Wise men say: Only fools rushing.
But I can’t help falling in love with you.
- Can’t help falling in love, Elvis Presley
***
NAGDAAN ang mga araw na kagaya ng naka-ugalian. Wala naman ibang nagbago sa mga nakagawian ni April. Medyo naging madalas nga lang ang pagkahilo niya lalong-lalo na sa umaga. Hindi naman niya iyon pinapansin, alam niya kasing dahil lang iyon sa pagod dahil sa nagdaang exam week.
Simula noong hinatid siya sa bahay ni Cyril ay hindi pa niya ito nakikita muli. Pero kahit kailan ay hindi ito nawaglit sa kanyang isipan.
A night so wonderful like that takes time to forget. At alam niyang darating rin siya sa ganoong punto.
Mas mabuti na iyon sa kanyang palagay. Ayaw na niya ng dagdag alalahanin sa ngayon. Ang kailangan niyang gawin ay mag-focus sa research na siyang pangunahing kailangan para siya ay maka-graduate.
“Nahihilo ka nanaman? Napapadalas ata?” Tanong ni Kim nang mapansin niya ang kaibigang sapo-sapo ang noo habang naglalampaso. “Wala ka namang lagnat.” Sabi pa nito ng sinalat ang noo ng kaibigan.
“W-Wala ito. Kulang lang siguro sa tulog.” Sagot niya sa kaibigan.
“Sabi ko naman kasi sa’yo wag mo masyadong isipin iyong research mo. Sa talino mong iyan ay kayang-kaya mo yon.” Pagchi-cheer nito sa kaibigan.
“Akin na nga yang mop. Ako na ang maglalampaso dito. Buti pa doon ka nalang sa menu at asikasuhin mo iyong mga darating na customers.” Sabay agaw nito sa mop.
Agad naman siyang tumalima sa kaibigan.
“Good evening ma’am and sir! Welcome to Spotz! Table for?” Magana niyang bati sa bagong pasok na customer. Hindi niya kita ang bagong dating dahil nakayuko siya dahil na rin sa pagbati.
“Table for 2.” Sagot ng isang baritonong tinig.
Agad nagtaas ng tingin ang dalaga at nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi siya binibiro ng kanyang paningin.
Standing in front of her is the man who’s always running in her head these past few days.
Kung siya ay gulat na gulat, tila kabaliktaran ang reaksyon ng binata. Muka ngang hindi na siya nito natatandaan.
What do you expect, April?
“T-This way sir.” Agad niyang sabi dito ng makabawi.
Agad siyang napahinto nang marinig ang tinig ng kasama nito.
“Hon, bakit mo naman ako iniwan sa labas?” May bahid ng pagtatampo pa ang boses nito.
“Ang tagal mo kasing kumilos.” Balewalang sagot nito. Tila ba hindi nito ininda ang pagtatampo ng kasama. Makikita naman sa mukha ng babae ang pagkainis.
Agad dinala ni April ang dalawa sa lamesang pang-dalawahan. Inabot niya sa mga ito ang menu. Kahit anong pilit niyang hindi manginig ang mga kamay ay hindi niya magawa, lalo na noong inabot niya ang menu sa binata.
Tila ba nakikita sa pangangatog ng mga kamay niya ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya.
“Anong order mo, hon?” Malanding tanong ng kasama nitong babae.
She knows the girl he’s with. Sino bang hindi makakakilala kay Stephanie Singson? The cheerleader and prime jewel ng kanilang university.
Ito ang mga tipuan ng binata. Yung mga babaeng magaganda, sexy at kayang-kayang dalhin ang sarili.
“Medium rare steak with mash potato and mixed veggies and a glass of this restaurant's signature red wine.” Sabi nito ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Hmmm… Mix veggies and pineapple juice lang ang akin. You know, I am on a diet.” Maarte pa ring sabi ni Stephanie.
