Share

ZARCHX MONTENEGRO
ZARCHX MONTENEGRO
Author: Black_Jaypei

CHAPTER 1

“BAKIT ngayon ka lang Zarchx?”

Bungad ni Amary sa kaniyang asawa ng makapasok ito sa kanilang silid. Pasuray-suray ito halatang naka-inom na naman ito. Wala namang bago, mula ng maikasal siya dito at magsama sila sa iisang bubong walang gabi na hindi ito umuwi ng lasing.

Hinubad nito ang suot na jacket at pagalit na itinapon ito sa kung saan.

“Wala kang paki-alam! sino ka ba sa inaakala mo para question-in ang mga ginagawa ko?” Galit na sigaw nito sa kaniya na ikina-yuko niya.

Naramdaman siya ng takot.

“And who the hell are you to fucking lay on my bed?” Dagdag pa nito ng makita siyang nakahiga sa kama.

Kaagad namang napabalikwas ng bangon si Amary ng marinig ang nakakatakot na sigaw ng asawa na umalingawngaw sa buong kwarto.

Natatarantang inayos niya ang kama at binitbit niya ang libro na kaniyang binabasa. Napatingin siya sa kinaruruonan ng asawa. Masama itong nakatingin sa kaniya na para bang isang Leon na handa na siyang lapain.

Lumapit siya sa asawa. “Zarchx, mmay pakialam ako dahil asawa mo ako! Sa tingin mo tama bang umuwi ka ng ganitong oras?”

Hindi alam ni Amary kung saan nanggagaling ang lakas ng loob na sumagot sa kaniyang asawa.

Nagulat si Amary ng biglang hablutin ng asawa ang kaniyang panga at madiin itong hinawakan.

“Baka nakakalimutan mong sa pesteng papel lang tayo mag-asawa! Wag mong ginagamit sa akin ang buwisit na salirang ‘yan dahil hindi ‘yan bebenta sa akin! Pesteng merger agreement na ‘yan sa dami-dami ng babaeng pwedeng bumitbit ng pangalan ko, bakit ikaw pa?!”

“Kahit kailangan hinding-hindi ko gugustuhin na matali sa isang katulad mo! Mag-asawa tayo pero hindi ibig sabihin niyon pag-aari mo ako! I never gonna accept you as my wife, bitch!” Galit na galit na sigaw sa kaniya ng asawa habang mas pinagdidiinan pa nito ang pagkakahawak sa panga niya.

“A–Aray Zarchx n–nasasaktan ako...”

Mangiyak-iyak siya sa sakit na nararamdaman dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniyang panga, habang nakahawak rin siya sa kamay nito.

“Talagang masasaktan ka at masasaktan ka sa akin babae! Hindi lang ito ang matitikman mo sa akin. Ginusto mo ‘to ’ba? Pwes, pagdusahan mo!”

Napasalampak siya sa sahig ng patulak siya nitong binitawan. Sa higpit ng pagkakadiin nito sa panga niya, namanhid ang kaniyang mukha.

”Zarchx, lasing ka lang magpahinga ka—A-aray! Zarchx...”

Napatayo na lang siya ng biglang hilain ng asawa ang kaniyang buhok. Pakiramdam niya mahihiwalay na ang kaniyang ulo sa leeg dahil sa lakas ng pagkakahila nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung sa braso nito o ang sariling buhok ang hahawakan para hindi siya masaktan ng sobra sa ginawang pagsabunot nito sa kaniya.

Pinaharap siya nito dito dahilan para makita niya ang galit nitong mukha. She scared to him.

“Call me Leon, para malaman mo kung anong kayang gawin ng isang Leon sa isang nakakasuklam na daga!” Sigaw nito sa kaniyang mukha.

Na ikinapikit niya dahil sa sobrang takot dito.

“We’re not friends to call me Zarchx. Sa susunod na maririnig kung tatawagin mo ako ng ganiyan, makikita mo ang hinahanap mo!”

