INILAPAG ni Raquel sa ibabaw ng mesa ang dalawang card na pag-aari ng lalaki.
“Sorry, nabawasan ko ang pera mo.” Nahihiyang nagyuko siya ng ulo. “Ginamit–”
“Ssh…. Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, Raquel. Kakailanganin mo pa ang bagay na ito.” Ibinalik nito sa kamay niya ang ATM card. “Huwag kang mag-alala, dadagdagan ko pa ang perang nasa ATM card na ‘yan.”
Nag-angat siya ng mukha. Malaking halaga ang nilalaman ng ATM card, nakita niya iyon kahapon nang mag-withdraw siya ng pera.
“S-salamat,” she said tearfully. Kinapalan niya na ang mukha. Totoong kailangan niya ng pera para sa mga test na gagawin pa sa kapatid.
Ang pagpayag na magpakasal siya kay Arthur ang naiisip niyang kasagutan upang mailigtas sa tiyak na kamatayan ang kapatid.
Ipinaliwanag ni Arthur ang magiging kasunduan nila sa kasal. Puro tango lang ang ginawa niya. Ang totoo ay hindi naman pumapasok sa utak niya ang mga sinasabi ng lalaki. Pakiwari niya’y naiwan sa ospital ang kalahating katawan niya. Nais niya nang malaman kung ano ang magiging resulta ng biopsy test ng kapatid.
“ANG seksi mo naman, Miss Raquel. Maswerte ako kapag kasingganda mo ako at kasinggwapo naman ni Papa Arthur ang pakakasalan ko!” wika ng baklang designer na si Levi. Pumipilantik pa ang mga daliri nito. Abot tenga ang ngiti nito habang sinusukatan siya para sa kanyang trahe de boda.
Nasa bahay siya ni Arthur sa Baguio City, ang lalaking pakakasalan niya. Mula sa terrace ay tanaw niya ang magandang tanawin ng Mines View Park. Pinaghandaan talaga ni Arthur ang kanilang magiging kasal. Mula sa mamahaling trahe de boda hanggang sa magandang kasalan na gaganapin mismo sa hardin ng Hacienda Del Prado.
Hindi makapaniwala si Raquel na tatlong buwan na lang ikakasal na siya. Ngunit wala siyang makapang kasiyahan katulad ng ibang babaeng ikakasal. Sa kabila ng karangyaan na maaaring matamo niya sa pagpapakasal kay Arthur.
Many say she is a modern Cinderella. Isa lang siyang anak ng magsasaka sa bayan ng Cavite. Nang mamatay ang kanyang ama ay naging domestic helper naman ang kanyang ina na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita tungkol dito. Ayon naman sa mapanghusgang dati niyang mga kaeskwela, ginamit daw niya ang kagandahan at puri upang maakit ang kanyang magiging asawa.
Magiging Mrs. Arthur Morri na siya, ikakasal sa lalaking pinapantasya ng maraming kababaihan. Hindi alam ng mga ito na ikakasal siya sa lalaking hindi niya mahal.
“O, bakit malungkot ka, hindi ba dapat ay masaya ka?” puna ni Levi sa kanya habang sinusukat ang beywang niya. “Ang bride dapat laging nakangiti.”
“Huwag mo na lang akong pansinin, Levi,” wika niya. “Iniisip ko kasi kung ano ang design na gusto ko,” pagsisinungaling niya pa.
“Hay, malaking problema nga ‘yan,” wika ni Levi sabay sampay ng medida sa balikat nito. Kinuha nito ang notebook na nasa bulsa ng apron na suot at isinulat doon ang sukat niya. “Hindi nakapagtataka na mahirapan kang pumili ng disenyo sa dami ng magagandang creations ko.”
“Levi, nakapili na ba si Raquel ng wedding gown niya?” tanong ni Dianna, ang personal assistant ni Arthur.
“Hindi pa,” sagot ni Levi. “Ngayon lang kami natapos sa pagsusukat.”