Kahit inis na inis siya sa inaakto ng binatang akala mong hindi siya kilala at sa kaartehan ng babaeng kasama nito ay binigyan niya ito nang isang ngiti.
“Okay ma’am, sir. Your orders will be serve in 15 minutes.” Pagkatapos ay kinuha niya ang menu ng mga ito at agad pumunta sa kiosk para i-punch ang mga order.
Sa loob ng limang minuto ay kitang-kita niya kung paanong mag-usap ang dalawa. Kulang na nga lang ay paikutan ng kurtina ang pwesto ng mga ito dahil na-e-eskandalo ang mga nakakakita.
Mariin siyang napapapikit habang nakikita ang ginagawa ng mga ito.
A total jerk! Iyon na lang ang nasabi niya sa sarili.
Pagkaraan ng 15 minutes ay okay na ang mga order nito. Habang dahan dahan niyang binababa sa lamesa ang order ng mga ito ay ‘aksidente’ siyang natapunan ng pineapple juice ng kasama nitong babae.
“Ow! Sorry! Nadulas sa kamay ko.” Hingi nito ng dispensa na halata naman galing sa ilong. Alam rin niyang sinasadya nito ang pagtapon sa kanya ng juice.
Nang tingnan niya ang paligid ay nakatingin halos lahat sa kanilang direksyon. Including sir Leon and Kim. Si Kim ay handa pang sugurin ang babae dahil alam rin nitong sinadya nito ang pagtapon.
“N-No problem ma’am.” Magalang pa rin niyang sabi dito habang pinupunasan ang nabasang pantalon. “Papalitan ko nalang po iyong juice.” Sabi niya habang kinuha ang baso nito para palitan ng bago.
Agad siyang umalis sa lamesa ng dalawa. Sa pag-alis niya ay hindi sinasadyang magtagpo ang mata nilang dalawa. She can’t read his eyes but she can clearly see that he is pissed.
Kanino? Sa akin? Tanong niya sa sarili.
Pinaubaya na niya sa ibang kasamahan ang table ni Cyrill. She went to their locker para sana makapag palit ng bagong pantalon.
Papasok palang siya sa locker room ng may humigit sa kanyang braso at mabilis siyang pinasok sa loob niyon. Narinig pa niya ang pag-lock ng pintuan.
Agad nag-eratiko ang tibok ng kanyang puso. Una dahil sa takot pero ngayon ay dahil sa kung sino ang humigit sa kanya. She can clearly recognize his smell, those brown eyes and those kissable lips!
Agad naningkit ang mata ni Cyril. He’s pissed to Stephanie dahil sinadya nitong tapunan ng juice si April.
Naiinis kasi ang dalaga dahil wala dito ang atensyon niya kundi nakay April. She’s the one initiating the public display of affection para makuha ang atensyon niya.
He’s here not for a date. But to see April up close. To feel her again. Her skin, her smell, and of course her lips.
Kaya hindi na niya na pigilan ang sarili at hinigit ito papasok sa locker room. Pakiramdam niya ay sasabog siya kung hindi niya matikman muli ang mga labi nito.
“I’ll kill for this lips.” Sabi niya habang marahang hinahawakan ang mga labi nito. Pagkaraan ay marahan niyang inangkin ang mga ito. Ninamnam ang bawat bahagi, wala pa ring pinagbago. Still the tastiest lips he ever kissed.
Marahan siyang bumitaw sa halik. Kapag hindi niya pinigilan ang sarili ay ma-a-angkin niya ulit ito. At wala siyang pakialam kung sa loob ng locker room at kung sino man ang makakakita sa kanilang dalawa.
Kung gaano siya kabilis dumating ay ganoong din siya kabilis nawala at iniwang nakatulala si April.
