Share

Kabanata 4

Author: corasv
last update Last Updated: 2022-11-03 18:45:39

NANG bumalik si Raquel sa hospital room ng kapatid ay nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na mukha.

     “I-ikaw?” naisatinig niya nang isara ang dahon ng pinto. “A-anong ginagawa mo rito?”

     “Hi!” nakangiting bati sa kanya ng lalaki. Ito ang lalaki na nagdala sa kanya sa ospital.

     “Si Aling Lolita, b-bakit wala siya rito?”

     “Ang tinutukoy mo ba iyong matandang babae na may nunal sa kanang pisngi?”

     “Oo. Nasaan siya at bakit ikaw ang naririto sa silid ng kapatid ko? Sinusundan mo ba ako?”

     “Maaari ba kitang makausap ng masinsinan?” sa halip ay ito ang isinagot nito sa kanya.

     “Wala akong panahon para e-entertain ka lalaki,” matapat niyang sabi. Itinuro niya ang natutulog na kapatid. “May malubhang sakit ang kapatid ko–”

     “May sakit na leukemia ang kapatid mo,” mabilis na sansala nito sa sasabihin niya.

     Nangunot ang noo ni Raquel. Marahil ay nabanggit ni Aling Lolita sa lalaki ang tungkol sa sakit ng kapatid niya.

     “Ngayong alam mo na ay maaari ka nang umalis!” pagtataboy niya rito.

     “Ako pala si Arthur Morri,” pakilala nito sa sarili. “We didn't get a chance to get to know each other when you were in the hospital.”

     Hindi tinanggap ni Raquel ang nakalahad na kamay ng lalaki. “Ano ba’ng kailangan mo sa ‘kin?”

     “Narito ako para tulungan ka.”

     Patda sa narinig si Raquel. Tumikhim siya.

     “At ano’ng kapalit?” Sinalubong ng mga mata niya ang tingin nito.

     “Marry me,” walang gatol na sagot nito.

     “Ano?” Nabigla siya sa narinig. “Nahihibang ka na ba? Bakit ako magpapakasal sa ‘yo, we are strangers!”

     “Kaya nga ikaw ang inaalok ko ng kasal. Sasagutin ko ang lahat ng gastusin ng kapatid mo sa ospital. Hindi ko kayo pababayaan.”

     Pagak siyang tumawa. “Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, lalaki. Bigla ka na lang dumating sa buhay ko tapos basta-basta ka na lang mag-aalok ng kasal. Maaring tama ka. Kailangan ko nga ng tulong pero hindi pa ako baliw para magpakasal sa isang lalaking estranghero!”

     “Makinig–”

     “Alis!” putol niya sa sasabihin pa sana nito. Itinuro niya ang pinto.

     “Here.” Inabot ng lalaki ang isang kamay niya. “In case you change your mind. I will leave my information card. And this one is an ATM card, it has money in it.”

     Dalawang card ang nakita niya sa kanyang kamay.

     “Binibili mo ako?” masama ang loob na tanong niya. 

     “I'm not buying you. I know you need money for your brother's treatment. Mahal mo ang iyong kapatid, 'di ba? If you want to save him from death, put down your pride and accept my offer.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

     Napakurap ng mga mata si Raquel habang nakatitig sa nagsarang pinto. Ngunit agad din nabaling ang tingin niya sa kapatid nang marinig itong umubo.

     “Oh, my God!” agad na dinaluhan niya ang kapatid. May dugong lumabas sa ilong at bibig nito. Sa labis na takot, pakiramdam niya sa mga oras na ‘yon ay humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan.

     “A-ate…” salitang nanulas sa bibig ni Mark. Napahagulhol ito ng iyak nang makita ang dugo sa kamay matapos punasan ang pulang likido sa ilong nito. “N-natatakot ako, ate. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko. Gusto ko pang makatulong sa inyo ni inay.”

     Nagtiim ang bagang ni Raquel nang banggitin ng kapatid ang kanilang ina. Hindi niya maamin sa kapatid na pinabayaan na sila ng ina. Lumuluhang niyakap niya ito nang mahigpit.

