Home / Romance / Yvonne, The Vengeful Wife / CHAPTER 3 - SALUNGAT SA KAGUSTUHAN

Share

CHAPTER 3 - SALUNGAT SA KAGUSTUHAN

Author: keity_cutie
last update Last Updated: 2022-08-29 18:50:20

YVONNE'S POV.

Mabilis na lumipas ang maraming buwan ng buhay mag-asawa naming dalawa ni Ervin. Masasabi kong naging masaya ako sa kaniya nang sobra pero habang tumatagal, unti-unti kong nakikita ang tunay niyang pagkatao.

Mabilis uminit ang ulo niya. Mabilis siyang mairita kapag tanong ako nang tanong sa kaniya at siya pa itong galit na galit kapag pinagsasabihan ko siya tungkol sa mga kalat niya.

"E, 'di ikaw ang magligpit! May mga kamay at paa ka naman para gumawa niyan, 'di ba?" asik niya.

Lalong nagdidilim ang paningin ko.

"Ikaw itong gumamit at nagkalat niyan! Dapat matuto kang itabi ang mga ginamit mo kasi ako, wala akong ibang ginawa kung hindi ang sundan lahat ng kalat mo. Linis ako nang linis tapos kalat ka naman nang kalat. Ervin, wala ka namang katulong sa bahay! Hindi ba pwedeng magkaroon ka ng sarili mong disiplina sa kalat mo? Napapagod na ako sa laki ng bahay na 'to na pinupuno mo ng dumi mo, e!" pagbubunganga ko.

Halos maghapon na akong walang pahinga. Alas kwatro na ng hapon ngayon. Sa sobrang laki nitong bahay namin, nakakapagod talaga linisin tapos itong asawa ko, nagkakalat pa! Nakita naman niyang kanina pa ako naglilinis.

"Napakadakdak mo! Hindi mo na lang gawin! Nakita mo namang on-game ako."

Lalong kumulo ang dugo ko at pakiramdam ko ay sasabog ako sa katwiran niya.

"Bwisit na laro na 'yan!" Kinuha ko ang cellphone niya at ibinalibag sa kung saan.

"Ano bang ginagawa mo, ha?"

"Puro ka laro! Imbis na tulungan mo ako sa gawaing bahay kahit na ngayon lang tutal ay day off mo naman, inaatupag mo 'yang laro mo! Naglalaro ka na nga lang, nagkakalat ka pa! Tignan mo iyang sofa at lamisita, punong-puno ng tapon-tapon mong chichiria! Kakalinis ko lang niyan kanina tapos ngayon lalanggamin na naman!"

"Pwede ba, Yvonne?! Tigil-tigilan mo ako sa kadakdakan mo at baka hiwalayan kita!"

Sinalubong ng mukha ko ang hindi inaasahang pagsampal niya nang malakas sa pisngi ko. Kulang na lang ay bumaligtad ang mukha ko sa lakas niyon. Napahawak ako sa pisngi ko na pakiramdam ko'y namumula. Tinignan ko siya bago siya umalis. Tinapunan muna niya ako nang masamang tingin bago siya umakyat sa itaas.

Hindi ko tuloy napigilan ang pagluha. Tinignan kong muli ang mga kalat niya sa sofa. May boxer pa rito. Dito niya rin pala nilagay 'yong pawis na pawis niyang t-shirt kanina na ngayon ay humahawa na ang mabahong amoy sa sofa. Napaupo na lang ako at naiyukom ko ang kamao ko.

Palagi na lang ganito ang asawa ko. Ano ba ang tingin niya sa akin? Katulong? FYI, asawa niya ako!

I sighed.

Kaysa punuin ko ng sama ng loob ang puso ko, iniligpit ko na lang ang kalat niya nang matapos na ako at makapagpahinga. May gagawin pa ako sa kwarto mamaya para sa mga report na pinapagawa ng asawa ko sa 'kin.

Nakakapagod naman.

Dalawang oras pa ang nagdaan nang matapos ako. Mahigit nang alas-sais ng gabi ngayon at pagluluto naman ang ginagawa ko. Hindi pa rin ako nakakaligo kaya naliligo pa rin ako ng malagkit kong pawis.

Inamoy-amoy ko ang sarili ko. Ang baho ko na pala.

"Honey, ano'ng ulam?" malakas na sigaw ng asawa ko habang bumababa ng hagdan.

Napabuntong hininga ako. Pagkatapos niyang maglaro sa computer ko sa kwarto ng laro niya, ayan! Pagkain ang hinahanap.

"Pork steak, honey," sagot ko naman na halata na ang pagod sa boses ko.

"Really? Masarap 'yan!" aniya.

Hindi ko na nagawa pang kumibo. Pakiramdam ko'y unti-unti nang namamanhid ang mga paa ko dahil kanina pa ako nakatayo.

Tinikman ko ang sarsa ng ulam. Masarap naman. Pwede na siguro ito at kanina pa kumukulo. Malambot na rin ang karne.

"'Di ba, pork steak ang ulam? Pero bakit ang baho rito? Amoy masangsang!" reklamo niyang ikinakunot ng noo ko nang lingunin ko siya.

Ipinatong ko sa lamesa ang pork steak at inamoy-amoy ang paligid.

"Wala namang amoy masangsang, ah? Okay ka lang ba?"

"Hindi. Meron, e. Ang baho talaga!" Hindi na maipinta ang mukha niya nang halos ay pagdikitin niya ang ilong at nguso niya kasabay ang mistulang pagkalamutak ng mukha niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na masangsang na amoy.

"E, ano ba kasi 'yon?" nakapamewang ko nang tanong.

"Teka?"

Umamoy-amoy siya at parang sinusundan ng ilong niya ang naaamoy niyang mabaho. Nagsalubong ang kilay ko nang unti-unti siyang nakalapit sa akin nang umaamoy-amoy pa rin.

"E, ikaw pala ang umaamoy, e! Maligo ka nga ro'n! Napakabaho mo!" sigaw niya sabay tulak sa akin na nagpahiga sa akin sa semento.

Sa sobrang gulat ko ay halos makipaghalikan ako sa sahig nang sumubsob ang mukha ko roon. Mabilis na nanggihilid ang mga luha ko. Dumoble ang naramdaman kong pagod dahil sa ginawa niya.

"Nakakawalang-gana kainin ang pork steak na 'yan! Mabaho at marumi ang gumawa. Baka mamaya ay natapunan pa iyan ng pawis mo kanina o 'di kaya ay may dalang mikrobyo pa. Sarili mo nga hindi mo malinis, ang mga sangkap na ginamit mo pa kaya? Kakain na lang ako sa labas!" sigaw niyang muli sabay ang paglisan.

Hindi man lang niya ako tinulungang tumayo. Pagkatapos ko siyang ipaglinis at ipagluto ng masarap na pagkain, ako pa ang binastos niya!

Bumangon ako kahit na masakit ang kanang balakang ko na tumama sa matigas na semento. Tumakbo ako paakyat sa hagdan at kumuha ng malinis na damit sa drawer ko pagkatapos ay naligo sa banyo.

Kasabay nang pagtulo ng tubig sa katawan ko ay pagsabay din ng mga luha ko. Nakakapagod pero araw-araw ko siyang iniintindi. Ilang buwan pa lang kami simula nang ikasal pero parang sumusuko na agad ako sa mga ipinapakita niya.

Siya kaya ang maglinis ng dalawang palapag na bahay na may limang kwarto, isang guest room, dalawang CR at banyo, isang sala at isang malaking kusina na may garage pa sa labas, tignan lang natin kung hindi siya mag-aamoy pawis! Saka ang sagwa niya sa pagkakasabing ang sang-sang, ah? Ano ako? Isdang bilasa? Bwisit!

Magdamag kong hinintay ang asawa ko sa pag-uwi niya. Nauna na rin akong kumain. Sobrang tahimik sa bahay dahil ako lang mag-isa.

"Ano kaya ang kinain niya?" napapaisip kong tanong sa sarili ko.

Kibit-balikat na lang ako na nahiga sa sofa hanggang sa unti-unti ay nakatulog dahil sa matinding pagod.

MASAKIT na masakit ang ulo ko nang malingat ako. Muntik pa akong nahulog sa sofa. Binuksan ko ang cellphone ko at mag-aalas-kwatro na pala ng madaling araw. Tinignan ko ang paligid at mukhang wala pa rin siya. Napahinga na lang ako nang malalim hanggang sa magdesisyon na akong umakyat.

Sana ligtas na lang si Ervin kung saan man siya naroroon.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto, halos atakihin ako sa puso nang makita kong nakabukaka siyang natutulog sa ibabaw ng kama.

"Juskong tao na ito! Ano'ng oras ba 'to umuwi?" Nilapitan ko siya at kaagad kong naamoy ang matapang na amoy ng alak sa kaniya.

Napabuntong hininga na naman ako.

Unti-unti ko na ring nakikita ang mga bisyo niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 23 - BAKIT NGA KAYA?

    YVONNE'S POV.Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko. Pinatay ko iyon at saka bumangon sa lapag. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng katawan ko dahil masyadong malamig ang semento. Tinignan ko si Ervin na masarap ang pagkakatulog sa kama.Napangiti ako ng mapait at saka na tumayo.Pagkatapos ko kasi siyang ipagluto kagabi, basta na lang niya iniwan sa akin ang mga tira-tira niyang pagkain at saka na siya umakyat sa itaas para matulog. Nagulat na lang ako nang makaakyat ako, solo na niya ang kama. Hindi ko na siya ginising at nahiga na lang ako sa lapag. Ayoko naman sa couch dahil natatakot ako. Paano kung may multo pala roon?I sighed.Hindi na ako naghilamos at nagmamadali ko nang tinapos ang lahat ng trabaho sa bahay. Simula ngayon ay dapat matuto na ako. Kailangan ay 4:30 pa lang ng madaling araw, gumising na ako kung umaga ang duty ko para malinis ko muna ang bahay at maipagluto ko si Ervin. Kailangan sa pag-uwi ko naman, ganoon din ang gawin ko kaysa naman bungangaan ko p

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 22 - PAGSISISI

    YVONNE'S POV.Nakangiti ako nang lumabas ng opisina. Madilim na ngayon sa labas pero ang gaan ng pakiramdam ko kahit na nakakapagod ang araw na ito. Ang sarap kasing magtrabaho, e. Parang sandali kong nakalimutan ang mga problema ko.Dire-diretso akong naglakad palabas ng kompanya. Dahil hindi naman ako susunduin ng asawa ko, sasakay na lang ulit ako sa jeep. Mas mura kasi roon kaysa sa tricycle o taxi, e.Mula sa kinaroroonan ko, isang babae at lalaki ang nakita ko sa isang madilim na sulok na mukhang may ginagawang kababalaghan.Napailing ako. Hindi man lang nila nagawang magtago.Naglakad na ulit ako nang bigla na naman akong natigilan at napahawak pa ako sa dibdib ko nang marinig ko ang malakas na pagsigaw at pagsampal ng lalaki sa mukha ng babae."Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo ako hinalikan?!" bumubulusok sa galit nitong sigaw."Ano ka ba naman? Mahal mo ako, 'di ba? May karapatan akong halikan ka!" sigaw rin ng babae.Muli akong napailing. Sa una lang 'yan! Kapag kayo nag-asa

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 21 - LIPSTICK

    YVONNE'S POV.Napahilot ako sa aking sintido nang sumakit ang ulo ko. Kaharap ko ang isang malaking screen ng computer habang kami ay tinuturuan para sa pinaka-unang gagawin namin mamaya bilang paninimula ng trabaho."Ang sakit naman pala sa utak nitong trabahong 'to. Malaki nga ang sahod, mabobobo ka naman," reklamo ko sa aking sarili at saka bumuntong hininga.Pinilit kong intindihin ang itinuturo ni Miss Shaneila. Siya ang naka-assign sa amin para gabayan kami sa unang araw ng trabaho namin pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan, ang daming nakatingin sa akin at nagpipigil ng tawa.Ano bang problema nila? Alam kong baguhan lang ako at talaga namang walang laman ang utak ko pero ano ba 'to?Mukha ba akong isinumpa?Break time kasi ng ilan sa kanila kaya nakakatawa-tawa pa sila. Sigurado ako mamaya lang, iyak tawa na naman sila.Ay, loka! Nagsalita ang akala mo, e, hindi baguhan.Hay! Bahala na nga sila. Kailangan kong mag-focus at baka mawalan pa ako ng trabaho sa ginagawa kong

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 20 - FIRST DAY

    YVONNE'S POV.Malawak ang ngiti sa aking mga labi nang sagutin ko ang tawag ni Akiro."Hello, frenny!" masayang panimula ko."Ay, wow! Kinikilabutan ako, ah? Ano'ng meron? Parang ngayon mo lang yata ako tinawag na frenny, ah? May good news ba?" tumatawang tanong niya."Of course! Magsisimula na ako bukas sa trabaho. Nakumpleto ko na ang lahat ng requirements ko.""Talaga? Oh, magandang balita! Uminom tayo sa unang sweldo mo," biro niya."Sige. Sagot ko ang alak at pulutan. Magdala ka na lang ng pitchel, baso, at yelo," biro ko rin.Parehas kaming nagtawanan habang magkausap sa telepono. Nandito ako sa kwarto at nakahiga. Sobrang gaan ng pakiramdam ko."E, maiba nga tayo? Alam na ba ito ng asawa mo?" Bigla siyang sumeryoso. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko."Teka, huhulaan ko. Hindi niya pa alam, 'no?""Hindi. Alam na niya. Nahuli niya ako kagabi na inaayos ang ilan sa mga requirements na naiwan sa envelope ko. Doon ay nalaman niyang nag

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 19 - PANAGINIP

    YVONNE'S POV.Dumidilim na nang makauwi ako. Tulad ng inaasahan ay madilim ang buong bahay. Sigurado akong wala pa ngayon si Ervin dito.Kailan ba naman kasi siya umuwi nang maaga, 'di ba? Minsan nga ang uwi niya, madaling araw na.Oo, naiisip kong baka nasa babae niya na naman siya. Hindi naman niya inaamin sa akin na wala na silang relasyon ni Sheila, e. Hindi nga niya nagawang depensahan ang sarili niya nang makita ko ang plastic ng condom sa bulsa ng pantalon niya at bahid ng lipstick sa kwelyo ng damit niya. Mas lalo pa nga akong nainis no'n kasi napunit ang laylayan ng damit niya. Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing naaalala ko iyon. Mukha kasing matinding sagupaan ang nangyari noon sa kanila.Nasasaktan na naman ang puso ko. Parang gusto ko na namang uminom ng alak at umiyak nang umiyak. Hanggang kailan kaya ako magiging tanga? Kapag sinampahan ko naman ng kaso si Ervin, malaking gulo iyon. Magiging usap-usapan kami sa kompanya at sa mga business partners namin pati sa mga s

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 18 - NAKAW NA SANDALI

    ERVIN'S POV.Nananabik akong naghihintay sa pagdating ni Sheila. Napakatagal naman kasi niya. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang maglabas ng init ng katawan."Babe, nasaan ka na?" lumalambing na tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko."Malapit na, babe. Ikaw talaga. Excited ka na naman," pilyong sagot niya na halata kong kinikilig habang nagsasalita."Syempre naman. Ikaw 'yan, e.""Oh, sige na. Malapit na ako. Hintayin mo lang ako."Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibaba na niya ang telepono.Nakatayo ako sa gilid ng front desk kung saan ko hinihintay ang pagdating ni Sheila. Isang motel ang pinuntahan namin para maglibang at kalimutan ang problema.Galing siya ng Cebu at halos dalawang linggo roon kaya't parehas kaming sabik na sabik sa isa't isa. Susunduin ko sana siya sa kanila pero pinagbawalan niya ako. Dito na lang daw kami magkita para mas makapaghanda raw siyang ikinatuwa ko naman.Habang lilinga-linga sa paligid, isang anghel na kumakaway ang nakita ko. Gumuhit ang