For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading! Please wash your hands regularly, humans! Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :) Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :) You can use the #YoungHearts RNL Stories
*** MONDAY afternoon sa university na pinapasukan ni April. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit sobrang antukin niya nitong mga nakaraang araw. Muntik pa nga siyang mapagalitan ng professor niya dahil naka-idlip siya sa klase nito. Buti nalang at naiintindihan nito na may part time job siya at maaaring pagod lang siya ngayon. Pero hindi naman siya sobrang pagod sa trabaho. Hindi na rin siya masyadong busy sa research niya dahil malapit na niyang matapos ang first part nito. Maaga rin siyang natutulog sa gabi, ganoon pa man ay hirap na hirap pa rin siyang bumangon sa umaga. Katulad na lang ngayon. Nasa library siya para sana maghanap ng mga librong magiging reference niya sa research. Pero hindi siya makapag-concentrate dahil hinihila siya ng mga upuan sa dulong bahagi ng library para matulog. Meron siyang isa’t kalahating oras na vacant at kailangan niya itong gugulin sa paghahanap ng references para sa research niya ng hindi siya mahuli sa schedule. Pero iba ang gusto ng kat
Cause it’s you who fills the emptiness in me. It changes everything, you see. When I know I’ve got you with me. - You, Basil Valdez *** DALAWANG linggo na ang nakaraan matapos ang insidente sa library. Aminado siyang medyo nag-expect siya sa binata dahil sa nangyari sa restaurant. Nakalimutan niyang playboy nga pala ito. Sanay sa mga ganoong bagay. She sometimes sees Cyril around the campus. Well, this time with a different girl. This should be an ordinary day for April. Pero ang sama talaga ng timpla ng katawan niya. Nagsuka pa nga siya kanina pagkagising. Pagkatapos noon ay wala na siya sa mood. Ngayon naman ay gusto niya ng manggang hilaw. Kamalas-malasan pa ay wala sa dati nitong pwesto sa labas ng kanilang campus ang tinderang suki niya. Ramdam na ramdam ni April ang panunubig ng mga panga dahil sa pagka takam sa manggang hilaw. Kailangan kong makakain noon. Pakiramdam ko ay mababaliw ako anumang oras kapag hindi pa ako nakakain ng manggang hilaw. Sabi nito sa saril
*** NANGILABOT si April sa sinabi nang kaibigan ni Cyril. Kilala niya ito, sino bang hindi nakakakilala sa dalawang mala-demigod na lalaki na iyon? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil nandoon si Cyril. Pero ang mas inaalala niya ngayon ang sinabi ng kaibigan nito. Para siyang upos na kandilang napaupo sa bench malapit sa gate. Nang banggitin ng kaibigan ni Cyrill ang tungkol sa buntis ay isa lang ang naisip niyang gawin. Ang tumakbo. Panganay siya at meron pa siyang apat na malilit na kapatid, saksi siya sa pagbubuntis ng kanyang ina kaya pamilya siya sa mga sintomas ng pagiging buntis. She clearly have the signs. Bakit hindi niya napansin ito agad? Her sudden cravings. Ang madalas niyang pagiging antukin at ang pagsusuka niya kaninang umaga. Idagdag mo pa ang pagiging delay ng monthly period niya. She’s regular. Namamawis na ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan na rin siya ng malapot. Agad niyang naisip ang kanyang mga pangarap. She’s in the last year of
Wag kang matakot. Di mo ba alam nandito lang ako, sa iyong tabi. Di kita pababayaan kailan man. - Huwag kang Matakot, Eraserheads *** LITONG-LITO ang dalaga. Hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Wala siya sa sarili, kaya kahit meron pa siyang huling klase ay agad siyang umalis sa campus nila at tumuloy sa trabaho. Kim is on duty at kaunti lang rin ang mga kumakain sa restaurant. “Oh bat ang aga