“Dianna, pwede mo ba akong tulungang mamili ng gown?” magiliw niyang tanong dito.
Nanlalambot na umupo sa sofa si Raquel. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit na ang ginawa lang naman ay magpasukat ng gown.
Pormal ang mukha na umupo sa single sofa si Dianna. Kinuha nito ang Bridal 2022 Collection at binuklat. “Tinawagan ako ni Arthur. Pinapunta niya ako rito upang tulungan ka. May napili ka na bang disenyo?”
Umiling lang siya bilang tugon.
Malamig ang pakikitungo sa kanya ni Dianna. Hindi kaila sa kanya na tutol ito sa pagpapakasal sa kanya ni Arthur. Kahit hindi niya tanungin ang babae, ramdam naman niyang lihim na umiibig ito kay Arthur.
Napipilitan siyang pakisamahan ito nang maganda dahil ito ang taong pinagkakatiwalaan ni Arthur. Hindi ito lalapit sa kanya kung walang utos mula sa lalaki.
“Okay,” tila tinatamad na wika nito. “Kapag may napili akong disenyo sa librong ito–”
“Excuse me, Ma’am Raquel,” singit ng isang kasambahay na bitbit ang cordless phone. “May gustong kumausap sa ‘yo.”
Kumunot ang noo niya. “Sino raw?”
Napansin niyang balisa ang kasambahay. Namumutla ang mukha nito na binigay sa kanya ang telepono. “Si Sir Zeus po.”
Nang marinig niya ang pangalang iyon ay ‘di sinasadyang nabitawan niya ang telepono, mabuti na lang nasalo iyon ni Dianna at ibinigay sa kanya.
Si Zeus Del Prado, isang kilalang negosyante na may-ari ng Del Prado International Chain of Hotels.
Samantalang ang Healthy Meat Corporation, business partner ang magkapatid na si Zeus Del Prado at Arthur Morri. Ang huli ang namamahala ng nasabing kumpanya dahil madalas naglalagi sa ibang bansa ang panganay na si Zeus. Anak ito ng ina ni Arthur sa unang asawa nito. Nang mamatay ang unang asawa nito ay saka naman nakilala ang ama ni Arthur. Magkapatid si Arthur at Zeus sa ina.
Hindi miminsang nabanggit sa kanya ng mga katulong at ni Arthur kung gaano kabagsik at kasungit si Zeus. Taliwas sa kapatid na si Arthur na mabait sa mga empleyado sa opisina, mga kawaksi sa bahay at laging mahinahon.
Napatitig siya sa mukha ni Dianna na parang nagtatanong ang kanyang mga mata kung dapat niyang kausapin si Zeus o magtatago na lang siya. Nang tanguan siya nito ay saka siya tumayo.
“Excuse me,” paalam niya kina Dianna at Levi. Mahigpit na hawak niya ang cordless phone.
Nagtungo siya sa balkonahe kung saan ay natatanaw niya ang berdeng lupain at asul na kalangitan.
“H-hello?”
“Raquel Vargas?” anang baritonong tinig. “This is Zeus Del Prado, Artur’s brother.”
Naramdaman niya ang panginginig ng kamay nang marinig ang boses nito. ‘Yon na ang pinakamakapangyarihang boses na narinig niya. Na kapag sinabing lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya inaasahang maapektuhan siya nang todo sa simpleng pagtawag lang nito sa pangalan niya.
“H-hi, Zeus!” sambit niya sa pinasiglang tinig. “H-hindi ko kasama si Arthur. May inaasikaso lang siya sa Manila at hindi ako sigurado kung makakapunta siya rito mamaya.”
Kailangan niyang pakitunguhan nang mabuti ang lalaki dahil ayaw niyang mapulaan nito. Kung magkakaroon man ng problema sa pagitan nila ay titiyakin niyang hindi sa kanya manggagaling.
“I'm not asking!” singhal nito sa kanya. “Ikaw ang gusto kong makausap, babae!”
MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s
PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na
LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.
“OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi
MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat
BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan