Share

You and Me Again? (Tagalog)
You and Me Again? (Tagalog)
Penulis: Lexie Onibas

Prologue

Penulis: Lexie Onibas
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-11 05:53:25

This is a work of fiction; therefore, the novel's story and characters are fictitious. Any public agencies, institutions, or historical figures mentioned in the story serve as a backdrop to the characters and their actions, which are wholly imaginary.

Lumiere Ramirez

Ako nga pala si Lumiere Ramirez, nasa ika-4 na taon na sa Highschool. Inayos ko ang aking salamin para malinaw kong makita ang pinaka-gwapong lalaki dito sa school namin. Si Drake Achlys Hernandez. Halos lahat dito kilala siya at pinipilahan ng mga babae. May sariling Fans Club nga eh, pero ayokong bumilang dun tama ng araw-araw ko siyang nakikita kahit ni kausapin di ko magawa paano nakakalusaw ang ka-gwapuhan. Kahit puro pawis pa yan iba parin ang gandang lalaki at malakas ang appeal. Mukhang tapos na ang practice nila makaalis na.

"Ehem, ehem..hoy nerd! Sabi na nga ba andito kananaman eh. Si Drake nanaman ang pinagpapantasyahan mo noh. Sorry ka dahil hindi ka papatulan niyan. Nerd ka diba?" Naghalakhakan ang buong grupo niya.

Yan ang m*****a kong pinsan. Si Layla Ramirez. Mas maganda siya sa akin, maputi at may straight na buhok dagdag pa ang singkit niyang mata. Kumpara sa akin na singkit nga makapal naman ang salamin tapos morena pa. Ang konting inangat ko lang ay medyo may utak naman ako kesa sa kanya. Mainit ang dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanyang masama.

"Oo. Si Drake nga. Saka hanggang tingin lang ako yun lang."

"Hanggang diyan kalang talaga.Hmmm" Pang-aasar niya.

Nilagpasan ko nalang sila dahil lagi naman kaming ganito never nagkasundo. Ganoon ata kapag palagi kaming pinagkukumpara at hindi ko maiaalis na ako ang pinaka-paborito ni Lolo. Ako ang pinaka-panganay na apo pero oras lang naman ang nilamang ko kay Layla pero si Lolo hindi ko nakitang naging mabait sa kanya kaya kahit papaano naaawa din ako sa kanya.

"Kapag lumapit ka sa kanya malilintikan ka sa akin." Banta niya sa akin. Pero hindi ko nalang siya pinakinggan as if naman na makakalapit ako kay Drake sa dami ng babaeng nagaabang dun at baka himala nalang ng langit kapag pinansin niya ako. 'Hayz delulu na naman si Lumiere.'

De bale pag-grumaduate na kami ng Higschool makakalimutan ko na si Drake at magmomove-on kahit hindi naging kami. Bigla tuloy akong napangiti kahit sa mga ganitong pangarap natutuwa na ako. Siya lang naman ang inpirasyon ko kaya nga lagi akong masaya at kahit papaano hindi ko na iniisip na si Lolo nalang ang totoong nagmamahal sa akin dahil wala na akong mga magulang namatay sila sa isang aksidente. 'Ay Oo nga pala si Lolo'. Bigla nalang akong napatingin sa relo ko kaya nagsimula akong magmadaling makalabas ng eskwelahan dahil may mga gamot pa akong bibilhin. Lagot nanaman ako kay Aunty Rose pag-nagkataon.

Nang makarating ako sa aming bahay nakita ko si Lolo hawak ang isang kahon. Nilapitan ko siya para magmano. "Lo, dito na po ako.." nakangiti kong sabi.

"O Apo..mamaya kana pumasok dun sa loob. May sasabihin muna ako sayo."

"Etong box na ito ay pagmamayari ni Celia."

"Kay Mama po?"

Isang jewelry box. Inabot niya sa akin at binuksan ko naman. Nakita ko ang pares ng sing-sing.

