Share

Kabanata 3

Author: corasv
last update Last Updated: 2022-11-03 18:44:54

KINABUKASAN nang magising si Raquel ay agad niyang napansin ang isang basket na naglalaman ng pink roses sa ibabaw ng mesa. Awtomatikong napakunot ang noo niya habang iniisip kung sino ang maaaring nagdala niyon dahil sigurado siyang bago natulog kagabi’y wala pa ang mga bulaklak.

Marahan siyang bumangon. Medyo kumikirot pa ang sugat niya kapag nabibigla ang kanyang paggalaw. Pumasok siya sa banyo. Inayos niya at nilinis ang sarili. Pero habang nasa harap siya ng salamin at matamang nakatitig sa sariling repleksyon ay nakaramdam siya ng pag-aalala. Tatlong libong piso lang ang laman ng wallet niya. Paano kung kulang iyon para sa hospital bill niya? Ang perang ‘yon ay natirang allowance nila ng kapatid.

Nasapo niya ang sariling noo. Ang perang ‘yon ay pandagdag sana sa pambili ng gamot ng kanyang kapatid. Kung hindi pumayag ang ospital na paalisin siya kung hindi sapat ang kanyang pera para sa hospital bill ay iiwan niya ang kanyang gold necklace. Regalo iyon sa kanya ng ina noong eighteen birthday niya.

Paglabas ni Raquel ng hospital room ay diretso siya sa cashier.

“Miss, magkano ang babayaran ko?” parang dinadaga sa kaba ang dibdib na tanong niya. Mabilis na hinubad niya ang suot na kwintas.

“Ano ho ang pangalan?”

“R-Raquel Vargas.”

“Wala na ho kayong babayaran, ma’am. Binayaran na ho ni Mr. Arthur Morri ang bill n’yo.”

Natigilan si Raquel. Muli niyang isinuot ang kwintas.

“Pakipirmahan na lang ho rito, ma’am,” dagdag pa nito.

Mabilis na pinirmahan niya ang papel na inabot sa kanya ng kahera. Matapos ibalik iyon ay agad na siyang umalis ng ospital.

Halos kakaalis lang ni Raquel nang dumating si Arthur sa ospital. Pagpasok ng lalaki sa kuwarto ng dalaga’y wala na ito ro’n, sa halip ay isang hospital attendant ang nakitang nagliligpit ng kamang dating hinihigaan ni Raquel.

“Nasaan na ang pasyente?”

“Wala na ho, sir, lumabas na.”

May panghihinayang na nadama si Arthur sa narinig. Pinuntahan niya ang cashier. Bukod sa pirma ng dalaga’y wala nang ibang nakasulat sa papel na ipinakita sa kanya ng kahera. Hindi nito isinulat ang address o maski ang mobile number nito.

Nanlumo nang husto si Arthur. Saan kita hahanapin, Raquel Vargas?

“Sir!”

Napalingon si Arthur sa kanyang likuran. Ang hospital attendant na nakita niya kanina.

“Yes?” tanong niya rito nang makalapit sa kanya.

“May naiwan ho ang pasyente sa Room 24.” Ipinakita nito sa kanya ang kapirasong papel.

“Ano ‘to?” nakakunot ang noo na tanong niya sa babae at binistahan ang nakasulat sa kapirasong papel.

“Prescription, sir. Baka lang ho mahalaga ang nakasulat sa papel na ‘yan.”

“I see,” tumatangong sambit niya. “Thank you.”

BAKAS ang pag-aalala sa mukha ni Aling Lolita nang makita si Raquel matapos pagbuksan ng pinto ang dalaga.

“Raquel, ano ang nangyari sa ‘yo?”

Sunod-sunod na umiling ang dalaga sa kanyang kasera. Pumasok siya sa loob ng hospital room na kinaroroonan ng kapatid.

“May sugat ka sa noo.” Pinagmasdan nito ang kabuuan niya. “May galos at pasa ka pa sa magkabilang braso. Ano ba talaga ang nangyari sa ‘yo–”

“Ayos lang ho ako, Aling Lolita.” Umupo siya sa pahabang upuan na naroon. “Nahagip ako ng sasakyan pero ako naman ang may kasalanan.”

