papaano ay makapag ayos. Naglagay siya ng konting polbo at nilagyan ng konting lipstick ang kanyang labi. Ilang sandali pa ay ipinatawag narin siya ng kanyang lolo sa hapag kainan. Sabay silang sumulpot ni Layla sa may pinto kaya silang dalawa ang pinagtinginan. Naroon din ang mga magulang ni Layla. Halos mapako ang kanyang mga mata sa lalaking ngayon lang niya ulit nakita.

'Drake' bulong niya.

"Ano tatayo ka na lang ba diyan?" Bulong sa kanya ni Layla. At sabay silang umupo sa hapag kainan.

"Sino po ba sa kanila ang ipapakasal sa aming anak?" Tanong ng babaeng naroon. Ito ang ina ni Drake. Si Coreen

"Matagal na naming napagdesisyunan ng aking kaibigan na ang mga panganay na anak namin ang magpapasal bilang pasasalamat sa aming pagkakaibigan. Ngunit ni isa sa amin ay di napagkalooban ng anak na lalaki. Kaya sa mga apo nalang kami babawi." Paliwanag ng matanda.

"Si Rose at Celia ang aking mga anak na kambal. Ang anak ni Celia ang tutupad sa kasunduan dahil siya ang panganay sa kanila. Ang aking apo na si Lumiere" Sabay turo sa morena niyang apo.

Napangiti ang mag-asawa kay Lumiere. Subalit puno naman ng pagkainis ang mukha ni Layla at gayundin ang pagkagulat niya sa lalaking hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang si Drake ang sinasabi ng lolo niyang ipapakasal sa kanya. Nakasimangot ang lalaki at halos hindi niya ginagalaw ang pagkain.

Binigyan sila ng pagkakataong makapagusap.

"Tutol ako sa union na ito. Dahil sa mga lolo natin naitali tayo sa isa't-isa? " At tinignan siya ng mapang-uyam na si Drake. 'Oo nga naman sino ba naman gaganahang pakasalan ang babaeng morenang chinita at ang laki laki pa ng salamin ko. Ang tanging asset ko lang ay ang balakang ko at dibdib maliban dun wala na. Samantala itong si Drake pinipilahan ng mga nag-gagandahang cheerleader dahil basketball player lang naman siya. Matangos na ilong at magandang lalaki at may matipunong katawan. Halata namang ayaw niya sa akin.' bulong niya sa sarili.

"O ano siguro pumapayag kana sa kasal. Pwes I will not promise you a happy life but a miserable one. Nagaaaral ako sa ibang bansa dahil ako na ang magmamana ng kumpanya." Lalo siyang naging indifferent at cold.

"Hindi ah. May magagawa paba tayo sa kasal na ito?" Pagsang ayon niya.

"Your life will become miserable once you agreed to this union." Galit niyang inulit iyon. Para tong sirang plaka. Matagal na siyang gusto ni Lumiere pero alam niyang one sided lang pagnagkataon. Sa isang sulok ng puso niya masaya siya dahil sa pagkakasundo ng mga pamilya nila. Matagal mang pangarap ngunit paano naman kung binantaan naman siya nito.

Matapos ang paguusap ng kanilang mga magulang ay nagpaalam na rin ang mga ito.

"O Apo..kamusta ang pag-uusap ninyo ng binatang iyon. Kamukhang kamukha siya ng aking kaibigan nung kabataan namin." mukhang masaya ito.

"Eh, Lo mukhang ayaw naman sa akin ni Drake.." Sabi niya kase totoo naman. Baka naman may magawa pa siya na paraan.

"Kailangan niyang tumupad. Mamatay na akong masaya kapag nafulfill ninyo ang habilin namin naito." Maikli niyang tugon. Pero alam niyang pinal na ang desisyon nilang matatanda. Hindi na iyon mababago pa kaya susunod nalamang siya.

Papasok na si Lumiere sa kanyang kwarto ng biglang sumulpot ang pinsan nito. Nagliliyab sa galit ang mga mata nito. Nakapamaywang pa ito.

"Ang prinsesa ng pamilyang ito ay ikakasal na. Dapat ako ang nasa posisyon mo. Hindi ka karapat dapat kay Drake. Ang pangit-pangit mo para sa kanya." Pang-aasar niya.

