Share

Chapter 9

HAYA'S POV

Pagkapasok ko sa 7/11 store ay nakita ko si Yuie at ang mga kapatid niya sa isang table. Kumakain ang mga kapatid niya habang siya naman ay nakatanaw lang sa glass window ng store at mukhang malalim ang iniisip.

Pagkalapit ko sa kanila ay tumayo si Yuie mula sa pagkakaupo habang ang mga kapatid naman niya ay nginitian at binati ako.

"Haya, salamat at dumating ka." nakangiting sabi ni Yuie at napansin ko ang iilang sugat sa braso niya maging pati na rin si Shirley na busy sa pagkain ng cup noodles.

"Sinasaktan na naman ba kayo ng Mama niyo, Yuie?" nag-aalala kong tanong at umupo sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ni Yana.

Bumalik mula sa pagkakaupo si Yuie at malungkot itong tumango. "Naabutan ko kanina si Mama na sinasaktan si Shirley. Haya, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Mama. Pati ang mga kapatid ko ay nadadamay sa galit ni Mama dahil sa pag-iwan sa amin ni Papa." bumuntong-hininga siya at tinitigan ang mga kapatid niyang kumakain.

Naaawa ako sa sitwasyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status