"Kay Mama at Papa po ba ito?" Tanung ko.

"Apo pag-umedad ka ng labingwalong taon. Kailangan mo ng ipakasal sa apo ng aking matalik na kaibigan." Nagulat ako dahil ang sinasabi niya sa akin ay ang aking hinaharap.

"Uso papo ba yung Arrange Marriage nayan. Diba po dapat kung sino ang mahal ko yun ang aking pakakasalan?"

"Hindi mo pa nga nakikilala ay umaayaw kana. Hindi ka pwedeng umatras dahil matagal na itong kasunduan bago pa mawala ang iyong mga magulang."

Actually nawalan ako ng gana na makinig pa sa kanya kase madami na akong nakikita sa mga palabas sa TV na ganyan halos puro negatibo. Umaasa akong maayos pa ito at malay ko kung bigla nalang din umayaw yung mapapangasawa ko dahil ako eto si Lumiere na Nerd at Weird.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • You and Me Again? (Tagalog)   Author Notes

    Hi Milabs,A year din ang inabot ng story na ito at labis-labis akong nagpapasalamat sa pagbabasa ninyo sa aking munting akda. Medyo matagal din ang pag-update ko pasensya na po kayo. Pangalawa itong story na sinimulan ko dito sa Goodnovel. Bilang isang baguhang manunulat sana po ay nagustuhan ninyo ang story nila Lumiere at Drake na nagstart sa isang Arranged Marriage at mala-roller coaster na taguan ng totoong nararamdaman. Sana po ay suportahan din po ninyo ang iba ko pang story dito kay GN. Utang na loob ko po ito sa inyo na laging naka-antabay sa updates ko. May ilang chapters pa po tayo bago tuluyang isara ang kuwento nila Drake at Lumiere. Gusto ko lang mag-pasalamat sa inyo. Hanggang sa huli!Maraming Salamat po sa inyo!Lexie,

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 73

    LUMIERE POV“Drake, mukhang manganganak na ako?” ani ko kay Drake na nasa kusina at may kung anong niluluto. Pinatay niya ang kalan at pinukol ako ng mapag-alalang tingin.Dali-dali niya akong nilapitan at bakas’ron ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko pa nakita ang ganitong itsura ni Drake. At sa ganitong eksena hindi ko narin magawang maipinta ang mukha ko. “May masakit ba sa iyo? Tell me where? or just tell me you’re atleast okay!” taranta niyang sabi. Hinubad niya ang kaniyang suot na apron at binalibag nalang kung saan. Saka ako hinawakan. “I’m in labor, Drake! Yes, I’m gonna be okay basta dalhin mo ako sa hospital ngayon ‘din!” mahinahon kong sabi pero mukhang lalo ko lamang siyang pinakaba at pinag-alala.Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng bahay at hindi niya malaman kung bubuhatin na ba niya ako or hindi? Kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya. At pinakatitigan ko ang mga mata niya.“I’m gonna be okay! Just drive!” “O-Oo.” Kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay n

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 72

    Nagising si Lumiere dahil sa sinag ng araw na tumagos mula sa bintana. Naramdaman niya ang maiinit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Si Drake. Natulog sila ng magkatabi dahil nag-aalala ito at hindi din kasi mapigil ang kaniyang pag-iyak. Kumislot siya pero nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito at naalala niya ang unang beses na makita niya ito noon sa Campus. Magkaiba sila ng mundo noon at hindi sa hinagap ay mapapansin siya nito. Mabigat parin ang kaniyang talukap at nagsisimula na namang mangilid ang kaniyang luha. Kahit mahina ang kaniyang hikbi ay nagising si Drake. Pinunasan nito ang unang luha na umagos at kinintalan siya ng halik sa noo, sa ilong at marahang dampi sa kaniyang labi.“L-Lumiere, mag-start ulit tayo,” panunuyo ni Drake.“H-Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula’t kung paano ko iha-handle ang sarili ko. I was still recovering,” nangangatal na sagot ni Lumiere.“Andito ako sa tabi mo. Bubuo ulit tayo ng pa