     “H-hindi ka mamamatay, Mark…” pampalubag loob niya sa kapatid. “Gagaling ka.”

     “Excuse me,” anang isang tinig sa likuran ni Raquel. Isang nurse na lalaki ang nakita niyang nakatayo sa bungad ng pintuan. “Ngayon po ang araw ng bone marrow biopsy test ng pasyente.”

     Napatango siya. Tigmak pa rin sa luha ang mga mata niya. Masuyong hinaplos niya ang mukha ng kapatid.

     “Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan ‘yan, Mark. Gagawin ko ang lahat, gumaling ka lang.”

     Nang ilabas sa silid na ‘yon ang kapatid ay nakatitig si Raquel sa hawak na card.

NASA tapat si Raquel ng private office ni Arthur Morri. May lumabas na isang babae, tantiya niya ay lagpas bente lang ang edad. Maganda ang babae dahil moderno, maikli ang gupit ng buhok at seksi ang style ng bestidang suot na above the knee at pitis sa katawan.

     Tingin niya ay galit ang babae base sa pagkakasimangot nito. Kasunod ng babae ang isang lalaki. Moreno ito pero bumagay sa lalaki at nagbigay pa nga rito ng anyong macho. Sabagay ay guwapo naman ang lalaki. At tipong kagalang-galang sa suot na gray na business suit.

     Nang hubarin ng lalaki ang suot na eyeglasses, patda si Raquel nang makilala ito.

     Arthur!

     “Dianna, magkita na lang tayo mamaya sa conference room!” sabi ng lalaki sa babaeng kalalabas lang ng opisina nito.

     Sa halip na sumagot ng pamamaalam, isang irap ang ipinukol nito sa lalaki.

     Napangiti lamang ang lalaki saka umiling. Nang tumingin ito sa kanya ay higit na naging matamis ang ngiti nito.

     “Hi,” anito. “Sorry to keep you waiting.”

     Napalunok si Raquel. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ang nakalahad na kamay ni Arthur.

     “R-Raquel.” Nakipagkamay siya sa lalaki.

     “Sumobra yata ang lamig ng aircon dito sa opisina,” biro ng lalaki. “Nanlalamig ka, Raquel.”

     “K-kinakabahan ako, e.” Nakagat niya ang ibabang labi.

     Binitiwan ng lalaki ang kamay niya saka niluwangan ang bukas ng pinto ng opisina. “Come in.”

     “S-salamat.” Pumasok siya.

     Maaliwalas ang loob ng opisina ni Arthur. Waring lahat ng bagay ay nasa tamang lugar.

     “Sit down,” ani Arthur habang patungo sa swivel chair nito.

     Umupo siya sa upholstered chair na nasa harapan ng mesa nito.

     “Pinag-isipan ko ang sinabi mo kahapon,” halos pabulong na wika niya. Tumikhim siya upang alisin ang kung ano man ang biglang bumara sa lalamunan niya. Ninenerbiyos siya kaya lalo pang kumuyom ang magkasalikop niyang mga kamay sa kanyang kandungan.

     “You're here in my office, does that mean you're accepting my offer?”

     Waring dumoble ang nerbiyos niya nang makitang bahagyang sumeryoso ang lalaki.

     Tumango si Raquel. Gipit siya. Katunayan ay nabawasan niya ang pera sa ATM card na iniwan nito sa kanya kahapon. Ginamit niya ang pera para sa biopsy test ng kanyang kapatid at sa mga gamot na kakailanganin pa nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You're The One I Love   Wakas

    MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s

  • You're The One I Love   Kabanata 48 – The Proposal

    PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na

  • You're The One I Love   Kabanata 47

    LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

  • You're The One I Love   Kabanata 46

    “OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi

  • You're The One I Love   Kabanata 45

    MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat

  • You're The One I Love   Kabanata 44

    BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan

  • You're The One I Love   Kabanata 43

    HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang

  • You're The One I Love   Kabanata 42 [ R-18️ ]

    ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin

  • You're The One I Love   Kabanata 41

    INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status