Beranda / Romance / You're Gonna Miss Me When I'm Gone / Kabanata 3 Hinding Hindi na Siya Babalik Doon

Share

Kabanata 3 Hinding Hindi na Siya Babalik Doon

Penulis: Cora Smith
Pinisil ng mga salitang "mamuhay nang magkahiwalay" ang puso ni Calista. Ito ay isang malungkot at masakit na pakiramdam.

Mabibilang niya sa dalawang kamay kung ilang beses bumalik si Lucian sa Everglade Manor pagkatapos nilang ikasal. Wala itong pinagkaiba sa pamumuhay nang hiwalay.

"Tatlong buwan na lang ang natitira. Ano pa bang point nang pagtira natin sa iisang bubong?"

Tinitigan siya nito ng ilang saglit. Tapos, nagsmirk siya.

"Ako ang magdedesisyon kung wala nang point o meron pa. Magrequest ka kay David ng dalawang oras na break ngayon. Ibalik mo ang gamit mo sa manor."

"Eh ku—"

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa kanya.

Nasa labas si David. Pinaalalahanan niya si Lucian, "Mr. Northwood, malapit nang magsimula ang meeting."

Itinaas ni Lucian ang kanyang manggas. "Labas."

Nanatiling walang kibo si Calista. "Lucian Northwood, hindi na ako babalik."

"Paulit-ulit ka ng sinasabi."

Hindi ito ang unang beses na nag-away sila. Kaya, hindi siya nabahala.

Hindi rin ito ang unang beses na sa ibang lugar pumupunta si Calista. Pero kadalasan ay inaabot lang siya ng ilang araw at bumabalik din sa manor.

Alam niyang hindi magpapatalo si Lucian at naisip niyang pag-aaksaya lang ng oras ang makipagtalo pa. Sa kalaunan, mauunawaan niya ang sitwasyon sa paglipas ng panahon. Sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik.

Lumabas siya ng opisina at dumiretso sa washroom. Kailangan niyang ayusin ang kanyang makeup. Mukhang magkakapasa ang baba niya mula sa pagkakahawak ni Lucian.

Pagkatapos nito, dadalhin niya ang kanyang resignation letter sa HR Department.

Saktong may tumawag sa kanya. "Calista, naubusan ng ink yung printer. Refill-an mo 'yan dali. Naghihintay kami."

Sanay na siya araw-araw na nakakakuha ng mga ganoong utos.

Bilang personal na assistant ni Lucian, kailangan niyang asikasuhin ang mga pagkain nito at pangasiwaan ang iba pang maliliit na bagay. Pero hindi pa rin siya nakaramdam ng approval ni Lucian.

Mas pinagkakatiwalaan ni Lucian si David na gawin ang trabaho ng isang assistant. Bilang resulta, nagiging utusan ng ibang empleyado si Calista

"Calista Everhart, sabi ko mag-refill ka ng ink."

Si Jenny Winchester iyon. Hindi niya gusto si Calista. Si Jenny ang nanunuya kay Calista kanina sa nalamang pakikipaghiwalay sa mayaman nitong boyfriend.

"Kahit mag-reresign ka na, be professional naman. Hindi pa official ang resignation mo."

"Ang trabaho ko ay sundin ang mga utos ni Mr. Northwood at asikasuhin ang mga pagkain niya. Sa tingin mo ba pwede kang mag-utos dahil lang wala siyang ibang inuutos sakin?"

Sa katunayan, maraming tao ang gustong maging personal assistant ni Lucian. Lahat sila ay naghihintay ng kanilang pagkakataon.

Isa si Jenny sa kanila. Desperada na siyang umalis si Calista at maging kapalit nito.

Sinamaan siya ni Jenny ng tingin. "Calista, naiwan mo ba ang utak mo sa kung saan? Nag-aasikaso ka ng mga pagkain ni Mr. Northwood? Nakita mo na ba siyang kumain ng inorder mong pagkain?"

Sumakit ang puso ni Calista sa kakaisip sa lahat ng nasayang na pagkain. Tapos, kumirotang dibdib niya. May ibinato sa kanya si Jenny na mga dokumento.

Mayabang na sabi niya, "Magprint ka ng 20 sets nito by 2 pm. Ms. Everhart, matuto kang lumugar."

Kumunot ang noo ni Calista dahil doon. Maya-maya pa ay may narinig siyang yabag sa likuran niya. Lumingon siya at nakita niya si Lucian at David na papalabas ng opisina.

Sinalubong siya ni Lucian ng tingin at ngumisi. Tila kinukutya siya, na parang sinasabing, "Sa tingin mo talaga kaya mong makipaghiwalay sa akin eh ni hindi mo nga magawa yang simpleng bagay na 'yan?"

Napabuntong hininga na lang si Calista at binato pabalik kay Jenny ang mga dokumento habang nakatingin si Lucian. Nagkalat ang mga papel sa sahig.

Bago pa makapag-react si Jenny, tumalikod na si Calista at naglakad palayo.

"Ms. Winchester, hindi lang natin kailangang matutunang lumugar, pero kailangan din nating matutunan na ang ibig sabihin ng hindi ay hindi.

"Isa pa, mahilig siya sa mga babaeng walang utak pero maganda ang katawan. Wala ka ngang utak, pero medyo flat ka naman."

Naglakas loob siyang magsalita ng ganun dahil magreresign na rin naman siya. Sulit ito, dahil nakakapagsalita siya ng masama tungkol kay Lucian.

Malungkot ang mukha ni Lucian, at itinikom niya ang kanyang mga labi.

Pagkatapos noon, pumunta si Calista sa HR Department para iabot ang kanyang resignation letter.

Tiningnan ito ng manager at sinabing, "Ms. Everhart, kunin mo na 'to. Personal assistant ka ni Mr. Northwodd. Mapaprocess lang namin 'to kung binigyan ka na niya ng permiso."

"Hindi na ako papasok simula bukas. Kayo na ang bahala kung bibilangin niyo yun as absence o kaya leave." madiin niyang wika.

Nataranta ang manager. "Hindi ito pwede ayon sa kontrata. Kahit mag-resign ka, may two-week transition period pa."

"Para saan pa kung ang trabaho ko lang naman ay mag-asikaso ng pagkain ng amo ko? kailangan ko pa bang turuan yung papalit sa'kin kung ano ang hindi kinakain ni Lucian? Naku baka mamatay lang yun sa gutom kasi inorder ko na lahat ng pwedeng orderin., " hinahamak niya si Lucian sa isip niya.

Wala siyang pakialam dito. "Edi dalhin ni Mr. Northwood sa korte."

Nang umalis siya sa Northwood Corporation, nakatanggap siya ng tawag mula kay Yara Quinn, ang kanyang matalik na kaibigan.

Inaya ni Yara si Calista na lumabas at uminom. Nag-aalala siya sa pagiging malungkot ni Calista pagkatapos ng balita kahapon.

Nakaramdam ng pagod si Calista kaya tumanggi siya. Bumalik siya sa hotel, nilaktawan ang hapunan, at natulog lang.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at gumising sa kanya. Tinignan niya ang oras at napagtantong 7:30 pm na pala.

Bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto.

Siya ang manager ng hotel. Nakatayo siya doon na may propesyonal na ngiti. "Hello, Ms. Everhart. Mukhang may problema sa kwarto mo, kaya kailangan natin itong ayusin."

"Bigyan mo na lang ako ng bagong kwarto, kung ganun." Hindi niya ginawang mahirap ang mga bagay para sa kanya. Sa halip, pupunta siya sa kanyang kwarto at mag-impake ng kanyang mga gamit.

Pero, pinigilan niya ito at sinabing, "Sorry po pero wala na pong available na kwarto. Narefund na po namin ang bayad. Dahil kasalanan naman po namin, waived na po yung compensation fee."

Huminto si Calista sa kanyang paglalakad, naalala niya na hiniling ni Lucian na bumalik siya pagsapit ng alas-8 ng gabi. Sa pagtataboy sa kanya ng manager ng hotel noong 7:30 pm, magiging tanga siya kung hindi niya makita ang totoong dahilan sa likod ng lahat ng ito.

"Yang sira ulong si Lucian Northwood ang nag-utos 'no? Hindi ako aalis!" Sa sobrang galit niya ay hindi niya napigilan ang kanyang mga salita.

Walang intensyon ang manager ng hotel na ilihim ito. "Ms. Everhart, please wag mo na akong pahirapan. Maliit na negosyo lang ang pinapatakbo namin."

"Anong maliit na negosyo ang madaling kumikita ng 15 million dollars?" tanong niya sa sarili dahil katawa-tawa ito.

Hindi mahalaga kahit gaano niya ipilit ang gusto niya, wala siyang pagpipilian kundi ang mag-check out.

Ang manager ng hotel ay matatag at handang i-waive ang compensation. Samantala, ang mga repairman ay nakatayo sa tabi ng pinto, na sinasabing pwede umanong sumiklab ang apoy dahil sa problema sa circuitry.

Sa huli, lumabas siya ng hotel dala ang kanyang bagahe. May kotseng naghihintay sa kanya sa entrance. Ito ay mula sa Northwood family.

Napansin siya ni Jonathan Whitman at mabilis na bumaba ng sasakyan para tulungan siya sa mga bagahe. "Madam Calista, inutusan po ako ni Mr. Northwood na sunduin ka."

"Sabihin mo kay Lucian na hindi na ako babalik." Iniwasan niya ito at pumunta sa malapit na hotel.

Hindi niya ito pinigilan, at hindi nagtagal, alam na niya kung bakit.

Ibinalik ng receptionist ang kanyang card. "Sorry po, pero declined po ang card niyo. May iba pa po ba kayong card?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status