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 71

    HINAWAKAN ni Drake ang mga kamay ni Lumiere at minasahe ng kaunti. Gayundin ang saya ng mga titig nila sa isat-isa.“How are you?” tanong ni Drake habang hindi binibitawan ang kaniyang mga palad.“Ahmm. I’m okay.” may pamumula sa mga pisngi ni Lumiere habang ngumingiti kay Drake.“You know what? It feels like a dream to me, Lumiere.” “Sa akin naman para akong tumutulay na naka-blindfold. Wala parin akong matandaan,” ani ni Lumiere.“Don’t worry, I’ll help you out,” sabi ni Drake at biglang naging seryoso ang mukha nito. “Thank You! Magkuwento ka about sa atin,” sabi ni Lumiere.“A-Actually, hindi naging maganda ang nangyari sa atin nitong mga nakaraang taon. But, I realize last night na kailangan mong malaman ang lahat. Promise me na hinding-hindi ka magagalit sa akin.”Bigla namang dumating si Coreen at pinukol niya ng matalim na tingin si Drake para huwag bumanggit ng kahit anong masamang memories kay Lumiere.“N-Nako halika na kayo sa dining para makapag-umagahan tayo.” muli niy

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 70

    NATAGPUAN ni Coreen ang anak na sapo-sapo ang mukha habang hinihintay na lumabas ang doktor na sumusuri kay Lumiere. Masyado ng maraming dugo ang nawala kay Lumiere, halos patay na siya ng matagpuan ni Drake.Lumapit si Coreen at umupo. “Son?” tawag ni Coreen. Bahagyang inangat ni Drake ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namumula ang mga mata.“Makakayanan ito ni Lumiere. Babalik siya sa atin.”“I know, Mom. Kayang-kaya niya ito,” Ngunit hindi niya napigilan ang hindi humagulgol ng iyak sa harap ng ina. Ito lamang ang nakakakita ng weak side ni Drake. Niyakap ni Coreen ang anak.“Be strong para sa kaniya anak. Magiging masaya na si Luke dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.”“Mom, sa tuwing nasa poder ko si Lumiere ay lagi nalang siyang napapahamak. Maybe I need to accept this. Pinilit kong bumalik siya pero bakit ganoon lagi siyang nalalagay sa panganib.”“Hahayaan mo nalang ba siya ngayon? Susundin mo na ba ang Dad mo?” pinunasan niya ang luha ni

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 69

    NAGSIMULA siyang mabalot nang takot para sa kaniyang buhay. Hindi na niya mapigil ang pagbuhos nang kaniyang luha ng oras ding iyon kasabay ang dumadagundong na kaba. Napansin siya ulit nang lalaki kaya’t muli siyang pinasadahan ng tingin at nilapitan.“Oh, Miss bakit ka umiiyak?” muling pa sanang magsasalita ang lalaki ngunit narinig nilang pareha ang pagdating nang isang kotse.Tinalikuran siya ng lalaki at tinungo kung sino ang nasa labas. Maya-maya pa ay nakarinig siya nang tunog nang nakatakong. Marahil ay ganito din ang naramdaman ng anak niya bago ito mawala.“Oooh my sweet cousin…” bungad nito. Naiangat niya ang ulo at pinagmasdan si Layla. Napaka-elegante parin nito sa pulang tight dress na suot nito.“L-Layla! Maguusap lang naman tayo hindi ba? P-Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa niya.“Sa tingin mo ay pakakawalan kita para ano? M-Maging masaya na kayo ni Drake? Wala akong ibang balak na gawin ngayon kundi ang tapusin ang kawawa mong buhay.” Kinuha niya ang baril mula sa kaniy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status