"Kahit ako hindi makapaniwala. Kung may problema kayo sa kasunduan bakit hindi si Lolo ang kausapin ninyo." Kota na ang inis na nararamdaman ni Lumiere dahil sa nangyayari. Kahit naman patay na patay siya sa lalaking iyon ay hindi niya mababago ang puso nung tao.

Lumipas pa ang ilang araw siya ay ipinasundo na ni Coreen para ipasukat ang traje de boda nito.

"Ang ganda ganda mo Hija. Ngumiti kanaman dyan.." Sabi ng ina nito.

"Mukha po kasing ayaw naman sa akin ng anak ninyo." Sagot ko.

"Wag mong intindihin si Drake lahat naman natutunan ang pagmamahal. Normal lang naman ito dahil mga bata pa kayo. Basta sundin natin ang tito dahil kung nabubuhay ang Papa ay gayundin ang nanaisin niya. Sayang at mga babae kami edi sana ako at ang iyong ina ang ikakasal. Kung naging lalaki lang ako. Celia is my bestfriend." Kwento niya.

"Marami po ba kayong alaala kay Mama? Bata papo kasi ako ng mawala siya." Halos mangilid ang luha ni Lumiere habang nagtatanong tungkol sa kanyang ina.

Ipinakita ni Coreen ang mga album kung saan naroon ang mga alaala ni Celia.

Kahit papaano ay nakaramdam ng kaligayahan ang dalagang si Lumiere. Bago paman umalis si Lumiere ay nakita niyang muli si Drake na nuo'y nasa pool ngunit hindi nalang niya ito pinansin at patuloy lang sa pag lakad papuntang kotse.

"Mom, pati ba naman ikaw pumapayag na magpakasal ako sa probinsyanang yon.."

"Hindi siya probinsyana Drake. Parehas kayo ng Highschool na pinasukan how come you did not met each other even once." Sabi ng kanyang ina

"I'm not into weird and nerd mom..she is not my type."

"Kailangan mo itong gawin para sa lolo mo at sa mana mo. Look she is really beautiful."

"Tsk...ah basta ayoko. Hindi ako pupunta sa kasal nayan."

"Then say goodbye to your future position in the company. Remember his will makukuha mo lang ang mana mo once you got married to her."

Nang marinig iyon ni Drake itinikom nalamang niya ang kanyang bibig. End of Conversation. Talo na siya. Sino ba ang matutuwa kung maibigay sa charity ang makukuha nyang mana.

Sumapit ang araw ng Kasal. Garden Wedding ito at idinaos sa isang magandang venue dito sa Syudad. Punong-puno ng bulaklak ang mga bawat sulok ng venue. Sa make up room naroon si Lumiere at hindi mapakali. Kaya siya ay pinuntahan ni Coreen.

"Hindi sinasagot ni Drake ang calls ko, Hija..pero wag kang magalala dahil hinahanap na siya ni Alphonse. Oh..wag ka ng sumimangot."

"Ayaw po talaga sa akin ng anak po ninyo. Kung di man po niya ako siputin okay lang po."

Sa mundong ito hindi naman lahat makukuha mo ng walang kahirap-hirap na mailalaan para sa yo. Imposibleng pangarap yun. Ang malamang si Drake ang kanyang mapapakasalan ay isa ng dream come true kaya hindi narin niya hihilingin na pati ang puso nito ay mapasakanya.

Pinilit niyang ngumiti sa babaeng kaharap niya ng oras ding iyon ay nagaalala kung saan lupalop na ang kanyang anak.

Samantala si Drake ay nagmamadaling nagbibihis. Tinanghali siya sa Condo niya dahil sa kalasingan kasama ang mga kaibigan nito.

"Hmmm..where are you going honey...?" Usal ng isang babaeng blonde na nasa higaan parin niya hanggang ngayon.

"You better get up B***h. Late na ako sa kasal ko..Hindi pa ako handang maging pulubi. Not now.." Sabi niya. Habang sinusuot ang kanyang suit. "Here."Itinapon niya ang pera sa paanan ng babae.

at nagmamadaling umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status