“Nasaan ang driver ng sasakyang nakahagip sa ‘yo?”

Humugot ng isang malalim na hininga si Raquel. “Hindi ko alam. Paggising ko kanina ay wala siya sa ospital.”

“Kaya pala hindi ka nakabalik dito sa ospital kahapon.”

Tumayo siya. Inilapag ng dalaga sa mesa ang basket ng bulaklak na nakita kanina sa mesa ng hospital room na pinanggalingan niya. Dinala niya ito para ipakita sa kapatid.

“K-kumusta na ho si Mark?” tanong niya habang masuyong hinahaplos ang noo ng kapatid. May nakatusok na karayom sa magkabilang pulsuhan nito. “Nagising na ho ba siya?”

“Kagabi nagising siya. Hinahanap ka niya pero sinabi kong may pinuntahan kang importante.”

“Aling Lolita, sinubukan kong tawagan si Mama…” Tuluyang tumulo ang luha niya sa mga mata. “Naririto na raw sa Pilipinas si Mama. Last year pa natapos ang kontrata niya sa Middle East.”

“Ano?” Halatang nagulat ang matanda sa narinig. “O, e, bakit hindi umuwi sa inuupahan n’yong apartment ang iyong ina?”

“May bago na ho siyang asawa at naninirahan sila sa Davao.” Nakita niyang kumurap ang talukap ng kapatid pero nanatili pa rin itong tulog. “Masakit man isipin, pero inabandona kami ni inay. Ano ngayon ang gagawin ko, Aling Lolita? Saan ako kukuha ng pera para sa pagpapagamot ni Mark?”

“May awa ang diyos, Raquel. Gagaling din ang kapatid mo.” Niyakap siya nito nang mahigpit. Naipikit naman niya ang mga mata. Mabuti na lang at mabait sa kanilang magkapatid ang kasera nila. “Hayaan mo’t hihingi ako ng tulong sa munisipyo at sa baranggay natin. Importanteng mabili natin ang mga gamot na kakailanganin ni Mark.”

Sabay silang napalingon sa pinto nang makarinig ng katok. Pumasok ang isang nurse.

“Sino ho ang pamilya ng pasyente?”

“A-ako.”

“Ma’am, may mahalagang sasabihin sa ‘yo si Doktora Sambere. Sumunod na lang ho kayo sa ‘kin.”

“S-sige…” Lihim siyang umusal ng dasal na sana'y hindi malala ang sakit ng kapatid.

Sa isang silid sila pumasok ng nurse. Lumabas din naman agad ito kaya naiwan silang dalawa ng doktor sa silid na ‘yon.

“We discovered that the patient had cancerous cells in his bone marrow. If we don't treat it early it will get worse.” Tinitigan siya sa mga mata ng doktor. “Masyadong mahal ang gamot na ginagamit sa pagsusuri ng ganitong uri ng sakit.”

“Diyos ko…” tanging nanulas sa kanyang bibig. Nanlalambot ang mga tuhod niya. Muntikan na siyang mabuwal sa kinatatayuan. Ngunit naging maagap ang manggagamot at nahawakan siya nito sa magkabilang braso. “Doktora, g-gawin n’yo ho ang lahat mailigtas lang ang kapatid ko.”

Napaiyak si Raquel sa kanyang mga palad. Napakabata pa ni Mark para mamatay. Labing isang taong gulang pa lang ang kanyang kapatid at marami pa siyang pangarap para rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You're The One I Love   Wakas

    MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s

  • You're The One I Love   Kabanata 48 – The Proposal

    PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na

  • You're The One I Love   Kabanata 47

    LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

  • You're The One I Love   Kabanata 46

    “OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi

  • You're The One I Love   Kabanata 45

    MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat

  • You're The One I Love   Kabanata 44

    BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan

  • You're The One I Love   Kabanata 43

    HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang

  • You're The One I Love   Kabanata 42 [ R-18️ ]

    ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin

  • You're The One I Love   Kabanata 41

    INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status