หน้าหลัก / Romance / You're Gonna Miss Me When I'm Gone / Kabanata 4 Isang Pagdiriwang Para sa Pagtakas Mula sa Kalungkutan

แชร์

Kabanata 4 Isang Pagdiriwang Para sa Pagtakas Mula sa Kalungkutan

ผู้เขียน: Cora Smith
Ginagamit ni Calista ang credit card ni Lucian. Naisip niya na sayang ang paggamit ng kanyang pera para manatili sa isang hotel.

Tinawagan niya si Yara para tanungin ang address niya. Pagkatapos, nagmaneho siya papunta doon.

Sinundan siya ni Jonathan sa buong daan, pero hindi niya ito pinansin.

Isang palamuti ang nadali sa kanyang kamay habang inilalabas ang kanyang bagahe sa sasakyan. Dumudugo ito, buti na lang at hindi ito masyadong malalim

Nakatira si Yara sa ika-17 na palapag. Inaasahan niya si Calista, kaya iniwan niyang bahagyang nakabukas ang pinto.

Sandali siyang natigilan nang dalhin ni Calista ang kanyang bagahe sa loob ng bahay. Hindi ito binanggit ni Calista sa telepono.

Naisip ni Yara na parang tumakas si Calista sa bahay.

Nilampasan niya ang pagsusuot ng face mask habang tinutulungan niya si Calista sa mga bagahe. "Dapat sinabi mo sa akin na may dala kang mga luggage. Hinintay sana kita sa ibaba ..."

Tapos napansin niya, "May gasgas ka. Anong nangyari?"

Nag-alala si Yara at gustong kumuha ng medical kit. Pero pinigilan siya ni Calista.

"Ayos lang. Mababaw lang yan at malayo sa bituka."

"Napakaraming pera ang ginugol mo sa pag-aalaga ng mga kamay mo. Hindi ka ba pwedeng maging mas maingat? Tingnan mo ang mga pianists. Kung pwede lang nilang putulin yung kamay nila at itago sa isang safe, for sure matagal na nilang ginawa."

Natawa siya sa exaggeration ni Yara, na nagdagdag ng kaunting kulay sa kanyang madilim na araw. "Hindi naman 'to ganun kaseryoso."

Napatigil si Yara. Dahil andito na rin ang usapan, muli niyang ibinalita ang bagay na iyon. "Naaalala mo yung sinabi ko sa'yo? Nakapagdesisyon ka na ba?"

Nanatiling tahimik si Calista dahil hindi pa siya nakakapagdesisyon.

"Ilang beses na akong kinontak ni Jacob. Siya ang top historic preservationist sa bansa! Mga top dogs lang ang pwedeng magtrabaho sa field na 'yun.

"Pag-isipan mo. Siguro importante ka para sa kanya kaya personal pa siyang pupunta. Kung hindi lang dahil sa gusto mong ilihim ang pagkatao mo, matagal ko nang naibigay sa kanya ang number mo."

Si Calista ay isang bihasang historic preservationist. Natutunan niya ang craft na 'to sa murang edad mula sa nanay niya, kaya siya ay napakahusay. Kumuha rin siya ng mga kaugnay na courses noong college para dito.

Noong una, nagplano siyang magtrabaho sa isang museum pagkatapos ng graduation. Pero may nangyaring hindi inaasahan. Tapos, wala siyang choice kundi pakasalan si Lucian.

Sa lahat ng mga taong ito, nakakatanggap siya ng mga trabaho bilang isang freelance conservator sa pamamagitan ni Yara.

Ngayon, iba na ang sitwasyon. Hihiwalayan niya si Lucian at magsisimula ng bagong buhay.

Sandaling nag-isip si Calista at tumango. "Tinatanggap ko na 'yung offer."

"Totoo?" Nagulat si Yara sa sagot. Kung tutuusin, laging tumatanggi si Calista noon.

"Malay natin 'di ba. Makakapagsimula ako anytime."

"Anytime?" Nagulat na naman si Yara. "Pa'no naman ang trabaho mo sa Northwood Corporation? Nag-resign ka ba?"

"Oo, kahapon," kaswal na sagot ni Calista na para bang walang kinalaman ito sa kanya.

Napaisip si Yara. Ang trending na balitang nabasa niya kaninang umaga ay sapat na para bigyang kulang ang kanyang imahinasyon.

"Noon ka pa sana nag-resign. Napaka-g*go lang niyan ni Lucian Northwood! Hindi naman niya kinakain yung mga hinahanda mong pagkain, bakit ka pa laging pinapa-order?

"Bagay lang sa kanal ang isang snob na gaya niya. Magsama sila ni Lily. Makipaghiwalay ka na diyan. Tatlong buwan na lang din naman. Mas mabuti nang matapos ang mga bagay bagay nang maaga. "

Dahil sa pagod, napasandal si Calista sa sofa. Naging mahirap ang araw na iyon para sa kanya. "Nabring up ko nga ang divorce, pero ayaw niya. Sabi niya hintayin ko daw makumpleto 'yung tatlong taon. "

Umirap si Yara. "Oh 'di ba sabi sa'yo eh g*go 'yan eh. Tinanggihan ni Lily ang proposal niya at nag-abroad para ituloy ang career niya. I bet hindi ka niya bibitawan at makipagbalikan ng ganoon kadali.

"Sobrang babaw niya 'no? Pinapakita niya lang na great catch siya para 'di na siya ulit iwan ni Lily."