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 17 - PAKIKIPAGSAPALARAN

    YVONNE'S POV.Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Ma'am Sofia na tanggap na ako."T-Talaga po?" natutuwa at gulat na gulat na tanong ko."Yes! I think, fit sa iyo ang trabaho na ito," nakangiti niyang sagot."Nako! Maraming salamat po! Kinagagalak kong makapasok sa kompanya na ito."Tinanggap ko ang kamay niyang gustong kamayan ang kamay ko at nagpaalam na nang sabihin niya sa akin na requirements na lang ang kulang ko at pwede na akong magsimula.Mahigit isang linggo na ang lumipas magmula nang magpasa ako ng resume sa opisinang ito. Akala ko nga noong una ay hindi na nila ako tatawagan para sa interview, e. Mabuti na lang talaga at natanggap ako. Nakakaloka! Makakahawak na ulit ako ng pera at mabibili ko na ulit ang mga gusto ko.Salamat sa Diyos na nagpapala sa akin. Magsisimba ako mamaya para magpasalamat.Habang abala sa paglalakad at pag-aayos ng mga dokumentong hawak ko ay isang lalaki ang bigla ko na lang nakabungguan."Aray ko!" sigaw ko nang tumama ang pwet ko sa semento.

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 16 - APLIKASYON

    YVONNE'S POV.Naging sunod-sunuran ako sa lahat ng utos ni Ervin sa nagdaang mahigpit dalawang buwan. Wala akong magagawa kung hindi ang sundin iyon at huwag magsalita kung hindi ay posible akong mapahamak at hindi na sikatan pa ng araw. Palagi siyang wala sa bahay. Halos maging katulong niya ako sa loob ng bahay. Walang araw na hindi ako umiyak lalo na sa tuwing nahuhuli ko siyang may ka-chat o ka-text na babae. Sa tuwing sinisita ko siya, nagagalit siya sa akin. Siya pa ang mas galit. Gusto ko na nga lang mamanhid para hindi na ako masaktan, e. Kapag daw bigla ay umalis ako ng bahay, ang mga magulang ko ang babalikan niya. Sa mga magulang ko siya gaganti. Ayokong mangyari iyon kaya nagpapakatanga at nagpapaalipin na lang ako sa kaniya, huwag niya lang sasaktan ang mga magulang ko. Kailan kaya ako makakawala sa mga rehas na ito? Kailan kaya ako magkakaroon ng kapayaan? Kailan kaya walang magiging bakas ng pasa sa mukha o katawan ko? Kailan kaya babalik sa normal ang buhay ko? Pinag

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 15 - BADYA NG KAPAHAMAKAN

    YVONNE'S POV.Inabangan ko sa bahay si Ervin. Tinignan ko ang relos na suot ko at pasado nang alas-siyete ng gabi nang makauwi siya. Nagpa-park pa lang siya ng kotse sa harap ng bahay ay mahigpit ko nang hinahawakan ang dos por dos na hawak ko."Siraulo ka talaga. Humanda ka ngayon sa akin!""Honey, I'm here!" sigaw niya mula sa labas ng bahay. Nang kakatukin na niya ang pinto ay kaagad ko iyong ibinukas at itinutok ko sa mukha niya ang hawak kong dos por dos na ikinalaki ng mga mata niya."Bwisit ka!"Nakakapanggigil! Sobra na!"H-Honey, b-bakit?" kinakabahang tanong niya at itinaas ang dalawang kamay kapantay ng ulo niya. Para siyang isang arestado na sumusuko sa mga pulis."Ang lakas ng loob mo para magtanong! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Ilang ulit ko siyang inambaan ng hawak kong dos por dos. Sobrang nanggigigil na ako!"H-Honey, a-ano bang kasalanan ko sa 'yo? Napapano ka ba?""Ikaw ang napapano! Ano ba ang tingin mo sa akin, ha? Kabit lang para makikabit ka rin sa iba?""Ha?

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status