mo? Closing ang shift mo ngayon diba?” Tanong nito sa kanya habang nag-aayos ng mga untensils sa bakanteng lamesa. Hindi siya kumibo at nag dire-diretso sa locker room. Wala sa sariling nilagay niya ang mga gamit sa loob ng locker. Pagsara nito ay agad siyang napadausos paupo. She hug her knees and like a lost girl, cried her hearts out. “April?” Bumukas ang pintuan ng locker room at niluwa noon ang kaibigan. “Anong nangyari?” Agad siyang dinaluhan ng kaibigan ng makita siyang umiiyak. Bakas sa boses nito ang pag-aalala. “Anong problema? Bakit ka umiiyak, huh?” Sunod-su
~~ Masama ang pakiramdam ni April but she needed to work. Sobrang na-drain siya sa pag-iyak nila ni Kim at sa kaalamang buntis siya. Kim gave him a plastic of oranges bago ito umalis kanina. Tanong din ito nang tanong sa mga pagkaing gusto niya at sa mga hindi niya gusto. Sa totoo lang ay hindi niya alam. Wala pa siyang ibang nararamdaman bukod sa matakaw siya sa tulog. Nine ng gabi natapos ang shift niya sa Spotz. Kagaya noong mga nakaraang gabi ay may pakiramdam siyang may sumusunod sa kanya ngayon. Sobrang takot ang nararamdaman niya dahil mag-isa siya ngayon, wala si Kim na kasabay niyang umuwi. Lakad takbo ang ginawa niya para makarating sa terminal ng jeep sa kanto. Syempre nag-iingat siyang madulas, hindi na lang dapat ang sarili niya ang iniisip. There’s a little monster inside her right now. Pero napa-preno ang paa niya nang may maamoy sa paligid. Kasunod nito ay ang pagkalam ng sikmura niya. Wala sa sariling napahawak siya sa ulit sa tiyan. Ngayon lang niya na
We do it in the dark, with smiles on our faces. - The Take Over The Breaks Over, Fall Out Boys *** 4 DAYS have passed since the day April discovered her real condition. Apat na araw na rin niyang kinikimkim ang tungkol dito. Tanging ang kaibigan lang ang may alam sa tunay niyang kalagayan. Nagising siyang sobrang sama ng pakiramdam. Ito na ata ang simula ng kalbaryo niya. Wala pa siyang balak bumangon sana pero hindi ata nakisama ang kanyang anak. Bumangon siya at agad-agad na pumasok sa banyo. Sinuka nya ang kinain ng nagdaang magdamag hanggang sa pakiramdam niya ay buong bituka, atay at baga niya ay nailabas na niya. “Abril, anak? Okay ka lang?” Katok sa kanya ng ina. Ipinikit niya ang mata at nagbilang hanggang sampu. Sa ganoong paraan ay inaasahan niyang mawawala ang hilo. Salamat sa Diyos dahil effective ito. Dali-dali siyang nag mumog at lumabas ng banyo only to see her mother standing adjacent. Matulis ang mga mata nito at sinuri siya mula ulo hanggang paa. Pagka
*** HINDI niya na nakita si Cyril simula noong nagkita sila sa ilalim ng punong manga. Hindi pa rin niya alam kung anong dapat gawin. Mabuti siguro kung sabihin muna niya sa ina bago kay Cyrill. Kahit iresponsable ito, he needed to know. Nasa World Literature class siya ng oras na iyon. Kahit na kaklase niya dito ang binata ang hindi niya ine-expect na makita ito dito. After all hindi naman pumapasok si Cyril sa klase na ito. She’s doing everything she could so she would stay awake during the whole class. 15 minutes palang ang nababawas sa one and a half na klase na ito pero feeling niya ay 10 oras na. She’s so
But I am only human and I bleed when I fall down. - Human, Christina Perri *** HINDI na nakapasok sa susunod na klase si April. Hindi na rin siya nakapasok sa part time job niya sa Spotz. Tinawagan nalang niya ang kaibigang si Kim para ipaalam siya kay sir Leon. Hindi siya madalas mag-absent kaya alam niyang hindi siya pagagalitan nito. Masyado siyang na-drain sa naging usapan nila ni Cyrill. Alam niyang easy-go-lucky ito. He grew up with a golden spoon, hindi nito alam ang salitang hirap. Pero hindi naman niya