Hindi pa ganoon kalayo ang iniisip ni Calista. Natauhan lang siya nang banggitin ito ni Yara.

"Lucian Northwood, g*go ka! Ginagamit mo lang talaga ako!" Napaisip si Calista.

"Naku sinasabi ko sa'yo. Wag mo nang isipin ang courtesy. Ishare mo online 'yung marriage certificate niyo bago kayo mag-divorce. Makakatapat din ng hustisya 'yang dalawang 'yan. Para matawag na homewrecker ng mga tao si Lily!"

"Hindi na. Hayaan mo na sila Kung gagawin nating big deal, baka mahirapan pa akong maghanap ng boyfriend." Nanlaki ang mata ni Calista. Hindi niya akalain na magandang ideya iyon.

Kumislap ang mga mata ni Yara habang iniisip, "Boyfriend?"

Mukhang iiwan na talaga ni Calista si Lucian. Magandang balita! Dapat silang magdiwang!

Kumuha siya ng isang pack ng beer sa ref at binigyan si Calista ng isang lata. "Ito oh. Let's celebrate. Finally makakalaya na sa lungkot ang bestfriend ko!"

Akmang kukunin na ito ni Calista nang tumunog ang doorbell.

"Ugh sino kaya 'to," ungol ni Yara habang binuksan ang pinto.

Si Jonathan iyon. Hindi tulad kanina, desperado na siya ngayong matapos ang inutos sa kanya.

Kinapa niya ang leeg niya para tingnan si Calista sa sala. "Madam Calista, hinihintay po kayo ni Mr. Northwood sa baba. Tara na po."

Kumunot ang noo ni Calista. Hindi siya lumingon at parang naiinip. "Hayaan mo siyang maghintay, kung ganon."

Mayroon siyang beer na maiinom at isang kama na matutulugan sa unit ni Yara. Samantala, naghihintay si Lucian sa sasakyan.

Kahit gaano pa kalawak ang sasakyan ay hindi siya makakahiga at makapagpahinga nang maayos.

Wala siyang dapat ikatakot.

Nang matapos siya ay humigop siya ng beer.

Hindi maglalakas-loob si Jonathan na ihatid ang mensaheng iyon kay Lucian, maliban na lang kung may death wish siya. Wala na siyang maisip na iba kaya dinagdag niya, "Tinawagan ni Madam Selena si Mr. Northwood. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya—"

Nag-ring ang phone ni Calista habang nagsasalita. Ang nanay ni Lucian—si Selena Jenkin.

Pwede niyang huwag pansinin si Lucian kung gusto niya, pero hindi niya pwedeng balewalain ang tawag sa telepono ni Selena.

Sa paglipas ng mga taon, mas tinatrato siya ni Selena nang mabuti kaysa sa ginagawa ni Lucian.

Sa tuwing makakatagpo si Selena ng anumang maganda o mahal, palagi niyang sinisigurado na kunin ito para kay Calista. Isa pa, lagi niyang kinakampihan si Calista tuwing nag-aaway sina Calista at Lucian.

"Mom."

"Calista, tinawagan ko si Lucian. Sabi niya hindi mo siya kasama. Nag-night out na naman ba ang brat na iyon?"

Si Selena lang siguro ang naglakas loob na tawagin si Lucian ng ganun. Lagi niyang sinisigurado na nasa bahay siya tuwing tatawag siya.

"Hindi po. Andito ako sa bahay ng kaibigan ko. Birthday niya po kasi kaya sagot niya ang dinner ko." Hindi binanggit ni Calista ang tungkol sa hiwalayan, nag-aalala siya na baka ikasama pa ng pakiramdam ni Selena.

Si Selena ay nagkaroon ng matinding pagdurugo pagkatapos niyang ipanganak ni Lucian, na nag-iwan sa kanya ng mga pangmatagalang isyu sa kalusugan. Hindi rin siya nasa magandang kalagayan nitong mga nakaraang taon.

Samantala, napairap si Yara ng kanyang mga mata. Biglang naging birthday niya noong araw na iyon. Ang bilis makaisip ng palusot ni Calista.

Iminungkahi ni Selena, "Bumalik na kayo sa Stansend Manor pagkatapos niyan. Nasa trabaho pa ang Dad ni Lucian at hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Tumawag ka na ba sa doktor, Mom?" tanong ni Calista. Nag-aalala siya sa kalusugan nito.

"No. Hindi naman ganun kaseryoso eh. May nabili akong bracelet sa auction. Tignan po. Baka magustuhan mo. "

"Sige po." Sa wakas ay pumayag na rin si Calista pagkatapos ng sandaling katahimikan.

Kung tumawag sa kanya si Selena para lang bigyan siya ng regalo, tatanggihan niya ito. Kung tutuusin, hihiwalayan na niya si Lucian. Pero, sinabi ni Selena na hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya naisipan ni Calista na pumunta na lang din.

Alam ni Yara na imposibleng magbago ang isip ni Calista. Kaya, siya mismo ang nagpaalis sa kanya. "Maniwala ka sa'kin, may pakay siya kaya ka niyang tinawagan."

Nakaparada ang pamilyar na sasakyan malapit sa entrance ng apartment building. Nakasandal dito si Lucian habang naninigarilyo.

Nang marinig ang ingay, tumingin siya sa kanila nang may madilim at malalim na mga mata.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status