Binitawan nito ang kaniyang buhok dahilan para muli siyang mapa-upo sa sahig habang naghahabulan ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Naglakad ito papunta sa banyo, wala itong pakialam kung masasaktan siya sa mga binibitawan nitong salita ngunit wala ng mas sasakit pa ang maramdaman ang pananakit nito ng physical.

Halos mamanhid ang kaniyang ulo sa sakit ng pagkakasabunot nito sa kaniya. Ganu'n din ang kaniyang panga, mahapdi na ito. Inisip niyang lasing lang ito kaya nito nagawang saktan siya ng ganu'n.

Ngunit hindi ito ang unang beses na sinaktan ka niya Amary.—Pagpapa-alala sa kaniya ng kaniyang isipan.

Oo. Hindi ito ang unang beses na nakatikim siya ng pa nanakit ni Zarchx. Palagi nitong ipinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito ka hindi gusto. Pero hindi niya ito kayang iwan kahit na miserable ang buhay niya na kasama ito.

Hindi dahil sa ayaw niyang mabigyan ng kahihiyan ang kaniyang pamilya at ma disappoint sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit na ipinaparamdam nito sa kaniya dahil mahal niya ang kaniyang pamilya. Nagtitiis siya hindi lamang para sa pamilya niya kundi dahil sa mahal niya ang binata. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa kaya hindi niya ito kayang iwan.

Buwan pa lang naman ang binibilang niya sa pagtitiis dito. Hindi siya sumusuko dahil alam niyang maaga pa ang lahat para sa kanilang dalawa, maari pang magbago si Zarchx sa pakikitunggo nito sa kaniya.

Magbabago siya!

She want this marriage work. Gusto niyang maranasan at maramdaman kung paano maging masaya ang buhay may asawa. Gusto niyang maging masaya kasama ito. Gusto niyang magkaroon ng katahimikan ang kanilang relasyon.

Hangga't may bagong umaga may pag-asa, kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang isang umaga na minamahal na siya ng kaniyang asawa katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya.

Nanggaling ako sa kompleto at masayang pamilya. Sisiguradohin ko na magiging masaya rin ako sa aking asawa.

Hinding-hindi siya magsasawang maghintay kahit na gaano pa man ito katagal. Ganu'n niya ka mahal ang asawa, mahal na mahal.

Nanghihinang bumangon si Amary sa pagkakasalampak sa sahig at tinungo ang kaniyang silid pero bago siya pumasok nilapitan niya muna ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama.

Marahan niyang hinawi ang buhok nito na nakakatakip sa mukha noo. Mahimbing na itong natutulog kaya malaya siyang titigan ang gwapo nitong mukha na hindi niya nagagawa sa tuwing gising ito.

“Hinding-hindi ako napapagod na intindihin ka dahil mahal na mahal kita, Zarchx,” She force smile.

“Mamahalin mo rin ako...” Her tears leaky down to her cheek.

Hindi niya alam kung hangang saan siya dadalhin ng kaniyang pagmamahal pero isa lang ang alam niya, mananatili siya sa tabi nito anuman ang mangyari.

Titiisin niya lahat, magsasawa rin ito sa pananakit sa kaniya.

Nasa loob lang naman ng kwarto ni Zarchx ang kaniyang silid. Ang master bedroom ang silid ni Zarchx, malawak ito dahil sakop nito ang kalahating floor. Nakapaloob dito ang isang malaki at malambot na kama, mayroong mini-living room sa loob, tatlong pinto ang naruruon maliban sa main door, ang isa ay para sa banyo. Ang isa naman ay para sa walk-in-closet ng asawa, at ang isa ay ang study room at mini-bar.

Mayroon ring sliding door na aakalain mong design lang ito sa kwarto na hindi mo iisipin na isa itong secret room at ‘yon ang kwarto niya, isang malaking kama, dresser at isang malaking cabinet lang ang nasa loob nito.

Ibinagsak ni Amary sa kaniyang kama ang kaniyang katawan at nagsimula na namang manubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip kung anong kulang sa kaniya, kung anong mali sa kaniya para kasuklaman siya ng asawa ng ganito?

Wala naman siyang ginagawang masama dito halos lahat naman ginagawa niya para maging mabuting asawa. Tinitiis niya ang lahat ng sakit at paghihirap dahil gusto niyang maging maayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Nakatulog siya sa kakaiyak at hindi niya namalayan ang oras na umaga na pala. Nagising siya ng may liwanag na tumatama sa kaniyang mukha, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakatingin sa bintana kung saan nanggagaling ang liwanag.

Hangga't nakikita ko ang panibagong umaga may pag-asa! – Nasa isip niya at bahagyang napangiti.

Mamahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kaniya, hindi man ngayon pero darating ang araw na iyon.

Ramdam niya ang pamamaga ng kaniyang mata, mahapdi rin ang kaniyang panga na para bang namamanhid pa rin ito pero pinagwalang bahala niya ‘yon at lumabas ng kwarto niya para magtungo sa banyo. Magka-ibang kama man ang tinutulogan nilang mag-asawa pero iisang banyo lang ang kanilang ginagamit. Kaagad siyang lumabas ng kaniyang silid para ipaghanda ito ng almusal bago pumasok sa opisina.

Hindi nga siya nagkamali ng makalabas siya sa kaniyang silid nakita niya ang asawa na mahimbing pang natutulog. Naglakad siya papunta sa kama at pinagmasdan ito.

Bumaba na si Amary sa kusina para maghanda ng almusal, pinagluto niya ito ng sopas. Hinihanda niya na rin sa mesa para kapag bumaba na ito ay kakain na lang.

Habang nagtitimpla ng kape narinig niya ang yapag kaya magmamadali niyang tinapos ang pagtitimpla, masarap siyang magtimpla ng kape kaya nga gustong-gusto ni Klint ang timpla niya.

“G-Good morning, Leon, pinaghanda kita ng almusal, ito magkape ka muna.” Alok niya sa asawa ng makasalubong ito.

Tiningnan nito ang mesa kung saan ang hinihanda niya bago tiningnan ang tasa ng kape na hawak niya.

Sumilay ang munting ngiti sa labi ni Amary ng kunin ng asawa ang kape na itinimpla niya, nakatitig lang siya sa asawa habang humihigop ito ng kape. Hindi pa rin maalis ang ngiti na nakaukit sa kaniyang labi pero kaagad namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi na parang bula ng ibuga nito sa mukha niya.

“Putangina! Anong klaseng kape ba ‘to? Buwisit! Ang sama ng lasa kasing sama na ikaw ang bubungad sa umaga!” Pabagsak na inilapag ni Zarchx ang tasa sa mesa dahilan para matapon ito.

Nanatiling naka-awang ang labi ni Amary habang nakatingin dito, tumulo ang kaniyang luha, hindi iyon halata dahil basa ang kaniyang mukha dahil sa kape.

Pwede naman sa lababo idura ang kape na hinigop nito kung hindi gusto ang pagkakatimpla niya, bakit sa mukha niya pa ito ibinuga?

“Walang kwenta! Ikaw nagluto nito?” Turo nito sa sopas na gawa niya, tango lang ang na isagot niya dito. Nagbabakasakaling tikman nito ang niluto niya.

“Pwes kainin mo! Wag na wag kang magluluto na hindi mo kayang kainin. Naiintindihan mo?!” Tumango siya.

Kaagad naman itong nilisan ang kusina at narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto na may malakas na impact, maya-maya pa ay narinig niya ang paalis na tunog ng sasakyan.

Bumuhos ang kaniyang luha habang nanghihina na naupo sa isang upuan. Inabot niya ang tissue at pinunasan niya ang kaniyang mukha.

Pinagmamasdaan niya ang kaniyang mga ginawa. Hindi man lang nito pinansin ang hinanda niya, maging ang kape na itinimpla niya ay hindi nagustuhan.

She cry a loud. She's hurt.

Niligpit niya ang hinihanda niya wala siyang ganang kumain kaya umakyat na lang siya para maligo pero nadatnan niya ang magulong kama ng asawa. Nagkalat na damit nito na kung saan-saan nakalagay. She clean her husband bedroom.

Habang kinukuha ang ang damit ng asawa para labhan, may napansin siyang mantsa sa isa nitong puting long sleeve, hindi lang ‘yon basta mantsa dahil hindi na bata ang asawa para magkaroon ng ganito, nakakapag-taka na sa kwelyuhan pa ito. Inamoy niya ang damit hindi nga siya nagkamali, amoy babae ang damit nito. Her tears drop.

Naligo siya pagkatapos niyang linisin ang silid ni Zarchx at sinabay na ang paglalaba ng mga labada nito bago nagtungo sa kusina para magluto ng tangahalian. Tangahali na siyang nagising kaya pananghalian niya na lang ang kaniyang ginawa, dinamihan niya na rin ito para hindi na siya magluto ng dinner. Habang gumagawa ay walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata.

Niligpit niya ang pinagkainan niya at dahil wala siyang magawa nilinis niya ang malawak na garden at diniligan ang lahat ng halaman. Nasa Mansion siya ng pamilya ng kaniyang asawa, malaki ito at malawak masasabi niyang mala palasyo ito dahil pagpasok mo ng Sala dalawang hagdan ang bubungad hangang ikalawang palapag iyon at deritso pa sa itaas. Dahil malaki ang pamilya ng kaniyang asawa mula sa Lolo't Lola nito hangang sa kanilang mga apo ay pwedeng manirahan dito dahil may sari-sarili silang kwarto. Dahil ito ang Mansion ng buong angkan nila.

Sa panahong ito solo ni Zarchx ang mansion dahil wala sa bansa ang kaniyang mga ka-anak, at kung nandidito man sa pilipinas ay mayroon itong mga Condo na tinutuluyan at kaniya-kaniyang mansion.

Mga modern ang design ng Mansion dahil naging bahay pa ito ng magulang ng Lolo’t Lola ni Zarchx ngunit mas madami na rin ang mga bagay na bagong design hindi maikakaila na sobrang ganda nito mula sa mamahalin nitong design na para bang isang palasyo.

Napatigil sa pagdidilig ng halaman si Amary ng marinig niya ang doorbell. Nagtatakang dumungaw siya sa ibaba para makita kung sino ang dumating dahil wala siyang ka ideya-ideya na may bibisita sa kanila dito. Impossible naman na ang kaniyang asawa ang nag doorbell, eh hindi naman ito gawain ide sana narinig niya ang sasakyan nito.

Nagmamadaling binuksan niya ang malaking pinto para patuloyin ang tao sa labas, wala siyang nakitang tao sa labas ng gate kaya inisip niyang nakapasok na ito.

“Magandang tangahali po, Ma'am.” Tumambad kay Amary ang limang ginang na dumating, sa tingin niya ay mga katulong ito dito.

Mula kasi ng mapunta siya dito sa Mansion wala siyang nadatnan na katulong nagtataka nga siya kung bakit sa laki nitong mansion ay walang taga-linis.

“Hello po, sino po sila?“ Nakangiting tanong niya sa mga ito. Napansin niyang pinasadahan siya nito ng tingin na parang sinusuri siya ng mga tao kaya hindi niya maiwasang mahiya sa mga ito.

“Ah... Kami po iyong katulong dito na pinagbakasyon muna ni Master Leon, bumalik na kami dahil uuwi si Don Leon.” Tugon ng may edad ng ginang sa tingin niya ito ang mayordoma.

“Sige po, tuloy po kayo.” Magalang niyang sambit at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang mga ito.

“Siguro ikaw ang asawa ni Master Leon? Napakaganda mo naman Ma'am, ako pala si Lita ang mayordoma dito sa mansion.” Nginitian niya rin ang Mayordoma.

“Opo, ako po si Amary.” Pagpapakilala niya sa mga ito.

“Ang bait niyo naman Ma'am,” Papuri ng isa sa mga ito.

“Ako nga pala si Letty.” Dagdag pa nito, may edad na rin ito pero mas matanda pa rin sa kaniya si Manang Lita.

“Ito naman si Cris, Ina, at Rita.” Pagpapakilala ni Manang sa tatlong babae na mukhang hindi naman nalalayo ang edad ng mga ito kay Amary.

Nginitian niya ang mga ito kahit na hindi kanais-nais ang itsura ni Ina na nakatingin sa kaniya na para bang hindi siya nito gusto, ramdam niya iyon dahil hindi siya manhid na tao.

“Masaya po akong makilala kayo,” Masaya siyang makilala ito, mayroon na siyang makakasama sa bahay kapag wala si Zarchx.

“Siguradong pagod po kayo sa byahe, ikukuha ko po kayo ng maiinom.” Nakangiting sambit niya na ikinagulat naman ng mga ito na para bang may mali sa kaniyang sinabi.

“Hindi na po Ma'am, kami na lang ang gagawa para sa sarili namin isa pa, kami ang taga-silbi dito hindi iyong kayo ang magsisilbi sa amin.” Tugon ng mayordoma.

“Ang ganda-ganda niyo na nga po ma'am sobrang bait pa!” Papuri ni Lety sa kaniya.

“Ano ka ba Lety, hindi na bago ‘yan. Amo kaya natin ang kaniyang asawa kaya hindi na bago kung mabait ang napangasawa nito dahil nasa lahi nila ang pagkakaroon ng maganda, mabait at maunawaing asawa.” Tumango naman si Lety sa sinambit ng Manang.

Pagkatapos niyang makilala ang mga katulong na dumating masasabi niyang kilalang-kilala na ng mga ito ang bawat miyembro ng pamilya sa mga kwento nito sa kaniya.

Pinagpahinga niya na muna ang mga ito dahil paniguradong pagod sa byahe. Siya na rin ang pumilit na maghanda ng kanilang hapunan.

Bandang alasais na siya na tapos magluto kaya pumanik siya sa kwarto para maligo at ayusin ang kaniyang sarili.

7 PM na ng matapos siya ngunit wala pa rin ang asawa kaya napagpasyahan niyang sa ibaba niya na lang ito hintayin.

Pumunta siya sa sala para doon hintayin ang asawa, kahit na hindi alam niyang hindi ito masaya na siya ang sasalubong sa kaniya, binuksan niya ang TV para manood ng drama ng tumunog ang kaniyang cellphone.

AMBER CALLING...

[“Hello Amary-baby!”] Napangiti siya ng marinig ang masiglang boses ng matalik na kaibigan.

“Amber-babes! Kamusta ka na? Napatawag ka kamusta ang Europe?” Nakangiting tanong niya sa matalik na kaibigan.

Kaibigan niya na ito mula ng high school pa lamang pero ng makapagtapos sila ng kolehiyo napilitan ito na sa Europe manirahan.

Pinilit niyang pasiglahin ang kaniyang boses para hindi mahalata ng kaniyang kaibigan ang kaniyang lungkot.

[“Ayos lang ako Amary-baby, ikaw nga dapat itong kinakamusta ko. By the way ang Europe ay Europe pa rin.”] Nagtawanan silang magkaibigan sa kabaliwang sinambit nito.

“Baliw ka pa rin hangang ngayon.” Panunukso niya dito.

[“Yeah, crazy hate asshole dog keep on chasing me like hell! Napatawag lang ako para sabihing bumalik na ang best friend mo sa pilipinas.”] Nanlaki ang mata ni Amary sa tuwa ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Nandidito na ulit ito sa pilipinas pero ikinangiwi niya ng marinig ang tinutukoy na aso, si Lance ito. Isa sa kaibigan ni Zarchx ngunit ayaw naman ni Amber sa binata kaya ‘yon rin ang nagtulak na manatili sa Europe.

Hindi napansin ni Amary ang pagdating ni Zarchx dahil sa abala itong makipag-kwentuhan sa kaibigan at panay ang sakay niya sa kabaliwan nito dahil miss niya rin ang kakulitan nito.

“Talaga babes? Opo, oo na ito na nga po... Yeah, bye see you! Love you more! Bye.” Paalam ni Amary sa makulit na kaibigang si Amber Shireen.

Malawak ang ngiti sa labi ni Amary ng matapos ang tawagan nila ng kaibigan. Inimbitahan siya nitong kumain sa labas bukas at para makapag-bonding na rin sila sa tagal nilang hindi pagkikita.

Kaagad namang na wala ang ngiti sa labi ni Amary ng marinig niya ang malakas na kalampag ng pintuan, tumayo siya para tingnan ito at nakita niyang kakadating lang ng kaniyang asawa habang nakatingin ito sa kaniya ng masama, kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit.

Lumapit ito sa kaniya at kaagad na hinablot nito ang kaniyang siko. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sa mahigpit na pagkakahawak ng kaniya dahilan para mabitawan niya ang kaniyang cellphone.

“A-aray, Za—” Napatigil siya sa pagsasalita ng maalala niya na ayaw nitong tawagin niyang Zarchx.

“L-leon ano ba! N-nasasaktan ako...” Protesta niya dito at iwinaksi niya ito dahilan para mabitawan siya pero hindi nakaligtas sa mga kamay nito ang kaniyang panga.

“Fooling me in my fucking own place is the biggest mistake, woman.”

Ramdam niya ang pagdiin ng kamay nito sa kaniyang panga, halata sa mga mata nito ang galit. Amoy na amoy niya rin ang alak at mukha nga itong lasing na naman, hindi niya alam kung anong pinagsasabi nito.

Hinawakan niya ang kamay nito. “W-wala akong alam sa sinasabi mo,” Mangiyak-iyak siya sa sakit na nararamdaman.

“Hindi ako tanga, putangina Amary! Wag na wag mo akong ginagago! Sino ‘yong kausap mo?! Lalaki mo? Hindi nga ako nagkamali isa ka rin sa kaladkaring babae! How could I marry a fucking bitch?!” Sigaw nito sa mukha niya na ikinapikit niya dahil sa takot na nararamdaman niya.

Gusto niyang sabihin na ang kaibigan niyang si Amber ang kausap niya pero walang boses na lumabas sa kaniyang bibig, dahil ang sakit ng mga salitang binitawan nito sa kaniya na hindi naman totoo.

It's really hurt to heard a rude words from the man that you love the most. Mas minabuti niya na lang na manahimik dahil alam niyang magagalit ito lalo kapag na ngatwiran pa siya at sa huli hindi din naman naniniwala sa kaniya.

“Why don't you answer me, Bitch? Did you meet? How many times did you warm that asshole’s bed? Do he's good in—” Hindi naipagpatuloy ni Zarchx ang sasabihin nito ng malutong na sampal ang ibinigay sa kaniya ni Amary.

Hindi na natiis ng dalaga ang pang-iinulto sa kaniya ng binata. Takot siya dito pero nawala ang lahat ng takot niya sa katawan dahil sa mga pinagsasabi nito na wala namang katutuhanan.

“You don't have a right to insult me Leon! Weather you believe me or not, I'm just talking to my best friend. Wag mo akong itulad sa mga babaeng pinagsasawaan mo! Hindi ako pakawalang babae,” Matapang na sagot niya dito na may galit. Hindi niya pinansin ang masamang titig sa kaniya ng asawa.

Muli nitong hinablot ang braso niya at mahigpit ang pagkakawak nito pakiramdam niya ay mababale ang buto niya sa sobrang higpit nito.

“I’m not stupid Amary! Calling your best friend a babe? Fucking wow! What a disgusting excuses?! One fucking thing I assure you Amary,” Mas humigpit ang hawak nito sa kaniyang siko.

“I can kill your fucking men in front of you! I can kill you both! You fucking don't know how fucking evil I am. Fucking try me, Natashira Amary Fuentabilla.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status